Awit
Isang papuri, ni David.
א [Alep]
145 Dadakilain kita, O aking Diyos na Hari,+
At pagpapalain ko ang iyong pangalan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+
ב [Bet]
2 Buong araw kitang pagpapalain,+
At pupurihin ko ang iyong pangalan hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+
ג [Gimel]
ד [Dalet]
4 Papupurihan ng sali’t salinlahi ang iyong mga gawa,+
At ipahahayag nila ang tungkol sa iyong makapangyarihang mga gawa.+
ה [He]
5 Ang maluwalhating karilagan ng iyong dangal+
At ang tungkol sa iyong mga kamangha-manghang gawa ay pagtutuunan ko ng pansin.+
ו [Waw]
6 At magsasalita sila tungkol sa kalakasan ng iyong mga kakila-kilabot na bagay;+
At tungkol naman sa iyong kadakilaan, ipahahayag ko iyon.+
ז [Zayin]
7 Sa pagbanggit ng kasaganaan ng iyong kabutihan ay mag-uumapaw sila,+
At dahil sa iyong katuwiran ay hihiyaw sila nang may kagalakan.+
ח [Ket]
ט [Tet]
י [Yod]
כ [Kap]
11 Tungkol sa kaluwalhatian ng iyong paghahari ay mangungusap sila,+
At tungkol sa iyong kalakasan ay magsasalita sila,+
ל [Lamed]
12 Upang ipaalam sa mga anak ng mga tao ang kaniyang makapangyarihang mga gawa+
At ang kaluwalhatian ng karilagan ng kaniyang paghahari.+
מ [Mem]
13 Ang iyong paghahari ay isang paghahari sa lahat ng panahong walang takda,+
At ang iyong pamumuno ay sa lahat ng sunud-sunod na salinlahi.+
ס [Samek]
ע [Ayin]
15 Sa iyo nakatingin nang may pag-asam ang mga mata ng lahat,+
At binibigyan mo sila ng kanilang pagkain sa kapanahunan.+
פ [Pe]
צ [Tsade]
ק [Kop]
18 Si Jehova ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya,+
Sa lahat ng tumatawag sa kaniya sa katapatan.+
ר [Res]
19 Ang nasa ng mga may takot sa kaniya ay kaniyang isasagawa,+
At ang kanilang paghingi ng tulong ay kaniyang diringgin, at ililigtas niya sila.+
ש [Shin]
20 Binabantayan ni Jehova ang lahat ng umiibig sa kaniya,+
Ngunit ang lahat ng balakyot ay lilipulin niya.+
ת [Taw]