-
Mateo 14:24-33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
24 Samantala, napakalayo na ng bangka sa dalampasigan, at sinasalpok ito ng mga alon dahil ang hangin ay pasalungat sa kanila. 25 Pero nang madaling-araw na, naglakad si Jesus sa ibabaw ng tubig papunta sa kanila. 26 Nang makita nila siyang naglalakad sa ibabaw ng tubig, natakot ang mga alagad. Sinabi nila: “Totoo ba ito?”* At napasigaw sila sa takot. 27 Pero agad na sinabi ni Jesus sa kanila: “Lakasan ninyo ang loob ninyo! Ako ito; huwag kayong matakot.”+ 28 Sinabi ni Pedro sa kaniya: “Panginoon, kung ikaw iyan, utusan mo akong pumunta sa iyo sa ibabaw ng tubig.” 29 Sinabi niya: “Halika!” Kaya bumaba si Pedro mula sa bangka at naglakad sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. 30 Pero nang makita niyang malakas ang hangin, natakot siya. At nang lumulubog na siya, sumigaw siya: “Panginoon, iligtas mo ako!” 31 Agad na iniunat ni Jesus ang kamay niya at hinawakan si Pedro at sinabi: “Ikaw na may kakaunting pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?”+ 32 Pagkasampa nila sa bangka, tumigil ang malakas na hangin. 33 Lumuhod at yumuko sa kaniya ang mga nasa bangka at nagsabi: “Talagang ikaw ang Anak ng Diyos.”+
-