6 Tulad ng mga tupa, kaming lahat ay naligaw;+ bumaling ang bawat isa sa amin sa kaniyang sariling daan; at pinangyari ni Jehova na ang kamalian naming lahat ay makatagpo ng isang iyon.+
45 Sapagkat maging ang Anak ng tao ay dumating, hindi upang paglingkuran,+ kundi upang maglingkod at ibigay ang kaniyang kaluluwa bilang pantubos+ na kapalit ng marami.”+
9 ngunit nakikita natin si Jesus, na ginawang mababa nang kaunti kaysa sa mga anghel,+ na pinutungan ng kaluwalhatian+ at karangalan dahil sa pagdurusa ng kamatayan,+ upang sa pamamagitan ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos ay matikman niya ang kamatayan para sa bawat tao.+
7 ngunit sa ikalawang silid ay tanging ang mataas na saserdote ang pumapasok nang minsan sa isang taon,+ na hindi walang dalang dugo,+ na kaniyang inihahandog para sa kaniyang sarili+ at para sa mga kasalanang di-namamalayan ng bayan.+
12 siya ay pumasok, hindi, hindi taglay ang dugo+ ng mga kambing at ng mga guyang toro, kundi taglay ang sarili niyang dugo,+ nang minsanan sa dakong banal at nagtamo ng walang-hanggang katubusan para sa atin.+