27 Ibenta na lang natin siya+ sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang saktan. Tutal, kapatid natin siya, kadugo natin.”* Kaya nakinig sila sa kapatid nila.
35 Sinusubukan siyang aliwin ng lahat ng kaniyang anak na lalaki at babae, pero tumatanggi siya at sinasabi niya: “Mamamatay ako*+ na nagdadalamhati para sa anak ko!” At patuloy na umiyak ang kaniyang ama dahil sa kaniya.
20 Kaya sinabi namin sa panginoon ko, ‘Mayroon kaming ama na matanda na at mayroon siyang isang anak sa kaniyang katandaan, ang bunso.+ Pero patay na ang kapatid nito,+ kaya siya na lang ang naiwang anak ng kaniyang ina,+ at mahal siya ng ama niya.’