Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 21:8, 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 At sinabi ni Jehova kay Moises: “Gumawa ka ng replika ng makamandag* na ahas, at ilagay mo ito sa isang poste. Ang sinumang matuklaw ay titingin doon para hindi mamatay.” 9 Agad na gumawa si Moises ng isang ahas na yari sa tanso+ at inilagay iyon sa poste,+ at ang mga natuklaw ng ahas na tumingin sa tansong ahas ay hindi namamatay.+

  • Daniel 7:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 “Pagkatapos, may nakita pa ako sa mga pangitain ko noong gabi. Dumarating ang isang gaya ng anak ng tao+ na kasama ng mga ulap sa langit; at pinayagan siyang lumapit sa Sinauna sa mga Araw,+ at dinala nila siya sa harap Niya.

  • Mateo 26:64
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 64 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ikaw na ang nagsabi. Pero sinasabi ko sa inyo: Mula ngayon ay makikita ninyo ang Anak ng tao+ na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan-sa-Lahat+ at dumarating na nasa mga ulap sa langit.”+

  • Juan 3:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 14 At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang,+ kailangan ding itaas ang Anak ng tao+

  • Juan 12:32, 33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 Pero kung itataas ako mula sa lupa,+ ilalapit ko sa akin ang lahat ng uri ng tao.”+ 33 Sinasabi niya ito para ipahiwatig kung anong uri ng kamatayan ang malapit na niyang danasin.+

  • Galacia 3:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Binili tayo ni Kristo+ at pinalaya+ mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay maging isang sumpa sa halip na tayo,+ dahil nasusulat: “Isinumpa ang bawat tao na nakabitin sa tulos.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share