Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 37:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Buong maghapon siyang nagpapakita ng lingap at nagpapahiram,+

      Kung kaya ang kaniyang supling ay tatanggap ng pagpapala.+

  • Awit 112:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Ang taong magandang-loob+ at nagpapahiram+ ay mabuti.

      י [Yod]

      Inaalalayan niya ng katarungan ang kaniyang mga gawain.+

  • Kawikaan 3:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Huwag mong ipagkait ang mabuti doon sa mga kinauukulan,+ kapag nasa kapangyarihan ng iyong kamay na gawin ito.+

  • Kawikaan 14:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Siyang nandaraya sa maralita ay dumudusta sa kaniyang Maylikha,+ ngunit ang nagpapakita ng lingap sa dukha ay lumuluwalhati sa Kaniya.+

  • Lucas 6:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Sa halip, patuloy na ibigin ang inyong mga kaaway at gumawa ng mabuti at magpahiram+ nang walang patubo, na hindi umaasa ng anumang kapalit; at ang inyong gantimpala ay magiging malaki, at kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasan,+ sapagkat siya ay mabait+ sa mga walang utang-na-loob at balakyot.

  • Gawa 11:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Kaya yaong mga kabilang sa mga alagad ay nagpasiya, bawat isa sa kanila ayon sa makakayanan ng sinuman,+ na magpadala ng tulong+ bilang paglilingkod sa mga kapatid na nakatira sa Judea;

  • 1 Timoteo 6:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 na gumawa ng mabuti,+ na maging mayaman sa maiinam na gawa,+ na maging mapagbigay, handang mamahagi,+

  • 1 Juan 3:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ngunit ang sinuman na may panustos-buhay+ ng sanlibutang ito at nakikitang nangangailangan ang kaniyang kapatid+ at gayunma’y pinagsasarhan siya ng pinto ng kaniyang magiliw na pagkamahabagin,+ sa anong paraan nananatili sa kaniya ang pag-ibig sa Diyos?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share