16 “Gayon na lang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan kaya ibinigay niya ang kaniyang kaisa-isang Anak+ para ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.+
36 Ang nananampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan;+ ang sumusuway sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay na iyon,+ kundi mananatili sa kaniya ang poot ng Diyos.+