Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwt p. 993-996
  • Nilalaman ng Kawikaan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nilalaman ng Kawikaan
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
  • Kaparehong Materyal
  • Nilalaman ng Kawikaan
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Aklat ng Bibliya Bilang 20—Mga Kawikaan
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • “Maligaya ang Taong Nakasumpong ng Karunungan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • ‘Sa Pamamagitan ng Karunungan ay Darami ang Ating mga Araw’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Nilalaman ng Kawikaan

MGA KAWIKAAN

NILALAMAN

  • 1

    • Kung para saan ang mga kawikaan (1-7)

    • Panganib ng pagsama sa masasama (8-19)

    • Ang tunay na karunungan ay sumisigaw sa lansangan (20-33)

  • 2

    • Ang kahalagahan ng karunungan (1-22)

      • Hanapin ang karunungan gaya ng nakatagong kayamanan (4)

      • Proteksiyon ang kakayahang mag-isip (11)

      • Kapahamakan ang dala ng imoralidad (16-19)

  • 3

    • Maging marunong at magtiwala kay Jehova (1-12)

      • Parangalan si Jehova sa pamamagitan ng mahahalagang pag-aari (9)

    • Ang karunungan ay nagpapaligaya (13-18)

    • Ang karunungan ay nagdudulot ng kapanatagan (19-26)

    • Tamang pakikitungo sa kapuwa (27-35)

      • Gumawa ng mabuti hangga’t posible (27)

  • 4

    • Matalinong payo ng ama (1-27)

      • Karunungan ang pinakamahalagang makuha (7)

      • Umiwas sa masasamang landas (14, 15)

      • Patuloy na lumiliwanag ang daan ng mga matuwid (18)

      • “Ingatan mo ang iyong puso” (23)

  • 5

    • Babala laban sa imoral na babae (1-14)

    • Masiyahan sa iyong asawa (15-23)

  • 6

    • Mag-ingat sa paggarantiya ng utang (1-5)

    • “Matuto ka sa langgam, ikaw na tamad” (6-11)

    • Taong walang kabuluhan at masama (12-15)

    • Pitong bagay na kinapopootan ni Jehova (16-19)

    • Mag-ingat sa masamang babae (20-35)

  • 7

    • Tanggapin ang mga utos ng Diyos para patuloy kang mabuhay (1-5)

    • Inakit ang isang kabataang lalaki na walang karanasan (6-27)

      • “Gaya ng toro na papunta sa katayan” (22)

  • 8

    • Ang karunungan ay nagsalita (1-36)

      • ‘Ako ang pinakauna sa mga gawa ng Diyos’ (22)

      • ‘Bilang dalubhasang manggagawa sa tabi ng Diyos’ (30)

      • “Espesyal para sa akin ang mga anak ng tao” (31)

  • 9

    • Nag-aanyaya ang tunay na karunungan (1-12)

      • “Dahil sa akin, darami ang mga araw mo” (11)

    • Nag-aanyaya ang babaeng mangmang (13-18)

      • “Matamis ang nakaw na tubig” (17)

  • MGA KAWIKAAN NI SOLOMON (10:1–24:34)

    • 10

      • Napasasaya ng anak na marunong ang ama niya (1)

      • Yaman ang dala ng kamay na masipag (4)

      • Kapag maraming sinasabi, nagkakamali (19)

      • Nagpapayaman ang pagpapala ni Jehova (22)

      • Nagpapahaba ng buhay ang pagkatakot kay Jehova (27)

    • 11

      • Ang karunungan ay nasa mga mapagpakumbaba (2)

      • Ipinapahamak ng apostata ang ibang tao (9)

      • “May tagumpay kapag marami ang tagapayo” (14)

      • Sasagana ang bukas-palad (25)

      • Ang nagtitiwala sa yaman niya ay mabubuwal (28)

    • 12

      • Walang unawa ang napopoot sa saway (1)

      • “Ang mga salitang hindi pinag-isipan ay gaya ng mga saksak ng espada” (18)

      • Nagagalak ang mga nagtataguyod ng kapayapaan (20)

      • Kasuklam-suklam kay Jehova ang sinungaling na labi (22)

      • Nagpapabigat sa puso ang sobrang pag-aalala (25)

    • 13

      • Marunong ang humihingi ng payo (10)

      • Nagpapalungkot ng puso ang inaasahan na hindi nangyayari (12)

      • Ang mensahe ng tapat na sugo ay nagpapagaling (17)

      • Nagiging marunong ang lumalakad na kasama ng marurunong (20)

      • Disiplina, tanda ng pagmamahal (24)

    • 14

      • Puso ang nakaaalam ng sarili nitong kirot (10)

      • May daan na parang matuwid pero nakamamatay (12)

      • Pinaniniwalaan ng walang karanasan ang lahat ng naririnig niya (15)

      • Maraming kaibigan ang mayaman (20)

      • Nagbibigay-buhay sa katawan ang mahinahong puso (30)

    • 15

      • Nakapapawi ng galit ang mahinahong sagot (1)

      • Nakikita ni Jehova ang lahat ng bagay (3)

      • Nalulugod ang Diyos sa panalangin ng matuwid (8)

      • Nabibigo ang plano kapag hindi napag-uusapan (22)

      • Mag-isip muna bago sumagot (28)

    • 16

      • Sinusuri ni Jehova ang mga motibo (2)

      • Ipagkatiwala kay Jehova ang mga gagawin mo (3)

      • Mula kay Jehova ang wastong timbangan (11)

      • Humahantong sa pagbagsak ang pagmamataas (18)

      • Puting buhok, korona ng kagandahan (31)

    • 17

      • Huwag gantihan ng masama ang mabuti (13)

      • Umalis bago magsimula ang pagtatalo (14)

      • Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon (17)

      • “Ang masayang puso ay mabisang gamot” (22)

      • Maingat sa pagsasalita ang taong may kaunawaan (27)

    • 18

      • Ang nagbubukod ng sarili ay makasarili at hindi marunong (1)

      • Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore (10)

      • Ang kayamanan ay hindi totoong proteksiyon (11)

      • Mabuting makinig sa magkabilang panig (17)

      • May kaibigang mas malapít pa kaysa sa isang kapatid (24)

    • 19

      • Kaunawaan, pumipigil sa tao na magalit agad (11)

      • Asawang babae na mahilig makipagtalo, gaya ng tumutulong bubong (13)

      • Marunong na asawang babae, mula kay Jehova (14)

      • Disiplinahin ang anak habang may pag-asa pa (18)

      • Mabuting makinig sa payo (20)

    • 20

      • Ang alak ay manunuya (1)

      • Ang tamad ay hindi nag-aararo sa taglamig (4)

      • Ang laman ng puso ng tao ay gaya ng malalim na tubig (5)

      • Babala sa nananata nang padalos-dalos (25)

      • Ang karangalan ng mga kabataang lalaki ay ang lakas nila (29)

    • 21

      • Kayang kontrolin ni Jehova ang puso ng hari (1)

      • Mas mabuti ang katarungan kaysa sa hain (3)

      • Ang masipag ay nagtatagumpay (5)

      • Hindi pakikinggan ang hindi nakikinig sa mahirap (13)

      • Walang karunungan na makalalaban kay Jehova (30)

    • 22

      • Magandang pangalan, mas dapat piliin kaysa sa malaking kayamanan (1)

      • Habambuhay ang epekto ng pagsasanay sa bata (6)

      • Takot ang tamad sa leon sa labas (13)

      • Inaalis ng disiplina ang kamangmangan (15)

      • Sa mga hari maglilingkod ang mahusay na manggagawa (29)

    • 23

      • Maging maingat kapag inimbita (2)

      • Huwag magpayaman (4)

      • Puwedeng lumipad palayo ang kayamanan (5)

      • Huwag makisama sa malakas uminom (20)

      • Nanunuklaw ang alak na gaya ng ahas (32)

    • 24

      • Huwag mainggit sa masasama (1)

      • Naitatayo ang bahay dahil sa karunungan (3)

      • Kahit mabuwal ang matuwid, babangon pa rin siya (16)

      • Huwag gumanti (29)

      • Pagtulog, nagdudulot ng kahirapan (33, 34)

  • MGA KAWIKAAN NI SOLOMON NA INIREKORD NG MGA TAUHAN NI HARING HEZEKIAS (25:1–29:27)

    • 25

      • Huwag ipagkalat ang lihim ng iba (9)

      • Piniling mga salita (11)

      • Huwag pumunta nang madalas sa bahay ng iba (17)

      • Pagtutumpok ng baga sa ulo ng kaaway (21, 22)

      • Ang magandang ulat ay gaya ng malamig na tubig (25)

    • 26

      • Inilarawan ang tamad (13-16)

      • Huwag makialam sa away ng iba (17)

      • Huwag ipahamak ang iba kahit biro lang (18, 19)

      • Walang kahoy, walang apoy (20, 21)

      • Ang pananalita ng maninirang-puri ay gaya ng masarap na pagkain (22)

    • 27

      • Kapaki-pakinabang ang saway ng kaibigan (5, 6)

      • Anak ko, pasayahin mo ang puso ko (11)

      • Ang bakal ay napatatalas ng bakal (17)

      • Kilalanin mo ang iyong kawan (23)

      • Kayamanan, hindi nananatili magpakailanman (24)

    • 28

      • Kasuklam-suklam ang panalangin ng hindi nakikinig (9)

      • Kaaawaan ang nagtatapat (13)

      • Nagkakasala ang nagmamadaling yumaman (20)

      • Pagsaway, mas mabuti kaysa pambobola (23)

      • Hindi kakapusin ang mapagbigay (27)

    • 29

      • Ang batang hindi sinasaway ay nagdudulot ng kahihiyan (15)

      • Kapag walang pangitain, nagkakagulo ang bayan (18)

      • Nagkakaroon ng away dahil sa taong galit (22)

      • Napararangalan ang mapagpakumbaba (23)

      • Bitag ang takot sa tao (25)

  • 30

    • MGA SALITA NI AGUR (1-33)

      • Huwag mo akong gawing mahirap o mayaman (8)

      • Mga bagay na hindi nakokontento (15, 16)

      • Mga bagay na walang iniiwang bakas (18, 19)

      • Mapangalunyang babae (20)

      • Mga hayop na likas na marunong (24)

  • 31

    • MGA SALITA NI HARING LEMUEL (1-31)

      • Sino ang makakahanap ng mahusay na asawang babae? (10)

      • Masipag (17)

      • Mabait magsalita (26)

      • Pinupuri ng mga anak at asawa (28)

      • Pansamantala lang ang halina at kagandahan (30)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share