Awit
Sa tagapangasiwa ng Mut-laben. Awitin ni David.
א [Alep]
9 Pupurihin kita, O Jehova, nang aking buong puso;+
Ipahahayag ko ang lahat ng iyong mga kamangha-manghang gawa.+
ב [Bet]
4 Sapagkat isinagawa mo ang aking kahatulan at ang aking usapin;+
Ikaw ay umupo sa trono na humahatol taglay ang katuwiran.+
ג [Gimel]
5 Sinaway mo ang mga bansa,+ pinuksa mo ang balakyot.+
Pinawi mo ang kanilang pangalan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+
6 O ikaw na kaaway, ang iyong mga pagkatiwangwang ay dumating na sa kanilang walang-hanggang katapusan,+
At ang mga lunsod na iyong binunot.+
Ang mismong pagbanggit sa kanila ay tiyak na maglalaho.+
ה [He]
7 Kung tungkol kay Jehova, siya ay uupo hanggang sa panahong walang takda,+
Na itinatatag nang matibay ang kaniyang trono para sa kahatulan.+
8 At hahatulan niya sa katuwiran ang mabungang lupain;+
Lilitisin niya sa katapatan ang mga liping pambansa.+
ו [Waw]
9 At si Jehova ay magiging matibay na kaitaasan para sa sinumang nasisiil,+
Isang matibay na kaitaasan sa mga panahon ng kabagabagan.+
10 At yaong mga nakaaalam ng iyong pangalan ay magtitiwala sa iyo,+
Sapagkat tiyak na hindi mo iiwan yaong mga humahanap sa iyo, O Jehova.+
ז [Zayin]
11 Umawit kayo kay Jehova, na siyang tumatahan sa Sion;+
Sabihin ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa.+
12 Sapagkat, kapag naghahanap ng pagbububo ng dugo,+ aalalahanin nga niya ang mga iyon;+
Tiyak na hindi niya lilimutin ang daing ng mga napipighati.+
ח [Ket]
13 Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Jehova; tingnan mo ang aking kapighatian dahil sa mga napopoot sa akin,+
O ikaw na nag-aahon sa akin mula sa mga pintuang-daan ng kamatayan,+
14 Upang maipahayag ko ang lahat ng iyong mga gawang kapuri-puri+
ט [Tet]
15 Ang mga bansa ay lumubog sa hukay na kanilang ginawa;+
Sa lambat+ na kanilang itinago, ang kanilang sariling paa ang nahuli.+
16 Si Jehova ay kilala sa kahatulang kaniyang inilapat.+
Sa gawa ng kaniyang mga kamay ay nasilo ang balakyot.+
Higayon. Selah.
י [Yod]
17 Ang mga taong balakyot+ ay babalik sa Sheol,+
Maging ang lahat ng mga bansang lumilimot sa Diyos.+
כ [Kap]