-
Mga Study Note sa 1 Timoteo—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
bagong kumberte: Ang salitang Griego na ginamit dito ni Pablo ay literal na nangangahulugang “bagong tanim.” Pero sa makasagisag na diwa, tumutukoy ito sa isang tao na bago lang naging Kristiyano. (Ihambing ang 1Co 3:6-8, kung saan inihalintulad ni Pablo sa pagtatanim ang paggawa ng alagad.) Dito, malinaw na ipinakita ni Pablo na ang aatasang tagapangasiwa ay dapat na isang may-gulang na Kristiyano na at hindi bagong kumberte.
magmalaki: Tingnan ang study note sa 2Ti 3:4.
at tumanggap ng hatol na katulad ng sa Diyablo: Ginamit na babala dito ni Pablo ang nangyari sa perpektong espiritu na naging si Satanas na Diyablo. Sa halip na gampanan ang atas na ibinigay sa kaniya ng Diyos, ‘nagmalaki siya.’ Dahil sa pagmamataas at ambisyon niya, nagkasala siya at tumanggap ng hatol. Kaya ipinapakita dito ni Pablo na bago bigyan ng awtoridad ang isang lalaki bilang tagapangasiwa ng kongregasyong Kristiyano, kailangan ng panahon para mapatunayan niyang talagang mapagpakumbaba siya. Tinutularan ng isang taong mapagpakumbaba si Jesus, na hindi naghangad ng higit na awtoridad.—Fil 2:5-8; Heb 5:8-10.
-