Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 37:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 At ang lahat ng kaniyang mga anak na lalaki at ang lahat ng kaniyang mga anak na babae ay tumitindig upang aliwin siya,+ ngunit siya ay tumatangging maaliw at nagsasabi:+ “Sapagkat ako ay bababang nagdadalamhati sa aking anak patungo sa Sheol!” At patuloy siyang tinangisan ng kaniyang ama.

  • Genesis 42:38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 38 Gayunman, sinabi niya: “Ang aking anak ay hindi bababang kasama ninyo, sapagkat ang kaniyang kapatid ay patay na at siya na lamang ang naiwan.+ Kung isang nakamamatay na sakuna ang mangyari sa kaniya sa daan na inyong paroroonan, tiyak na ibababa ninyo ang aking mga uban na may kasamang pamimighati sa Sheol.”+

  • Awit 16:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sapagkat hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol.+

      Hindi mo pahihintulutang makita ng iyong matapat ang hukay.+

  • Awit 88:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Sapagkat ang aking kaluluwa ay sawa na sa mga kapahamakan,+

      At ang akin mismong buhay ay nalapit na sa Sheol.+

  • Eclesiastes 9:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ang lahat ng masumpungang gawin ng iyong kamay, gawin mo ng iyong buong kapangyarihan,+ sapagkat walang gawa ni katha man ni kaalaman+ man ni karunungan+ man sa Sheol,+ ang dako na iyong paroroonan.+

  • Oseas 13:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “Mula sa kamay ng Sheol ay tutubusin ko sila;+ mula sa kamatayan ay babawiin ko sila.+ Nasaan ang iyong mga tibo, O Kamatayan?+ Nasaan ang iyong pagiging mapamuksa, O Sheol?+ Ang habag ay makukubli mula sa aking mga mata.+

  • Mateo 11:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 At ikaw, Capernaum,+ itataas ka kaya sa langit? Sa Hades+ ka ibababa;+ sapagkat kung ang makapangyarihang mga gawa na naganap sa iyo ay naganap sa Sodoma, nanatili sana ito hanggang sa mismong araw na ito.

  • Gawa 2:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 nakita niya nang patiuna at sinalita ang tungkol sa pagkabuhay-muli ng Kristo, na hindi siya pinabayaan sa Hades ni nakakita man ng kasiraan ang kaniyang laman.+

  • Apocalipsis 20:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya, at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay+ na nasa kanila, at hinatulan sila nang isa-isa ayon sa kanilang mga gawa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share