TIP SA PAG-AARAL
Ihanda ang Puso Mo
Kapag nag-aaral tayo ng Bibliya, gusto nating tumagos sa puso natin ang mga natututuhan natin tungkol kay Jehova. Gusto rin nating makaapekto ito sa mga iniisip natin, nararamdaman, o kagustuhan. Magandang halimbawa dito si Ezra. “Inihanda [niya] ang puso niya para sumangguni sa Kautusan ni Jehova.” (Ezra 7:10) Kaya paano natin maihahanda ang puso natin?
Manalangin. Gawin ito bago simulan ang bawat pag-aaral. Hilingin kay Jehova na tulungan kang maintindihan ang pinag-aaralan mo at maisabuhay ang mga natututuhan mo.—Awit 119:18, 34.
Maging mapagpakumbaba. Hindi ipinapaalám ng Diyos ang katotohanan sa mga mapagmataas at sa mga nag-iisip na hindi nila kailangan ang tulong niya kapag nag-aaral ng Bibliya. (Luc. 10:21) Huwag mag-aral para lang pahangain ang iba. At kapag may nakita kang kailangang baguhin sa sarili mo, maging mapagpakumbaba at gawin ang mga kinakailangang pagbabago.
Makinig ng Kingdom song. Nakakaapekto ang musika sa puso natin. Kaya kung makikinig ka ng musika bago mag-aral, tutulong ito sa iyo na makapagpokus kay Jehova at makatagos sa puso mo ang mga natututuhan mo.