-
Nehemias 9:24, 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
24 Kaya pumasok ang mga anak nila at kinuha ang lupain,+ at tinalo mo para sa kanila ang mga Canaanita+ na nakatira sa lupain. Ibinigay mo ang mga ito sa kanilang kamay, ang mga hari nito at ang mga bayan sa lupain, para gawin sa mga ito kung ano ang gusto nila. 25 At ang sinakop nila ay mga napapaderang* lunsod+ at isang matabang lupain,+ at napasakanila ang mga bahay na punô ng mamahaling gamit, mga imbakan ng tubig na hinukay, mga ubasan, mga taniman ng olibo,+ at napakaraming namumungang puno. Kaya kumain sila, nabusog, at tumaba, at nasiyahan sila sa iyong saganang kabutihan.
-