17 “Ubos na ang lakas ko, pati ang mga araw ko;
Hinihintay na ako ng libingan.+
2 Pinapalibutan ako ng mga manlalait,+
At kitang-kita ko ang pagiging mapaghimagsik nila.
3 Pakisuyo, tanggapin mo ang panagot ko at itago mo ito.
Sino pa nga ba ang makikipagkamay sa akin at mangangako ng suporta sa akin?+
4 Dahil ipinagkait mo ang kaunawaan sa puso nila;+
Kaya hindi mo sila itinataas.
5 Nag-aalok sila sa mga kaibigan nila
Samantalang nanlalabo ang mata ng mga anak nila dahil sa gutom.
6 Ginawa niya akong tampulan ng panlalait ng mga bayan,+
At dinuduraan nila ako sa mukha.+
7 Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa paghihirap,+
At lahat ng biyas ko ay parang anino na lang.
8 Ang mga matuwid ay napapatitig dito sa pagkamangha,
At ang inosente ay nababagabag dahil sa di-makadiyos.
9 Ang matuwid ay patuloy na gumagawa ng tama,+
At ang walang-sala ay lalong lumalakas.+
10 Pero ituloy ninyo ang mga argumento ninyo,
Dahil wala pa akong nakikitang marunong sa inyo.+
11 Tapos na ang mga araw ko;+
Nasira na ang mga plano ko, ang mga naisin ng puso ko.+
12 Lagi nilang ginagawang araw ang gabi,
At sinasabi nila, ‘Malapit nang magliwanag dahil madilim na.’
13 Kaunting paghihintay na lang at magiging tahanan ko na ang Libingan;+
Ilalatag ko ang higaan ko sa kadiliman.+
14 Sasabihin ko sa hukay,+ ‘Ikaw ang ama ko!’
Sa uod, ‘Ikaw ang ina at kapatid ko!’
15 Kaya nasaan ang pag-asa ko?+
Sino ang nakakakita ng pag-asa para sa akin?
16 Bababa iyon sa Libingan
Kapag magkasama kaming bumalik sa alabok.”+