-
Exodo 29:28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 At ito ay magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak bilang isang tuntunin hanggang sa panahong walang takda na isasagawa ng mga anak ni Israel, sapagkat ito ay sagradong bahagi;+ at ito ay magiging sagradong bahagi na ihahandog ng mga anak ni Israel. Ito ang kanilang sagradong bahagi para kay Jehova mula sa kanilang mga haing pansalu-salo.+
-
-
Bilang 18:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 At nagsalita pa si Jehova kay Aaron: “Kung tungkol sa akin, narito! ibinibigay ko sa iyo ang pag-iingat ng mga abuloy para sa akin.+ Mula sa lahat ng banal na bagay ng mga anak ni Israel ay ibinibigay ko ang mga iyon sa iyo at sa iyong mga anak na pinakabahagi, bilang takdang bahagi hanggang sa panahong walang takda.+
-