-
Marcos 14:66-68Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
66 Habang si Pedro ay nasa ibaba sa looban, dumating ang isa sa mga alilang babae ng mataas na saserdote.+ 67 Pagkakita kay Pedro na nagpapainit, tumitig ang babae sa kaniya at nagsabi: “Kasama ka rin ng Nazareno, ng Jesus na iyon.” 68 Pero ikinaila niya ito: “Hindi ko siya kilala at hindi ko alam* ang sinasabi mo.” At pumunta siya sa may labasan.
-
-
Lucas 22:55-57Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
55 Nagpaningas sila ng apoy sa gitna ng looban at umupong magkakasama; si Pedro ay nakaupo ring kasama nila.+ 56 Pero nang makita ng isang alilang babae si Pedro na nakaupo sa tabi ng apoy, tiningnan niya itong mabuti at sinabi: “Kasama rin niya ang taong ito.” 57 Pero nagkaila si Pedro: “Hindi ko siya kilala.”+
-