Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mrt artikulo 36
  • Posible Ba ang Isang Patas na Sistema ng Ekonomiya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Posible Ba ang Isang Patas na Sistema ng Ekonomiya?
  • Iba Pang Paksa
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga problema sa ekonomiya na aalisin ng Diyos
  • Di-magtatagal, Wala Nang Magiging Dukha!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Malapit Na ang Wakas ng Karalitaan
    Gumising!—1998
  • Kahirapan
    Gumising!—2015
  • Sundan ang Halimbawa ni Jesus at Magmalasakit sa Mahihirap
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Iba Pang Paksa
mrt artikulo 36
Isang lalaking nakatayo sa tabi ng dikit-dikit at maliliit na bahay habang nakatanaw sa nagtataasang apartment.

Posible Ba ang Isang Patas na Sistema ng Ekonomiya?

Sa iba’t ibang bansa, maraming tao ang nagpoprotesta, dahil pakiramdam nila, hindi patas ang mga kalagayan sa ekonomiya. Mas lalo pang lumala ang mga problema dahil sa COVID-19 pandemic. Nagkaroon ng mga kaguluhan, kasi nakita ng mga tao ang malaking pagkakaiba ng mayaman at mahirap dahil sa mga lockdown, kakulangan sa suplay, at limitadong serbisyo sa pagpapagamot.

Matatapos pa kaya ang mga problema sa ekonomiya na nagpapahirap sa mga tao? Oo. Sinasabi ng Bibliya kung ano ang gagawin ng Diyos para alisin ang mga problemang ito.

Mga problema sa ekonomiya na aalisin ng Diyos

Problema: Hindi nakapagtatag ang mga tao ng isang sistema ng ekonomiya na makakapagbigay ng pangangailangan ng lahat.

Solusyon: Papalitan ng Diyos ang mga gobyerno ng tao ng sarili niyang gobyerno, ang Kaharian ng Diyos. Pamamahalaan nito ang buong lupa mula sa langit.—Daniel 2:44; Mateo 6:10.

Resulta: Perpektong mapapamahalaan ng Kaharian ng Diyos ang buong mundo. Hinding-hindi na maghihirap ang mga tao o mag-aalala kung paano sila makakaraos sa buhay. (Awit 9:7-9, 18) Sa halip, sila ang makikinabang sa mga pinagpaguran nila at magkakaroon sila ng sagana at masayang buhay kasama ng pamilya nila. Nangangako ang Bibliya: “Magtatayo sila ng mga bahay at titira sa mga iyon, at magtatanim sila ng ubas at kakainin ang bunga nito. Hindi sila magtatayo pero iba ang titira, at hindi sila magtatanim pero iba ang kakain.”—Isaias 65:21, 22.

Problema: Bahagi na ng buhay ng tao ang pagdurusa at kakapusan.

Solusyon: Aalisin ng Kaharian ng Diyos ang mga dahilan kung bakit takot at di-panatag ang mga tao.

Resulta: Sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos, hindi na mararanasan ng mga tao ang mga pangyayaring nagdudulot ng kakapusan sa kanila o sa pamilya nila. Halimbawa, hindi na magkakaroon ng digmaan, taggutom, at pandemic. (Awit 46:9; 72:16; Isaias 33:24) Sinabi ng Diyos: “Titira ang bayan ko sa mapayapang tahanan, sa ligtas na mga tirahan at tahimik na mga pahingahan.”—Isaias 32:18.

Problema: Ang mga tao ay kadalasan nang sinasamantala o dinadaya ng mga sakim at makasarili.

Solusyon: Matututo ang mga sakop ng Kaharian ng Diyos na magpakita ng tunay na pagmamahal at unahin ang kapakanan ng iba.—Mateo 22:37-39.

Resulta: Kapag namamahala na ang Kaharian ng Diyos, ang lahat ay magiging gaya ng Diyos na mapagmahal, na “hindi inuuna ang sariling kapakanan.” (1 Corinto 13:4, 5) Sinasabi ng Bibliya: “Hindi sila mananakit o maninira sa aking buong banal na bundok, dahil ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman tungkol kay Jehovaa gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.”—Isaias 11:9.

Ipinapakita ng Bibliya na nabubuhay na tayo sa mga huling araw ng sistemang ito. Malapit nang alisin ng Diyos ang lahat ng problema sa ekonomiya gaya ng ipinangako niya.b (Awit 12:5) Pero habang hindi pa nangyayari iyan, makakatulong ang mga prinsipyo sa Bibliya na makayanan mo ang mga problema sa ekonomiya ngayon. Halimbawa, tingnan ang mga artikulong “Paano Ka Makakapag-adjust Kapag Nabawasan ang Iyong Kita?” at “Balanseng Pananaw sa Pera.”

Mga maling akala tungkol sa Bibliya at ekonomiya

Maling akala: Hindi na mawawala ang kahirapan, kasi sinabi ni Jesus: “Lagi ninyong kasama ang mahihirap.”—Mateo 26:11.

Ang totoo: Sinasabi lang ni Jesus ang realidad na hangga’t may kawalang-katarungan sa mundo, laging may maghihirap. Pero mayroon siyang “mabuting balita sa mahihirap,” at kasama rito ang pangakong aalisin ng Kaharian ng Diyos ang kahirapan magpakailanman.—Lucas 4:18, 43.

Maling akala: Dapat na maging mahirap ang isa para mapasaya ang Diyos, kasi sabi ni Jesus: “Ipagbili mo ang mga pag-aari mo at ibigay mo sa mahihirap ang napagbilhan.”—Mateo 19:21.

Ang totoo: Hindi sinasabi ni Jesus dito kung paano dapat mamuhay ang mga tagasunod niya. Sinasabi lang niya sa isang lalaki na nakapokus sa kayamanan ang kailangan nitong gawin. Pinatibay ni Jesus ang lalaki na pasimplehin ang buhay nito at maging tagasunod niya.

Maling akala: Binibigyan ng Diyos ang mga tao ng kayamanan kapag pinagpapala niya sila, kasi sinasabi ng Bibliya: “Ang pagpapala ni Jehova ang nagpapayaman.”—Kawikaan 10:22.

Ang totoo: Sa Bibliya, ang “pagpapala ni Jehova” ay kadalasan nang tumutukoy sa espirituwal na kayamanan, gaya ng makabuluhang buhay, malapít na kaugnayan sa Diyos, at magandang kinabukasan. (Awit 25:14; Juan 17:3) Totoo, may mga lingkod ang Diyos na pinagpala niya ng kayamanan, pero karamihan sa mga Kristiyano ay hindi mayaman. (Genesis 24:34, 35; Santiago 2:5) Kahit si Jesu-Kristo, hindi naging mayaman.—Mateo 8:20.

Maling akala: Itinuturo ng Bibliya ang isang uri ng komunismo, kasi sinabi nito tungkol sa mga Kristiyano noong unang siglo: “Ang kanilang mga ari-arian ay itinuring na para sa lahat. Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian.”—Gawa 2:44, 45, Magandang Balita Biblia.

Ang totoo: Inilalarawan sa mga talatang ito ang pansamantalang kaayusan na ginawa para tulungan sa materyal ang mga bagong-bautisadong Kristiyano. Ang mga taong ito ay pumunta sa Jerusalem para dumalo sa Judiong kapistahan ng Pentecostes. (Gawa 2:5) Pero nang maging mga Kristiyano sila, hindi muna sila umalis ng Jerusalem para matuto pa nang higit tungkol sa bago nilang pananampalataya. Kaya para mailaan ang pagkain at matutuluyan ng mga bagong Kristiyanong ito, pinagsama-sama ng mga kapuwa nila Kristiyano kung ano ang mayroon sila para makatulong.—Gawa 2:41, 42, 46, 47.

a Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya.—Awit 83:18.

b Para malaman kung bakit ka makakapagtiwala sa Bibliya, tingnan ang artikulong “Ang Bibliya—Isang Aklat ng Katotohanan.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share