28Dahil dito ay tinawag ni Isaac si Jacob at pinagpala siya at inutusan siya at sinabi sa kaniya: “Huwag kang kukuha ng asawa mula sa mga anak na babae ng Canaan.+
3 At huwag kang makikipag-alyansa sa kanila ukol sa pag-aasawa. Ang iyong anak na babae ay huwag mong ibibigay sa kaniyang anak na lalaki, at ang kaniyang anak na babae ay huwag mong kukunin para sa iyong anak na lalaki.+
39 Ang asawang babae ay nakatali sa buong panahon na buháy ang kaniyang asawa.+ Ngunit kapag natulog na sa kamatayan ang kaniyang asawa, siya ay malaya nang mag-asawa sa kaninumang ibig niya, tangi lamang sa Panginoon.+
14 Huwag kayong makipamatok nang kabilan sa mga di-sumasampalataya.+ Sapagkat anong pakikisama mayroon ang katuwiran sa katampalasanan?+ O anong pakikibahagi mayroon ang liwanag sa kadiliman?+