Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Abril 28, 2014.
Ano ang nakatulong kay Jose para makaiwas sa pakikiapid sa asawa ni Potipar? (Gen. 39:7-12) [Mar. 3, w13 2/15 p. 4 par. 6; w07 10/15 p. 23 par. 16]
Ano ang matututuhan kay Jose ng mga dumaranas ng kawalang-katarungan at mga pagsubok? (Gen. 41:14, 39, 40) [Mar. 10, w04 1/15 p. 29 par. 6; w04 6/1 p. 20 par. 4]
Ano ang naging batayan ni Jose sa pagpapakita ng awa sa kaniyang mga kapatid? [Mar. 17, w99 1/1 p. 30 par. 6-7]
Paano tinupad ng tribo ni Benjamin ang hula sa Genesis 49:27? [Mar. 24, w12 1/1 p. 29, kahon]
Ano ang itinuturo sa atin ng Exodo 3:7-10 tungkol kay Jehova? [Mar. 31, w09 3/1 p. 15 par. 3-6]
Paano pinatunayan ni Jehova noong panahon ni Moises na karapat-dapat siya sa isang aspekto ng kahulugan ng kaniyang pangalan? (Ex. 3:14, 15) [Mar. 31, w13 3/15 p. 25 par. 5-6]
Ayon sa Exodo 7:1, paano ginawang “Diyos kay Paraon” si Moises? [Abr. 7, w04 3/15 p. 25 par. 7]
Kahit nasaksihan ng mga Israelita ang pagliligtas sa kanila ni Jehova mula sa Ehipto, ano ang naging saloobin nila nang maglaon? Ano ang matututuhan natin dito? (Ex. 14:30, 31) [Abr. 14, w12 3/15 p. 26 par. 8-10]
Bakit angkop na mailalarawan ng pananalitang ‘madala kayo sa mga pakpak ng mga agila’ ang maibiging pangangalaga ni Jehova sa bagong-silang na bansang Israel? (Ex. 19:4) [Abr. 28, w96 6/15 p. 10 par. 5–p. 11 par. 2]
Paano naglalapat ng “kaparusahan [si Jehova] . . . dahil sa kamalian ng mga ama” sa mga salinlahing darating? (Ex. 20:5) [Abr. 28, w04 3/15 p. 27 par. 1]