Awit
ל [Lamed]
2 Sa kaniyang kapalaluan ay mainitang tinutugis ng balakyot ang napipighati;+
Nahuhuli sila ng mga kaisipan na kanilang pinag-isipan.+
3 Sapagkat pinupuri ng balakyot ang kaniyang sarili dahil sa makasariling hangarin ng kaniyang kaluluwa,+
At pinagpapala niyaong kumikita ng labis na pakinabang+ ang kaniyang sarili;
נ [Nun]
Winalang-galang niya si Jehova.+
4 Ang balakyot ay hindi nagsasaliksik+ dahil sa kaniyang matayog na kapalaluan;
Ang buo niyang kaisipan ay: “Walang Diyos.”+
5 Ang kaniyang mga lakad ay patuloy na umuunlad sa lahat ng panahon.+
Ang iyong mga hudisyal na pasiya ay matataas at hindi niya maabot;+
Kung tungkol sa lahat niyaong napopoot sa kaniya, sinisinghalan niya sila.+
6 Sinabi niya sa kaniyang puso: “Hindi ako makikilos;+
Sa sali’t salinlahi ay hindi ako malalagay sa kapahamakan.”+
פ [Pe]
7 Ang kaniyang bibig ay punô ng mga sumpa at ng mga panlilinlang at ng paniniil.+
Sa ilalim ng kaniyang dila ay kabagabagan at bagay na nakasasakit.+
8 Umuupo siya sa pagtambang sa mga pamayanan;
Mula sa mga kubling dako ay papatay siya ng isang sawi.+
ע [Ayin]
Ang kaniyang mga mata ay nakabantay sa isang naghihikahos.+
9 Lagi siyang nag-aabang sa kubling dako tulad ng leon sa kublihan nito.+
Lagi siyang nag-aabang+ upang sapilitang tangayin ang napipighati.
Sapilitan niyang tinatangay ang napipighati kapag ikinukubkob niya ang kaniyang lambat.+
10 Siya ay nasisiil, siya ay yumuyukod,
At ang hukbo ng mga nalulumbay ay nahuhulog sa kaniyang malalakas na kuko.+
11 Sinabi niya sa kaniyang puso:+ “Nakalimot ang Diyos.+
Ikinubli niya ang kaniyang mukha.+
Tiyak na hindi na niya iyon makikita.”+
ק [Kop]
12 Bumangon ka,+ O Jehova. O Diyos, itaas mo ang iyong kamay.+
Huwag mong limutin ang mga napipighati.+
13 Bakit winalang-galang ng balakyot ang Diyos?+
Sinabi niya sa kaniyang puso: “Hindi ka hihingi ng pagsusulit.”+
ר [Res]
14 Sapagkat ikaw mismo ay nakakita ng kabagabagan at kaligaligan.
Nagmamasid ka, upang ang mga iyon ay mapasaiyong kamay.+
Sa iyo ipinagkakatiwala ng isang sawi,+ ng batang lalaking walang ama, ang kaniyang sarili.
Ikaw naman ang naging kaniyang katulong.+
ש [Shin]
15 Baliin mo ang bisig ng isang balakyot at masama.+
Hanapin mo nawa ang kaniyang kabalakyutan hanggang sa wala ka nang masumpungan.+
16 Si Jehova ang Hari hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+
Ang mga bansa ay nalipol mula sa kaniyang lupain.+
ת [Taw]