-
Levitico 14:2-4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 “Ito ang kautusan tungkol sa ketongin sa araw na ipahahayag siyang malinis, kapag dinala siya sa saserdote.+ 3 Ang saserdote ay pupunta sa labas ng kampo para suriin siya. Kung gumaling na ang ketongin, 4 uutusan siya ng saserdote na magdala ng dalawang buháy at malilinis na ibon, kahoy ng sedro, matingkad-na-pulang sinulid, at isopo para sa paglilinis sa kaniya.+
-
-
Lucas 5:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Kaya hinipo niya siya at sinabi: “Gusto ko! Gumaling ka.” Nawala agad ang ketong ng lalaki.+ 14 Pagkatapos, inutusan niya ang lalaki na huwag itong sabihin kahit kanino.+ At sinabi niya: “Humarap ka sa saserdote at maghain para sa paglilinis sa iyo, gaya ng iniutos ni Moises,+ para makita nila* na gumaling ka na.”+
-