Awit
Sa tagapangasiwa. Awitin ni David. Nang pumaroon sa kaniya si Natan na propeta pagkatapos niyang sipingan si Bat-sheba.+
51 Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Diyos, ayon sa iyong maibiging-kabaitan.+
Ayon sa kasaganaan ng iyong kaawaan ay pawiin mo ang aking mga pagsalansang.+
4 Laban sa iyo, sa iyo lamang, ako ay nagkasala,+
At ang masama sa iyong paningin ay nagawa ko,+
Upang mapatunayan kang matuwid kapag nagsasalita ka,+
Nang sa gayon ay mapatunayan kang malinis kapag humahatol ka.+
5 Narito! Sa kamalian ay iniluwal ako na may mga kirot ng panganganak,+
At sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina.+
6 Narito! Ikaw ay nalulugod sa pagkamatapat sa mga panloob na bahagi;+
At sa lihim na pagkatao ay ipaalam mo nawa sa akin ang tunay na karunungan.+
7 Dalisayin mo nawa ako mula sa kasalanan sa pamamagitan ng isopo, upang ako ay maging malinis;+
Hugasan mo nawa ako, upang ako ay maging mas maputi pa sa niyebe.+
8 Iparinig mo nawa sa akin ang pagbubunyi at pagsasaya,+
Upang ang mga butong dinurog mo ay magalak.+
10 Likhain mo sa akin ang isang dalisay na puso, O Diyos,+
At maglagay ka sa loob ko ng isang bagong espiritu, yaong matatag.+
11 Huwag mo akong itaboy mula sa iyong harapan;+
At ang iyong banal na espiritu ay huwag mo sanang alisin sa akin.+
12 Isauli mo sa akin ang pagbubunyi sa iyong pagliligtas,+
At alalayan mo nawa ako ng isang nagkukusang espiritu.+
13 Ituturo ko sa mga mananalansang ang iyong mga daan,+
Upang ang mga makasalanan ay agad na manumbalik sa iyo.+
14 Iligtas mo ako mula sa pagkakasala sa dugo,+ O Diyos na Diyos ng aking kaligtasan,+
Upang ang aking dila ay may kagalakang makapagpahayag ng tungkol sa iyong katuwiran.+
15 O Jehova, ibuka mo nawa ang mga labi kong ito,+
Upang ang aking bibig ay makapagpahayag ng iyong kapurihan.+
16 Sapagkat hindi ka nalulugod sa hain—kung gayon ay ibinigay ko sana;+
Hindi ka nasisiyahan sa buong handog na sinusunog.+
17 Ang mga hain sa Diyos ay isang wasak na espiritu;+
Ang pusong wasak at durog, O Diyos, ay hindi mo hahamakin.+