Job
37 “Dahil nga rito ay nagsisimulang manginig ang aking puso,+
At iyon ay lumulukso mula sa kinaroroonan nito.
3 Sa silong ng buong langit ay pinawawalan niya ito,
At ang kaniyang kidlat+ ay hanggang sa mga dulo ng lupa.
4 Kasunod nito ay may ugong na dumadagundong;
Pinakukulog+ niya ang ugong ng kaniyang kadakilaan,+
At hindi niya pinipigilan ang mga iyon kapag naririnig ang kaniyang tinig.+
5 Pinakukulog ng Diyos ang kaniyang tinig+ sa kamangha-manghang paraan,
Gumagawa ng mga dakilang bagay na hindi natin matatalastas.+
6 Sapagkat sa niyebe ay sinasabi niya, ‘Lumagpak ka sa lupa,’+
At sa buhos ng ulan, sa buhos nga ng kaniyang malalakas na ulan.+
7 Ang kamay ng bawat makalupang tao ay tinatatakan niya
Upang malaman ng bawat taong mortal ang kaniyang gawa.
12 At ipinipihit iyon sa palibot kapag inuugitan niya sa kanilang pagkilos
Saanman niya utusan+ ang mga iyon sa ibabaw ng mabungang lupain ng lupa.
13 Maging ukol sa pamalo+ o ukol sa kaniyang lupain+
O ukol sa maibiging-kabaitan,+ pinapangyayari niyang iyon ay magkabisa.
15 Alam mo ba kung kailan itinalaga ng Diyos ang mga iyon,+
At kung kailan niya pinasikat ang liwanag ng kaniyang ulap?
16 Alam mo ba ang tungkol sa pagkakabitin ng ulap,+
Ang mga kamangha-manghang gawa ng Isa na sakdal sa kaalaman?+
17 Kung paanong ang iyong mga kasuutan ay mainit
Kapag ang lupa ay kakikitaan ng katahimikan mula sa timog?+
19 Ipaalam mo sa amin kung ano ang dapat naming sabihin sa kaniya;
Hindi kami makapag-ayos ng mga salita dahil sa kadiliman.
20 Dapat bang saysayin sa kaniya na ako ay magsasalita?
O may tao bang nagsabi anupat iyon ay ipatatalastas?+
21 At ngayon ay talagang hindi nila nakikita ang liwanag;
Iyon ay maningning sa kalangitan,
Kapag may hanging dumaan at nilinis nito ang mga iyon.
22 Mula sa hilaga ay nanggagaling ang ginintuang karilagan.
Sa Diyos ang karingalan+ ay kakila-kilabot.