Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Oktubre 27, 2014.
Bakit nagreklamo ang mga Israelita laban sa Diyos at kay Moises gaya ng ulat sa Bilang 21:5, at anong babala ang ibinibigay nito sa atin? [Set. 1, w99 8/15 p. 26-27]
Bakit lumagablab ang galit ni Jehova laban kay Balaam? (Bil. 22:20-22) [Set. 8, w04 8/1 p. 27 par. 2]
Ano ang sinasabi sa atin ng Bilang 25:11 tungkol sa saloobin ni Pinehas, at paano natin siya matutularan? [Set. 8, w04 8/1 p. 27 par. 4]
Ano-anong mahusay na halimbawa ng kapakumbabaan ang ipinakita ni Moises para sa atin ngayon? (Bil. 27:5, 15-18) [Set. 15, w13 2/1 p. 5]
Paano pinatunayan nina Josue at Caleb na ang mga di-sakdal na tao ay matagumpay na makalalakad sa daan ng Diyos kahit sinasalansang? (Bil. 32:12) [Set. 22, w93 11/15 p. 14 par. 13]
Ano ang matututuhan ng walang-asawang mga Kristiyano sa pagiging masunurin ng mga anak ni Zelopehad? (Bil. 36:10-12) [Set. 29, w08 2/15 p. 4-5 par. 10]
Ano ang nangyari sa mga Israelita dahil sa kanilang pagiging reklamador at pagsasalita ng negatibo, at ano ang matututuhan natin dito? (Deut. 1:26-28, 34, 35) [Okt. 6, w13 8/15 p. 11 par. 7]
Para pagpalain ni Jehova at managana sa Lupang Pangako, anong dalawang pananagutan ang kailangang tuparin ng mga Israelita? (Deut. 4:9) [Okt. 13, w06 6/1 p. 29 par. 15]
Sa anong paraan hindi naluma ang mga damit ng mga Israelita at hindi namaga ang kanilang mga paa noong naglalakbay sila sa ilang? (Deut. 8:3, 4) [Okt. 20, w04 9/15 p. 26 par. 1]
Paano natin maikakapit ang payo sa mga Israelita na “mangunyapit” kay Jehova? (Deut. 13:4, 6-9) [Okt. 27, w02 10/15 p. 16 par. 14]