Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Timoteo 3:1-7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Mapananaligan ito: Kung nagsisikap ang isang lalaki na maging tagapangasiwa,+ magandang tunguhin iyan. 2 Kaya dapat na ang tagapangasiwa ay di-mapupulaan,+ asawa ng isang babae, may kontrol sa kaniyang paggawi, may matinong pag-iisip,+ maayos, mapagpatuloy,+ kuwalipikadong magturo,+ 3 hindi lasenggo,+ at hindi marahas, kundi makatuwiran,+ hindi palaaway,+ hindi maibigin sa pera,+ 4 isang lalaking namumuno* sa sarili niyang pamilya* sa mahusay na paraan, na may mga anak na masunurin at mabuti ang asal+ 5 (dahil kung hindi kayang mamuno* ng isang lalaki sa sarili niyang pamilya, paano niya aalagaan ang kongregasyon ng Diyos?), 6 at hindi bagong kumberte,+ dahil baka magmalaki siya at tumanggap ng hatol na katulad ng sa Diyablo. 7 Dapat na maganda rin ang reputasyon niya sa mga di-kapananampalataya*+ para hindi siya magdala ng kahihiyan at mahulog sa bitag ng Diyablo.

  • Tito 1:5-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Iniwan kita sa Creta+ para maayos mo ang mga bagay na kailangang ituwid at makapag-atas ka ng matatandang lalaki sa bawat lunsod, ayon sa tagubilin ko sa iyo: 6 isang lalaki na malaya sa akusasyon,+ asawa ng isang babae, at may nananampalatayang mga anak na hindi mapaparatangan ng masamang pamumuhay o pagrerebelde.+ 7 Dahil bilang katiwala ng Diyos, ang isang tagapangasiwa ay dapat na malaya sa akusasyon, hindi arogante,+ hindi mainitin ang ulo,+ hindi lasenggo, hindi marahas, at hindi sakim sa pakinabang,+ 8 kundi mapagpatuloy,+ laging gumagawa ng mabuti, may matinong pag-iisip,+ matuwid, tapat,+ may pagpipigil sa sarili,+ 9 at mahigpit na nanghahawakan sa mapananaligang mensahe pagdating sa kaniyang paraan ng pagtuturo,+ para magawa niyang magpatibay* sa pamamagitan ng kapaki-pakinabang* na turo+ at sumaway+ sa mga kumokontra dito.

  • Hebreo 13:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 Maging masunurin kayo sa mga nangunguna sa inyo+ at maging mapagpasakop,+ dahil patuloy nila kayong* binabantayan na isinasaisip na mananagot sila,+ para magawa nila ito nang masaya at hindi nagbubuntonghininga, dahil makapipinsala ito sa inyo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share