Awit
Sa tagapangasiwa. Maskil. Ni David, nang si Doeg na Edomita ay dumating at magsaysay kay Saul at magsabi sa kaniya na si David ay pumaroon sa bahay ni Ahimelec.+
52 Bakit mo ipinaghahambog ang kasamaan, O ikaw na makapangyarihan?+
Ang maibiging-kabaitan ng Diyos ay buong araw.+
2 Mga kapighatian ang ipinapanukala ng iyong dila, na pinatalas na gaya ng labaha,+
Na gumagawa nang may panlilinlang.+
3 Inibig mo ang kasamaan nang higit kaysa sa kabutihan,+
Ang kabulaanan kaysa sa pagsasalita ng katuwiran.+ Selah.
5 Ibabagsak ka rin ng Diyos magpakailanman;+
Ilulugmok ka niya at ihihiwalay ka niya mula sa iyong tolda,+
At bubunutin ka nga niya mula sa lupain ng mga buháy.+ Selah.
7 Narito ang matipunong lalaki na hindi ginagawang kaniyang tanggulan ang Diyos,+
Kundi nagtitiwala sa kasaganaan ng kaniyang kayamanan,+
Na sumisilong sa mga kapighatiang dulot niya.+