21 Nagpatuloy siya sa paglalakad at nakita niya ang dalawa pang magkapatid na sina Santiago at Juan, na mga anak ni Zebedeo.+ Nasa bangka sila kasama ng kanilang ama at tinatahi ang punit sa mga lambat nila. Tinawag sila ni Jesus.+
55 At maraming babae ang naroon at nagmamasid mula sa malayo. Sumama sila noon kay Jesus mula sa Galilea para maglingkod sa kaniya.+56 Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at ni Joses, at ang ina ng mga anak ni Zebedeo.+
17 si Santiago na anak ni Zebedeo at si Juan na kapatid ni Santiago (binigyan din niya ang mga ito ng pangalang Boanerges, na nangangahulugang “Mga Anak ng Kulog”),+
2 Magkakasama si Simon Pedro, si Tomas (ang tinatawag na Kambal),+ si Natanael+ na mula sa Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo,+ at ang dalawa pa sa mga alagad.