Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 17:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At ibibigay ko sa iyo at sa magiging mga supling* mo ang lupain kung saan ka nanirahan bilang dayuhan+—ang buong lupain ng Canaan—para maging pag-aari ninyo magpakailanman, at ako ay magiging Diyos ninyo.”+

  • Genesis 23:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 “Ako ay isang dayuhan na naninirahan sa inyong lupain.+ Bigyan ninyo ako ng lupa mula sa inyong teritoryo na puwede kong gawing libingan para mailibing ko roon ang namatay kong asawa.”

  • 1 Cronica 16:19-22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Ito ay noong kakaunti pa kayo,

      Oo, napakakaunti, at noong mga dayuhan kayo sa lupain.+

      20 Nagpalipat-lipat sila ng bansa,

      Mula sa isang kaharian papunta sa ibang bayan.+

      21 Hindi niya hinayaang pagmalupitan sila ng sinuman,+

      Kundi alang-alang sa kanila ay sumaway siya ng mga hari:+

      22 ‘Huwag ninyong sasaktan ang mga pinili* ko,

      At huwag ninyong gagawan ng masama ang mga propeta ko.’+

  • Gawa 7:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Kaya umalis siya sa lupain ng mga Caldeo at tumira sa Haran. Pagkamatay ng ama niya,+ pinalipat siya ng Diyos para tumira sa lupaing ito na tinitirhan ninyo ngayon.+ 5 Pero walang ibinigay na mana sa kaniya ang Diyos—wala, kahit sinlaki lang ng talampakan; pero ipinangako ng Diyos na ang lupaing ito ay ibibigay sa kaniya bilang pag-aari, pati na sa mga supling* niya,+ kahit wala pa siyang anak nang panahong iyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share