sinceLF/E+ via Getty Images
PATULOY NA MAGBANTAY!
Sino ang Magliligtas sa mga Inosente?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
Inireport ng United Nations:
Simula Oktubre 7 hanggang Oktubre 23, 2023, mahigit 6,400 na ang namatay at 15,200 ang nasugatan sa digmaan ng Gaza-Israel, at karamihan sa mga iyon ay mga inosente o sibilyan. Daan-daang libo rin ang napilitang lumikas.
Hanggang nitong Setyembre 24, 2023, nasa 9,701 na ang namatay at 17,748 ang nasugatan sa Ukraine dahil sa digmaan ng Russia at Ukraine.
May magandang kinabukasan ba na sinasabi ang Bibliya para sa mga apektado ng digmaan?
May pag-asa
Sinasabi ng Bibliya na ‘patitigilin ng Diyos ang mga digmaan sa buong lupa.’ (Awit 46:9) Papalitan ng kaniyang gobyerno, o kaharian, sa langit ang lahat ng gobyerno ng tao. (Daniel 2:44) Mawawala na ang lahat ng problema ng tao dahil sa Kaharian ng Diyos.
Tingnan ang mga gagawin ni Jesu-Kristo, ang Hari ng Kaharian ng Diyos:
“Ililigtas niya ang dukha na humihingi ng tulong, at ang hamak at ang sinumang walang katulong. Maaawa siya sa hamak at sa dukha, at ililigtas niya ang buhay ng mga dukha. Sasagipin niya sila mula sa pang-aapi at karahasan.”—Awit 72:12-14.
Gagamitin ng Diyos ang Kaharian niya para alisin ang lahat ng paghihirap at pagdurusang epekto ng digmaan at karahasan.
“Papahirin niya ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot. Ang dating mga bagay ay lumipas na.”—Apocalipsis 21:4.
Malapit nang kumilos ang Kaharian ng Diyos para ayusin ang lahat ng problema sa mundo. Natutupad na ang hula sa Bibliya na magkakaroon ng “mga digmaan at ng mga ulat ng digmaan.” (Mateo 24:6) Patunay ang mga ito at iba pang mga pangyayari sa mundo na nabubuhay na tayo sa “mga huling araw” ng pamamahala ng tao.—2 Timoteo 3:1.