Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 10:19, 20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Pero kapag dinala nila kayo roon, huwag kayong mag-alala kung ano ang sasabihin ninyo o kung paano ninyo ito sasabihin, dahil ipaaalam sa inyo ang sasabihin ninyo sa oras na iyon;+ 20 ang magsasalita ay hindi lang kayo, kundi ang espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.+

  • Lucas 24:49
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 49 At ipadadala ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama. Pero manatili muna kayo sa lunsod hanggang sa matanggap ninyo ang* kapangyarihan mula sa kaitaasan.”+

  • Juan 2:19-22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 19 Sinabi ni Jesus: “Gibain ninyo ang templong ito, at itatayo ko ito sa loob ng tatlong araw.”+ 20 Sinabi naman ng mga Judio: “Itinayo ang templong ito nang 46 na taon, at maitatayo mo ito sa loob lang ng tatlong araw?” 21 Pero ang tinutukoy niyang templo ay ang kaniyang katawan.+ 22 At nang ibangon siya mula sa mga patay, naalaala ng mga alagad niya na dati pa niya itong sinasabi,+ kaya pinaniwalaan nila ang kasulatan at ang sinabi ni Jesus.

  • Juan 15:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26 Kapag dumating ang katulong na ipadadala ko sa inyo mula sa Ama, ang espiritu ng katotohanan+ na nanggagaling sa Ama, ang isang iyon ay magpapatotoo tungkol sa akin;+

  • Juan 16:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Pero kapag dumating ang isang iyon, ang espiritu ng katotohanan,+ gagabayan niya kayo para lubusan ninyong maunawaan ang katotohanan, dahil hindi siya magsasalita nang mula sa sarili niya, kundi sasabihin lang niya ang mga narinig niya, at ipaaalam niya sa inyo ang mga bagay na darating.+

  • 1 Juan 2:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 27 At kung tungkol naman sa inyo, inatasan* niya kayo+ at nananatili kayong gayon, at hindi ninyo kailangan ng magtuturo sa inyo; kundi ang pag-aatas* niya ang nagtuturo sa inyo ng lahat ng bagay,+ at ito ay totoo at hindi kasinungalingan. Gaya ng itinuro nito sa inyo, manatili kayong kaisa niya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share