Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 23:31-34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Si Jehoahaz+ ay 23 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya sa Jerusalem nang tatlong buwan. Ang kaniyang ina ay si Hamutal+ na anak ni Jeremias na taga-Libna. 32 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Jehova; tinularan niya ang lahat ng ginawa ng mga ninuno niya.+ 33 Ibinilanggo siya ni Paraon Necoh+ sa Ribla+ sa lupain ng Hamat para hindi siya makapamahala sa Jerusalem. Pagkatapos, pinagbayad niya ang lupain ng 100 talento* ng pilak at isang talento ng ginto.+ 34 Bukod diyan, si Eliakim na anak ni Josias ay ginawang hari ni Paraon Necoh kapalit ng ama nitong si Josias at pinalitan ang pangalan nito ng Jehoiakim; dinala naman niya si Jehoahaz sa Ehipto,+ kung saan ito namatay nang maglaon.+

  • 2 Cronica 36:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Bukod diyan, ang kapatid ni Jehoahaz na si Eliakim ay ginawang hari sa Juda at Jerusalem ng hari ng Ehipto at pinalitan ang pangalan nito ng Jehoiakim; pero kinuha ni Neco+ ang kapatid nitong si Jehoahaz at dinala sa Ehipto.+

  • Jeremias 22:11, 12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “Dahil ito ang sinabi ni Jehova tungkol sa anak ni Josias na si Salum,*+ ang hari ng Juda na namamahala kahalili ng ama niyang si Josias+ at wala na sa lugar na ito: ‘Hindi na siya babalik pa roon. 12 Dahil mamamatay siya sa lugar kung saan siya ipinatapon, at hindi na niya makikita ang lupaing ito.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share