Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 15:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sino sa mga diyos ang tulad mo, O Jehova?+

      Sino ang tulad mo, na dakila sa kabanalan?+

      Ang Isa na katatakutan+ taglay ang mga awit ng papuri,+ ang Isa na gumagawa ng mga kamangha-mangha.+

  • Ezra 9:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 O Jehova na Diyos ng Israel, ikaw ay matuwid,+ sapagkat naiwan kami bilang isang takas na bayan gaya ng sa araw na ito. Narito kami sa harap mo sa aming pagkakasala,+ sapagkat hindi nga maaaring tumayo sa harap mo dahil dito.”+

  • Awit 145:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Sa pagbanggit ng kasaganaan ng iyong kabutihan ay mag-uumapaw sila,+

      At dahil sa iyong katuwiran ay hihiyaw sila nang may kagalakan.+

  • Apocalipsis 15:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At inaawit nila ang awit ni Moises+ na alipin ng Diyos at ang awit ng Kordero,+ na sinasabi:

      “Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa,+ Diyos na Jehova, ang Makapangyarihan-sa-lahat.+ Matuwid at totoo ang iyong mga daan,+ Haring walang hanggan.+

  • Apocalipsis 19:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 sapagkat ang kaniyang mga kahatulan ay totoo at matuwid.+ Sapagkat naglapat siya ng kahatulan sa dakilang patutot na nagpasamâ sa lupa dahil sa kaniyang pakikiapid, at ipinaghiganti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa kaniyang kamay.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share