1 Juan
2 Mumunti kong mga anak, isinusulat ko sa inyo ang mga bagay na ito upang hindi kayo magkasala.+ At gayunman, kung ang sinuman ay magkasala, tayo ay may katulong+ sa Ama, si Jesu-Kristo, isa na matuwid.+ 2 At siya ay pampalubag-loob+ na hain+ para sa ating mga kasalanan,+ gayunma’y hindi lamang para sa atin+ kundi para rin naman sa buong sanlibutan.+ 3 At sa ganito natin taglay ang kaalaman na nakilala natin siya, samakatuwid nga, kung patuloy nating tinutupad ang kaniyang mga utos.+ 4 Siya na nagsasabing: “Nakilala ko siya,”+ at gayunma’y hindi tumutupad sa kaniyang mga utos,+ ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa taong ito.+ 5 Ngunit sa sinuman na tumutupad sa kaniyang salita,+ tunay na sa taong ito ay pinasakdal na ang pag-ibig sa Diyos.+ Sa ganito natin taglay ang kaalaman na tayo ay kaisa niya.+ 6 Siya na nagsasabi na nananatili siyang kaisa+ niya ay may pananagutan din mismo na patuloy na lumakad kung paanong lumakad ang isang iyon.+
7 Mga minamahal, sumusulat ako sa inyo, hindi ng isang bagong utos, kundi ng isang lumang utos+ na taglay na ninyo buhat pa nang pasimula.+ Ang lumang utos na ito ay ang salita na inyong narinig. 8 Muli, sumusulat ako sa inyo ng isang bagong utos, isang bagay na totoo sa kaniyang kalagayan at sa inyo, sapagkat ang kadiliman+ ay lumilipas at ang tunay na liwanag+ ay sumisikat na.
9 Siya na nagsasabing siya ay nasa liwanag gayunma’y napopoot+ sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman pa hanggang ngayon.+ 10 Siya na umiibig sa kaniyang kapatid ay nananatili sa liwanag,+ at walang sanhi ng ikatitisod sa kaniyang kalagayan.+ 11 Ngunit siya na napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman at lumalakad sa kadiliman,+ at hindi niya alam kung saan siya paroroon,+ sapagkat binulag ng kadiliman ang kaniyang mga mata.
12 Ako ay sumusulat sa inyo, mumunting mga anak, sapagkat ipinatawad na sa inyo ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kaniyang pangalan.+ 13 Ako ay sumusulat sa inyo, mga ama, sapagkat nakilala ninyo siya na buhat pa nang pasimula.+ Ako ay sumusulat sa inyo, mga kabataang lalaki,+ sapagkat dinaig ninyo ang isa na balakyot.+ Ako ay sumusulat sa inyo, mga anak,+ sapagkat nakilala ninyo ang Ama.+ 14 Ako ay sumusulat sa inyo, mga ama,+ sapagkat nakilala ninyo siya na buhat pa nang pasimula.+ Ako ay sumusulat sa inyo, mga kabataang lalaki, sapagkat kayo ay malalakas+ at ang salita ng Diyos ay nananatili sa inyo+ at dinaig ninyo ang isa na balakyot.+
15 Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay man na nasa sanlibutan.+ Kung ang sinuman ay umiibig sa sanlibutan, ang pag-ibig sa Ama ay wala sa kaniya;+ 16 sapagkat ang lahat ng bagay na nasa sanlibutan+—ang pagnanasa ng laman+ at ang pagnanasa ng mga mata+ at ang pagpaparangya ng kabuhayan ng isa+—ay hindi nagmumula sa Ama, kundi nagmumula sa sanlibutan.+ 17 Karagdagan pa, ang sanlibutan ay lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito,+ ngunit siya na gumagawa ng kalooban+ ng Diyos ay nananatili magpakailanman.+
18 Mga anak, ito ang huling oras,+ at, gaya ng inyong narinig na ang antikristo ay darating,+ maging sa ngayon ay lumitaw na ang maraming antikristo;+ na dahil sa bagay na ito ay natatamo natin ang kaalaman na ito ang huling oras. 19 Sila ay lumabas mula sa atin, ngunit hindi natin sila kauri;+ sapagkat kung kauri natin sila, nanatili sana silang kasama natin.+ Ngunit sila ay lumabas upang maipakita na hindi lahat ay kauri natin.+ 20 At kayo ay may pagkapahid mula sa isa na banal;+ kayong lahat ay may kaalaman.+ 21 Ako ay sumusulat sa inyo, hindi dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan,+ kundi dahil sa alam ninyo ito,+ at dahil sa walang kasinungalingan ang nagmumula sa katotohanan.+
22 Sino ang sinungaling kung hindi yaong nagkakaila na si Jesus ang Kristo?+ Ito ang antikristo,+ yaong nagkakaila sa Ama at sa Anak.+ 23 Ang bawat isa na nagkakaila sa Anak ay hindi rin kinaroroonan ng Ama.+ Siya na nagpapahayag+ tungkol sa Anak ay kinaroroonan din ng Ama.+ 24 Kung tungkol sa inyo, manatili nawa sa inyo yaong narinig ninyo buhat pa nang pasimula.+ Kung nananatili sa inyo yaong narinig ninyo buhat pa nang pasimula, kayo rin ay mamamalaging kaisa+ ng Anak at kaisa ng Ama.+ 25 Karagdagan pa, ito ang ipinangakong bagay na ipinangako niya mismo sa atin, ang walang-hanggang buhay.+
26 Ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo tungkol doon sa mga nagsisikap na magligaw sa inyo.+ 27 At kung tungkol naman sa inyo, ang pagkapahid+ na tinanggap ninyo mula sa kaniya ay nananatili sa inyo, at hindi ninyo kailangang turuan kayo ng sinuman;+ kundi, kung paanong ang pagkapahid mula sa kaniya ay nagtuturo sa inyo tungkol sa lahat ng mga bagay,+ at totoo+ at hindi kasinungalingan, at kung paanong tinuruan kayo nito, manatili kayong kaisa+ niya. 28 Kaya ngayon, mumunting mga anak,+ manatili kayong kaisa+ niya, upang kapag nahayag+ siya ay magkaroon tayo ng kalayaan sa pagsasalita+ at hindi hiyain mula sa kaniya sa kaniyang pagkanaririto.+ 29 Kung alam ninyo na siya ay matuwid,+ natatamo ninyo ang kaalaman na ang bawat isa na nagsasagawa ng katuwiran ay ipinanganak mula sa kaniya.+