-
Juan 17:20-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
20 “Nakikiusap ako, hindi lang para sa kanila, kundi para din sa mga nananampalataya sa akin dahil sa kanilang pagtuturo; 21 para silang lahat ay maging isa,+ kung paanong ikaw, Ama, ay kaisa ko at ako ay kaisa mo,+ para sila rin ay maging kaisa natin, at sa gayon ay maniwala ang sanlibutan na isinugo mo ako. 22 Ibinigay ko sa kanila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin, para sila ay maging isa kung paanong tayo ay iisa.+ 23 Ako ay kaisa nila at ikaw ay kaisa ko, para lubusan silang magkaisa,+ at sa gayon ay malaman ng sanlibutan na isinugo mo ako at na inibig mo sila kung paanong inibig mo ako.
-