Awit
Awit ng mga Pagsampa.
132 Alalahanin mo, O Jehova, tungkol kay David+
Ang lahat ng kaniyang kahihiyan;+
3 “Hindi ako papasok sa tolda ng aking bahay.+
Hindi ako sasampa sa kama ng aking maringal na higaan,+
4 Hindi ako magbibigay ng tulog sa aking mga mata,+
Ni ng idlip man sa aking nagniningning na mga mata,+
5 Hanggang sa makasumpong ako ng dako para kay Jehova,+
Isang maringal na tabernakulo para sa Makapangyarihan ng Jacob.”+
9 Maramtan nawa ng katuwiran ang iyong mga saserdote,+
At humiyaw nawa nang may kagalakan ang iyong mga matapat.+
11 Si Jehova ay sumumpa kay David,+
Tunay na hindi niya ito uurungan:+
“Mula sa bunga ng iyong tiyan+
Ang ilalagay ko sa iyong trono.+
12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan+
At ang aking mga paalaalang ituturo ko sa kanila,+
Ang kanilang mga anak din ay magpakailanman+
Na uupo sa iyong trono.”+
13 Sapagkat pinili ni Jehova ang Sion;+
Pinanabikan niya iyon bilang tahanan para sa kaniyang sarili:+
14 “Ito ang aking pahingahang-dako magpakailanman;+
Dito ako tatahan, sapagkat ito ay pinanabikan ko.+
15 Ang mga panustos nito ay walang pagsalang pagpapalain ko.+
Ang kaniyang mga dukha ay bubusugin ko ng tinapay.+