Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 11
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

Nilalaman ng Deuteronomio

      • Nakita ninyo ang kadakilaan ni Jehova (1-7)

      • Lupang Pangako (8-12)

      • Mga pagpapala ng pagsunod (13-17)

      • Itanim sa puso ang mga sinabi ng Diyos (18-25)

      • “Pagpapala o sumpa” (26-32)

Deuteronomio 11:1

Marginal Reference

  • +Deu 6:5; 10:12; Mar 12:30

Deuteronomio 11:2

Marginal Reference

  • +Deu 8:5; Heb 12:6
  • +Deu 5:24; 9:26
  • +Exo 13:3

Deuteronomio 11:3

Marginal Reference

  • +Deu 4:34

Deuteronomio 11:4

Talababa

  • *

    O “karong.”

Marginal Reference

  • +Exo 14:23, 28; Heb 11:29

Deuteronomio 11:5

Talababa

  • *

    O “ginawa niya sa inyo.”

Deuteronomio 11:6

Marginal Reference

  • +Bil 16:1, 32

Deuteronomio 11:9

Talababa

  • *

    Lit., “binhi.”

Marginal Reference

  • +Deu 4:40; Kaw 3:1, 2
  • +Gen 13:14, 15; 26:3; 28:13
  • +Exo 3:8; Eze 20:6

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 985

    Ang Bantayan,

    8/1/2007, p. 29

Deuteronomio 11:10

Talababa

  • *

    O “at nagpapatubig sa lupain gamit ang paa” o paggamit ng paa para mapaandar ang gulong na panalok ng tubig (waterwheel) o para gumawa o magbukas ng mga kanal ng tubig.

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 652, 903

Deuteronomio 11:11

Marginal Reference

  • +Deu 1:7
  • +Deu 8:7

Deuteronomio 11:12

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Ang Bantayan,

    8/1/2007, p. 29

Deuteronomio 11:13

Talababa

  • *

    Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Marginal Reference

  • +Deu 4:29; 6:5; 10:12; Mat 22:37

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 1377

Deuteronomio 11:14

Marginal Reference

  • +Lev 26:4; Deu 8:7-9; 28:12; Jer 14:22

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 57

Deuteronomio 11:15

Marginal Reference

  • +Deu 8:10

Deuteronomio 11:16

Marginal Reference

  • +Deu 8:19; 29:18; Heb 3:12

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Ang Bantayan (Pag-aaral),

    6/2019, p. 3-4

Deuteronomio 11:17

Marginal Reference

  • +Deu 28:15, 23; 1Ha 8:35, 36; 2Cr 7:13, 14
  • +Deu 8:19

Deuteronomio 11:18

Talababa

  • *

    Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

  • *

    Lit., “at sa pagitan ng inyong mga mata.”

Marginal Reference

  • +Kaw 7:1-3

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, p. 825-826, 1385

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 1174

    Apocalipsis Kasukdulan Nito, p. 197

    Ang Bantayan,

    6/1/1998, p. 20

    Kaligayahan sa Pamilya, p. 70-71

Deuteronomio 11:19

Marginal Reference

  • +Deu 6:6-9; Kaw 22:6; Efe 6:4

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Ang Bantayan (Pag-aaral),

    3/2023, p. 21-23

    Kaligayahan sa Pamilya, p. 70-71

    Ang Bantayan,

    5/1/1995, p. 10

    Mabuhay Magpakailanman, p. 245

Deuteronomio 11:20

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 2, p. 389

Deuteronomio 11:21

Marginal Reference

  • +Deu 4:40; Kaw 4:10
  • +Gen 13:14, 15

Deuteronomio 11:22

Marginal Reference

  • +Deu 6:5; Luc 10:27
  • +Deu 10:20; 13:4; Jos 22:5

Deuteronomio 11:23

Marginal Reference

  • +Exo 23:28; Jos 3:10
  • +Deu 7:1; 9:1, 5

Deuteronomio 11:24

Talababa

  • *

    Malaking Dagat, ang Mediteraneo.

Marginal Reference

  • +Jos 14:9
  • +Gen 15:18; Exo 23:31

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, p. 172, 258

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 518-519

Deuteronomio 11:25

Marginal Reference

  • +Deu 7:24; Jos 1:5
  • +Exo 23:27; Jos 2:9, 10; 5:1

Deuteronomio 11:26

Marginal Reference

  • +Deu 30:15

Deuteronomio 11:27

Marginal Reference

  • +Deu 28:1, 2; Aw 19:8, 11

Deuteronomio 11:28

Marginal Reference

  • +Lev 26:15, 16; Isa 1:20

Deuteronomio 11:29

Marginal Reference

  • +Deu 27:12, 13; Jos 8:33, 34

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 626-627, 818-819

Deuteronomio 11:30

Talababa

  • *

    O “lubugan ng araw.”

Marginal Reference

  • +Gen 12:6

Mga Indise

  • Tulong sa Pag-aaral

    Kaunawaan, Tomo 1, p. 833

Deuteronomio 11:31

Marginal Reference

  • +Jos 1:11

Deuteronomio 11:32

Marginal Reference

  • +Deu 5:32; 12:32

Ibang Salin

I-click ang numero ng talata para makita ang ibang salin.

Iba Pa

Deut. 11:1Deu 6:5; 10:12; Mar 12:30
Deut. 11:2Deu 8:5; Heb 12:6
Deut. 11:2Deu 5:24; 9:26
Deut. 11:2Exo 13:3
Deut. 11:3Deu 4:34
Deut. 11:4Exo 14:23, 28; Heb 11:29
Deut. 11:6Bil 16:1, 32
Deut. 11:9Deu 4:40; Kaw 3:1, 2
Deut. 11:9Gen 13:14, 15; 26:3; 28:13
Deut. 11:9Exo 3:8; Eze 20:6
Deut. 11:11Deu 1:7
Deut. 11:11Deu 8:7
Deut. 11:13Deu 4:29; 6:5; 10:12; Mat 22:37
Deut. 11:14Lev 26:4; Deu 8:7-9; 28:12; Jer 14:22
Deut. 11:15Deu 8:10
Deut. 11:16Deu 8:19; 29:18; Heb 3:12
Deut. 11:17Deu 28:15, 23; 1Ha 8:35, 36; 2Cr 7:13, 14
Deut. 11:17Deu 8:19
Deut. 11:18Kaw 7:1-3
Deut. 11:19Deu 6:6-9; Kaw 22:6; Efe 6:4
Deut. 11:21Deu 4:40; Kaw 4:10
Deut. 11:21Gen 13:14, 15
Deut. 11:22Deu 6:5; Luc 10:27
Deut. 11:22Deu 10:20; 13:4; Jos 22:5
Deut. 11:23Exo 23:28; Jos 3:10
Deut. 11:23Deu 7:1; 9:1, 5
Deut. 11:24Jos 14:9
Deut. 11:24Gen 15:18; Exo 23:31
Deut. 11:25Deu 7:24; Jos 1:5
Deut. 11:25Exo 23:27; Jos 2:9, 10; 5:1
Deut. 11:26Deu 30:15
Deut. 11:27Deu 28:1, 2; Aw 19:8, 11
Deut. 11:28Lev 26:15, 16; Isa 1:20
Deut. 11:29Deu 27:12, 13; Jos 8:33, 34
Deut. 11:30Gen 12:6
Deut. 11:31Jos 1:11
Deut. 11:32Deu 5:32; 12:32
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
  • Basahin sa Bibliya Para sa Pag-aaral (nwtsty)
  • Basahin sa Bagong Sanlibutang Salin (bi12)
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
  • 6
  • 7
  • 8
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • 20
  • 21
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • 27
  • 28
  • 29
  • 30
  • 31
  • 32
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Deuteronomio 11:1-32

Deuteronomio

11 “Ibigin ninyo ang Diyos ninyong si Jehova+ at laging tuparin ang obligasyon ninyo sa kaniya at laging sundin ang kaniyang mga batas, hudisyal na pasiya, at utos. 2 Alam ninyo na kayo ang kinakausap ko ngayon; hindi ang mga anak ninyo ang kinakausap ko dahil hindi nila alam o nakita ang pagdidisiplina ng Diyos ninyong si Jehova,+ ang kaniyang kadakilaan,+ makapangyarihang kamay,+ at unat na bisig. 3 Hindi nila nakita ang mga tanda at iba pang ginawa niya sa Ehipto, sa Paraon na hari ng Ehipto at sa buong lupain nito,+ 4 o ang ginawa niya sa mga hukbo ng Ehipto, sa mga kabayo at karwaheng* pandigma ng Paraon, na nilamon ng tubig ng Dagat na Pula noong hinahabol nila kayo; lubusan silang pinuksa ni Jehova.+ 5 Hindi nila nakita ang ginawa niya para sa inyo* sa ilang hanggang sa makarating kayo sa lugar na ito, 6 o ang ginawa niya kina Datan at Abiram, na mga anak ni Eliab na anak ni Ruben, noong bumuka ang lupa at lamunin sila nito sa harap ng buong Israel, pati ang mga sambahayan at tolda nila at bawat nabubuhay na nilikha na sumunod sa kanila.+ 7 Kayo ang nakakita sa lahat ng kamangha-manghang bagay na ginawa ni Jehova.

8 “Sundin ninyo ang buong kautusan na ibinibigay ko sa inyo ngayon para lumakas kayo at makuha ang lupaing pupuntahan ninyo, 9 at para mabuhay kayo nang mahaba+ sa lupaing ipinangako ni Jehova na ibibigay niya sa inyong mga ninuno at supling* nila,+ isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+

10 “Ang lupaing magiging pag-aari ninyo ay hindi gaya ng Ehipto na pinanggalingan ninyo, kung saan kayo naghahasik ng binhi at nagpapakahirap na diligan ang lupain,* na gaya ng taniman ng mga gulay. 11 Ang lupaing pupuntahan ninyo at magiging pag-aari ay isang lupain na maraming bundok at kapatagan.+ Ang ulan mula sa langit ang dumidilig doon;+ 12 pinangangalagaan iyon ng Diyos ninyong si Jehova. Binabantayan iyon ng Diyos ninyong si Jehova, mula sa pasimula ng taon hanggang sa pagtatapos nito.

13 “Kung masikap ninyong susundin ang mga utos ko na ibinibigay ko sa inyo ngayon at iibigin ninyo ang Diyos ninyong si Jehova at paglilingkuran siya nang inyong buong puso at kaluluwa,*+ 14 magpapaulan ako sa lupain ninyo sa takdang panahon nito, sa taglagas at sa tagsibol, at magtitipon kayo ng mga butil, bagong alak, at langis.+ 15 At magpapatubo ako ng pananim sa mga bukid ninyo para sa mga alaga ninyong hayop, at kakain kayo at mabubusog.+ 16 Bantayan ninyo ang inyong sarili para hindi matuksong lumihis ang puso ninyo at sa gayon ay sumamba kayo at yumukod sa ibang mga diyos.+ 17 Dahil kung hindi, lalagablab ang galit ni Jehova, at sasarhan niya ang langit para hindi umulan+ at hindi mamunga ang lupa, at agad kayong malilipol sa magandang lupain na ibinibigay sa inyo ni Jehova.+

18 “Ang mga sinabi ko ay itanim ninyo sa inyong puso at kaluluwa,* at lagi ninyo itong alalahanin na para bang nakatali ito sa inyong kamay at sa inyong noo.*+ 19 Ituro ninyo ito sa mga anak ninyo; kausapin ninyo sila tungkol dito kapag nakaupo kayo sa inyong bahay, kapag naglalakad sa daan, kapag nakahiga, at kapag bumabangon.+ 20 Isulat ninyo ito sa mga poste ng pinto ng inyong bahay at sa mga pintuang-daan, 21 para kayo at ang mga anak ninyo ay mabuhay nang mahaba+ sa lupaing ipinangako ni Jehova sa mga ninuno ninyo,+ hangga’t ang langit ay nasa ibabaw ng lupa.

22 “Kung masikap ninyong tutuparin at susundin ang utos na ito na ibinibigay ko sa inyo, na ibigin ang Diyos ninyong si Jehova+ at lumakad sa lahat ng daan niya at mangunyapit sa kaniya,+ 23 palalayasin ni Jehova ang lahat ng bansang ito sa harap ninyo,+ at itataboy ninyo ang mga bansang mas malalakas at mas malalaki kaysa sa inyo.+ 24 Magiging inyo ang lahat ng lupaing lalakaran ninyo.+ Ang magiging hangganan ninyo ay mula sa ilang hanggang sa Lebanon, mula sa Ilog, ang Eufrates, hanggang sa kanluraning dagat.*+ 25 Walang makakatalo sa inyo.+ Manghihilakbot at matatakot sa inyo ang mga tao sa lahat ng lupaing lalakaran ninyo dahil sa Diyos ninyong si Jehova,+ gaya ng ipinangako niya sa inyo.

26 “Ngayon, binibigyan ko kayo ng pagpipilian—pagpapala o sumpa:+ 27 pagpapala, kung susundin ninyo ang mga utos ng Diyos ninyong si Jehova na ibinibigay ko sa inyo ngayon,+ 28 at sumpa, kung hindi ninyo susundin ang mga utos ng Diyos ninyong si Jehova+ at lilihis kayo mula sa daan na iniuutos kong lakaran ninyo at susunod kayo sa mga diyos na hindi ninyo kilala.

29 “Kapag dinala na kayo ng Diyos ninyong si Jehova sa lupaing magiging pag-aari ninyo, bigkasin ninyo ang pagpapala sa Bundok Gerizim at ang sumpa sa Bundok Ebal.+ 30 Hindi ba ang mga ito ay nasa kabilang panig ng Jordan sa kanluran,* sa lupain ng mga Canaanita na nakatira sa Araba, sa tapat ng Gilgal, sa tabi ng malalaking puno ng More?+ 31 Dahil tatawirin ninyo ang Jordan para pasukin at kunin ang lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova.+ Kapag nakuha na ninyo ito at nakatira na kayo rito, 32 tiyakin ninyo na masusunod ninyo ang lahat ng tuntunin at hudisyal na pasiya na inihaharap ko sa inyo ngayon.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share