Georgia
ANG paglaganap ng mensahe ng Kaharian sa Georgia ay angkop na inilarawan sa ilustrasyon ni Jesus tungkol sa itinagong lebadura. (Mat. 13:33) Gaya ng lebadura, hindi agad napapansin ang espirituwal na paglago, ngunit malapit nang lumaganap ang mensahe ng Kaharian at baguhin ang buhay ng marami.
Basahin ang buháy na buháy at nakagaganyak na kuwento ng pag-ibig, pananampalataya, katapatan, pagiging mapamaraan, at lakas ng loob na ipinakita ng mga lingkod ng Diyos sa Georgia kapuwa sa ‘kaayaayang kapanahunan at sa maligalig na kapanahunan.’—2 Tim. 4:2.