Awit
Isang miktam ni David.
16 Ingatan mo ako, O Diyos, sapagkat nanganganlong ako sa iyo.+
2 Sinabi ko kay Jehova: “Ikaw ay si Jehova; ang aking kabutihan ay, hindi alang-alang sa iyo,+
3 Kundi para sa mga banal na nasa lupa.
Nasa kanila, sa mariringal nga, ang aking buong kaluguran.”+
4 Ang mga kirot ay dumarami sa kanila na kapag may iba pa ay nagmamadaling sumunod sa kaniya.+
Hindi ko ibubuhos ang kanilang mga inuming handog na dugo,+
At hindi ko sasambitin ang mga pangalan nila sa aking mga labi.+
5 Si Jehova ang sukat ng aking takdang bahagi+ at ng aking kopa.+
Hinahawakan mong mahigpit ang aking kahinatnan.
6 Ang mga pising panukat ay nahulog para sa akin sa mga kaiga-igayang dako.+
Tunay ngang ang sarili kong pag-aari ay naging kaayaaya sa akin.
7 Pagpapalain ko si Jehova, na nagpapayo sa akin.+
Tunay nga, kapag gabi ay itinutuwid ako ng aking mga bato.+
8 Lagi kong inilalagay si Jehova sa harap ko.+
Sa dahilang siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos.+
9 Kaya nagsasaya ang aking puso, at ang aking kaluwalhatian ay nagnanais na magalak.+
Gayundin, ang aking sariling laman ay tatahang tiwasay.+