Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 18:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Nang ika-14 na taon ni Haring Hezekias, sinalakay ni Senakerib na hari ng Asirya+ ang lahat ng napapaderang lunsod ng Juda at sinakop ang mga iyon.+

  • 2 Cronica 32:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Pagkatapos gawin ni Hezekias ang mga bagay na ito at ipakita ang katapatan niya,+ dumating si Haring Senakerib ng Asirya at sinalakay ang Juda. Pinalibutan ng hukbo niya ang mga napapaderang* lunsod, at determinado silang pasukin at sakupin ang mga ito.+

  • Isaias 8:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Dadalhin ni Jehova laban sa kanila

      Ang malakas at malaking Ilog,*

      Ang hari ng Asirya+ at ang buong kaluwalhatian nito.

      Raragasa ito sa lahat ng kaniyang batis

      At aapaw sa lahat ng kaniyang pampang

       8 At huhugos sa Juda.

      Dadaan itong gaya ng baha na abot hanggang leeg;+

      Ang nakabuka nitong mga pakpak ay tatakip sa buong lupain mo,

      O Emmanuel!”*+

  • Isaias 10:28-32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Dumating siya sa Aiat;+

      Dumaan siya sa Migron;

      Iniwan niya sa Micmash+ ang dala-dalahan niya.

      29 Dumaan sila sa tawiran;

      Nagpalipas sila ng gabi sa Geba;+

      Nanginig ang Rama, tumakas ang Gibeah+ na lunsod ni Saul.*+

      30 Sumigaw ka, O anak na babae ng Galim!

      Makinig ka, O Laisa!

      O kaawa-awang Anatot!+

      31 Ang Madmena ay tumakas.

      Ang mga taga-Gebim ay naghanap ng kanlungan.

      32 Sa mismong araw na ito ay titigil siya sa Nob.+

      Iniaamba niya ang kamao niya laban sa bundok ng anak na babae ng Sion,

      Ang burol ng Jerusalem.

  • Isaias 33:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Wala nang tao sa mga lansangang-bayan;

      Wala nang dumadaan sa mga landas.

      Sinira niya* ang tipan;

      Hinamak niya ang mga lunsod;

      Wala siyang paggalang sa tao.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share