Kawikaan
3 Anak ko, ang aking kautusan ay huwag mong limutin,+ at ang aking mga utos ay ingatan nawa ng iyong puso,+ 2 sapagkat ang kahabaan ng mga araw at mga taon ng buhay+ at kapayapaan ay madaragdag sa iyo.+ 3 Huwag ka nawang iwan ng maibiging-kabaitan at ng katapatan.+ Itali mo ang mga iyon sa palibot ng iyong leeg.+ Isulat mo ang mga iyon sa tapyas ng iyong puso,+ 4 at sa gayon ay makasusumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan sa paningin ng Diyos at ng makalupang tao.+ 5 Magtiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso+ at huwag kang manalig sa iyong sariling pagkaunawa.+ 6 Sa lahat ng iyong mga lakad ay isaalang-alang mo siya,+ at siya mismo ang magtutuwid ng iyong mga landas.+
7 Huwag kang magpakarunong sa iyong sariling paningin.+ Matakot ka kay Jehova at lumayo ka sa kasamaan.+ 8 Maging kagalingan+ nawa iyon sa iyong pusod at kaginhawahan sa iyong mga buto.+
9 Parangalan mo si Jehova ng iyong mahahalagang pag-aari+ at ng mga unang bunga ng lahat ng iyong ani.+ 10 Sa gayon ay mapupuno nang sagana ang iyong mga imbakan ng panustos;+ at aapawan ng bagong alak ang iyong mga pisaang tangke.+
11 Ang disiplina ni Jehova, O anak ko, ay huwag mong itakwil;+ at huwag mong kamuhian ang kaniyang saway,+ 12 sapagkat ang iniibig ni Jehova ay sinasaway niya,+ gaya nga ng ginagawa ng ama sa anak na kaniyang kinalulugdan.+
13 Maligaya ang taong nakasumpong ng karunungan,+ at ang taong nagtatamo ng kaunawaan,+ 14 sapagkat ang pagkakamit nito bilang pakinabang ay mas mabuti kaysa sa pagkakamit ng pilak bilang pakinabang at ang pagkakamit nito bilang ani kaysa sa ginto.+ 15 Ito ay mas mahalaga kaysa sa mga korales,+ at ang lahat ng iba pang kaluguran mo ay hindi maipapantay rito. 16 Kahabaan ng mga araw ang nasa kanang kamay nito;+ sa kaliwang kamay nito ay may kayamanan at kaluwalhatian.+ 17 Ang mga daan nito ay mga daan ng kaigayahan, at ang lahat ng landas nito ay kapayapaan.+ 18 Ito ay punungkahoy ng buhay+ para sa mga tumatangan dito, at yaong mga nanghahawakan dito nang mahigpit+ ay tatawaging maligaya.+
19 Itinatag ni Jehova ang lupa sa pamamagitan ng karunungan.+ Ang langit ay inilagay niya nang matibay sa pamamagitan ng kaunawaan.+ 20 Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay nahati ang matubig na mga kalaliman,+ at ang maulap na kalangitan ay patuloy na nagpapatulo ng ambon.+ 21 Anak ko, huwag nawang mahiwalay ang mga ito sa iyong mga mata.+ Ingatan mo ang praktikal na karunungan at ang kakayahang mag-isip,+ 22 at sila ay magiging buhay sa iyong kaluluwa+ at panghalina sa iyong leeg.+ 23 Kung magkagayon ay lalakad ka nang tiwasay+ sa iyong daan, at ang iyo ngang paa ay hindi hahampas sa anuman.+ 24 Kailanma’t hihiga ka ay hindi ka makadarama ng panghihilakbot;+ at ikaw nga ay hihiga, at ang iyong tulog ay magiging kasiya-siya.+ 25 Hindi mo dapat katakutan ang anumang biglaang panghihilakbot,+ ni ang bagyo man sa mga balakyot, dahil ito ay dumarating.+ 26 Sapagkat si Jehova ang magiging iyo mismong pagtitiwala,+ at kaniya ngang iingatan ang iyong paa laban sa pagkabihag.+
27 Huwag mong ipagkait ang mabuti doon sa mga kinauukulan,+ kapag nasa kapangyarihan ng iyong kamay na gawin ito.+ 28 Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa: “Yumaon ka, at bumalik ka at bukas ay magbibigay ako,” kapag ikaw ay mayroon.+ 29 Huwag kang kumatha ng anumang bagay na masama+ laban sa iyong kapuwa, kapag tumatahan siyang may katiwasayan sa piling mo.+ 30 Huwag kang makikipagtalo sa isang tao nang walang dahilan,+ kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo.+
31 Huwag kang mainggit sa taong marahas,+ ni piliin man ang alinman sa kaniyang mga lakad.+ 32 Sapagkat ang taong mapanlinlang+ ay karima-rimarim kay Jehova,+ ngunit ang Kaniyang matalik na pakikipag-ugnayan ay sa mga matuwid.+ 33 Ang sumpa ni Jehova ay nasa bahay ng balakyot,+ ngunit ang tinatahanang dako ng mga matuwid ay kaniyang pinagpapala.+ 34 Kung tungkol sa mga manunuya,+ siya ay mang-aalipusta;+ ngunit sa maaamo ay magpapakita siya ng lingap.+ 35 Karangalan ang aariin ng marurunong,+ ngunit dinadakila ng mga hangal ang kasiraang-puri.+