Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 15:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Dapat mong ialay* kay Jehova na iyong Diyos ang lahat ng panganay na lalaki sa iyong bakahan at kawan.+ Huwag mong gagamitin sa anumang trabaho ang panganay sa bakahan* mo o gugupitan ang panganay sa kawan mo.

  • Deuteronomio 15:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Pero kung pilay ito, bulag, o may iba pang malalang depekto, huwag mo itong iaalay kay Jehova na iyong Diyos.+

  • Deuteronomio 17:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 “Huwag kayong mag-aalay sa Diyos ninyong si Jehova ng isang toro* o tupa na may depekto o anumang kapintasan, dahil kasuklam-suklam iyon sa Diyos ninyong si Jehova.+

  • Malakias 1:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At kapag naghahandog kayo ng bulag na hayop, sinasabi ninyo: “Hindi masama iyon.” At kapag naghahandog kayo ng pilay o may-sakit na hayop: “Hindi masama iyon.”’”+

      “Pakisuyo, subukan mong ibigay iyon sa gobernador ninyo. Matutuwa kaya siya sa iyo? Maganda kaya ang magiging pagtanggap niya sa iyo?” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

  • Hebreo 9:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 gaano pa ngang higit na ang dugo ng Kristo,+ na sa pamamagitan ng walang-hanggang espiritu ay naghandog ng sarili niya nang walang dungis sa Diyos, ay makapaglilinis ng ating mga konsensiya mula sa walang-saysay* na mga gawa+ para makapaghandog tayo ng sagradong paglilingkod sa Diyos na buháy?+

  • 1 Pedro 1:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo,+ gaya ng sa isang walang-dungis at walang-batik na kordero,*+ ang kay Kristo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share