-
Lucas 18:10-14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10 “Dalawang tao ang pumunta sa templo para manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa naman ay maniningil ng buwis. 11 Tumayo ang Pariseo at tahimik na nanalangin, ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo na hindi ako gaya ng ibang mga tao—mangingikil, di-matuwid, mangangalunya—o gaya rin ng maniningil ng buwis na ito.+ 12 Dalawang beses akong nag-aayuno linggo-linggo; ibinibigay ko ang ikasampu ng lahat ng bagay na mayroon ako.’+ 13 Pero ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw man lang tumingala sa langit, kundi patuloy niyang sinusuntok ang dibdib niya at sinasabi, ‘O Diyos, maawa ka sa akin na isang makasalanan.’+ 14 Sinasabi ko sa inyo, umuwi ang taong ito at napatunayang mas matuwid kaysa sa Pariseong iyon.+ Dahil ang bawat isa na nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa, pero ang sinumang nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.”+
-