Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 14:14-17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 Pagdating niya sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming tao; naawa siya sa kanila,+ at pinagaling niya ang mga maysakit.+ 15 Nang gumagabi na, lumapit sa kaniya ang mga alagad at sinabi nila: “Liblib ang lugar na ito at gumagabi na; paalisin mo na ang mga tao para makapunta sila sa mga nayon at makabili ng makakain nila.”+ 16 Pero sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi nila kailangang umalis; bigyan ninyo sila ng makakain.” 17 Sinabi nila sa kaniya: “Limang tinapay lang at dalawang isda ang mayroon tayo.”

  • Marcos 6:35-38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 35 Nang gumagabi na, lumapit sa kaniya ang mga alagad niya at sinabi nila: “Liblib ang lugar na ito at gumagabi na.+ 36 Paalisin mo na sila, para makapunta sila sa kalapít na mga nayon at bayan at makabili ng makakain nila.”+ 37 Sinabi niya sa kanila: “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Sumagot sila: “Aalis ba kami at bibili ng tinapay na halagang 200 denario para mapakain ang mga tao?”+ 38 Sinabi niya sa kanila: “Ilan ang tinapay ninyo? Tingnan ninyo.” Matapos nilang alamin ito, sinabi nila: “Lima, at may dalawang isda.”+

  • Lucas 9:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Nang gumagabi na, lumapit sa kaniya ang 12 apostol at sinabi: “Paalisin mo na ang mga tao para makahanap sila ng matutuluyan at makabili ng pagkain sa kalapít na mga nayon at bayan, dahil nasa liblib na lugar tayo.”+ 13 Pero sinabi niya: “Bigyan ninyo sila ng makakain.”+ Sinabi nila: “Limang tinapay lang at dalawang isda ang mayroon tayo, maliban na lang kung aalis kami at bibili ng pagkain para sa lahat.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share