Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 6:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At nagpakita ako noon kay Abraham,+ kay Isaac+ at kay Jacob+ bilang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat,+ ngunit may kinalaman sa aking pangalang Jehova+ ay hindi ako nagpakilala+ sa kanila.

  • Exodo 33:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 At isinusog niya: “Hindi mo maaaring makita ang aking mukha, sapagkat walang tao ang makakakita sa akin at mabubuhay pa.”+

  • Deuteronomio 6:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 “Pakinggan mo, O Israel: Si Jehova na ating Diyos ay iisang Jehova.+

  • Marcos 10:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti?+ Walang sinumang mabuti, maliban sa isa, ang Diyos.+

  • Juan 4:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Ang Diyos ay Espiritu,+ at yaong mga sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa espiritu at katotohanan.”+

  • Roma 1:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Sapagkat ang kaniyang di-nakikitang+ mga katangian ay malinaw na nakikita mula pa sa pagkalalang ng sanlibutan,+ sapagkat napag-uunawa ang mga ito sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa,+ maging ang kaniyang walang-hanggang kapangyarihan+ at pagka-Diyos,+ anupat wala silang maidadahilan;+

  • 1 Corinto 8:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ngayon may kinalaman sa pagkain+ ng mga pagkaing inihandog sa mga idolo, alam natin na ang isang idolo ay walang anuman+ sa sanlibutan, at na walang Diyos maliban sa isa.+

  • 1 Timoteo 1:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 ayon sa maluwalhating mabuting balita ng maligayang+ Diyos, na ipinagkatiwala sa akin.+

  • 1 Timoteo 2:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Sapagkat may isang Diyos,+ at isang tagapamagitan+ sa Diyos+ at sa mga tao,+ isang tao, si Kristo Jesus,+

  • Hebreo 9:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Sapagkat si Kristo ay pumasok, hindi sa isang dakong banal na ginawa ng mga kamay,+ na isang kopya ng katunayan,+ kundi sa langit mismo,+ upang ngayon ay humarap sa mismong persona ng Diyos para sa atin.+

  • 1 Juan 4:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 At atin mismong nakilala at pinaniwalaan ang pag-ibig+ na taglay ng Diyos may kaugnayan sa atin.

      Ang Diyos ay pag-ibig,+ at siya na nananatili sa pag-ibig+ ay nananatiling kaisa ng Diyos at ang Diyos ay nananatiling kaisa+ niya.

  • Apocalipsis 4:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At kung tungkol sa apat na nilalang na buháy,+ ang bawat isa sa kanila ay may tig-aanim na pakpak;+ sa palibot at sa ilalim ay punô sila ng mga mata.+ At wala silang pahinga araw at gabi habang kanilang sinasabi: “Banal, banal, banal ang Diyos na Jehova,+ ang Makapangyarihan-sa-lahat,+ ang nakaraan at ang ngayon+ at ang darating.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share