Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb17 p. 84-88
  • Maikling Impormasyon Tungkol sa Georgia

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maikling Impormasyon Tungkol sa Georgia
  • 2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb17 p. 84-88
Isang komunidad sa rehiyon ng Upper Svaneti ng Georgia

Upper Svaneti

GEORGIA

Maikling Impormasyon Tungkol sa Georgia

Isang lalaking may pasan na basket ng ubas; mga bungkos ng ubas

Nagdudulot ng kagalakan ang pag-aani ng ubas

Lupain Kilalá ang Georgia sa nagtataasang kabundukan na nababalot ng niyebe ang mga taluktok, na ang ilan ay mahigit 4,500 metro ang taas. Ang bansa ay nahahati sa dalawa—silangan at kanlurang Georgia, na bawat isa’y binubuo ng ilang rehiyon na may sariling klima, kaugalian, musika, sayaw, at pagkain.

Mamamayan Karamihan sa 3.7 milyong naninirahan dito ay mga etnikong Georgiano.

Relihiyon Ang karamihan ay nag-aangking kabilang sa relihiyong Kristiyanong Ortodokso. Mga 10 porsiyento ay Muslim.

Wika Walang kaugnayan ang wikang Georgiano sa anumang wika ng kalapit na mga bansa. Ipinakikita ng mga impormasyon tungkol sa kasaysayan na ang naiibang alpabetong Georgiano ay naimbento bago ang ating Karaniwang Panahon.

Kabuhayan Marami ang kumikita mula sa agrikultura. Kamakailan, malaki ang naitulong ng turismo sa ekonomiya ng Georgia.

Klima Katamtaman ang klima sa silangang bahagi ng bansa. Ang baybayin ng Black Sea, sa kanlurang Georgia, ay subtropikal ang klima, kung saan maraming namumungang prutas na sitrus.

Mga taong nag-aani ng ubas

Pag-aani ng ubas sa rehiyon ng Kakheti

Pagkain Tinapay ang pangunahing pagkain sa Georgia. Ang tradisyonal na tinapay ay niluluto sa pugon na yari sa luwad. Karaniwang ulam ang nilaga na may mga pampalasa at sariwang mga herb. Bahagi na ng kasaysayan ang paggawa ng alak. Ayon sa tradisyon, ang alak ay pinakakasim at inilalagay sa malalaking banga. Maraming pamilya ang may sariling ubasan at gumagawa ng alak. May mga 500 uri ng ubas sa Georgia.

Babaeng gumagawa ng tinapay

Paggawa ng tradisyonal na tinapay

LUPAIN (kilometro kuwadrado)

69,700

POPULASYON

3,720,400

MAMAMAHAYAG NOONG 2016

18,619

RATIO, 1 MAMAMAHAYAG SA BAWAT

200

DUMALO SA MEMORYAL NOONG 2016

32,216

Mapa ng Georgia
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share