1 Juan
4 Mga minamahal, huwag ninyong paniwalaan ang bawat kinasihang kapahayagan,+ kundi subukin ang mga kinasihang kapahayagan upang makita kung ang mga ito ay nagmumula sa Diyos,+ sapagkat maraming bulaang propeta ang humayo sa sanlibutan.+
2 Kayo ay nagtatamo ng kaalaman sa kinasihang kapahayagan mula sa Diyos+ sa pamamagitan nito: Bawat kinasihang kapahayagan na nagpapahayag na si Jesu-Kristo ay dumating sa laman ay nagmumula sa Diyos,+ 3 ngunit bawat kinasihang kapahayagan na hindi nagpapahayag tungkol kay Jesus ay hindi nagmumula sa Diyos.+ Karagdagan pa, ito ang kinasihang kapahayagan ng antikristo na inyong narinig na darating,+ at ito ngayon ay nasa sanlibutan na.+
4 Kayo ay nagmumula sa Diyos, mumunting mga anak, at dinaig ninyo ang mga taong iyon,+ sapagkat siya na kaisa+ ninyo ay mas dakila+ kaysa sa kaniya na kaisa ng sanlibutan.+ 5 Sila ay nagmumula sa sanlibutan;+ iyan ang dahilan kung bakit nila sinasalita yaong nanggagaling sa sanlibutan at pinakikinggan sila ng sanlibutan.+ 6 Tayo ay nagmumula sa Diyos.+ Siya na nagtatamo ng kaalaman sa Diyos ay nakikinig sa atin;+ siya na hindi nagmumula sa Diyos ay hindi nakikinig sa atin.+ Sa ganitong paraan natin binibigyang-pansin ang kinasihang kapahayagan ng katotohanan at ang kinasihang kapahayagan ng kamalian.+
7 Mga minamahal, patuloy tayong mag-ibigan sa isa’t isa,+ sapagkat ang pag-ibig+ ay mula sa Diyos, at ang bawat isa na umiibig ay ipinanganak mula sa Diyos+ at nagtatamo ng kaalaman sa Diyos.+ 8 Siya na hindi umiibig ay hindi nakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.+ 9 Sa ganito nahayag ang pag-ibig ng Diyos may kaugnayan sa atin,+ sapagkat isinugo ng Diyos ang kaniyang bugtong na Anak+ sa sanlibutan upang magkamit tayo ng buhay sa pamamagitan niya.+ 10 Ang pag-ibig ay nasa bagay na ito, hindi sa tayo ang umibig sa Diyos, kundi siya ang umibig sa atin at nagsugo ng kaniyang Anak bilang pampalubag-loob+ na hain+ para sa ating mga kasalanan.+
11 Mga minamahal, kung sa ganitong paraan tayo inibig ng Diyos, kung gayon tayo mismo ay may pananagutan na mag-ibigan sa isa’t isa.+ 12 Hindi kailanman nakita ng sinuman ang Diyos.+ Kung patuloy tayong nag-iibigan sa isa’t isa, ang Diyos ay nananatili sa atin at ang kaniyang pag-ibig ay pinasasakdal sa atin.+ 13 Sa ganito tayo nagtatamo ng kaalaman na tayo ay nananatiling kaisa+ niya at siya ay kaisa natin,+ sapagkat ibinigay niya ang kaniyang espiritu sa atin.+ 14 Bilang karagdagan, atin mismong nakita+ at pinatototohanan+ na isinugo ng Ama ang kaniyang Anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan.+ 15 Ang sinumang nagpapahayag na si Jesu-Kristo ang Anak ng Diyos,+ ang Diyos ay nananatiling kaisa ng isang iyon at siya ay kaisa ng Diyos.+ 16 At atin mismong nakilala at pinaniwalaan ang pag-ibig+ na taglay ng Diyos may kaugnayan sa atin.
Ang Diyos ay pag-ibig,+ at siya na nananatili sa pag-ibig+ ay nananatiling kaisa ng Diyos at ang Diyos ay nananatiling kaisa+ niya. 17 Sa ganitong paraan pinasakdal sa atin ang pag-ibig, upang magkaroon tayo ng kalayaan sa pagsasalita+ sa araw ng paghuhukom,+ sapagkat, gaya ng isang iyon, gayundin naman tayo sa sanlibutang ito.+ 18 Walang takot sa pag-ibig,+ kundi itinataboy ng sakdal na pag-ibig ang takot,+ sapagkat ang takot ay nagsisilbing pamigil. Tunay nga, siya na nasa ilalim ng takot ay hindi pa napasasakdal sa pag-ibig.+ 19 Kung para sa atin, tayo ay umiibig, sapagkat siya ang unang umibig sa atin.+
20 Kung sasabihin ng sinuman: “Iniibig ko ang Diyos,” at gayunma’y napopoot sa kaniyang kapatid, siya ay sinungaling.+ Sapagkat siya na hindi umiibig sa kaniyang kapatid,+ na nakita niya, ay hindi makaiibig sa Diyos, na hindi niya nakita.+ 21 At ang utos na ito ay taglay natin mula sa kaniya,+ na ang umiibig sa Diyos ay dapat na umibig din sa kaniyang kapatid.+