Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 12:29-31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 “Kapag nilipol na ng Diyos ninyong si Jehova ang mga bansang paaalisin ninyo sa lupain nila+ at nakatira na kayo roon, 30 mag-ingat kayo para hindi ninyo magaya ang ginawa nila matapos silang lipulin sa harap ninyo. Huwag ninyong itatanong tungkol sa mga diyos nila, ‘Paano naglilingkod noon ang mga bansang ito sa mga diyos nila? Gagayahin ko sila.’+ 31 Huwag ninyong gagawin iyon sa Diyos ninyong si Jehova, dahil ginagawa nila para sa mga diyos nila ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na kinapopootan ni Jehova; sinusunog pa nga nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae bilang hain sa mga diyos nila.+

  • 2 Hari 17:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sinunog din nila ang mga anak nilang lalaki at babae bilang handog,+ nanghula sila+ at naghanap ng mga tanda, at nagpakalugmok sila* sa paggawa ng masama sa paningin ni Jehova para galitin siya.

  • 2 Cronica 28:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Si Ahaz+ ay 20 taóng gulang nang maging hari, at 16 na taon siyang namahala sa Jerusalem. Hindi niya ginawa ang tama sa paningin ni Jehova; hindi niya tinularan ang ninuno niyang si David.+

  • 2 Cronica 28:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Gumawa rin siya ng haing usok sa Lambak ng Anak ni Hinom* at sinunog ang mga anak niya;+ tinularan niya ang kasuklam-suklam na mga gawain ng mga bansang+ itinaboy ni Jehova mula sa harap ng mga Israelita.

  • 2 Cronica 33:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Si Manases+ ay 12 taóng gulang nang maging hari, at 55 taon siyang namahala sa Jerusalem.+

  • 2 Cronica 33:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At sinunog niya ang sarili niyang mga anak bilang handog+ sa Lambak ng Anak ni Hinom;+ nagsagawa siya ng mahika,+ panghuhula, at pangkukulam,* at nag-atas siya ng mga espiritista at manghuhula.+ Napakarami niyang ginawang masama sa paningin ni Jehova para galitin siya.

  • Ezekiel 20:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 At dinurungisan pa rin ba ninyo ang inyong sarili hanggang ngayon sa pamamagitan ng paghahandog sa lahat ng karima-rimarim na idolo ninyo at pagsusunog sa mga anak ninyo?+ Kaya bakit ko nga sasagutin ang tanong ninyo, O sambahayan ng Israel?”’+

      “‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘hindi ko sasagutin ang tanong ninyo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share