MGA AWIT
UNANG AKLAT
(Awit 1-41)
1 Maligaya ang taong hindi sumusunod sa payo ng masasama
At hindi tumatayo sa daan ng mga makasalanan+
At hindi umuupo sa upuan ng mga nangungutya.+
2 Sa halip, nalulugod siya sa kautusan ni Jehova,+
At ang kautusan Niya ay binabasa niya nang pabulong* araw at gabi.+
3 Magiging gaya siya ng isang puno na nakatanim sa tabi ng daluyan ng tubig,
Isang puno na namumunga sa panahon nito,
Na ang mga dahon ay hindi nalalanta.
At ang lahat ng ginagawa niya ay magtatagumpay.+
4 Ang masasama ay hindi ganiyan;
Gaya sila ng ipa na tinatangay ng hangin.
5 Kaya ang masasama ay hindi mananatiling nakatayo kapag hinatulan sila;+
At ang mga makasalanan ay hindi mananatiling nakatayo kasama ng nagkakatipong mga matuwid.+
2 Bakit nagkakagulo ang mga bansa
At ang mga bayan ay nagbubulong-bulungan* tungkol sa walang-katuturang bagay?+
3 Sinasabi nila: “Lagutin natin ang mga ikinadena nila sa atin
At itapon ang mga panali nila!”
4 Ang nakaupo sa trono sa langit ay matatawa;
Pagtatawanan sila ni Jehova.
5 Sa tindi ng galit niya ay magsasalita siya sa kanila sa panahong iyon,
At sisindakin niya sila ng kaniyang nag-aapoy na galit.
6 Sasabihin niya: “Ako mismo ang nagluklok sa aking hari+
Sa Sion,+ na aking banal na bundok.”
7 Ipahahayag ko ang sinabi ni Jehova;
Sinabi niya sa akin: “Ikaw ang anak ko;+
Ngayon, ako ay naging iyong ama.+
8 Hilingin mo sa akin, at ibibigay ko ang mga bansa bilang iyong mana
At ang buong lupa bilang iyong pag-aari.+
10 Kaya ngayon, kayong mga hari, magpakatalino kayo;
Tumanggap kayo ng pagtutuwid,* kayong mga hukom sa lupa.
11 Maglingkod kayo kay Jehova nang may takot,
At magsaya kayo nang may panginginig.
12 Parangalan* ninyo ang anak;+ kung hindi ay magagalit ang Diyos*
At malilipol kayo,+
Dahil ang galit Niya ay biglang sumisiklab.
Maligaya ang lahat ng nanganganlong sa Kaniya.
Awit ni David noong tumatakas siya mula sa anak niyang si Absalom.+
3 O Jehova, bakit napakarami kong kaaway?+
Bakit napakaraming lumalaban sa akin?+
2 Sinasabi ng marami tungkol sa akin:
“Hindi siya ililigtas ng Diyos.”+ (Selah)*
4 Tatawag ako nang malakas kay Jehova,
At sasagutin niya ako mula sa kaniyang banal na bundok.+ (Selah)
7 Kumilos ka, O Jehova! Iligtas mo ako,+ O Diyos ko!
Susuntukin mo sa panga ang lahat ng kaaway ko;
Babasagin mo ang mga ngipin ng masasama.+
8 Si Jehova ang tagapagligtas.+
Pinagpapala mo ang iyong bayan. (Selah)
Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Awit ni David.
4 Kapag tumawag ako, sagutin mo ako, O matuwid kong Diyos.+
Gumawa ka ng daang matatakasan ko* sa aking paghihirap.
Kaawaan mo ako at pakinggan mo ang panalangin ko.
2 Mga anak ng tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin sa halip na parangalan?
Hanggang kailan ninyo iibigin ang walang-kabuluhang mga bagay at hahanapin ang kasinungalingan? (Selah)
3 Tandaan ninyo na espesyal* ang pagtrato ni Jehova sa tapat sa kaniya;
Pakikinggan ako ni Jehova kapag tumawag ako sa kaniya.
4 Magalit man kayo, huwag kayong magkasala.+
Magsalita kayo sa puso ninyo, sa higaan ninyo, at manahimik. (Selah)
6 Marami ang nagsasabi: “Sino ang magpapakita sa amin ng anumang mabuti?”
Pasinagin mo sa amin ang liwanag ng iyong mukha, O Jehova.+
7 Pinuno mo ang puso ko ng kagalakan
Na nakahihigit sa kagalakan ng mga taong may saganang ani ng butil at bagong alak.
8 Mahihiga ako at matutulog nang payapa,+
Dahil ikaw lang, O Jehova, ang nagbibigay sa akin ng kapanatagan.+
Sa direktor para sa Nehilot.* Awit ni David.
2 Pakinggan mo ang paghingi ko ng tulong,
O aking Hari at aking Diyos, dahil nananalangin ako sa iyo.
3 O Jehova, maririnig mo ang tinig ko sa umaga;+
Sa umaga ay sasabihin ko sa iyo ang niloloob ko+ at sabik akong maghihintay.
4 Dahil ikaw ay Diyos na hindi nalulugod sa kasamaan;+
Walang sinumang masama ang mananatiling kasama mo.+
5 Walang mayabang na makatatayo sa harap mo.
Kinasusuklaman ni Jehova ang mararahas* at nandaraya.+
7 Pero pupunta ako sa bahay mo+ dahil sa iyong dakila at tapat na pag-ibig;+
Yuyukod ako sa iyong banal na templo* dahil sa paggalang at takot sa iyo.+
8 O Jehova, akayin mo ako sa matuwid mong daan dahil napapalibutan ako ng mga kaaway;
Alisin mo ang mga hadlang sa paglakad ko sa iyong daan.+
9 Dahil lahat ng sinasabi nila ay hindi mapagkakatiwalaan;
Laging masama ang intensiyon nila;
Ang lalamunan nila ay bukás na libingan;
Ginagamit nila ang dila nila sa pambobola.+
Itaboy mo nawa sila sa dami ng kasalanan nila,
Dahil nagrebelde sila sa iyo.
Haharangan mo ang mga gustong manakit sa kanila,
At ang mga umiibig sa pangalan mo ay magiging masaya.
12 Pagpapalain mo ang sinumang matuwid, O Jehova;
Gaya ng isang malaking kalasag, poprotektahan mo ang mga kinalulugdan mo.+
Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas na nakatono sa Seminit.* Awit ni David.
2 Maawa ka sa akin, O Jehova, dahil nanghihina ako.
Pagalingin mo ako, O Jehova,+ dahil nangangatog ang mga buto ko.
6 Nanghihina na ako sa kalungkutan;+
Sa buong magdamag, basang-basa ng luha ang higaan ko;*
Bumabaha ng luha sa kama ko.+
10 Mapapahiya at panghihinaan ng loob ang lahat ng kaaway ko;
Bigla silang uurong dahil sa kahihiyan.+
Awit ng pagdadalamhati ni David na inawit niya kay Jehova may kaugnayan sa mga sinabi ni Cus na Benjaminita.
7 O Jehova na aking Diyos, sa iyo ako nanganganlong.+
Iligtas mo ako sa lahat ng umuusig sa akin at sagipin mo ako.+
2 Kung hindi, lulurayin nila ako gaya ng ginagawa ng leon;+
Tatangayin nila ako at walang magliligtas sa akin.
3 O Jehova na aking Diyos, kung ako ang nagkamali,
Kung may inagrabyado ako,
4 Kung ginawan ko ng masama ang gumagawa ng mabuti sa akin,+
O kung sinamsaman ko ang kaaway ko* nang walang dahilan,
5 Habulin nawa ako at maabutan ng kaaway,
Hayaan mong tapak-tapakan niya ako sa lupa hanggang sa mamatay
At maglaho sa alabok ang kaluwalhatian ko. (Selah)
6 Bumangon ka sa iyong galit, O Jehova;
Harapin mo ang poot ng mga kaaway ko;+
Gumising ka para sa akin, at iutos mong ilapat ang katarungan.+
7 Palibutan ka nawa ng mga bansa;
At lalabanan mo sila mula sa kaitaasan.
8 Maglalapat si Jehova ng hatol sa mga bayan.+
Hatulan mo ako, O Jehova, ayon sa matuwid kong mga gawa
At ayon sa katapatan ko.+
9 Pakisuyo, wakasan mo nawa ang ginagawa ng masasama,
Pero patatagin mo ang mga taong matuwid,+
Dahil ikaw ang matuwid na Diyos+ na sumusuri sa puso+ at sa kaibuturan ng damdamin.*+
10 Ang Diyos ang kalasag ko,+ ang Tagapagligtas ng mga tapat ang puso.+
12 Kapag ang sinuman ay hindi nagsisisi,+ pinatatalas ng Diyos ang kaniyang espada;+
Binabaluktot niya ang kaniyang búsog at inihahanda ito.+
13 Inihahanda niya ang kaniyang nakamamatay na mga sandata;
Inihahanda niya ang nagliliyab niyang mga palaso.+
14 Tingnan mo ang isa na nagdadala ng kasamaan sa kaniyang sinapupunan;
Naglilihi siya ng gulo at nagsisilang ng kasinungalingan.+
15 Gumagawa siya ng hukay at pinalalalim pa iyon,
Pero nahuhulog siya sa mismong hukay na ginawa niya.+
16 Ang kaguluhang ginawa niya ay babalik sa sarili niyang ulo,+
Ang karahasan niya ay babagsak sa tuktok ng kaniyang ulo.
17 Pupurihin ko si Jehova dahil sa kaniyang katarungan,+
Aawit ako ng mga papuri* sa pangalan ni Jehova,+ ang Kataas-taasan.+
Sa direktor; sa Gitit.* Awit ni David.
8 O Jehova na Panginoon namin, napakadakila ng pangalan mo sa buong lupa;
Ginawa mong mas mataas pa kaysa sa langit ang kaluwalhatian mo!*+
2 Mula sa bibig ng mga bata at sanggol,+
Ipinakita mo ang lakas mo sa mga kalaban mo,
Para patahimikin ang kaaway at ang naghihiganti.
3 Kapag tinitingnan ko ang iyong langit, ang mga gawa ng iyong kamay,*
Ang buwan at ang mga bituin na inihanda mo,+
4 Ano ang hamak na tao para alalahanin mo,
At ang anak ng tao para pangalagaan mo?+
5 Ginawa mo siyang mas mababa nang kaunti sa mga tulad-diyos,*
At kinoronahan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.
6 Pinamahala mo siya sa mga gawa ng iyong kamay;+
Inilagay mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng mga paa niya:
7 Ang lahat ng kawan at mga baka,
Pati na ang mga hayop sa parang,+
8 Ang mga ibon sa langit at ang mga isda sa dagat,
Anumang lumalangoy sa karagatan.
9 O Jehova na Panginoon namin, napakadakila ng pangalan mo sa buong lupa!
Sa direktor; sa Mut-laben.* Awit ni David.
א [Alep]
9 Pupurihin kita, O Jehova, nang buong puso ko;
Sasabihin ko ang tungkol sa lahat ng iyong kamangha-manghang gawa.+
ב [Bet]
4 Dahil ipinagtanggol mo ako at binigyan ng katarungan;
Nakaupo ka sa iyong trono at humahatol nang matuwid.+
ג [Gimel]
ה [He]
7 Pero si Jehova ay mananatili sa trono niya magpakailanman;+
Itinatag niya nang matibay ang trono niya para sa katarungan.+
ו [Waw]
9 Si Jehova ay magiging ligtas na kanlungan* para sa mga inaapi,+
Isang ligtas na kanlungan sa panahon ng pagdurusa.+
10 Ang mga nakaaalam sa pangalan mo ay magtitiwala sa iyo;+
Hindi mo kailanman iiwan ang mga humahanap sa iyo, O Jehova.+
ז [Zayin]
11 Umawit kayo ng papuri kay Jehova, na naninirahan sa Sion;
Ipaalám ninyo sa mga bansa ang mga ginawa niya.+
12 Dahil naaalaala niya sila at ipaghihiganti niya ang dugo nila;+
Hindi niya kalilimutan ang daing ng mga nagdurusa.+
ח [Het]
13 Maawa ka sa akin, O Jehova; tingnan mo ang kalupitan ng mga napopoot sa akin,
Ikaw na nag-aahon sa akin mula sa mga pinto ng kamatayan,+
14 Para maihayag ko sa pintuang-daan ng anak na babae ng Sion+ ang kapuri-puri mong mga gawa,
At para magsaya ako dahil sa pagliligtas mo.+
ט [Tet]
15 Nahulog ang mga bansa sa hukay na ginawa nila;
16 Si Jehova ay nakikilala sa hatol na inilalapat niya.+
Ang masama ay nabibitag sa gawa ng sarili niyang mga kamay.+
Higayon.* (Selah)
י [Yod]
כ [Kap]
19 Kumilos ka, O Jehova! Huwag mo nawang hayaang magtagumpay ang hamak na tao laban sa iyo.
Mahatulan nawa ang mga bansa sa harap mo.+
ל [Lamed]
10 O Jehova, bakit ka nakatayo sa malayo?
Bakit ka nagtatago sa panahon ng pagdurusa namin?+
2 Buong kayabangang tinutugis ng masama ang walang kalaban-laban,+
Pero mapapahamak siya sa sarili niyang pakana.+
3 Dahil ipinagmamalaki ng masama ang makasarili niyang mga pagnanasa+
At pinupuri niya ang sakim;*
נ [Nun]
Hindi niya iginagalang si Jehova.
5 Nagtatagumpay ang mga ginagawa niya,+
Pero hindi niya naiintindihan ang mga pasiya mo;+
Hinahamak niya ang lahat ng kaaway niya.
6 Sinasabi niya sa sarili: “Hindi ako matitinag;*
Lumipas man ang maraming henerasyon,
Hindi ako mapapahamak.”+
פ [Pe]
7 Ang bibig niya ay punô ng sumpa, kasinungalingan, at banta;+
Ang nasa dila niya ay gulo at pinsala.+
ע [Ayin]
Naghihintay siya ng kawawang biktima.+
9 Nag-aabang siya sa taguan niya gaya ng isang leon sa lungga* nito.+
Nag-aabang siya para hulihin ang walang kalaban-laban.
Nahuhuli niya ang walang kalaban-laban kapag hinila niya ang kaniyang lambat.+
11 Sinasabi niya sa sarili: “Nakalimot na ang Diyos.+
Tumalikod siya.
Hindi niya ito nakikita.”+
ק [Kop]
12 Kumilos ka, O Jehova.+ O Diyos, ipakita mo ang lakas mo.*+
Huwag mong limutin ang mga walang kalaban-laban.+
13 Bakit nilapastangan ng masama ang Diyos?
Sinasabi niya sa sarili: “Hindi mo ako pananagutin.”
ר [Res]
14 Pero nakikita mo ang kaguluhan at pagdurusa.
Nagmamasid ka at kumikilos.+
ש [Shin]
16 Si Jehova ay Hari magpakailanman.+
Naglaho ang mga bansa sa lupa.+
ת [Taw]
17 Pero pakikinggan mo ang kahilingan ng maaamo, O Jehova.+
Patatatagin mo ang puso nila+ at pakikinggan silang mabuti.+
18 Bibigyan mo ng katarungan ang mga walang ama at ang mga inaapi,+
Para hindi na sila takutin pa ng mga hamak na tao sa lupa.+
Sa direktor. Awit ni David.
11 Kay Jehova ako nanganganlong.+
Kaya bakit ninyo sinasabi sa akin:
“Tumakas kang gaya ng ibon sa bundok ninyo!
2 Inihahanda ng masasama ang búsog;
Inilalagay nila sa bagting ang kanilang palaso
Para panain mula sa kadiliman ang mga tapat ang puso.
4 Si Jehova ay nasa kaniyang banal na templo.+
Ang trono ni Jehova ay nasa langit.+
Nakikita ng mga mata niya ang lahat; sinusuri ng mapagbantay* niyang mga mata ang mga anak ng tao.+
6 Magpapaulan siya ng bitag* sa masasama;
Apoy at asupre*+ at nakapapasong hangin ang ilalagay sa kopa nila.
7 Dahil si Jehova ay matuwid;+ iniibig niya ang matuwid na mga gawa.+
Makikita ng mga tapat ang mukha niya.*+
Sa direktor; nakatono sa Seminit.* Awit ni David.
12 Iligtas mo ako, O Jehova, dahil ang mga tapat ay wala na;
Naglaho na ang mga tapat sa sangkatauhan.
3 Puputulin ni Jehova ang dilang nagyayabang
At ang mga labing nambobola.+
4 Pupuksain niya ang mga nagsasabi: “Magtatagumpay kami sa pamamagitan ng mga dila namin.
Sasabihin ng mga labi namin ang gusto naming sabihin;
Sino ang makapagdidikta sa amin?”+
5 “Dahil inaapi ang mahihina,
Dahil nagbubuntonghininga ang mga dukha,+
Kikilos ako,” ang sabi ni Jehova.
“Ililigtas ko sila sa mga humahamak sa kanila.”
6 Ang mga salita ni Jehova ay dalisay;+
Gaya ito ng pilak na dinalisay sa hurnong luwad,* nilinis nang pitong ulit.
7 Babantayan mo sila, O Jehova;+
Poprotektahan mo ang bawat isa sa kanila magpakailanman mula sa henerasyong ito.
Sa direktor. Awit ni David.
13 Hanggang kailan mo ako kalilimutan, O Jehova? Magpakailanman ba?
Hanggang kailan mo itatago sa akin ang iyong mukha?+
2 Hanggang kailan ako mababahala
At malulungkot araw-araw?
Hanggang kailan magtatagumpay sa akin ang kaaway ko?+
3 Tingnan mo ako, sagutin mo ako, O Jehova na aking Diyos.
Bigyan mo ng liwanag ang mga mata ko, para hindi ako matulog sa kamatayan,
4 Para hindi sabihin ng kaaway ko: “Natalo ko siya!”
Huwag mong hayaang magsaya ang mga kalaban ko sa pagbagsak ko.+
6 Aawit ako kay Jehova, dahil sagana niya akong pinagpala.*+
Sa direktor. Awit ni David.
14 Sinasabi ng mangmang sa sarili:
“Walang Jehova.”+
Ang mga ginagawa nila ay napakasama at kasuklam-suklam;
Walang gumagawa ng mabuti.+
2 Pero tinitingnan ni Jehova mula sa langit ang mga anak ng tao
Para makita kung may sinumang may kaunawaan, kung may sinumang humahanap kay Jehova.+
Walang gumagawa ng mabuti,
Wala kahit isa.
4 Bakit hindi nakakaintindi ang mga gumagawa ng mali?
Nilalamon nila ang bayan ko na parang kumakain lang ng tinapay.
Hindi sila tumatawag kay Jehova.
7 Manggaling nawa sa Sion ang kaligtasan ng Israel!+
Kapag tinipong muli ni Jehova ang kaniyang bayan na binihag,
Magalak nawa ang Jacob, magsaya nawa ang Israel.
Awit ni David.
15 O Jehova, sino ang puwedeng maging panauhin sa iyong tolda?
Sino ang puwedeng tumira sa iyong banal na bundok?+
4 Itinatakwil niya ang sinumang kasuklam-suklam,+
Pero pinararangalan niya ang mga natatakot kay Jehova.
Hindi siya sumisira sa pangako,* kahit pa makasamâ ito sa kaniya.+
5 Hindi siya nagpapautang nang may patubo,+
At hindi siya tumatanggap ng suhol laban sa walang kasalanan.+
Ang gayong tao ay hindi matitinag.*+
Miktam* ni David.
16 Ingatan mo ako, O Diyos, dahil nanganganlong ako sa iyo.+
2 Sinabi ko kay Jehova: “Ikaw si Jehova; galing sa iyo ang lahat ng mabubuting bagay na mayroon ako.
4 Dumarami ang kirot ng mga naglilingkod sa ibang diyos.+
Hindi ako magbubuhos ng dugo bilang handog na inumin para sa kanila,
At hindi ko babanggitin ang pangalan nila.+
5 Si Jehova ang aking bahagi+ at ang aking kopa.+
Iniingatan mo ang aking mana.
6 Magaganda ang mga lugar na sinukat mo at ibinigay sa akin.
Kontento ako sa aking mana.+
7 Pupurihin ko si Jehova, na nagpapayo sa akin.+
Kahit sa gabi, itinutuwid ako ng kaloob-looban ng aking isip.*+
8 Laging nasa isip ko si Jehova.+
Dahil nasa kanan ko siya, hindi ako matitinag.*+
9 Kaya nagsasaya ang puso ko, at nagagalak ang buo kong pagkatao.*
At panatag ako.
10 Dahil hindi mo ako* iiwan sa Libingan.*+
Ang tapat sa iyo ay hindi mo hahayaang mapunta sa hukay.*+
11 Ipinaaalam mo sa akin ang daan ng buhay.+
Panalangin ni David.
17 Dinggin mo ang paghingi ko ng katarungan, O Jehova;
Bigyang-pansin mo ang paghingi ko ng tulong;
Pakinggan mo ang panalangin kong walang pagkukunwari.+
3 Sinuri mo ang puso ko, sinuri mo ako sa gabi;+
Dinalisay mo ako;+
Makikita mong hindi ako nagplano ng anumang masama,
At ang bibig ko ay hindi nagkasala.
6 Tumatawag ako sa iyo, dahil alam kong sasagutin mo ako,+ O Diyos.
Dinggin mo ako.* Pakinggan mo ang sinasabi ko.+
7 Ipakita mo ang iyong tapat na pag-ibig sa kamangha-manghang paraan,+
O Tagapagligtas ng mga tumatakas sa mga nagrerebelde sa iyo
At nanganganlong sa iyong kanang kamay.
9 Bantayan mo ako mula sa masasamang sumasalakay sa akin.
Mula sa mortal kong mga kaaway na nakapalibot sa akin.+
Nagsasalita sila nang may kayabangan;
11 Ngayon ay sinusukol nila kami;+
Humahanap sila ng pagkakataong pabagsakin kami.
12 Ang kaaway ay gaya ng leon na sabik manlapa ng biktima,
Gaya ng leon na nakatago at nag-aabang.
13 O Jehova, harapin mo siya+ at pabagsakin;
Iligtas mo ako sa masama gamit ang iyong espada;
14 O Jehova, iligtas mo ako sa pamamagitan ng iyong kamay
Mula sa mga tao sa mundong* ito, na nabubuhay lang para sa kasalukuyan,*+
Na binubusog mo ng mabubuting bagay+
At nag-iiwan ng mana sa marami nilang anak.
15 Pero ako, makikita ko ang iyong mukha dahil ginagawa ko ang tama;
Sa direktor. Awit ng lingkod ni Jehova na si David para kay Jehova nang araw na iligtas siya ni Jehova sa kamay ng lahat ng kaaway niya at sa kamay ni Saul. Sinabi niya:+
18 Mahal kita, O Jehova, na aking kalakasan.+
2 Si Jehova ang aking malaking bato at ang aking moog at tagapagligtas.+
Ang aking Diyos ang aking bato;+ sa kaniya ako nanganganlong,
Ang aking kalasag at aking sungay* ng kaligtasan,* ang aking ligtas na kanlungan.*+
5 Ang mga lubid ng Libingan* ay pumulupot sa akin;
Ang mga bitag ng kamatayan ay sumalubong sa akin.+
6 Sa kagipitan ay tumawag ako kay Jehova,
Patuloy akong humihingi ng tulong sa aking Diyos.
Mula sa kaniyang templo ay narinig niya ang tinig ko,+
At narinig niya ang paghingi ko sa kaniya ng tulong.+
7 Pagkatapos, nayanig ang lupa at umuga;+
Ang mga pundasyon ng kabundukan ay nayanig
At umuga dahil ginalit siya.+
8 Umusok ang ilong niya,
At lumabas sa bibig niya ang tumutupok na apoy;+
Lumagablab ang nagniningas na mga baga mula sa kaniya.
10 Sumakay siya sa isang kerubin at dumating na lumilipad.+
Mabilis siyang dumating sakay ng mga pakpak ng isang espiritu.*+
11 Pagkatapos, itinago niya ang sarili niya sa kadiliman,+
Sa maiitim at makakapal na ulap,
Na nakapalibot sa kaniya na parang tolda.+
12 Mula sa liwanag sa harap niya
Ay bumagsak ang mga tipak ng yelo* at nagniningas na mga baga mula sa mga ulap.
13 At nagpakulog si Jehova sa langit;+
Ipinarinig ng Kataas-taasan ang kaniyang tinig+
At bumagsak ang mga yelo at nagniningas na mga baga.
14 Nagpakawala siya ng mga palaso, at nagkawatak-watak ang mga kaaway;+
Nagpakidlat siya, at nalito sila.+
15 Lumitaw ang sahig ng mga ilog;*+
Nalantad ang mga pundasyon ng lupain dahil sa pagsaway mo, O Jehova,
Dahil sa buga ng hangin mula sa iyong ilong.+
17 Iniligtas niya ako mula sa malakas kong kaaway,+
Mula sa mga napopoot sa akin na mas malakas kaysa sa akin.+
19 Inilabas niya ako papunta sa isang ligtas* na lugar;
Iniligtas niya ako dahil nalulugod siya sa akin.+
20 Ginagantihan ni Jehova ang paggawa ko ng tama;+
Ginagantimpalaan niya ako dahil malinis* ang aking mga kamay.+
21 Dahil sinunod ko ang mga daan ni Jehova,
At hindi ako gumawa ng masama, hindi ko iniwan ang aking Diyos.
25 Magiging tapat ka sa mga tapat;+
Hindi mo pababayaan ang mga walang kapintasan;+
26 Sa mga taong dalisay ay ipinapakita mong dalisay ka,+
Pero sa masasama ay ipinapakita mong matalino ka.+
28 Dahil ikaw ang nagsisindi ng aking lampara, O Jehova,
Ang aking Diyos na nagbibigay ng liwanag sa kadiliman ko.+
29 Sa tulong mo ay malalabanan ko ang grupo ng mga mandarambong;+
Sa tulong ng kapangyarihan ng Diyos ay makaaakyat ako sa pader.+
Isa siyang kalasag sa lahat ng nanganganlong sa kaniya.+
31 Dahil sino ang Diyos maliban kay Jehova?+
At sino ang bato maliban sa ating Diyos?+
34 Sinasanay niya ang mga kamay ko sa pakikipagdigma;
Nababaluktot ng mga bisig ko ang tansong pana.
35 Ibinibigay mo sa akin ang iyong kalasag ng kaligtasan,+
Inaalalayan ako ng iyong kanang kamay,
At nagiging dakila ako dahil sa iyong kapakumbabaan.+
37 Hahabulin ko at aabutan ang mga kaaway ko;
Hindi ako babalik hangga’t hindi sila nauubos.
39 Bibigyan mo ako ng lakas para sa pakikipagdigma;
Pababagsakin mo sa harap ko ang aking mga kalaban.+
41 Humihingi sila ng tulong, pero walang nagliligtas sa kanila;
Tumatawag pa nga sila kay Jehova, pero hindi niya sila sinasagot.
42 Dudurugin ko sila nang pino na gaya ng alabok sa hangin;
Itatapon ko sila na gaya ng putik sa lansangan.
43 Ililigtas mo ako mula sa pamimintas ng bayan.+
Aatasan mo ako bilang pinuno ng mga bansa.+
Paglilingkuran ako ng bayan na hindi ko kilala.+
46 Buháy si Jehova! Purihin ang aking Bato!+
Dakilain nawa ang Diyos na tagapagligtas ko.+
48 Inililigtas niya ako sa galit kong mga kaaway.
Itinataas mo ako mula sa mga sumasalakay sa akin;+
Sinasagip mo ako mula sa taong marahas.
50 Kamangha-mangha ang mga pagliligtas niya* sa kaniyang hari;+
Sa direktor. Awit ni David.
19 Ang langit ay naghahayag ng kaluwalhatian ng Diyos;+
Inihahayag ng kalawakan ang gawa ng mga kamay niya.+
2 Araw-araw ay nagsasalita sila,
Gabi-gabi ay nagsisiwalat sila ng kaalaman.
3 Walang pangungusap o mga salita;
Hindi maririnig ang tinig nila.
Sa langit ay nagtayo siya ng tolda para sa araw;
5 Para itong bagong-kasal na lalaki na lumalabas sa silid niya;
Nagsasaya itong gaya ng isang malakas na lalaking tumatakbo sa takbuhan.
6 Lumalabas ito mula sa isang dulo ng langit,
At umiikot ito hanggang sa kabilang dulo;+
At walang makapagtatago sa init nito.
7 Ang kautusan ni Jehova ay perpekto,+ nagbabalik ng lakas.+
Ang paalaala ni Jehova ay mapagkakatiwalaan,+ nagpaparunong sa walang karanasan.+
8 Ang mga utos ni Jehova ay matuwid, nagpapasaya ng puso;+
Ang batas ni Jehova ay malinis, nagbibigay ng liwanag sa mga mata.+
9 Ang pagkatakot kay Jehova+ ay dalisay, mananatili magpakailanman.
Ang mga kahatulan ni Jehova ay totoo; ang lahat ng iyon ay matuwid.+
10 Mas kanais-nais ang mga iyon kaysa sa ginto,
Kaysa sa maraming purong* ginto,+
At mas matamis kaysa sa pulot-pukyutan+ na tumutulo mula sa bahay-pukyutan.
11 Nagbibigay ang mga iyon ng babala sa lingkod mo;+
Sa pagsunod sa mga iyon ay may malaking gantimpala.+
12 Sino ang makaaalam sa sarili niyang mga pagkakamali?+
Patawarin mo ako sa mga kasalanang hindi ko alam na nagawa ko.
14 Ang pananalita ko at ang pagbubulay-bulay ng puso ko
Ay maging kalugod-lugod nawa sa iyo,+ O Jehova na aking Bato+ at aking Manunubos.+
Sa direktor. Awit ni David.
20 Sagutin ka nawa ni Jehova sa araw ng pagdurusa.
Ingatan ka nawa ng pangalan ng Diyos ni Jacob.+
3 Alalahanin niya nawa ang lahat ng iyong handog na kaloob
At malugod na tanggapin* ang iyong handog na sinusunog. (Selah)
5 Masaya kaming hihiyaw dahil sa pagliligtas mo;+
Itataas namin ang aming bandera sa pangalan ng aming Diyos.+
Tuparin nawa ni Jehova ang lahat ng kahilingan mo.
6 Alam ko na ngayon na inililigtas ni Jehova ang pinili* niya.+
Sinasagot niya ito mula sa kaniyang banal na langit
Sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas* ng kaniyang kanang kamay.+
7 Ang ilan ay nagtitiwala sa mga karwahe,* at ang iba ay sa mga kabayo,+
Pero kami ay tumatawag sa pangalan ni Jehova na aming Diyos.+
9 O Jehova, iligtas mo ang hari!+
Sasagutin niya kami sa araw na humingi kami ng tulong.+
Sa direktor. Awit ni David.
21 O Jehova, nagsasaya ang hari dahil sa iyong lakas;+
Lubos siyang nagsasaya dahil sa iyong pagliligtas!+
2 Ibinigay mo sa kaniya ang gusto ng puso niya,+
At hindi mo ipinagkait ang kahilingan ng mga labi niya. (Selah)
4 Humingi siya sa iyo ng buhay, at ibinigay mo iyon sa kaniya,+
Isang mahabang buhay, walang-hanggang buhay.
5 Ang pagliligtas mo ay nagbigay sa kaniya ng dakilang kaluwalhatian.+
Binigyan mo siya ng karangalan at karilagan.
7 Ang hari ay nagtitiwala kay Jehova;+
Dahil sa tapat na pag-ibig ng Kataas-taasan, hindi siya matitinag.*+
8 Mahuhuli ng kamay mo ang lahat ng kaaway mo;
Mahuhuli ng kanang kamay mo ang mga napopoot sa iyo.
9 Gagawin mo silang gaya ng nagniningas na hurno sa takdang panahon ng pagdating mo.
Dahil sa galit ay lalamunin sila ni Jehova, at tutupukin sila ng apoy.+
13 O Jehova, ipakita mo ang iyong lakas.
Aawit kami ng mga papuri* sa iyong kalakasan.
Sa direktor; sa himig ng “Ang Babaeng Usa sa Bukang-Liwayway.”* Awit ni David.
22 Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?+
Bakit hindi ka dumarating para iligtas ako?
Bakit hindi mo naririnig ang pagdaing ko?+
2 Diyos ko, patuloy akong tumatawag kung araw, pero hindi ka sumasagot;+
At sa gabi ay hindi ako nananahimik.
8 “Ipinagkatiwala niya ang sarili niya kay Jehova. Iligtas Niya siya!
Iligtas Niya siya, tutal mahal na mahal Niya siya!”+
9 Ikaw ang naglabas sa akin mula sa sinapupunan,+
Ang nagpadama sa akin ng kapanatagan habang nasa dibdib ako ng aking ina.
10 Ipinagkatiwala* ako sa iyo mula nang isilang ako;
Mula pa sa sinapupunan ng aking ina, ikaw na ang aking Diyos.
11 Huwag kang manatiling malayo sa akin, dahil narito na ang kapahamakan+
At walang ibang tutulong sa akin.+
13 Nakabuka nang malaki ang bibig nila laban sa akin,+
Gaya ng umuungal na leong lumalapa sa nahuli nito.+
14 Ibinuhos akong parang tubig;
Nalinsad ang lahat ng buto ko.
15 Ang lakas ko ay natuyong gaya ng piraso ng basag na palayok;+
Dumikit na ang dila ko sa aking gilagid;+
Ibinababa mo ako sa alabok ng kamatayan.+
16 Pinapalibutan ako ng mga aso;+
Sinusukol ako ng pangkat ng masasamang tao.+
Kinakagat nila ang kamay at paa ko na gaya ng leon.+
17 Mabibilang ko ang lahat ng buto ko.+
Tumitingin sila at tumititig sa akin.
19 Pero ikaw, O Jehova, huwag kang manatiling malayo.+
Ikaw ang lakas ko; magmadali ka at tulungan mo ako.+
20 Iligtas mo ako mula sa espada,
Ang mahalaga kong buhay* mula sa pangalmot* ng mga aso;+
21 Iligtas mo ako mula sa bibig ng leon+ at sa sungay ng mga torong-gubat;
Dinggin mo ako at iligtas.
23 Kayong mga natatakot kay Jehova, purihin ninyo siya!
Kayong mga supling* ni Jacob, luwalhatiin ninyo siya!+
Magbigay-galang kayo sa kaniya, kayong mga supling* ni Israel.
24 Dahil hindi niya hinahamak o binabale-wala ang pagdurusa ng naaapi;+
Hindi niya itinatago ang mukha niya rito.+
Nang humingi ito ng tulong sa kaniya, nakinig siya.+
25 Pupurihin kita sa malaking kongregasyon;+
Tutuparin ko ang mga panata ko sa harap ng mga natatakot sa iyo.
Mabuhay ka nawa* magpakailanman.
27 Maaalaala ng buong lupa si Jehova at lalapit sa kaniya.
Ang lahat ng pamilya ng mga bansa ay yuyukod sa harap mo.+
29 Ang lahat ng mayayaman* sa mundo ay kakain at yuyukod;
Ang lahat ng bumababa sa alabok ay luluhod sa harap niya;
Walang sinuman sa kanila ang makapagliligtas ng kaniyang buhay.*
30 Maglilingkod sa kaniya ang kanilang mga inapo;*
Ibabalita sa darating na henerasyon ang tungkol kay Jehova.
31 Darating sila at sasabihin ang tungkol sa matuwid niyang mga gawa.
Sasabihin nila sa mga taong isisilang pa lang ang tungkol sa mga ginawa niya.
Awit ni David.
23 Si Jehova ang aking Pastol.+
Hindi ako magkukulang ng anuman.+
2 Pinahihiga niya ako sa madamong mga pastulan;
Inaakay niya ako sa matuwid na mga landas alang-alang sa pangalan niya.+
4 Kahit na lumalakad ako sa napakadilim na lambak,+
Hindi ako natatakot+
Dahil kasama kita;+
Panatag ang loob ko dahil sa iyong pamalo at tungkod.
5 Ipinaghahanda mo ako ng maraming pagkain* sa harap ng mga kaaway ko.+
6 Sa buong buhay ko, madarama ko ang kabutihan mo at tapat na pag-ibig,+
At maninirahan ako sa bahay ni Jehova habang nabubuhay ako.+
Awit ni David.
4 Ang sinumang walang-sala* at may dalisay na puso,+
Na hindi nanunumpa ng kasinungalingan sa Aking pangalan*
O nananata nang may panlilinlang.+
6 Ito ang henerasyon ng mga humahanap sa kaniya,
Ng mga humahanap sa iyong mukha, O Diyos ni Jacob. (Selah)
7 Iangat ninyo ang inyong ulo, mga pintuang-daan;+
Bumukas* kayo, mga lumang pasukan,
Para makapasok ang maluwalhating Hari!+
8 Sino ang maluwalhating Haring ito?
9 Iangat ninyo ang inyong ulo, mga pintuang-daan;+
Bumukas kayo, mga lumang pasukan,
Para makapasok ang maluwalhating Hari!
10 Sino siya, ang maluwalhating Haring ito?
Si Jehova ng mga hukbo—siya ang maluwalhating Hari.+ (Selah)
Awit ni David.
א [Alep]
25 O Jehova, sa iyo ako lumalapit.
ב [Bet]
Huwag mong hayaang magsaya ang mga kaaway ko sa pagdurusa ko.+
ג [Gimel]
3 Walang sinumang nagtitiwala sa iyo ang mapapahiya,+
Pero mapapahiya ang mga nagtataksil nang walang dahilan.+
ד [Dalet]
ה [He]
5 Tulungan mo akong lumakad sa iyong daan ng katotohanan at turuan mo ako,+
Dahil ikaw ang aking Diyos ng kaligtasan.
ו [Waw]
Sa iyo ako umaasa buong araw.
ז [Zayin]
ח [Het]
7 Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ko noong kabataan ako at ang mga pagkakamali ko.
ט [Tet]
8 Mabuti at matuwid si Jehova.+
Kaya itinuturo niya sa mga makasalanan ang daan na dapat nilang lakaran.+
י [Yod]
9 Gagabayan niya ang maaamo para magawa nila ang tama,+
At ituturo niya sa maaamo ang kaniyang daan.+
כ [Kap]
10 Makikita sa lahat ng daan ni Jehova ang tapat na pag-ibig at katapatan niya
ל [Lamed]
מ [Mem]
12 Sino ang natatakot kay Jehova?+
Ituturo Niya sa kaniya ang daan na dapat niyang piliin.+
נ [Nun]
ס [Samek]
14 Ang mga natatakot kay Jehova ang nagiging matalik niyang kaibigan,+
At ipinaaalam niya sa kanila ang kaniyang tipan.+
ע [Ayin]
פ [Pe]
16 Tingnan mo ako at kaawaan
Dahil nag-iisa ako at mahina.
צ [Tsade]
ר [Res]
19 Tingnan mo kung gaano karami ang mga kaaway ko
At kung gaano katindi ang galit nila sa akin.
ש [Shin]
20 Ingatan mo ang buhay ko at iligtas mo ako.+
Huwag mong hayaang mapahiya ako, dahil nanganganlong ako sa iyo.
ת [Taw]
22 O Diyos, iligtas* mo ang Israel sa lahat ng paghihirap niya.
Awit ni David.
2 O Jehova, suriin mo ako at subukin;
Dalisayin mo ang kaloob-looban ng aking isip* at ang aking puso.+
3 Dahil ang iyong tapat na pag-ibig ay laging nasa harap ko,
At lumalakad ako sa iyong daan ng katotohanan.+
6 Huhugasan ko ang mga kamay ko dahil wala akong kasalanan,
At lalakad ako sa palibot ng iyong altar, O Jehova,
7 Para iparinig ang pasasalamat ko+
At ihayag ang lahat ng iyong kamangha-manghang gawa.
8 Jehova, iniibig ko ang bahay na iyong tinitirhan,+
Ang lugar kung saan naroon ang iyong kaluwalhatian.+
9 Huwag mo akong puksain kasama ng mga makasalanan,+
At huwag mong kunin ang buhay ko kasama ng mga taong mararahas.*
10 Ang mga kamay nila ay gumagawa ng kahiya-hiyang mga bagay,
At ang kanang kamay nila ay punô ng suhol.
11 Pero ako, lalakad* ako nang tapat.
Iligtas* mo ako at kaawaan.
Awit ni David.
27 Si Jehova ang aking liwanag+ at kaligtasan.
Kanino ako matatakot?+
Si Jehova ang moog ng buhay ko.+
Kanino ako masisindak?
2 Nang salakayin ako ng masasamang tao para lamunin,+
Ang mga kalaban at kaaway ko ang natisod at nabuwal.
Kahit na may makipagdigma sa akin,
Mananatiling buo ang loob ko.
4 Isang bagay ang hinihiling ko kay Jehova
—Iyon ang inaasam ko—
Na makapanirahan ako sa bahay ni Jehova habang nabubuhay ako,+
Para masdan ang karilagan ni Jehova
5 Dahil itatago niya ako sa kaniyang kanlungan sa araw ng kapahamakan;+
Itatago niya ako sa lihim na lugar, sa tolda niya;+
Ilalagay niya ako sa ibabaw ng isang mataas na bato.+
6 Kaya magtatagumpay ako sa* mga kaaway ko na nakapalibot sa akin;
Maghahandog ako sa tolda niya habang humihiyaw sa kagalakan;
Aawit ako ng mga papuri* kay Jehova.
8 Ipinapaalaala sa akin ng puso ko ang utos mo:
“Hanapin ninyo ako.”*
9 Huwag mong itago sa akin ang iyong mukha.+
Huwag mong itaboy ang lingkod mo dahil sa galit.
Ikaw ang tumutulong sa akin;+
Huwag mo akong pabayaan o iwan, aking Diyos ng kaligtasan.
11 O Jehova, ituro mo sa akin ang iyong daan,+
Akayin mo ako sa matuwid mong landas para protektahan ako sa mga kaaway.
12 Huwag mo akong ibigay sa mga kalaban ko,+
Dahil inaakusahan ako ng sinungaling na mga testigo,+
At nagbabanta silang saktan ako.
13 Nasaan na ako ngayon kung wala akong pananampalataya
Na makikita ko ang kabutihan ni Jehova sa lupain ng mga buháy?*+
Oo, umasa ka kay Jehova.
Awit ni David.
2 Pakinggan mo ang paghingi ko sa iyo ng tulong
Habang itinataas ko ang mga kamay ko nang nakaharap sa kaloob-loobang silid ng iyong santuwaryo.+
3 Huwag mo akong kaladkaring kasama ng masasama, ng mga gumagawa ng nakapipinsala,+
Ng mga mabait makipag-usap* sa kapuwa pero masama ang nasa puso.+
Singilin mo sila sa ginagawa ng kanilang kamay;
Gantihan mo sila sa mga gawa nila.+
5 Dahil hindi nila binibigyang-pansin ang mga ginagawa ni Jehova+
At ang mga gawa ng mga kamay niya.+
Ibabagsak niya sila at hindi itatayo.
6 Purihin nawa si Jehova,
Dahil dininig niya ang paghingi ko ng tulong.
Tinulungan niya ako, at nagsasaya ang puso ko,
Kaya pupurihin ko siya ng aking awit.
9 Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo ang iyong mana.+
Pastulan mo sila at buhatin sa iyong bisig magpakailanman.+
Awit ni David.
29 Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya, kayong mga anak ng malalakas,
Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya dahil sa kaniyang kaluwalhatian at lakas.+
2 Ibigay ninyo kay Jehova ang kaluwalhatiang nararapat sa pangalan niya.
Yumukod* kayo kay Jehova nang may banal na kasuotan.*
3 Ang tinig ni Jehova ay naririnig mula sa ibabaw ng mga tubig;
Ang tinig ng maluwalhating Diyos ay gaya ng kulog.+
Si Jehova ay nasa ibabaw ng maraming tubig.+
7 Ang tinig ni Jehova ay humahampas na may mga liyab ng apoy;+
8 Pinanginginig ng tinig ni Jehova ang ilang;+
Pinanginginig ni Jehova ang ilang ng Kades.+
At ang lahat sa templo niya ay nagsasabi: “Kaluwalhatian!”
10 Nakaupo si Jehova sa kaniyang trono sa ibabaw ng delubyo;*+
Nakaluklok si Jehova bilang Hari magpakailanman.+
11 Bibigyan ni Jehova ng lakas ang bayan niya.+
Pagpapalain ni Jehova ng kapayapaan ang bayan niya.+
Awit ng pagpapasinaya ng bahay. Awit ni David.
30 Dadakilain kita, O Jehova, dahil iniahon mo ako;
Hindi mo hinayaang pagtawanan ako ng mga kaaway ko.+
2 O Jehova na aking Diyos, humingi ako sa iyo ng tulong, at pinagaling mo ako.+
3 O Jehova, iniahon mo ako* mula sa Libingan.*+
Iningatan mo ang buhay ko; iniligtas mo ako sa paglubog sa hukay.*+
4 Umawit kayo ng papuri* kay Jehova, kayong tapat sa kaniya,+
Magpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan;*+
May pagluha man sa gabi, sa umaga naman ay may hiyaw ng kagalakan.+
6 Noong panatag ako, sinabi ko:
“Hindi ako matitinag.”*
7 O Jehova, noong kinalulugdan mo ako, ginawa mo akong sintatag ng bundok.+
Pero nang itago mo ang iyong mukha, natakot ako.+
9 Ano ang pakinabang sa kamatayan* ko, sa pagbaba ko sa hukay?*+
Pupurihin ka ba ng alabok?+ Sasabihin ba nito ang tungkol sa katapatan mo?+
10 Pakinggan mo ako, O Jehova, at maawa ka sa akin.+
O Jehova, tulungan mo ako.+
11 Pinalitan mo ng pagsasayaw ang pagdadalamhati ko;
Inalis mo ang aking telang-sako, at binihisan mo ako ng pagsasaya,
12 Para ako* ay makaawit sa iyo ng papuri at hindi manatiling tahimik.
O Jehova na aking Diyos, pupurihin kita magpakailanman.
Sa direktor. Awit ni David.
31 O Jehova, nanganganlong ako sa iyo.+
Huwag nawa akong mapahiya.+
Iligtas mo ako dahil matuwid ka.+
Puntahan mo ako agad at iligtas.+
Maging bundok na kanlungan ka para sa akin,
Isang tanggulan na magliligtas sa akin.+
5 Ipinagkakatiwala ko ang buhay* ko sa kamay mo.+
Tinubos mo ako, O Jehova na Diyos ng katotohanan.*+
6 Napopoot ako sa mga sumasamba sa walang-silbing mga idolo,
Pero ako, kay Jehova ako nagtitiwala.
7 Lubos akong magsasaya dahil sa iyong tapat na pag-ibig,
Dahil nakita mo ang pagdurusa ko;+
Alam mo ang paghihirap ng kalooban ko.
9 Maawa ka sa akin, O Jehova, dahil nagdurusa ako.
Dahil sa pagdadalamhati ay nanghina ang mga mata ko,+ pati ang buong katawan ko.+
Nauubos ang lakas ko dahil sa pagkakamali ko;
Nanghihina ang mga buto ko.+
At natatakot sa akin ang mga kakilala ko;
Kapag nakikita nila ako sa labas, agad nila akong nilalayuan.+
12 Inalis nila ako sa puso* nila at kinalimutan na para bang patay na ako;
Para akong basag na banga.
Kapag nagsasama-sama sila laban sa akin,
Nagpapakana silang patayin ako.+
14 Pero nagtitiwala ako sa iyo, O Jehova.+
Sinasabi ko: “Ikaw ang Diyos ko.”+
15 Nasa kamay mo ang buhay* ko.
Iligtas mo ako sa kamay ng mga kaaway ko at ng mga umuusig sa akin.+
16 Pasinagin mo ang iyong mukha sa lingkod mo.+
Iligtas mo ako dahil sa iyong tapat na pag-ibig.
17 O Jehova, huwag nawa akong mapahiya kapag tumatawag ako sa iyo.+
18 Matahimik nawa ang mga labing sinungaling,+
Ang mga labing nagmamataas at nanghahamak sa mga matuwid.
19 Napakasagana ng iyong kabutihan!+
Inilalaan mo iyon sa mga may takot sa iyo,+
At ipinakita mo iyon sa mga nanganganlong sa iyo, sa harap ng lahat ng tao.+
20 Itatago mo sila sa lihim na lugar ng iyong presensiya+
Mula sa masamang plano ng mga tao;
Itatago mo sila sa iyong kanlungan
21 Purihin nawa si Jehova,
Dahil ipinakita niya sa akin ang kaniyang kamangha-mangha at tapat na pag-ibig+ sa isang lunsod na sinasalakay.+
22 Takot na takot ako noon at sinabi ko:
“Mamamatay ako sa harap mo.”+
Pero dininig mo ang paghingi ko ng tulong nang tumawag ako sa iyo.+
23 Ibigin ninyo si Jehova, kayong lahat na tapat sa kaniya!+
24 Lakasan ninyo ang inyong loob, at maging matatag nawa ang inyong puso,+
Lahat kayo na naghihintay kay Jehova.+
Awit ni David. Maskil.*
32 Maligaya ang taong pinagpaumanhinan sa pagkakamali niya, na ang kasalanan ay tinakpan.*+
3 Nang manahimik ako, nanghina ang mga buto ko dahil sa paghihirap ng loob ko buong araw.+
4 Dahil sa araw at gabi ay mabigat ang kamay mo* sa akin.+
Ang lakas ko ay gaya ng tubig na natuyo sa init ng tag-araw. (Selah)
Sinabi ko: “Ipagtatapat ko kay Jehova ang mga kasalanan ko.”+
At pinatawad mo ang mga pagkakamali ko.+ (Selah)
Dumating man ang baha, hindi siya aabutan nito.
Papalibutan mo ako ng mga hiyaw ng kagalakan dahil sa iyong pagliligtas.+ (Selah)
8 “Bibigyan kita ng kaunawaan at ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran.+
Papayuhan kita habang nakatingin ako sa iyo.+
9 Huwag kayong maging gaya ng kabayo o mula,* na hindi nakakaintindi,+
Na ang sigla ay kailangang kontrolin ng renda o panali
Bago ito lumapit sa iyo.”
10 Dumaranas ng maraming kirot ang masama;
Pero ang nagtitiwala kay Jehova ay napapalibutan ng Kaniyang tapat na pag-ibig.+
11 Magsaya kayo dahil kay Jehova at magalak, kayong mga matuwid;
Humiyaw kayo sa kagalakan, lahat kayo na tapat ang puso.
33 Humiyaw kayo sa kagalakan, kayong mga matuwid, dahil kay Jehova.+
Nararapat lang na purihin siya ng mga matuwid.
2 Magpasalamat kayo kay Jehova gamit ang alpa;
Umawit kayo ng mga papuri* sa kaniya gamit ang instrumentong may 10 kuwerdas.
3 Umawit kayo sa kaniya ng bagong awit;+
Pagbutihin ninyo ang pagtugtog sa mga kuwerdas, kasabay ng mga hiyaw ng kagalakan.
5 Iniibig niya ang katuwiran at katarungan.+
Ang lupa ay punô ng tapat na pag-ibig ni Jehova.+
6 Sa pamamagitan ng salita ni Jehova ay nalikha ang langit,+
At sa pamamagitan ng espiritu* ng kaniyang bibig ay nalikha ang lahat ng naroon.*
7 Tinitipon niya ang tubig ng dagat na parang nasa dam;+
Inilalagay niya ang dumadaluyong na tubig sa mga imbakan.
8 Matakot nawa kay Jehova ang buong mundo.+
Magpakita nawa ng matinding paggalang sa kaniya ang mga nakatira sa lupa.*
11 Pero ang mga pasiya ni Jehova ay hindi mabibigo kailanman;+
Ang kaisipan* niya ay mananatili gaano man karaming henerasyon ang lumipas.
14 Mula sa tirahan niya,
Pinagmamasdan niya ang mga nakatira sa lupa.
16 Ang isang hari ay hindi maililigtas ng malaking hukbo;+
Ang isang malakas na lalaki ay hindi maililigtas ng sarili niyang lakas.+
17 Ang kabayo ay hindi maaasahang tagapagligtas;*+
Malakas man ito, hindi ito siguradong makasasagip.
18 Ang mata ni Jehova ay nagbabantay sa mga may takot sa kaniya,+
Sa mga naghihintay sa kaniyang tapat na pag-ibig,
19 Para iligtas sila mula sa kamatayan
At panatilihing buháy sa panahon ng taggutom.+
20 Hinihintay natin si Jehova.
Siya ang ating katulong at kalasag.+
22 Mapasaamin nawa ang iyong tapat na pag-ibig, O Jehova,+
Habang patuloy kaming naghihintay sa iyo.+
Awit ni David, noong magkunwari siyang baliw+ sa harap ni Abimelec, na nagtaboy sa kaniya, at umalis siya.
א [Alep]
34 Pupurihin ko si Jehova sa lahat ng panahon;
Lagi siyang pupurihin ng mga labi ko.
ב [Bet]
ג [Gimel]
ד [Dalet]
4 Nagtanong ako kay Jehova, at sinagot niya ako.+
Iniligtas niya ako sa lahat ng kinatatakutan ko.+
ה [He]
5 Maligaya ang mga nagtitiwala sa kaniya;
Hindi sila mapapahiya.
ז [Zayin]
6 Ang kaawa-awa ay tumawag, at dininig siya ni Jehova.
Iniligtas Niya siya mula sa lahat ng kaniyang paghihirap.+
ח [Het]
7 Ang anghel ni Jehova ay nagkakampo sa palibot ng mga natatakot sa Kaniya,+
At inililigtas niya sila.+
ט [Tet]
8 Subukin ninyo si Jehova at makikita ninyong mabuti siya;*+
Maligaya ang taong nanganganlong sa kaniya.
י [Yod]
9 Matakot kayo kay Jehova, kayong lahat na mga banal niya,
Dahil ang mga natatakot sa kaniya ay hindi nagkukulang ng anuman.+
כ [Kap]
10 Kahit ang malalakas na leon ay nagugutom;
Pero ang mga humahanap kay Jehova ay hindi magkukulang ng anumang mabuti.+
ל [Lamed]
מ [Mem]
נ [Nun]
13 Pigilan mo ang dila mo sa pagsasalita ng masama,+
Ang mga labi mo sa pagsasalita ng panlilinlang.+
ס [Samek]
ע [Ayin]
15 Ang mga mata ni Jehova ay nakatingin sa mga matuwid,+
At ang mga tainga niya ay nakikinig sa paghingi nila ng tulong.+
פ [Pe]
16 Pero si Jehova* ay laban sa mga gumagawa ng masama;
Buburahin niya ang lahat ng alaala sa kanila sa lupa.+
צ [Tsade]
ק [Kop]
ר [Res]
ש [Shin]
ת [Taw]
21 Mamamatay sa kapahamakan ang masasama;
Ang mga napopoot sa matuwid ay hahatulang nagkasala.
22 Tinutubos ni Jehova ang buhay ng mga lingkod niya;
Walang sinumang nanganganlong sa kaniya ang hahatulang nagkasala.+
Awit ni David.
35 O Jehova, ipagtanggol mo ang kaso ko laban sa mga kaaway ko;+
Makipaglaban ka sa mga nakikipaglaban sa akin.+
3 Itaas mo ang iyong sibat at palakol na pandigma* laban sa mga humahabol sa akin.+
Sabihin mo sa akin: “Ako ang magliligtas sa iyo.”+
4 Mapahiya nawa at mawalan ng dangal ang mga nagtatangka sa buhay ko.+
Umurong nawa sa kahihiyan ang mga nagpaplanong pumatay sa akin.
6 Maging madilim nawa at madulas ang kanilang daan
Habang tinutugis sila ng anghel ni Jehova.
7 Dahil nag-umang sila ng lambat para hulihin ako nang walang dahilan;
Gumawa sila ng hukay para sa akin nang walang dahilan.
8 Bigla nawang dumating ang kapahamakan sa kaaway;
Mahuli nawa siya sa lambat na iniumang niya;
Mahulog nawa siya roon at mapuksa.+
9 Pero magsasaya ako dahil kay Jehova;
Magagalak ako dahil sa pagliligtas niya.
10 Sasabihin ng lahat ng buto ko:
“O Jehova, sino ang katulad mo?
Inililigtas mo ang walang kalaban-laban mula sa mga mas malakas sa kaniya,+
Ang mga walang kalaban-laban at ang mahihirap mula sa nagnanakaw sa kanila.”+
13 Pero nang magkasakit sila, nagsuot ako ng telang-sako;
Nagpakababa ako* at nag-ayuno,*
At nang hindi sinasagot* ang panalangin ko,
14 Naglakad ako na parang nagdadalamhati sa isang kaibigan o kapatid;
Nakayuko ako sa lungkot, na parang nagdadalamhati sa isang ina.
15 Pero nang matisod ako, nagsaya sila at nagsama-sama;
Nagtipon sila at inabangan ako para pabagsakin;
Niluray nila ako at hindi sila nanahimik.
17 O Jehova, hanggang kailan ka titingin na lang?+
19 Huwag nawang magsaya sa pagdurusa ko ang mga umaaway sa akin nang walang dahilan;
Huwag mong hayaang kumindat nang may pang-iinsulto+ ang mga napopoot sa akin nang walang dahilan.+
20 Dahil hindi sila bumibigkas ng mga salita ng kapayapaan,
Kundi nanlilinlang at nagpaplano ng masama laban sa mapayapang mga tao sa lupain.+
21 Ibinubuka nila nang malaki ang bibig nila at inaakusahan ako;
Sinasabi nila: “Aha! Aha! Nakita namin iyon.”
22 Nakita mo ito, O Jehova. Huwag kang manatiling tahimik.+
O Jehova, huwag kang manatiling malayo sa akin.+
23 Gumising ka at ipagtanggol mo ako,
O Diyos ko, Jehova, ipagtanggol mo ako sa kaso ko.
24 Hatulan mo ako ayon sa iyong katuwiran,+ O Jehova na aking Diyos;
Huwag mo silang hayaang magsaya sa pagdurusa ko.
25 Huwag nawa nilang masabi sa sarili nila: “Aha! Nakuha namin ang gusto namin!”
Huwag nawa nilang masabi: “Nilamon namin siya.”+
26 Mapahiya nawa at mawalan ng dangal
Ang lahat ng nagsasaya sa kapahamakan ko.
Mabalot nawa ng kahihiyan ang mga nagmamataas sa akin.
27 Pero humiyaw nawa sa kagalakan ang mga nalulugod sa pagiging matuwid ko;
Lagi nawa nilang sabihin:
“Dakilain nawa si Jehova, na nalulugod sa kapayapaan ng lingkod niya.”+
Sa direktor. Awit ni David na lingkod ni Jehova.
36 Ang pagsuway ay nakikipag-usap sa masama mula sa kaloob-looban ng puso niya;
Hindi siya natatakot sa Diyos.+
2 Labis ang paghanga niya sa sarili,
Kaya hindi niya nakikita at hindi niya kinapopootan ang pagkakamali niya.+
3 Ang mga salita ng bibig niya ay nakasasakit at mapandaya;
Wala siyang kaunawaan para gawin ang mabuti.
4 Nagpaplano siya ng masama kahit nasa higaan siya.
Desidido siyang tumahak sa landas na hindi mabuti;
Hindi niya itinatakwil ang kasamaan.
5 O Jehova, ang iyong tapat na pag-ibig ay umaabot sa langit,+
Ang katapatan mo ay hanggang sa mga ulap.
6 Ang katuwiran mo ay tulad ng mariringal na bundok;*+
Ang mga kahatulan mo ay gaya ng malawak at malalim na karagatan.+
Iniingatan* mo ang tao at hayop, O Jehova.+
7 Napakahalaga ng iyong tapat na pag-ibig, O Diyos!+
Sa lilim ng iyong mga pakpak nanganganlong ang mga anak ng tao.+
8 Nabubusog sila sa saganang pagkain sa* bahay mo,+
At pinaiinom mo sila sa iyong ilog ng kasiyahan.+
10 Patuloy mong ipakita ang iyong tapat na pag-ibig sa mga nakakakilala sa iyo,+
At ang iyong katuwiran sa mga matuwid ang puso.+
11 Huwag mong hayaang tapakan ako ng paa ng mapagmataas
O itaboy ng kamay ng masasama.
Awit ni David.
א [Alep]
ב [Bet]
4 Magkaroon ka ng masidhing kasiyahan kay Jehova,
At ibibigay niya sa iyo ang mga kahilingan ng puso mo.
ג [Gimel]
5 Ipagkatiwala* mo kay Jehova ang landasin mo;+
Manalig ka sa kaniya, at siya ang kikilos para sa iyo.+
6 Pasisinagin niya ang iyong katuwiran na gaya ng bukang-liwayway,
At ang iyong katarungan na gaya ng araw sa tanghaling-tapat.
ד [Dalet]
Huwag kang magalit sa taong
Nagtatagumpay sa mga pakana niya.+
ה [He]
ו [Waw]
10 Kaunting panahon na lang at ang masasama ay mawawala na;+
Titingnan mo ang dati nilang kinaroroonan,
Pero hindi mo sila makikita roon.+
11 Pero ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa,+
At mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil sa lubos na kapayapaan.+
ז [Zayin]
ח [Het]
14 Hinuhugot ng masasama ang mga espada nila at binabaluktot* ang mga pana nila
Para pabagsakin ang mga naaapi at ang mga dukha,
Para patayin ang mga namumuhay nang matuwid.
ט [Tet]
17 Dahil ang mga bisig ng masasama ay mababali,
Pero aalalayan ni Jehova ang mga matuwid.
י [Yod]
18 Alam ni Jehova ang pinagdadaanan* ng mga walang pagkukulang,
At ang mana nila ay mananatili magpakailanman.+
19 Hindi sila mapapahiya sa panahon ng kapahamakan;
Marami silang makakain sa panahon ng taggutom.
כ [Kap]
20 Pero ang masasama ay malilipol;+
Ang mga kaaway ni Jehova ay maglalahong gaya ng kagandahan ng mga pastulan;
Maglalaho silang gaya ng usok.
ל [Lamed]
מ [Mem]
נ [Nun]
25 Bata ako noon, at ngayon ay matanda na,
Pero wala pa akong nakitang matuwid na pinabayaan,+
At wala akong nakitang anak niya na namamalimos ng tinapay.*+
ס [Samek]
ע [Ayin]
פ [Pe]
30 Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan,*
At ang dila niya ay nagsasalita tungkol sa katarungan.+
צ [Tsade]
32 Inaabangan ng masama ang matuwid
Dahil gusto niya itong patayin.
33 Pero hindi hahayaan ni Jehova na mahulog ang matuwid sa kamay niya,+
At hindi Niya ito hahatulang nagkasala kapag dinala ito sa hukuman.+
ק [Kop]
34 Umasa ka kay Jehova at lumakad ka sa kaniyang daan,
At itataas ka niya at mamanahin mo ang lupa.
Kapag nilipol ang masasama,+ makikita mo iyon.+
ר [Res]
35 Nakakita ako ng malupit at masamang tao
Na gaya ng isang mayabong na puno sa lupang tinubuan nito.+
36 Pero bigla siyang pumanaw, at wala na siya;+
Hinanap ko siya nang hinanap, pero hindi ko siya nakita.+
ש [Shin]
37 Masdan mo ang walang kapintasan,*
At tingnan mo ang matuwid,+
Dahil ang kinabukasan ng taong iyon ay magiging payapa.+
ת [Taw]
40 Tutulungan sila ni Jehova at ililigtas.+
Ililigtas niya sila mula sa masasama at sasagipin sila,
Dahil nanganganlong sila sa kaniya.+
Awit ni David, para magpaalaala.
3 Nanghihina ang buong katawan ko* dahil sa galit mo.
Wala akong kapayapaan* dahil sa kasalanan ko.+
4 Lampas-ulo na ang mga pagkakamali ko;+
Gaya ng mabigat na pasan, hindi ko na kayang dalhin ang mga ito.
5 Ang mga sugat ko ay mabaho at nagnanaknak
Dahil sa kamangmangan ko.
6 Naghihirap ang kalooban ko at lumong-lumo ako;
Buong araw akong naglalakad na malungkot.
9 O Jehova, alam mo ang lahat ng gusto ko,
At hindi lingid sa iyo ang pagbubuntonghininga ko.
11 Iniiwasan ako ng mga kaibigan at kasama ko dahil sa salot na dinaranas ko,
At lumalayo sa akin ang malalapít kong kakilala.
12 Ang mga gustong pumatay sa akin ay nag-uumang ng mga bitag;
Ang mga gustong manakit sa akin ay nag-uusap-usap para ipahamak ako;+
Buong araw nilang pinag-iisipan ang panlilinlang.
14 Ako ay naging gaya ng isang taong hindi makarinig,
Na ang bibig ay walang masabi para ipagtanggol ang sarili.
16 Dahil sinabi ko: “Huwag nawa silang magsaya sa pagdurusa ko
O magmataas sa akin kung madulas ako.”
19 Pero ang mga kaaway ko ay masigla* at malakas,*
Ang mga napopoot sa akin nang walang dahilan ay dumami.
20 Masama ang iginanti nila sa kabutihan ko;
Nilalabanan nila ako dahil sinisikap kong gawin ang mabuti.
21 Huwag mo akong iwan, O Jehova.
O Diyos, huwag kang manatiling malayo sa akin.+
Sa direktor; sa Jedutun.*+ Awit ni David.
Lalagyan ko ng busal ang aking bibig+
Hangga’t may masasamang tao sa paligid ko.”
2 Nanahimik ako at hindi kumibo;+
Nanatili akong tahimik kahit sa mga bagay na mabuti,
Pero matindi* ang nadarama kong kirot.
Habang nagbubulay-bulay* ako, patuloy na lumalagablab ang apoy.
Pagkatapos, sinabi ko:
4 “O Jehova, tulungan mo akong malaman ang magiging wakas ko,
At ang bilang ng mga araw ko,+
Para malaman ko kung gaano kaikli ang buhay ko.*
Bawat tao, kahit mukhang matatag, ay gaya lang ng isang hininga.+ (Selah)
6 Talagang ang bawat tao ay lumalakad na gaya ng anino.*
Nagpapakaabala siya* para sa wala.
Nag-iimbak siya ng kayamanan, pero hindi niya alam kung sino ang makikinabang dito.+
7 Ano ngayon ang maaasahan ko, O Jehova?
Ikaw lang ang pag-asa ko.
8 Iligtas mo ako sa lahat ng kasalanan ko.+
Huwag mong hayaang hamakin ako ng mangmang.
9 Nanatili akong walang imik;
Hindi ko maibuka ang bibig ko,+
Dahil ikaw ang may gawa ng lahat ng ito.+
10 Alisin mo ang salot na ipinasapit mo sa akin.
Nanghihina na ako sa mga hampas ng kamay mo.
11 Pinaparusahan mo ang tao para ituwid siya sa pagkakamali niya;+
Inuubos mo ang mga bagay na mahalaga sa kaniya gaya ng ginagawa ng isang insekto.*
Talagang ang bawat tao ay gaya lang ng isang hininga.+ (Selah)
Huwag mong bale-walain ang mga luha ko.
Dahil sa paningin mo, isa lang akong dayuhang nakikipanirahan,+
Isang manlalakbay na dumadaan,* gaya ng lahat ng ninuno ko.+
13 Alisin mo sa akin ang matalim mong tingin para sumaya ako
Bago ako mamatay at maglaho.”
Sa direktor. Awit ni David.
40 May pananabik akong umasa* kay Jehova,
At pinakinggan niya ako* at dininig ang paghingi ko ng tulong.+
2 Iniahon niya ako mula sa umuugong na hukay,
Mula sa lusak.
At pinatuntong niya ako sa malaking bato;
Pinatatag niya ang pagkakatayo ko.
Marami ang makakakita nito at mamamangha,
At magtitiwala sila kay Jehova.
4 Maligaya ang taong nagtitiwala kay Jehova
At hindi umaasa sa mga mapaghimagsik o sinungaling.
5 Napakarami mong ginawa,
O Jehova na aking Diyos,
Ang iyong kamangha-manghang mga gawa at ang mga iniisip mo para sa amin.+
Walang maikukumpara sa iyo;+
Subukan ko mang sabihin ang tungkol sa mga iyon,
Hindi ko mababanggit ang lahat ng iyon dahil sa dami!+
Hindi ka humingi ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa kasalanan.+
7 Pagkatapos ay sinabi ko: “Narito* ako.
Iyon ang nakasulat sa balumbon* tungkol sa akin.+
9 Inihahayag ko ang magandang balita ng katuwiran sa malaking kongregasyon.+
Hindi ko pinipigilan ang mga labi ko,+
Gaya ng alam mo, O Jehova.
10 Hindi ko tinatakpan sa puso ko ang katuwiran mo.
Inihahayag ko ang tungkol sa katapatan at pagliligtas mo.
Hindi ko itinatago ang iyong tapat na pag-ibig at ang iyong katotohanan sa malaking kongregasyon.”+
11 O Jehova, huwag mo akong pagkaitan ng awa.
Palagi nawa akong ingatan ng iyong tapat na pag-ibig at ng iyong katotohanan.+
12 Hindi mabilang ang mga kapahamakang nakapalibot sa akin.+
Natabunan na ako ng mga pagkakamali ko at hindi ko na makita ang dadaanan ko;+
Mas marami pa ang mga iyon kaysa sa mga buhok sa ulo ko,
At pinanghinaan na ako ng loob.
13 O Jehova, kalugdan mo nawang iligtas ako.+
O Jehova, magmadali ka at tulungan mo ako.+
14 Mapahiya nawa at mawalan ng dangal
Ang lahat ng nagtatangka sa buhay ko.
Umurong nawa sa kahihiyan
Ang mga gustong mapahamak ako.
15 Mangilabot nawa sa sarili nilang kahihiyan
Ang mga nagsasabi sa akin: “Buti nga sa iyo!”
Lagi nawang sabihin ng mga nananabik sa pagliligtas mo:
“Dakilain nawa si Jehova.”+
17 Pero ako ay walang kalaban-laban at dukha;
Bigyang-pansin nawa ako ni Jehova.
Sa direktor. Awit ni David.
2 Babantayan siya ni Jehova at pananatilihing buháy.
3 Aalalayan siya ni Jehova sa banig ng karamdaman;+
Sa panahong may sakit siya, papalitan mo ang buong higaan niya.
4 Sinabi ko: “O Jehova, maawa ka sa akin.+
Pagalingin mo ako,+ dahil nagkasala ako sa iyo.”+
5 Pero ang mga kaaway ko ay nagsasalita ng masama tungkol sa akin:
“Kailan ba siya mamamatay at nang malimutan na siya?”
6 Kapag dumadalaw sa akin ang isa sa kanila, nagsisinungaling ito.*
Naghahanap ito ng masasamang bagay na masasabi tungkol sa akin;
Pagkatapos ay umaalis ito at ipinagkakalat iyon.
7 Nagbubulong-bulungan ang lahat ng napopoot sa akin;
Nagpaplano sila ng masama laban sa akin, at sinasabi nila:
10 Pero ikaw, O Jehova, maawa ka sa akin at ibangon mo ako,
Para magantihan ko sila.
11 Malalaman kong nalulugod ka sa akin
Kapag ang kaaway ko ay hindi nagtagumpay laban sa akin.+
Amen at Amen.
IKALAWANG AKLAT
(Awit 42-72)
Sa direktor. Maskil* ng mga anak ni Kora.+
42 Gaya ng usa na nananabik sa mga batis,
Gayon ako nananabik sa iyo, O Diyos.
2 Nauuhaw ako sa Diyos, sa Diyos na buháy.+
Kailan ako maaaring pumunta at humarap sa Diyos?+
3 Ang mga luha ko ang naging pagkain ko araw at gabi;
Buong araw akong tinutuya ng mga tao: “Nasaan ang Diyos mo?”+
4 Ibinubuhos ko ang laman ng puso ko kapag naaalaala ko ang mga bagay na ito:
Lumalakad ako noon na kasama ng karamihan;
Taimtim* akong lumalakad sa unahan nila papunta sa bahay ng Diyos,
At maririnig ang pagsasaya at pagpapasalamat
Ng maraming taong nagdiriwang ng kapistahan.+
Bakit naghihirap ang kalooban ko?
6 O Diyos ko, napakalungkot ko.+
7 Sa lagaslas ng iyong mga talon
Ay tumatawag ang malalim na katubigan sa malalim na katubigan.
Natabunan ako ng lahat ng dumadaluyong mong alon.+
8 Sa araw ay ipapakita sa akin ni Jehova ang kaniyang tapat na pag-ibig,
At sa gabi ay aawit ako tungkol sa kaniya—isang panalangin sa Diyos ng aking buhay.+
9 Sasabihin ko sa Diyos, na aking malaking bato:
“Bakit mo ako kinalimutan?+
Bakit kailangan kong maglakad nang malungkot dahil sa pagpapahirap ng kaaway ko?”+
10 Tinutuya ako ng mga kaaway ko nang may matinding pagkapoot;*
Buong araw nila akong tinutuya: “Nasaan ang Diyos mo?”+
11 Bakit napakalungkot ko?
Bakit naghihirap ang kalooban ko?
Maghihintay ako sa Diyos,+
Dahil pupurihin ko pa siya bilang aking Dakilang Tagapagligtas at aking Diyos.+
Iligtas mo ako sa taong mapanlinlang at di-matuwid.
2 Dahil ikaw ang aking Diyos, ang aking tanggulan.+
Bakit mo ako itinakwil?
Bakit kailangan kong maglakad nang malungkot dahil sa pagpapahirap ng kaaway ko?+
3 Isugo mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan.+
Akayin nawa ako ng mga ito;+
Gabayan nawa ako ng mga ito papunta sa iyong banal na bundok at sa iyong maringal na tabernakulo.+
At pupurihin kita gamit ang alpa,+ O Diyos, aking Diyos.
5 Bakit napakalungkot ko?
Bakit naghihirap ang kalooban ko?
Maghihintay ako sa Diyos,+
Dahil pupurihin ko pa siya bilang aking Dakilang Tagapagligtas at aking Diyos.+
Sa direktor. Awit ng mga anak ni Kora.+ Maskil.*
44 O Diyos, narinig ng sarili naming mga tainga,
Ikinuwento sa amin ng mga ninuno namin,+
Ang mga ginawa mo noong panahon nila,
Noong unang panahon.
2 Sa pamamagitan ng iyong kamay ay itinaboy mo ang mga bansa+
At pinatira mo roon ang mga ninuno namin.+
Dinurog mo ang mga bansa at itinaboy ang mga ito.+
3 Nakuha nila ang lupain hindi dahil sa sarili nilang espada,+
At nagtagumpay sila hindi dahil sa sarili nilang bisig,+
Kundi dahil sa iyong kanang kamay at sa iyong bisig+ at sa liwanag ng iyong mukha,
Dahil kinalugdan mo sila.+
5 Sa pamamagitan ng kapangyarihan mo ay pauurungin namin ang aming mga kalaban;+
Sa pangalan mo ay tatapakan namin ang mga lumalaban sa amin.+
8 Buong araw kaming maghahandog ng papuri sa Diyos,
At pasasalamatan namin ang pangalan mo magpakailanman. (Selah)
9 Pero ngayon ay itinakwil mo kami at hiniya,
At hindi ka sumasama sa aming mga hukbo.
10 Lagi mo kaming pinauurong mula sa kalaban namin;+
Kinukuha ng mga napopoot sa amin ang anumang gusto nila.
13 Hinayaan mo kaming dustain ng kalapít na mga bansa,
Tuyain at insultuhin ng mga nakapalibot sa amin.
14 Ginawa mo kaming tampulan ng panghahamak* ng mga bansa,+
At pailing-iling silang nangungutya sa amin.
15 Hiyang-hiya ako buong araw,
At wala na akong mukhang maiharap,
16 Dahil sa naririnig kong panunuya at pang-iinsulto nila,
Dahil sa kaaway naming naghihiganti.
17 Nangyari sa amin ang lahat ng ito, pero hindi ka namin kinalimutan,
At hindi namin sinira ang iyong tipan.+
18 Ang puso namin ay hindi lumihis;
Ang mga paa namin ay hindi umalis sa iyong landas.
19 Pero dinurog mo kami sa tinitirhan ng mga chakal;
Tinakpan mo kami ng matinding kadiliman.
20 Kung kinalimutan namin ang pangalan ng aming Diyos
O kung itinaas namin ang aming mga kamay para manalangin sa diyos ng mga banyaga,
21 Hindi ba ito malalaman ng Diyos?
Alam niya ang mga lihim ng puso.+
23 Bumangon ka. Bakit natutulog ka pa, O Jehova?+
Gumising ka! Huwag mo kaming itakwil magpakailanman.+
24 Bakit mo itinatago ang iyong mukha?
Bakit mo nililimot ang aming pagdurusa at ang pang-aapi sa amin?
26 Bumangon ka at tulungan mo kami!+
Iligtas* mo kami dahil sa iyong tapat na pag-ibig.+
Sa direktor; sa himig ng “Mga Liryo.” Awit ng mga anak ni Kora.+ Maskil.* Isang awit ng pag-ibig.
45 Ang puso ko ay napukaw ng isang mabuting bagay.
Sinasabi ko: “Ang awit* ko ay tungkol sa isang hari.”+
Ang dila ko nawa ay maging panulat+ ng isang dalubhasang tagakopya.*+
2 Ikaw ang pinakamakisig sa mga anak ng tao.
Kahali-halina ang mga salitang lumalabas sa mga labi mo.+
Kaya ang pagpapala sa iyo ng Diyos ay magpakailanman.+
3 Isukbit mo sa tagiliran mo ang iyong espada,+ O makapangyarihan,+
Taglay ang iyong dangal at karilagan.+
4 At sa karilagan mo ay humayo ka at magtagumpay;+
Sakay ng iyong kabayo ay ipakipaglaban mo ang katotohanan at kapakumbabaan at katuwiran,+
At ang kanang kamay mo ay makagagawa* ng kamangha-manghang mga bagay.
5 Ang mga palaso mo ay matutulis at nagpapabagsak sa mga nasa harapan mo;+
Tumatagos ang mga ito sa puso ng mga kaaway ng hari.+
7 Inibig mo ang katuwiran+ at kinapootan ang kasamaan.+
Kaya naman ang Diyos, ang iyong Diyos, ay nagpahid sa iyo+ ng langis ng kagalakan+ nang higit kaysa sa mga kasamahan mo.
8 Ang lahat ng damit mo ay pinabanguhan ng mira at aloe at kasia;
Pinasasaya ka ng mga instrumentong de-kuwerdas mula sa maringal na palasyong garing.*
9 Ang mga anak na babae ng mga hari ay kabilang sa mga pinararangalang babae sa palasyo mo.
Tumayo sa kanan mo ang reyna, na may mga palamuting ginto ng Opir.+
10 Dinggin mo, O anak na babae, magbigay-pansin ka at makinig;
Kalimutan mo ang bayan mo at ang sambahayan ng iyong ama.
13 Sa loob ng palasyo,* ang anak na babae ng hari ay napakaganda;
Ang damit niya ay napapalamutian ng ginto.
14 Ihahatid siya sa hari suot ang damit na maganda ang pagkakahabi.*
Ang mga kasamahan niyang dalaga na sumusunod sa kaniya ay dadalhin sa harap mo.
15 Ihahatid sila nang may pagsasaya at kagalakan;
Papasok sila sa palasyo ng hari.
16 Ang mga anak mo ang hahalili sa iyong mga ninuno.
Aatasan mo sila bilang matataas na opisyal* sa buong lupa.+
17 Ipaaalam ko ang pangalan mo sa lahat ng darating na henerasyon.+
Kaya pupurihin ka ng mga bayan magpakailanman.
Sa direktor. Awit ng mga anak ni Kora.+ Sa istilong Alamot.*
2 Kaya hindi tayo matatakot, kahit may pagbabagong mangyari sa lupa,
Kahit na gumuho ang mga bundok at lumubog sa pusod ng dagat,+
3 Kahit na ang tubig nito ay umugong at umalimbukay,+
Kahit na umuga ang mga bundok dahil sa pagdaluyong nito. (Selah)
4 May sanga-sangang ilog na nagpapasaya sa lunsod ng Diyos,+
Sa banal at maringal na tabernakulo ng Kataas-taasan.
5 Ang Diyos ay nasa lunsod;+ hindi ito maibabagsak.
Tutulungan ito ng Diyos sa pagbubukang-liwayway.+
6 Ang mga bansa ay nagkagulo, ang mga kaharian ay bumagsak;
Inilakas niya ang tinig niya, at ang lupa ay natunaw.+
7 Si Jehova ng mga hukbo ay kasama natin;+
Ang Diyos ni Jacob ang ating ligtas na kanlungan.* (Selah)
8 Halikayo at masdan ninyo ang mga ginagawa ni Jehova,
Ang kamangha-manghang mga bagay na ginagawa niya sa lupa.
9 Pinatitigil niya ang mga digmaan sa buong lupa.+
Binabali niya ang pana at dinudurog ang sibat;
Sinusunog niya ang mga karwaheng pangmilitar.*
10 “Magpasakop kayo at kilalanin ninyo na ako ang Diyos.
11 Si Jehova ng mga hukbo ay kasama natin;+
Ang Diyos ni Jacob ang ating ligtas na kanlungan.+ (Selah)
Sa direktor. Awit ng mga anak ni Kora.+
47 Lahat kayong mga bayan, pumalakpak kayo.
Purihin ninyo ang Diyos at sumigaw kayo nang may kagalakan dahil sa tagumpay.
3 Ipinasasakop niya sa atin ang mga bayan;
Inilalagay niya ang mga bansa sa ilalim ng mga paa natin.+
5 Umakyat ang Diyos habang masayang nagsisigawan ang mga tao;
Umakyat si Jehova kasabay ng tunog ng tambuli.*
6 Umawit kayo ng mga papuri* sa Diyos, umawit kayo ng mga papuri.
Umawit kayo ng mga papuri sa ating Hari, umawit kayo ng mga papuri.
8 Ang Diyos ay naging Hari sa mga bansa.+
Nakaupo ang Diyos sa kaniyang banal na trono.
9 Ang mga pinuno ng mga bayan ay nagtipon-tipon
Kasama ng bayan ng Diyos ni Abraham.
Dahil ang mga tagapamahala* ng lupa ay sa Diyos.
Napakadakila niya.+
Awit ng mga anak ni Kora.+
48 Si Jehova ay dakila at pinakakarapat-dapat sa papuri
Sa lunsod ng Diyos natin, sa kaniyang banal na bundok.
2 Ang Bundok Sion sa malayong hilaga,
Ang lunsod ng Dakilang Hari,+
Ay maganda at matayog at kagalakan ng buong lupa.+
5 Nang makita nila ito, namangha sila.
Nataranta sila at tumakas sa sobrang takot.
6 Nanginig sila roon,
Naghirap na gaya ng babaeng nanganganak.
7 Winawasak mo ang mga barko ng Tarsis sa pamamagitan ng hanging silangan.
8 Ang nabalitaan namin noon, nakikita na namin ngayon
Sa lunsod ni Jehova ng mga hukbo, sa lunsod ng aming Diyos.
Iingatan ito ng Diyos magpakailanman.+ (Selah)
Ang kanang kamay mo ay punô ng katuwiran.+
13 Tingnan ninyong mabuti ang mga tanggulan* nito.+
Suriin ninyo ang matitibay na tore nito,
Para maikuwento ninyo ito sa susunod na mga henerasyon.
14 Dahil ang Diyos na ito ang Diyos+ natin magpakailanman.
Walang hanggan niya tayong papatnubayan.*+
Sa direktor. Awit ng mga anak ni Kora.+
49 Pakinggan ninyo ito, kayong mga bayan.
Magbigay-pansin kayo, kayong mga nakatira sa lupa,*
2 Ang nakabababa at ang nakatataas,*
Ang mayayaman at ang mahihirap.
4 Magbibigay-pansin ako sa isang kasabihan;
Ipapaliwanag ko ang bugtong ko sa pamamagitan ng alpa.
5 Bakit ako matatakot kapag may mga problema,+
Kapag napapalibutan ako ng kasamaan* ng mga nagsisikap magpabagsak sa akin?
6 Ang mga nagtitiwala sa mga pag-aari nila+
At nagyayabang tungkol sa kanilang malaking kayamanan,+
7 Walang isa man sa kanila ang makatutubos sa kapatid niya
O makapagbibigay sa Diyos ng pantubos para sa kaniya,+
8 (Ang halaga ng pantubos para sa buhay nila ay napakamahal,
Kaya hindi nila ito kailanman maibibigay);
9 Para mabuhay siya magpakailanman at hindi mapunta sa hukay.*+
10 Nakikita niya na kahit ang marurunong ay namamatay;
Magkasamang namamatay ang mangmang at ang walang unawa,+
At iiwan nila sa iba ang yaman nila.+
11 Gusto nilang tumagal magpakailanman ang mga bahay nila,
Ang mga tolda nila sa sunod-sunod na henerasyon.
Tinawag nila sa kanilang pangalan ang mga lupain nila.
12 Pero ang tao, kahit may karangalan, ay hindi makapananatiling buháy;+
Hindi siya nakahihigit sa mga hayop na namamatay.+
13 Ganiyan ang nangyayari sa mga mangmang+
At sa mga sumusunod sa kanila, na nasisiyahan sa kanilang walang-saysay na pananalita. (Selah)
14 Sila ay nakatalaga sa Libingan* na gaya ng mga tupa;
Kamatayan ang magpapastol sa kanila;
Ang matuwid ang magpupuno sa kanila+ sa umaga.
15 Pero tutubusin ako* ng Diyos mula sa kapangyarihan* ng Libingan,*+
Kukunin niya ako at ililigtas. (Selah)
16 Huwag kang matakot kapag yumayaman ang isang tao,
Kapag lalong nagiging marangya ang bahay niya,
17 Dahil kapag namatay siya, wala siyang madadalang anuman;+
Ang karangyaan niya ay hindi bababang kasama niya.+
18 Dahil sa buong buhay niya ay pinupuri niya ang sarili niya.+
(Pinupuri ka ng mga tao kapag yumayaman ka.)+
19 Pero sa kalaunan ay sumasama siya sa henerasyon ng mga ninuno niya.
Hindi na nila muling makikita ang liwanag.
20 Ang taong hindi nakakaintindi nito, kahit may karangalan,+
Ay hindi nakahihigit sa mga hayop na namamatay.
Awit ni Asap.+
50 Ang Diyos ng mga diyos,* si Jehova,+ ay nagsalita;
Tinatawag niya ang buong lupa
Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.*
2 Mula sa Sion, na sukdulan sa kagandahan,+ ay sumisinag ang Diyos.
3 Ang Diyos natin ay darating at hindi mananahimik lang.+
5 “Tipunin ninyo sa harap ko ang mga tapat sa akin,
Ang mga nakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng handog.”+
Ako ang Diyos, ang iyong Diyos.+
8 Hindi kita sinasaway dahil sa mga handog mo,
O dahil sa iyong mga buong handog na sinusunog na laging nasa harap ko.+
9 Hindi ko kailangang kumuha ng toro mula sa sambahayan mo,
12 Kung gutom ako, hindi ko sasabihin sa iyo,
Dahil ang mabungang lupain at ang lahat ng naroon ay akin.+
Ililigtas kita, at luluwalhatiin mo ako.”+
16 Pero sasabihin ng Diyos sa masama:
18 Kapag nakita mo ang isang magnanakaw, natutuwa* ka sa kaniya,+
At sumasama ka sa mga mangangalunya.
20 Umuupo ka at nagsasalita laban sa sarili mong kapatid;+
Ibinubunyag mo ang mga pagkakamali ng* anak ng sarili mong ina.
21 Nang gawin mo ang mga ito, nanahimik ako,
Kaya inakala mong ako ay magiging gaya mo.
Pero sasawayin kita ngayon,
At sasabihin ko ang mga pagkakamali mo.+
22 Pakisuyong pag-isipan ninyo ito, kayong mga lumilimot sa Diyos,+
Para hindi ko kayo luray-lurayin at walang makapagligtas sa inyo.
23 Ang naghahandog ng pasasalamat bilang hain ay lumuluwalhati sa akin,+
At sa patuloy na lumalakad sa tamang daan,
Ipapakita ko sa kaniya ang pagliligtas ng Diyos.”+
Sa direktor. Awit ni David, nang puntahan siya ng propetang si Natan matapos sipingan ni David si Bat-sheba.+
51 Maawa ka sa akin, O Diyos, dahil sa iyong tapat na pag-ibig.+
Burahin mo ang mga pagkakasala ko dahil sa laki ng iyong awa.+
Kaya kapag nagsasalita ka, matuwid ka;
Tama ang hatol mo.+
7 Dalisayin mo ako mula sa kasalanan ko sa pamamagitan ng isopo, para maging malinis ako;+
Hugasan mo ako, para maging mas maputi ako kaysa sa niyebe.+
10 Dalisayin mo ang puso ko, O Diyos,+
At bigyan mo ako ng bagong saloobin*+ na magpapatatag sa akin.
11 Huwag mo akong itaboy mula sa harap mo;
At huwag mong alisin sa akin ang iyong banal na espiritu.
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakang nadama ko nang iligtas mo ako;+
Bigyan mo ako ng pagnanais na sundin ka.*
14 Iligtas mo ako mula sa pagkakasala sa dugo,+ O Diyos, ang Diyos na aking tagapagligtas,+
Para maihayag ko nang may kagalakan ang katuwiran mo.+
16 Dahil hindi handog ang gusto mo—ibinigay ko na sana iyon sa iyo kung gusto mo;+
Hindi ka nasisiyahan sa buong handog na sinusunog.+
17 Ang handog na nakalulugod sa Diyos ay isang bagbag na puso;*
Ang pusong wasak at durog, O Diyos, ay hindi mo itatakwil.*+
18 Sa iyong kabutihang-loob ay gawin mo ang mabuti sa Sion;
Patibayin mo ang mga pader ng Jerusalem.
19 Sa gayon ay malulugod ka sa handog ng mga matuwid,
Sa mga haing sinusunog at mga buong handog;
At mga toro ang ihahandog sa altar mo.+
Sa direktor. Maskil.* Awit ni David, nang dumating si Doeg na Edomita at magsabi kay Saul na pumunta si David sa bahay ni Ahimelec.+
52 Bakit mo ipinagyayabang ang masasama mong ginagawa, ikaw na makapangyarihan?+
Ang tapat na pag-ibig ng Diyos ay ipinapakita niya buong araw.+
3 Mas mahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan,
Ang pagsisinungaling kaysa sa pagsasabi ng totoo. (Selah)
4 Iniibig mo ang bawat salitang nagpapahamak,
O ikaw na dilang mapanlinlang!
5 Kaya ibabagsak ka ng Diyos at hindi ka na makababangon;+
Kukunin ka niya at kakaladkarin palayo sa tolda mo;+
Bubunutin ka niya mula sa lupain ng mga buháy.+ (Selah)
7 “Narito ang isang lalaki na hindi nanganlong sa* Diyos,+
Kundi nagtiwala sa dami ng kayamanan niya+
8 Pero ako ay magiging gaya ng mayabong na punong olibo sa bahay ng Diyos;
Magtitiwala ako sa tapat na pag-ibig+ ng Diyos magpakailanman.
9 Pupurihin kita magpakailanman dahil sa ginawa mo;+
Sa harap ng mga tapat sa iyo,
Aasa ako sa pangalan mo,+ dahil ito ay mabuti.
Sa direktor; sa istilong Mahalat.* Maskil.* Awit ni David.
53 Sinasabi ng mangmang sa sarili niya:
“Walang Jehova.”+
Ang mga ginagawa nilang di-matuwid ay napakasama at kasuklam-suklam;
Walang gumagawa ng mabuti.+
2 Pero tinitingnan ng Diyos mula sa langit ang mga anak ng tao+
Para makita kung may sinumang may kaunawaan, kung may sinumang humahanap kay Jehova.+
3 Lahat sila ay tumalikod;
Lahat sila ay masasama.
Walang gumagawa ng mabuti,
Wala kahit isa.+
4 Bakit hindi nakakaintindi ang mga gumagawa ng mali?
Nilalamon nila ang bayan ko na parang kumakain lang ng tinapay.
Hindi sila tumatawag kay Jehova.+
5 Pero mababalot sila ng matinding takot,
Takot na hindi pa nila kailanman naramdaman,*
Dahil ikakalat ng Diyos ang mga buto ng mga sumasalakay* sa iyo.
Ipapahiya mo sila, dahil itinakwil sila ni Jehova.
6 Manggaling nawa sa Sion ang kaligtasan ng Israel!+
Kapag tinipong muli ni Jehova ang kaniyang bayan na binihag,
Magalak nawa ang Jacob, magsaya nawa ang Israel.
Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Maskil.* Awit ni David noong dumating ang mga Zipeo at sabihin nila kay Saul: “Doon sa amin nagtatago si David.”+
Hindi nila kinikilala ang Diyos.+ (Selah)
6 Buong puso akong maghahandog sa iyo.+
Pupurihin ko ang pangalan mo, O Jehova, dahil ito ay mabuti.+
7 Dahil inililigtas niya ako mula sa bawat pagdurusa,+
At pagmamasdan ko ang pagkatalo ng mga kaaway ko.+
Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Maskil.* Awit ni David.
2 Pakinggan mo ako at sagutin.+
Hindi ako mapalagay dahil sa ikinababahala ko,+
At hindi ako matahimik
3 Dahil sa sinasabi ng kaaway
At sa panggigipit ng masama.
Patuloy nila akong pinahihirapan,
At dahil sa galit nila ay malupit sila sa akin.+
5 Natatakot ako at nanginginig,
At hindi ko mapigil ang pangangatog ko.
6 Lagi kong sinasabi: “Kung may mga pakpak lang sana ako na gaya ng kalapati!
Lilipad ako at maninirahan sa ligtas na lugar.
Maninirahan ako sa ilang.+ (Selah)
8 Magmamadali ako papunta sa isang kanlungan,
Malayo sa malakas na hangin, malayo sa bagyo.”
9 Lituhin mo sila, O Jehova, at biguin mo ang mga plano nila,*+
Dahil nakita ko ang karahasan at pag-aaway sa lunsod.
Hindi isang kalaban ang sumasalakay sa akin;
Kung kalaban siya, makapagtatago sana ako mula sa kaniya.
14 Dati tayong matalik na magkaibigan;
Dati tayong lumalakad kasama ng karamihan papunta sa bahay ng Diyos.
Bumaba sana silang buháy sa Libingan;*
Dahil ang kasamaan ay nasa gitna nila at nasa puso nila.
18 Ililigtas* niya ako sa mga kaaway ko at bibigyan ng kapayapaan,
Dahil maraming sumasalakay sa akin.+
19 Maririnig sila ng Diyos at kikilos siya laban sa kanila,+
Siya na nakaupo sa trono mula pa noong unang panahon.+ (Selah)
Hindi sila magbabago,
Sila na hindi natatakot sa Diyos.+
Ang mga salita niya ay mas nakagiginhawa* kaysa sa langis,
Pero ang mga iyon ay matatalim na espada.+
Hindi niya kailanman hahayaang mabuwal* ang matuwid.+
23 Pero ikaw, O Diyos, ibababa mo sila sa pinakamalalim na hukay.+
Ang mga mamamatay-tao at mapanlinlang ay hindi aabot sa kalahati ng buhay nila.+
Pero ako, magtitiwala ako sa iyo.
Sa direktor; sa himig ng “Tahimik na Kalapati na Nasa Malayo.” Awit ni David. Miktam.* Nang mahuli siya ng mga Filisteo sa Gat.+
56 Kaawaan mo ako, O Diyos, dahil sinasalakay* ako ng hamak na tao.
Buong araw silang nakikipaglaban sa akin at inaapi nila ako.
2 Buong araw akong sinasalakay* ng mga kaaway ko;
Maraming nakikipaglaban sa akin nang may kayabangan.
3 Kapag natatakot ako,+ sa iyo ako nagtitiwala.+
4 Sa Diyos—na ang salita ay pinupuri ko—
Sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako natatakot.
Ano ang magagawa sa akin ng hamak na tao?*+
6 Nagtatago sila para sumalakay;
Binabantayan nila ang bawat hakbang ko,+
At gusto nila akong patayin.+
7 Itakwil mo sila dahil napakasama nila.
Sa galit mo ay ibagsak mo ang mga bansa, O Diyos.+
8 Nakasubaybay ka sa aking pagpapagala-gala.+
Ipunin mo ang mga luha ko sa iyong sisidlang balat.+
Hindi ba nakasulat ang mga iyon sa aklat mo?+
9 Ang mga kaaway ko ay uurong sa araw na humingi ako ng tulong.+
Ito ang natitiyak ko: ang Diyos ay nasa panig ko.+
10 Sa Diyos—na ang salita ay pinupuri ko—
Kay Jehova—na ang salita ay pinupuri ko—
Ano ang magagawa sa akin ng hamak na tao?+
12 May mga panata ako sa iyo na dapat kong tuparin, O Diyos;+
Maghahandog ako ng pasasalamat sa iyo.+
13 Dahil iniligtas mo ako sa kamatayan+
At hindi mo hinayaang matisod ang mga paa ko,+
Para makalakad ako sa harap ng Diyos nang nasisinagan ng liwanag ng buhay.+
Sa direktor; sa himig ng “Huwag Mong Ipahamak.” Awit ni David. Miktam.* Nang tumakas siya mula kay Saul papunta sa kuweba.+
57 Kaawaan mo ako, O Diyos, kaawaan mo ako,
Dahil sa iyo ako nanganganlong,+
At nanganganlong ako sa lilim ng mga pakpak mo hanggang sa lumipas ang kapighatian.+
2 Tumatawag ako sa Diyos na Kataas-taasan,
Sa tunay na Diyos, na tatapos sa lahat ng ito para sa akin.
3 Magpapadala siya ng tulong mula sa langit at ililigtas ako.+
Bibiguin niya ang sumasalakay* sa akin. (Selah)
Ipapakita ng Diyos ang kaniyang tapat na pag-ibig at katapatan.+
4 Napapalibutan ako ng mga leon;+
Nakahiga akong kasama ng mga taong gustong lumamon sa akin,
Na ang mga ngipin ay mga sibat at mga palaso
At ang dila ay matalas na espada.+
Gumawa sila ng hukay sa harap ko,
Pero sila mismo ang nahulog doon.+ (Selah)
Aawit ako at tutugtog.
Gumising ka, O instrumentong de-kuwerdas; ikaw rin, O alpa.
Gigisingin ko ang bukang-liwayway.+
10 Dahil ang iyong tapat na pag-ibig ay dakila, kasintaas ng langit,+
At ang iyong katapatan ay hanggang sa kalangitan.
Sa direktor; sa himig ng “Huwag Mong Ipahamak.” Awit ni David. Miktam.*
58 Makapagsasalita ba kayo ng tungkol sa katuwiran kung mananahimik kayo?+
Makahahatol ba kayo nang tama, kayong mga anak ng tao?+
2 Hindi, dahil nagpapakana kayo ng kasamaan sa puso ninyo,+
At ang mga kamay ninyo ay nagpapalaganap ng karahasan sa lupain.+
3 Ang masasama ay lumilihis na ng landas* mula pa nang ipanganak;*
Sinungaling na sila at matigas ang ulo mula pa nang isilang.
4 Ang kamandag nila ay gaya ng kamandag ng ahas;+
Bingi sila na gaya ng kobra na nagsasara ng tainga.
5 Hindi ito makikinig sa tinig ng mga engkantador,
Gaano man kahusay ang mahika nila.
6 O Diyos, basagin mo ang mga ngipin nila!
Basagin mo ang panga ng mga leong ito, O Jehova!
7 Mawala nawa sila gaya ng tubig na natutuyo.
Baluktutin Niya nawa ang búsog niya at pabagsakin sila ng mga palaso niya.
8 Maging gaya nawa sila ng susô na natutunaw habang umuusad;
Gaya ng sanggol na ipinanganak na patay na hindi makakakita ng araw.
9 Bago maramdaman ng mga lutuan ninyo ang init ng panggatong,*
Ang sariwa at ang nasusunog na sanga ay tatangayin niya, gaya ng hangin ng bagyo.+
10 Ang matuwid ay magsasaya dahil nakita niya ang paghihiganti;+
Ang mga paa niya ay mababasâ ng dugo ng masasama.+
11 At sasabihin ng mga tao: “Talagang may gantimpala para sa matuwid.+
Talagang may Diyos na humahatol sa lupa.”+
Sa direktor; sa himig ng “Huwag Mong Ipahamak.” Awit ni David. Miktam.* Nang magsugo si Saul ng mga tauhan para bantayan ang bahay ni David* at patayin siya.+
3 Nag-aabang sila para saktan ako;+
Sinasalakay ako ng malalakas na tao,
Pero hindi dahil nagrebelde ako o nagkasala,+ O Jehova.
4 Wala akong ginawang mali, pero tumatakbo sila at naghahandang sumalakay.
Dinggin mo ang pagtawag ko at tingnan mo ako.
5 Dahil ikaw, O Jehova na Diyos ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel.+
Gumising ka at tingnan mo ang ginagawa ng lahat ng bansa.
Huwag kang magpakita ng awa sa sinumang taksil at masama.+ (Selah)
7 Tingnan mo kung ano ang lumalabas* sa mga bibig nila;
Ang mga labi nila ay gaya ng espada,+
Dahil sinasabi nila: “Sino ang nakikinig?”+
10 Ang Diyos na nagpapakita sa akin ng tapat na pag-ibig ang tutulong sa akin;+
Ipapakita sa akin ng Diyos ang pagbagsak ng mga kalaban ko.+
11 Huwag mo silang patayin, para hindi makalimot ang bayan ko.
Sa pamamagitan ng kapangyarihan mo ay pagala-galain mo sila;
Pabagsakin mo sila, O Jehova, ang aming sanggalang.+
12 Dahil sa kasalanan ng bibig nila, sa pananalita ng mga labi nila,
Mabitag nawa sila ng pagmamataas nila,+
Dahil sa pagsumpa nila at pagsisinungaling.
13 Sa galit mo ay lipulin mo sila;+
Lipulin mo sila para mawala na sila;
Ipaalám mo sa kanila na ang Diyos ay namamahala sa Jacob at hanggang sa mga dulo ng lupa.+ (Selah)
15 Magpagala-gala nawa sila para humanap ng makakain;+
Huwag nawa silang mabusog o makahanap ng matutuluyan.
16 Pero ako, aawit ako tungkol sa iyong kalakasan;+
Sa umaga ay masaya kong sasabihin ang tungkol sa iyong tapat na pag-ibig.
17 O aking Kalakasan, sa iyo ay aawit ako ng mga papuri,*+
Dahil ang Diyos ang aking ligtas na kanlungan, ang Diyos na nagpapakita sa akin ng tapat na pag-ibig.+
Sa direktor; sa himig ng “Liryo ng Paalaala.” Miktam.* Awit ni David. Para sa pagtuturo. Nang makipaglaban siya sa Aram-naharaim at sa Aram-Zoba, at nang bumalik si Joab at magpabagsak ng 12,000 Edomita sa Lambak ng Asin.+
60 O Diyos, itinakwil mo kami; pinabagsak mo ang mga depensa namin.+
Nagalit ka sa amin; pero ngayon, tanggapin mo kaming muli!
2 Niyanig mo ang lupa; pinabuka mo ito.
Ayusin mo ang mga sira nito, dahil gumuguho na ito.
3 Pinagdusa mo ang bayan mo.
Pinainom mo kami ng alak na nagpasuray sa amin.+
5 Para masagip ang mga minamahal mo,
Iligtas mo kami sa pamamagitan ng iyong kanang kamay at dinggin mo kami.+
6 Nagsalita ang banal na Diyos:*
7 Sa akin ang Gilead, pati ang Manases,+
At ang Efraim ang helmet* para sa ulo ko;
Ang Juda ang aking baston ng kumandante.+
8 Ang Moab ang aking hugasan.+
Ihahagis ko sa Edom ang sandalyas ko.+
Hihiyaw ako sa kagalakan dahil sa tagumpay ko laban sa Filistia.”+
9 Sino ang magdadala sa akin sa lunsod na pinalibutan ng kaaway?*
Sino ang aakay sa akin hanggang sa Edom?+
10 Hindi ba ikaw, O Diyos, na nagtakwil sa amin,
Ang Diyos namin na hindi na sumasama sa aming mga hukbo?+
Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Awit ni David.
61 Dinggin mo, O Diyos, ang paghingi ko ng tulong.
Pakinggan mo ang panalangin ko.+
Akayin mo ako sa bato na mas mataas kaysa sa akin.+
4 Ako ay magiging panauhin sa iyong tolda magpakailanman;+
Manganganlong ako sa lilim ng iyong mga pakpak.+ (Selah)
5 Dahil pinakinggan mo ang mga panata ko, O Diyos.
Ibinigay mo sa akin ang manang nakalaan sa mga natatakot sa pangalan mo.+
7 Mananatili siya sa kaniyang trono* magpakailanman sa harap ng Diyos;+
Ingatan nawa siya ng iyong tapat na pag-ibig at katapatan.+
8 At aawit ako ng mga papuri* sa pangalan mo magpakailanman+
Habang tinutupad ko ang mga panata ko araw-araw.+
Sa direktor; sa Jedutun.* Awit ni David.
62 Tahimik akong naghihintay sa Diyos.
Siya ang nagliligtas sa akin.+
2 Siya ang aking bato at tagapagligtas, ang aking ligtas na kanlungan;*+
Hindi ako susuray at babagsak.+
3 Hanggang kailan ninyo sasalakayin ang taong gusto ninyong patayin?+
Mapanganib kayong lahat, gaya ng tagilid na pader,* isang batong pader na malapit nang bumagsak.
4 Dahil magkakasama silang nagpaplano para pabagsakin siya sa mataas niyang posisyon;
Natutuwa silang magsinungaling.
Bumibigkas sila ng pagpapala, pero sa loob nila ay sumusumpa sila.+ (Selah)
7 Nasa Diyos ang aking kaligtasan at kaluwalhatian.
Ang aking matibay na bato, ang aking kanlungan, ay ang Diyos.+
8 Lagi kayong magtiwala sa kaniya, O bayan.
Ibuhos ninyo sa kaniya ang laman ng puso ninyo.+
Ang Diyos ay kanlungan natin.+ (Selah)
Kapag pinagsama-sama sa timbangan, mas magaan pa sila kaysa sa hininga.+
10 Huwag kayong magtiwala sa pangingikil
O umasa sa pagnanakaw.
Kapag dumami ang kayamanan ninyo, huwag ninyong ipako rito ang isip* ninyo.+
12 At nagpapakita ka ng tapat na pag-ibig, O Jehova,+
Dahil ginagantihan mo ang bawat isa ayon sa mga ginagawa niya.+
Awit ni David, noong nasa ilang siya ng Juda.+
63 O Diyos, ikaw ang aking Diyos, lagi kitang hinahanap.+
Nauuhaw ako sa iyo.+
4 Pupurihin kita habang nabubuhay ako;
Sa pangalan mo ay itataas ko ang mga kamay ko.
5 Nasisiyahan ako dahil pinakamabuti ang ibinibigay mo sa akin.
Kaya pupurihin kita nang may galak sa mga labi ko.+
7 Dahil ikaw ang tumutulong sa akin,+
At humihiyaw ako nang may kagalakan sa lilim ng iyong mga pakpak.+
9 Pero ang mga nagtatangkang pumatay sa akin
Ay bababa sa kailaliman ng lupa.
11 Pero ang hari ay magsasaya dahil sa Diyos.
Ang bawat isang nananata sa pamamagitan Niya ay magagalak,*
Dahil ititikom ang bibig ng mga nagsisinungaling.
Sa direktor. Awit ni David.
64 Pakinggan mo, O Diyos, ang pagmamakaawa ko.+
Ingatan mo ang buhay ko sa nakapangingilabot na pagsalakay ng kaaway.
3 Pinatatalas nilang gaya ng espada ang dila nila;
Iniaasinta nilang gaya ng palaso ang kanilang masasakit na salita,
4 Para panain mula sa kanilang taguan ang walang-sala;
Bigla nila siyang pinapana nang hindi natatakot.
5 Desidido sila sa masamang plano nila;*
Pinag-uusapan nila kung paano itatago ang kanilang mga bitag.
Sinasabi nila: “Sino ang makakakita sa mga iyon?”+
6 Nag-iisip sila ng mga bagong paraan para gumawa ng masama;
Palihim silang gumagawa ng tusong mga pakana;+
Hindi maarok ang laman ng puso nila.
9 Ang lahat ng tao ay matatakot,
At ihahayag nila ang ginawa ng Diyos,
At mauunawaan nila ang kaniyang mga gawa.+
10 Ang matuwid ay magsasaya dahil kay Jehova at manganganlong sa kaniya;+
Ang lahat ng may matuwid na puso ay magagalak.*
Sa direktor. Awit ni David.
2 O Dumirinig ng panalangin, lalapit sa iyo ang lahat ng uri ng tao.*+
5 Sasagutin mo kami sa pamamagitan ng kamangha-mangha at matuwid na mga gawa,+
O Diyos na aming tagapagligtas;
Ikaw ang Pag-asa ng mga tao sa buong lupa+
At ng mga nasa malalayong karagatan.
7 Pinatatahimik mo* ang nagngangalit na karagatan,+
Ang hampas ng kanilang mga alon, at ang kaguluhan ng mga bansa.+
8 Ang mga nakatira sa malalayong lugar ay mamamangha sa mga gawa* mo;+
Dahil sa iyo, hihiyaw sa kagalakan ang mga tao mula sa sikatan hanggang sa lubugan ng araw.
Ang batis ng Diyos ay punô ng tubig.
Pinaglalaanan mo sila ng ani,*+
Dahil ganiyan mo inihanda ang lupa.
10 Dinidilig mo ang mga tudling* nito at pinapatag ang inararong lupa;
Pinalalambot mo ito sa pamamagitan ng ulan; ginagawa mo itong mabunga.+
12 Ang mga pastulan sa ilang ay patuloy na nag-uumapaw,*+
At ang mga burol ay nadaramtan ng kagalakan.+
Humihiyaw sila sa kagalakan, oo, umaawit sila.+
Sa direktor. Isang awit.
66 Buong lupa, humiyaw kayo sa kagalakan at purihin ninyo ang Diyos.+
2 Umawit kayo ng mga papuri* sa maluwalhati niyang pangalan.
Luwalhatiin ninyo siya at purihin.+
3 Sabihin ninyo sa Diyos: “Kamangha-mangha ang iyong mga gawa!+
Dahil sa matinding kapangyarihan mo,
Manginginig sa harap mo ang iyong mga kaaway.+
4 Yuyukod sa iyo ang buong lupa;+
Aawit sila ng mga papuri sa iyo;
Aawit sila ng mga papuri sa pangalan mo.”+ (Selah)
5 Halikayo at tingnan ninyo ang mga gawa ng Diyos.
Kamangha-mangha ang mga ginagawa niya para sa mga anak ng tao.+
Doon ay nagsaya kami dahil sa kaniya.+
7 Mamamahala siya magpakailanman+ sa pamamagitan ng lakas niya.
Ang mga mata niya ay nagbabantay sa mga bansa.+
Ang mga sutil ay huwag magmalaki.+ (Selah)
Pagkatapos, dinala mo kami sa maginhawang lugar.
13 Papasok ako sa bahay mo na may dalang mga buong handog na sinusunog;+
Tutuparin ko ang mga panata ko sa iyo+
14 Na ipinangako ng mga labi ko+
At sinalita ng bibig ko noong nasa kagipitan ako.
15 Mag-aalay ako sa iyo ng mga pinatabang hayop bilang handog na sinusunog,
Kasama ng usok ng inihandog na mga lalaking tupa.
Maghahandog ako ng mga toro at lalaking kambing. (Selah)
16 Halikayo at makinig, lahat kayong natatakot sa Diyos,
At sasabihin ko sa inyo ang ginawa niya para sa akin.+
20 Purihin ang Diyos, na hindi nagtakwil sa panalangin ko
O nagkait ng tapat na pag-ibig sa akin.
Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Isang awit.
67 Magpapakita sa atin ang Diyos ng kagandahang-loob at pagpapalain niya tayo;
Pasisinagin niya sa atin ang kaniyang mukha+ (Selah)
3 Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;
Purihin ka nawa ng lahat ng bayan.
4 Magsaya nawa ang mga bansa at humiyaw sa kagalakan,+
Dahil hahatulan mo nang may katarungan ang mga bayan.+
Papatnubayan mo ang mga bansa sa lupa. (Selah)
5 Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;
Purihin ka nawa ng lahat ng bayan.
Sa direktor. Awit ni David.
68 Bumangon nawa ang Diyos, mangalat nawa ang mga kaaway niya,
At tumakas nawa mula sa harap niya ang mga napopoot sa kaniya.+
2 Kung paanong ang usok ay itinataboy ng hangin, itaboy mo nawa sila;
Kung paanong ang pagkit* ay natutunaw sa harap ng apoy,
Malipol nawa ang masasama sa harap ng Diyos.+
3 Pero magsaya nawa ang mga matuwid;+
Mag-umapaw nawa sila sa kagalakan sa harap ng Diyos;
Magsaya nawa sila at magdiwang.
4 Umawit kayo sa Diyos; umawit kayo ng mga papuri* sa pangalan niya;+
Umawit kayo sa kaniya na dumadaan sa mga tigang na kapatagan.*
Jah* ang pangalan niya!+ Magsaya kayo sa harap niya!
5 Ama ng mga batang walang ama at tagapagtanggol* ng mga biyuda+
Ang Diyos na nasa kaniyang banal na tahanan.+
6 Ang Diyos ay nagbibigay ng tahanan sa mga nag-iisa;+
Pinalalaya niya ang mga bilanggo at pinasasagana sila.+
Pero ang mga sutil* ay titira sa tuyot na lupain.+
Nagbuhos ng ulan ang* langit dahil sa Diyos;
Nayanig ang Sinai na ito dahil sa Diyos, ang Diyos ng Israel.+
11 Si Jehova ang nagbibigay ng utos;
Ang mga babaeng naghahayag ng mabuting balita ay isang malaking hukbo.+
12 Ang mga hari ng mga hukbo ay tumatakas,+ tumatakas sila!
Ang babaeng naiwan sa bahay ay hinahatian ng samsam.+
13 Kahit nakahiga kayo sa tabi ng mga sigâ ng kampo,*
Magkakaroon kayo ng kalapati na ang pakpak ay nababalutan ng pilak,
Na ang mga bagwis ay purong* ginto.
16 Ikaw na bundok na maraming taluktok, bakit ka nakatingin nang naiinggit
Si Jehova ay titira doon magpakailanman.+
17 Ang mga karwaheng pandigma ng Diyos ay sampu-sampung libo, di-mabilang na libo-libo.+
Si Jehova ay dumating mula sa Sinai papunta sa banal na lugar.+
Nagdala ka ng mga bihag;
Kumuha ka ng mga tao bilang regalo,+
Maging ng mga sutil,+ at tumirang kasama nila, O Jah na Diyos.
19 Purihin nawa si Jehova, na nagdadala ng pasan natin+ araw-araw,
Ang tunay na Diyos na ating tagapagligtas. (Selah)
20 Ang tunay na Diyos ay isang Diyos na nagliligtas;+
At si Jehova na Kataas-taasang* Panginoon ay nagliligtas mula sa kamatayan.+
21 Dudurugin ng Diyos ang ulo ng mga kaaway niya,
22 Sinabi ni Jehova: “Kukunin ko sila mula sa Basan;+
Kukunin ko sila mula sa mga kalaliman ng dagat,
23 Para matapakan mo ang dugo ng mga kaaway mo+
At madilaan ng mga aso mo ang dugo nila.”
24 Nakikita nila ang martsa ng bayan mo, O Diyos,
Ang martsa ng bayan ng aking Diyos at Hari papunta sa banal na lugar.+
25 Nasa unahan ang mga mang-aawit, kasunod nila ang mga manunugtog ng mga instrumentong de-kuwerdas;+
Nasa pagitan ng mga ito ang mga dalagang tumutugtog ng mga tamburin.+
26 Purihin ang Diyos sa gitna ng nagkakatipong mga tao;
Purihin ninyo si Jehova, kayong mula sa Bukal ng Israel.+
27 Naroon ang Benjamin,+ ang bunso, na lumulupig* sa kanila,
Pati ang matataas na opisyal ng Juda kasama ang kanilang maingay na bayan,
Ang matataas na opisyal ng Zebulon, ang matataas na opisyal ng Neptali.
28 Nag-utos ang iyong Diyos na bigyan ka ng lakas.
Ipakita mo ang iyong lakas, O Diyos, gaya ng ginawa mo noon para sa amin.+
30 Sawayin mo ang mababangis na hayop na nasa mga tambo,
Ang kawan ng mga toro+ at ang mga guya* ng mga ito,
Hanggang sa yumukod ang mga bayan na may dalang* mga piraso ng pilak.
Pero pinangangalat niya ang mga bayan na nalulugod sa digmaan.
31 Dadalhin ang mga bagay na gawa sa bronse* mula sa Ehipto;+
Magmamadali ang Cus sa pag-aalay ng mga regalo sa Diyos.
33 Sa kaniya na nakasakay sa sinaunang langit ng mga langit.+
Ipinaririnig niya ang napakalakas niyang tinig.
34 Kilalanin ninyo ang lakas ng Diyos.+
Ang karilagan niya ay nasa Israel,
At ang lakas niya ay nasa kalangitan.*
35 Ang Diyos ay kamangha-mangha sa kaniyang* maringal na santuwaryo.+
Siya ang Diyos ng Israel,
Na nagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa bayan.+
Purihin ang Diyos.
Sa direktor; sa himig ng “Mga Liryo.” Awit ni David.
69 Iligtas mo ako, O Diyos, dahil nanganganib ang buhay ko sa tubig.+
2 Lumubog ako sa malalim na lusak, kung saan walang matutuntungan.+
Napunta ako sa malalim na katubigan,
At tinangay ako ng rumaragasang tubig.+
Napagod ang mga mata ko sa paghihintay sa aking Diyos.+
Ang mga gustong pumatay sa akin,
Ang mapanlinlang kong mga kaaway,* ay dumami.
Napilitan akong ibigay ang hindi ko naman ninakaw.
5 O Diyos, alam mo ang kamangmangan ko,
At hindi lingid sa iyo ang kasalanan ko.
6 Ang mga umaasa sa iyo ay huwag nawang mapahiya dahil sa akin,
O Kataas-taasang Panginoon, Jehova ng mga hukbo.
Ang mga humahanap sa iyo ay huwag nawang mapahiya dahil sa akin,
O Diyos ng Israel.
9 Nag-aalab ang sigasig ko para sa iyong bahay,+
At napunta sa akin ang pang-iinsulto ng mga umiinsulto sa iyo.+
12 Ako ang pinag-uusapan ng mga nakaupo sa pintuang-daan,
At ako ang laman ng kanta ng mga lasinggero.
Dahil sagana ang iyong tapat na pag-ibig, O Diyos,
Dinggin mo ako at ipakita mong ikaw ang tunay na tagapagligtas.+
14 Iligtas mo ako mula sa lusak;
Huwag mo akong hayaang lumubog.
Iligtas mo ako sa mga napopoot sa akin
At mula sa malalim na tubig.+
16 Sagutin mo ako, O Jehova, dahil ang iyong tapat na pag-ibig ay mabuti.+
Dahil sagana ang iyong awa, bigyang-pansin mo ako,+
Sagutin mo ako agad, dahil nahihirapan ako.+
18 Lumapit ka sa akin at iligtas mo ako;
Tubusin mo ako sa mga kaaway ko.
19 Alam mo ang aking kadustaan at ang aking kahihiyan.+
Nakikita mo ang lahat ng kaaway ko.
20 Winasak ng kadustaan ang puso ko, at ang sugat ay hindi mapagaling.*
21 Sa halip na pagkain ay binigyan nila ako ng lason,*+
At nang mauhaw ako, sukà ang ibinigay nila sa akin.+
23 Magdilim nawa ang mga mata nila para hindi sila makakita,
At lagi mong panginigin ang mga balakang nila.
26 Dahil tinutugis nila ang sinaktan mo,
At lagi nilang ikinukuwento ang pagdurusa ng mga sinugatan mo.
27 Dagdagan mo ng kasalanan ang kasalanan nila,
At huwag mo nawa silang ituring na matuwid.
28 Mabura nawa sila sa aklat ng mga buháy,*+
At huwag nawa silang mapabilang sa talaan ng mga matuwid.+
29 Pero ako ay nagdurusa at nasasaktan.+
Ingatan nawa ako ng kapangyarihan mong magligtas, O Diyos.
30 Aawit ako ng mga papuri sa pangalan ng Diyos,
At dadakilain ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.
31 Mas malulugod dito si Jehova kaysa sa isang toro,
Kaysa sa isang batang toro na may mga sungay at kuko.+
32 Makikita iyon ng maaamo at magsasaya sila.
Kayong mga humahanap sa Diyos, maging matatag nawa ang puso ninyo.
35 Dahil ililigtas ng Diyos ang Sion+
At muli niyang itatayo ang mga lunsod ng Juda,
At maninirahan sila roon at magiging kanila iyon.*
36 Mamanahin iyon ng mga inapo ng mga lingkod niya,+
At titira doon ang mga umiibig sa pangalan niya.+
Sa direktor. Awit ni David, para magpaalaala.
2 Mapahiya nawa at mawalan ng dangal
Ang mga nagtatangka sa buhay ko.
Umurong nawa sa kahihiyan
Ang mga gustong mapahamak ako.
3 Umurong nawa sa kahihiyan
Ang mga nagsasabi: “Buti nga sa iyo!”
Lagi nawang sabihin ng mga nananabik sa pagliligtas mo:
“Dakilain nawa ang Diyos!”
71 Sa iyo, O Jehova, ay nanganganlong ako.
Huwag nawa akong mapahiya kailanman.+
2 Iligtas mo ako at sagipin dahil matuwid ka.
Pakinggan mo ako* at iligtas.+
3 Maging batong tanggulan ka para sa akin
Na lagi kong mapapasukan.
Ipag-utos mo na iligtas ako,
Dahil ikaw ang aking malaking bato at ang aking moog.+
4 O Diyos ko, iligtas mo ako mula sa kamay ng masama,+
Mula sa palad ng di-makatarungan at mapang-api.
5 Dahil ikaw ang pag-asa ko, O Kataas-taasang Panginoong Jehova;
Nagtitiwala ako sa iyo mula pa sa pagkabata ko.+
6 Sa iyo ako sumasandig mula nang ipanganak ako;
Ikaw ang kumuha sa akin mula sa sinapupunan ng aking ina.+
Lagi kitang pinupuri.
7 Ako ay naging gaya ng isang himala para sa maraming tao,
Pero ikaw ang aking matibay na kanlungan.
10 Nagsasalita laban sa akin ang mga kaaway ko,
At ang mga gustong pumatay sa akin ay nagsasabuwatan+
11 At nagsasabi: “Iniwan na siya ng Diyos.
Tugisin at hulihin siya, dahil walang magliligtas sa kaniya.”+
12 O Diyos, huwag kang manatiling malayo sa akin.
O Diyos ko, magmadali ka at tulungan mo ako.+
Mabalot nawa ng kahihiyan
Ang mga gustong magpahamak sa akin.+
14 Pero ako, patuloy akong maghihintay;
Daragdagan ko pa ang papuri ko sa iyo.
16 Hahayo ako at sasabihin ko ang tungkol sa makapangyarihan mong mga gawa,
O Kataas-taasang Panginoong Jehova;
Sasabihin ko ang tungkol sa iyong katuwiran, ang sa iyo lamang.
17 O Diyos, tinuruan mo ako mula pa sa aking pagkabata,+
At hanggang ngayon ay inihahayag ko ang iyong kamangha-manghang mga gawa.+
18 O Diyos, kahit tumanda na ako at pumuti na ang buhok, huwag mo akong iwan.+
Hayaan mong sabihin ko sa susunod na henerasyon ang tungkol sa kapangyarihan* mo
At ang tungkol sa kalakasan mo sa lahat ng darating.+
19 Ang iyong katuwiran, O Diyos, ay hanggang sa kaitaasan;+
Gumawa ka ng dakilang mga bagay;
O Diyos, sino ang tulad mo?+
21 Dagdagan mo nawa ang aking dangal,
At protektahan mo ako at aliwin.
Aawit ako ng mga papuri* sa iyo gamit ang alpa,
O Banal ng Israel.
24 Buong araw kong sasabihin* ang tungkol sa iyong katuwiran,+
Dahil ang mga gustong magpahamak sa akin ay mapapahiya at mawawalan ng dangal.+
Tungkol kay Solomon.
72 O Diyos, ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan,
At ituro mo ang iyong katuwiran sa anak ng hari.+
2 Ipaglaban niya nawa ang usapin ng bayan mo ayon sa katuwiran,
At ng mga dukha sa bayan mo ayon sa katarungan.+
3 Magdala nawa ng kapayapaan sa bayan ang mga bundok,
At magdala nawa ng katuwiran ang mga burol.
4 Ipagtanggol* niya nawa ang mga hamak sa bayan,
Iligtas niya nawa ang mga anak ng dukha,
At durugin niya nawa ang mandaraya.+
6 Magiging gaya siya ng ulan na pumapatak sa damong tinabasan,
Gaya ng saganang ulan na bumabasa sa lupa.+
7 Sa panahon niya, mamumukadkad* ang matuwid,+
At mamamayani ang kapayapaan+ hanggang sa mawala ang buwan.
10 Magbibigay ng tributo* ang mga hari ng Tarsis at ng mga isla.+
Maghahandog ng regalo ang mga hari ng Sheba at ng Seba.+
11 Yuyukod sa kaniya ang lahat ng hari,
At maglilingkod sa kaniya ang lahat ng bansa.
12 Dahil ililigtas niya ang dukha na humihingi ng tulong,
At ang hamak at ang sinumang walang katulong.
13 Maaawa siya sa hamak at sa dukha,
At ililigtas niya ang buhay ng mga dukha.
14 Sasagipin* niya sila mula sa pang-aapi at karahasan,
At magiging mahalaga sa paningin niya ang dugo nila.
15 Mabuhay nawa siya at bigyan ng ginto ng Sheba.+
Patuloy nawa siyang ipanalangin,
At pagpalain nawa siya buong araw.
Mananagana ang bunga niya gaya ng sa Lebanon,+
At darami ang mga tao sa mga lunsod gaya ng pananim sa lupa.+
17 Manatili nawa ang pangalan niya magpakailanman,+
At patuloy nawang makilala iyon hangga’t may araw.
Tumanggap* nawa ng pagpapala ang mga tao sa pamamagitan niya;+
Ipahayag nawa siyang maligaya ng lahat ng bansa.
18 Purihin nawa ang Diyos na Jehova, ang Diyos ng Israel,+
Ang tanging gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay.+
19 Purihin nawa magpakailanman ang maluwalhati niyang pangalan,+
At mapuno nawa ang buong lupa ng kaluwalhatian niya.+
Amen at Amen.
20 Dito nagwawakas ang mga panalangin ni David, na anak ni Jesse.+
IKATLONG AKLAT
(Awit 73-89)
Awit ni Asap.+
73 Ang Diyos ay talagang mabuti sa Israel, sa mga malinis ang puso.+
7 Lumuluwa ang mga mata nila dahil sa kasaganaan;*
Taglay nila ang higit pa sa kayang isipin ng puso.
8 Nanghahamak sila at nagsasalita ng masasama.+
May kayabangan silang nagbabanta ng pamiminsala.+
9 Nagsasalita sila na para bang kasintaas sila ng langit,
Ang dila nila ay nagmamalaki sa buong lupa.
10 Kaya ang bayan niya ay bumabaling sa kanila
At umiinom sa saganang tubig nila.
11 Sinasabi nila: “Paano malalaman ng Diyos?+
May alam ba talaga ang Kataas-taasan?”
12 Ganiyan ang masasama, na laging maginhawa ang buhay.+
Patuloy silang nagpapayaman.+
13 Talagang walang saysay na pinanatili kong malinis ang puso ko
At hinugasan ko ang mga kamay ko para ipakitang wala akong kasalanan.+
16 Nang subukan kong unawain iyon,
Nabagabag ako,
17 Hanggang sa pumasok ako sa maringal na santuwaryo ng Diyos,
At naunawaan ko ang magiging kinabukasan nila.
Bigla silang sasapit sa kakila-kilabot na wakas!
20 Gaya ng panaginip na nakakalimutan pagkagising, O Jehova,
Gayon mo sila kalilimutan* sa pagbangon mo.
22 Wala akong unawa at hindi ako makaintindi;
Gaya ako ng isang walang-isip na hayop sa harap mo.
25 May iba pa ba sa langit na tutulong sa akin?
At bukod sa iyo ay wala na akong iba pang kailangan sa lupa.+
26 Maaaring manghina ang katawan at puso ko,
Pero ang Diyos ang bato ng puso ko at ang bahagi ko magpakailanman.+
27 Tiyak na malilipol ang mga nananatiling malayo sa iyo.
Pupuksain* mo ang lahat ng nagtataksil* sa iyo.+
28 Pero sa akin, nakakabuti ang paglapit sa Diyos.+
74 O Diyos, bakit mo kami itinakwil magpakailanman?+
Bakit nag-aapoy* ang galit mo sa kawan ng iyong pastulan?+
2 Alalahanin mo ang bayan* na pinili mo noong unang panahon,+
Ang tribo na tinubos mo bilang iyong mana.+
Alalahanin mo ang Bundok Sion, kung saan ka nanirahan.+
3 Puntahan mo ang lugar na lubusang nawasak.+
Winasak ng kaaway ang lahat ng bagay sa banal na lugar.+
4 Sumigaw nang napakalakas ang mga kaaway mo sa loob ng iyong pulungan.+
Inilagay nila roon ang kanilang mga bandera bilang mga palatandaan.
5 Para silang mga lalaking namamalakol ng puno sa kagubatan.
6 Winasak nila ng palakol at pamalong bakal ang lahat ng inukit na bagay+ roon.
7 Sinunog nila ang iyong santuwaryo.+
Nilapastangan nila ang tabernakulo na nagtataglay ng pangalan mo at ibinagsak iyon.
8 Sila at ang mga anak nila ay nagsabi sa sarili:
“Dapat sunugin ang lahat ng lugar ng pagsamba sa Diyos sa lupain.”
9 Wala kaming nakikitang palatandaan;
Wala nang propeta,
At wala sa aming nakaaalam kung hanggang kailan ito magpapatuloy.
10 O Diyos, hanggang kailan manghahamak ang kalaban?+
Lalapastanganin ba ng kaaway ang pangalan mo magpakailanman?+
11 Bakit mo pinipigilan ang kamay mo, ang kanang kamay mo?+
Ilabas mo iyon mula sa iyong dibdib* at lipulin mo sila.
13 Sa iyong lakas, pinadaluyong mo ang dagat;+
Binasag mo ang mga ulo ng dambuhalang mga hayop sa dagat.
14 Dinurog mo ang mga ulo ng Leviatan;*
Ibinigay mo ito sa bayan, sa mga nakatira sa disyerto, para makain nila.
15 Binuksan mo ang lupa para umagos ang tubig sa bukal at ilog;+
Tinuyo mo ang mga ilog na umaagos nang tuloy-tuloy.+
16 Sa iyo ang araw, pati ang gabi.
Ginawa mo ang liwanag* at ang araw.+
18 Alalahanin mo ang panghahamak ng kaaway, O Jehova,
Kung paano nilalapastangan ng mangmang na bayan ang pangalan mo.+
19 Huwag mong isuko sa mababangis na hayop ang buhay ng iyong batubato.
Huwag mong limutin magpakailanman ang buhay ng nagdurusa mong bayan.
20 Alalahanin mo ang tipan,
Dahil ang madidilim na lugar sa lupa ay naging pugad ng karahasan.
21 Ang inaapi ay huwag nawang bumalik na napahiya;+
Purihin nawa ng mga hamak at dukha ang pangalan mo.+
22 O Diyos, ipagtanggol mo ang kaso mo.
Alalahanin mo ang buong-araw na pang-iinsulto sa iyo ng mangmang.+
23 Huwag mong kalimutan ang sinasabi ng mga kaaway mo.
Palakas nang palakas ang ingay ng mga lumalaban sa iyo.
Sa direktor. Sa himig ng “Huwag Mong Ipahamak.” Awit ni Asap.+
75 Nagpapasalamat kami sa iyo, O Diyos, nagpapasalamat kami sa iyo;
Ang pangalan mo ay malapit sa amin,+
At ipinahahayag ng mga tao ang kamangha-mangha mong mga gawa.
2 Sinabi mo: “Kapag nagtakda ako ng panahon,
Humahatol ako nang patas.
3 Nang manginig* ang lupa at ang lahat ng nakatira dito,
Ako ang nagpanatiling matatag sa mga haligi nito.” (Selah)
4 Sinabi ko sa mayayabang, “Huwag kayong magyabang,”
At sa masasama, “Huwag ninyong ipagmalaki ang lakas* ninyo.
6 Dahil ang kadakilaan ay hindi nagmumula
Sa silangan o sa kanluran o sa timog.
Ibinababa niya ang isang tao at itinataas ang isa pa.+
Tiyak na ibubuhos niya iyon,
At iinumin iyon ng lahat ng masasama sa lupa, pati ang latak.”+
Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Awit ni Asap.+
3 Doon niya winasak ang nagliliyab na mga palaso ng pana,
Ang kalasag at ang espada at ang mga sandatang pandigma.+ (Selah)
5 Ang matatapang ay sinamsaman.+
6 Dahil sa pagsaway mo, O Diyos ni Jacob,
Ang tagapagpatakbo ng karwahe at ang kabayo ay nakatulog nang mahimbing.*+
7 Ikaw lang ang kasindak-sindak.+
Sino ang makatatagal sa iyong matinding galit?+
8 Mula sa langit ay inihayag mo ang hatol mo;+
Ang lupa ay natakot at tumahimik+
9 Nang maglapat ng hatol ang Diyos,
Para iligtas ang lahat ng maaamo sa lupa.+ (Selah)
10 Dahil ang pagngangalit ng tao ay magiging kapurihan sa iyo;+
Papalamutian mo ang iyong sarili ng natitira nilang galit.
11 Manata kayo kay Jehova na inyong Diyos at tuparin ninyo iyon,+
Lahat ng nasa palibot niya ay magdala nawa ng kaloob nang may takot.+
Sa direktor; sa Jedutun.* Awit ni Asap.+
77 Sa pamamagitan ng tinig ko ay tatawag ako sa Diyos;
Tatawag ako sa Diyos, at pakikinggan niya ako.+
2 Sa araw ng pagdurusa ko ay hinahanap ko si Jehova.+
Sa gabi ay iniuunat ko ang mga kamay ko sa kaniya nang walang kapaguran.*
Pero hindi gumagaan ang pakiramdam ko.
4 Hindi mo pinapipikit ang mga mata ko;
Naliligalig ako at hindi makapagsalita.
6 Sa gabi ay inaalaala ko ang aking awit;*+
Nagbubulay-bulay ako sa aking puso,+
Nagsasaliksik akong mabuti.
7 Itatakwil ba tayo ni Jehova magpakailanman?+
Hindi na ba siya muling magpapakita sa atin ng kagandahang-loob?+
8 Naglaho na ba ang kaniyang tapat na pag-ibig magpakailanman?
Ang pangako ba niya ay mawawalan na ng kabuluhan sa lahat ng henerasyon?
9 Nalimutan na ba ng Diyos na ipakita ang kaniyang kagandahang-loob,+
O naglaho na ba ang awa niya dahil sa kaniyang galit? (Selah)
10 Palagi ko bang sasabihin: “Ito ang masakit:+
Nagbago na sa atin ang* Kataas-taasan”?
11 Aalalahanin ko ang mga ginawa ni Jah;
Aalalahanin ko ang kamangha-mangha mong mga gawa noong unang panahon.
13 O Diyos, ang mga daan mo ay banal.
May diyos ba na kasindakila mo, O Diyos?+
14 Ikaw ang tunay na Diyos, na gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay.+
Ipinapakita mo ang iyong lakas sa mga bayan.+
15 Sa pamamagitan ng kapangyarihan* mo ay iniligtas* mo ang iyong bayan,+
Ang mga anak ni Jacob at ni Jose. (Selah)
At ang malalim na tubig ay naligalig.
17 Mula sa mga ulap ay bumuhos ang tubig.
Kumulog sa maulap na kalangitan,
At ang iyong mga palaso ay nagparoo’t parito.+
18 Ang dagundong ng iyong kulog+ ay gaya ng mga gulong ng karwahe;
Nagliwanag ang daigdig* dahil sa mga kidlat;+
Ang lupa ay umuga at nayanig.+
Ang landas mo ay sa malalim na karagatan;
Pero hindi matunton ang mga bakas ng paa mo.
2 Bibigkas ako ng mga kasabihan.
Magbibigay ako ng sinaunang mga palaisipan.+
3 Ang mga bagay na narinig at nalaman natin,
Na ikinuwento sa atin ng ating mga ama,+
4 Ay hindi natin itatago sa ating mga anak;
Ikukuwento natin sa darating na henerasyon+
Ang kapuri-puring mga gawa ni Jehova at ang lakas niya,+
Ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa niya.+
5 Nagbigay siya ng paalaala sa Jacob
At nagtakda ng kautusan sa Israel;
Iniutos niya sa ating mga ninuno
Na ipaalám ang mga bagay na ito sa kanilang mga anak,+
6 Para malaman ito ng susunod na henerasyon,
Ng mga batang ipanganganak pa lang.+
At sila naman ang magkukuwento ng mga ito sa kanilang mga anak.+
7 Sa gayon, magtitiwala sila sa Diyos.
8 At hindi sila magiging gaya ng mga ninuno nila,
Isang henerasyong matigas ang ulo at mapagrebelde,+
Isang henerasyong hindi matatag* ang puso+
At hindi tapat sa Diyos.
9 Ang mga Efraimita ay nasasandatahan ng pana,
Pero umurong sila sa araw ng labanan.
11 Nalimutan din nila ang mga ginawa niya,+
Ang kamangha-manghang mga gawa na ipinakita niya sa kanila.+
12 Gumawa siya ng kagila-gilalas na mga bagay sa harap ng kanilang mga ninuno,+
Sa lupain ng Ehipto, sa rehiyon ng Zoan.+
14 Inakay niya sila sa pamamagitan ng ulap kapag araw
At sa pamamagitan ng liwanag ng apoy sa buong gabi.+
17 Pero patuloy pa rin silang nagkasala sa kaniya,
Naghimagsik sila laban sa Kataas-taasan sa disyerto;+
18 Hinamon* nila ang Diyos sa puso nila+
Noong pilit silang humingi ng gusto nilang pagkain.
19 Kaya nagsalita sila laban sa Diyos.
Sinabi nila: “Makapaghahanda ba ang Diyos ng hapag-kainan sa ilang?”+
“Makapagbibigay rin kaya siya ng tinapay,
O makapagbibigay kaya siya ng karne para sa bayan niya?”+
21 Nang marinig sila ni Jehova, galit na galit siya;+
Lumagablab ang apoy+ laban sa Jacob,
At sumiklab ang galit niya laban sa Israel.+
22 Dahil hindi sila nanampalataya sa Diyos;+
Hindi sila nagtiwala sa kakayahan niyang iligtas sila.
23 Kaya inutusan niya ang maulap na kalangitan,
At binuksan niya ang mga pinto ng langit.
25 Kinain ng mga tao ang tinapay ng mga makapangyarihan;*+
Naglaan siya nang sapat para mabusog sila.+
26 Pinabugso niya ang hanging silangan sa langit,
At pinahihip niya ang hangin mula sa timog sa pamamagitan ng lakas niya.+
27 At nagpaulan siya sa kanila ng karne na sindami ng alabok,
Ng mga ibon na sindami ng buhangin sa tabing-dagat.
28 Pinabagsak niya ang mga iyon sa gitna ng kaniyang kampo,
Sa palibot ng mga tolda niya.
30 Pero bago pa nila lubusang masapatan ang pagnanasa nila,
Habang nasa bibig pa nila ang pagkain,
Pinatay niya ang kanilang matitipunong lalaki;+
Pinabagsak niya ang malalakas na lalaki ng Israel.
32 Sa kabila nito, lalo pa silang gumawa ng kasalanan+
At hindi sila nanampalataya sa kamangha-mangha niyang mga gawa.+
33 Kaya winakasan niya ang kanilang mga araw na gaya lang ng hininga,+
At tinapos niya ang mga taon nila nang may kaligaligan.
34 Pero kapag sinimulan na niya silang puksain, hinahanap nila siya;+
Nanunumbalik sila at hinahanap ang Diyos,
36 Pero tinangka nilang linlangin siya ng kanilang bibig,
At nagsinungaling sila sa kaniya sa pamamagitan ng kanilang dila.
Madalas niyang pinipigil ang galit niya,+
Sa halip na pag-alabin ang buong poot niya.
42 Hindi nila inalaala ang kapangyarihan* niya,
Ang araw nang iligtas* niya sila mula sa kalaban,+
43 Kung paano siya nagpakita ng mga tanda sa Ehipto+
At ng mga himala sa rehiyon ng Zoan,
44 At kung paano niya ginawang dugo ang mga kanal ng Nilo+
Para hindi sila* makainom mula sa kanilang mga batis.
45 Nagpadala siya ng nangangagat na mga langaw para pahirapan* sila+
At ng mga palaka para salutin sila.+
46 Ibinigay niya ang kanilang ani sa matatakaw na balang,
Ang pinaghirapan nila sa napakaraming balang.+
47 Winasak niya ang kanilang mga ubasan
At ang kanilang mga puno ng sikomoro sa pamamagitan ng ulan ng yelo.*+
48 Nagpabagsak siya ng mga tipak ng yelo sa kanilang mga hayop na pantrabaho,+
At pinatamaan niya ng kidlat* ang mga alaga nilang hayop.
49 Ipinatikim niya sa kanila ang kaniyang nag-aapoy na galit,
Ang poot at pagkamuhi at paghihirap;
Nagsugo siya ng mga anghel para magdala ng kapahamakan.
50 Naghawan siya ng landas para sa kaniyang galit.
Hindi niya sila* iniligtas sa kamatayan;
At pinuksa niya sila sa pamamagitan ng salot.
51 Bandang huli ay pinatay niya ang lahat ng panganay sa Ehipto,+
Ang pasimula ng kanilang kakayahang magkaanak sa mga tolda ni Ham.
52 Pagkatapos ay inilabas niya ang kaniyang bayan na gaya ng mga tupa,+
At ginabayan niya silang gaya ng isang kawan sa ilang.
53 Inakay niya sila at iningatan,
At hindi sila nakadama ng takot;+
Tinabunan ng dagat ang mga kaaway nila.+
54 At dinala niya sila sa kaniyang banal na teritoryo,+
Sa mabundok na rehiyong ito na kinuha ng kaniyang kanang kamay.+
55 Pinalayas niya ang mga bansa mula sa harapan nila;+
Binigyan niya sila ng kani-kanilang mana sa pamamagitan ng pising panukat;+
Pinatira niya ang mga tribo ng Israel sa mga tahanan nila.+
56 Pero patuloy nilang hinamon* ang Diyos na Kataas-taasan, at nagrebelde sila sa kaniya;+
Hindi sila nakinig sa mga paalaala niya.+
57 Iniwan din nila siya at naging taksil gaya ng mga ninuno nila.+
Hindi sila maaasahan na gaya ng panang maluwag ang bagting.+
58 Patuloy nila siyang ginalit sa pamamagitan ng kanilang matataas na lugar,+
At pinukaw nila ang kaniyang poot* sa pamamagitan ng kanilang mga inukit na imahen.+
60 Bandang huli ay pinabayaan niya ang tabernakulo ng Shilo,+
Ang tolda na tinirhan niya kasama ng mga tao.+
61 Hinayaan niyang mabihag ang simbolo ng kaniyang lakas;
Hinayaan niyang mapasakamay ng kalaban ang karilagan niya.+
63 Tinupok ng apoy ang malalakas niyang lalaki,
At hindi inawitan ng awit-pangkasal* ang mga dalaga niya.
65 Pagkatapos ay gumising si Jehova na parang galing sa pagkakatulog,+
Gaya ng malakas na lalaking+ nahimasmasan mula sa pagkalasing.
67 Itinakwil niya ang tolda ni Jose;
Hindi niya pinili ang tribo ni Efraim.
69 Ang santuwaryo niya ay ginawa niyang gaya ng langit na namamalagi,*+
Tulad ng lupa na ginawa niya para manatili magpakailanman.+
70 Pinili niya ang lingkod niyang si David+
At kinuha ito mula sa mga kulungan ng tupa,+
71 Mula sa pag-aalaga ng mga tupang nagpapasuso;
Ginawa niya itong pastol ng Jacob, na bayan niya,+
At ng Israel, na kaniyang mana.+
72 Pinastulan niya* sila nang may tapat na puso+
At inakay sila sa pamamagitan ng bihasang mga kamay.+
Awit ni Asap.+
79 O Diyos, sinalakay ng mga bansa ang iyong mana;+
Dinungisan nila ang iyong banal na templo;+
Ginawa nilang bunton ng guho ang Jerusalem.+
2 Ang bangkay ng mga lingkod mo ay ipinakain nila sa mga ibon sa langit
At ang laman ng mga tapat sa iyo sa mababangis na hayop sa lupa.+
3 Ibinuhos nilang parang tubig sa palibot ng Jerusalem ang dugo ng mga tapat,
At walang natira para maglibing sa kanila.+
5 O Jehova, hanggang kailan ka mapopoot? Magpakailanman ba?+
Hanggang kailan magniningas na parang apoy ang galit mo?+
6 Ibuhos mo ang iyong galit sa mga bansang hindi nakakakilala sa iyo
At sa mga kahariang hindi tumatawag sa pangalan mo.+
8 Huwag mo kaming panagutin sa mga pagkakamali ng mga ninuno namin.+
Magpakita ka agad ng awa sa amin,+
Dahil lugmok na kami.
9 Tulungan mo kami, O Diyos na aming tagapagligtas,+
Alang-alang sa iyong maluwalhating pangalan;
Iligtas mo kami at patawarin* mo ang mga kasalanan namin alang-alang sa iyong pangalan.+
10 Bakit sasabihin ng mga bansa: “Nasaan ang Diyos nila?”+
Malaman nawa ng mga bansa na ang dumanak na dugo ng mga lingkod mo ay naipaghiganti,
At masaksihan nawa namin iyon.+
11 Pakinggan mo nawa ang pagbubuntonghininga ng bilanggo.+
Gamitin mo ang iyong dakilang kapangyarihan* para iligtas ang buhay ng* mga nahatulan ng kamatayan.*+
12 Gantihan mo nang pitong ulit ang kalapít naming mga bansa+
Dahil sa panghahamak nila sa iyo, O Jehova.+
13 At kami, ang iyong bayan at ang kawan ng iyong pastulan,+
Ay magpapasalamat sa iyo magpakailanman;
At pupurihin ka namin sa lahat ng henerasyon.+
Sa direktor; sa himig ng “Mga Liryo.” Isang paalaala. Awit ni Asap.+
2 Sa harap ng Efraim at ng Benjamin at ng Manases,
Ipakita mo ang iyong lakas;+
Pumarito ka at iligtas mo kami.+
4 O Jehova na Diyos ng mga hukbo, hanggang kailan ka magagalit sa panalangin ng bayan mo?+
5 Pinakakain mo sila ng luha bilang kanilang tinapay,
At pinaiinom mo sila ng napakaraming luha.
6 Hinahayaan mong pag-awayan kami ng kalapít na mga bansa;
Inaalipusta kami ng mga kaaway namin kapag gusto nila.+
7 O Diyos ng mga hukbo, tanggapin mo kaming muli;
Pasinagin mo ang iyong mukha sa amin, para maligtas kami.+
8 Pinaalis mo sa Ehipto ang isang punong ubas.+
Pinalayas mo ang mga bansa at itinanim ito.+
10 Natakpan ng lilim nito ang mga bundok,
At ng mga sanga nito ang mga sedro ng Diyos.
12 Bakit mo giniba ang mga batong pader ng ubasan,+
Kaya ang lahat ng dumadaan ay pumipitas ng bunga nito?+
14 O Diyos ng mga hukbo, pakisuyong bumalik ka.
Tingnan mo kami mula sa langit!
Alagaan mo ang punong ubas na ito,+
15 Ang sanga* na itinanim ng kanang kamay mo,+
At tingnan mo ang anak* na pinalakas mo para sa iyong sarili.+
Naglalaho sila dahil sa pagsaway mo.*
17 Alalayan nawa ng kamay mo ang taong nasa kanan mo,
Ang anak ng tao na pinalakas mo para sa iyong sarili.+
18 At hindi ka namin tatalikuran.
Panatilihin mo kaming buháy, para makatawag kami sa pangalan mo.
19 O Jehova na Diyos ng mga hukbo, tanggapin mo kaming muli;
Pasinagin mo ang iyong mukha sa amin, para maligtas kami.+
Sa direktor; sa Gitit.* Awit ni Asap.+
81 Humiyaw kayo nang may kagalakan sa Diyos na ating lakas.+
Humiyaw kayo sa Diyos ni Jacob dahil sa tagumpay.
2 Umpisahan ninyo ang musika at kumuha kayo ng tamburin,
Ng alpa na may magandang himig at ng instrumentong de-kuwerdas.
3 Hipan ninyo ang tambuli sa bagong buwan,+
Sa kabilugan ng buwan, para sa araw ng ating kapistahan.+
Narinig ko ang isang tinig na hindi ko kilala:*
Sinubok kita sa tubig ng Meriba.*+ (Selah)
8 Makinig ka, bayan ko, at tetestigo ako laban sa iyo.
O Israel, kung makikinig ka lang sa akin.+
Buksan mong mabuti ang iyong bibig at pupunuin ko.+
12 Kaya hinayaan kong sundin nila ang kanilang matigas na puso;
13 Kung makikinig lang sana sa akin ang bayan ko,+
Kung lalakad lang sana sa mga daan ko ang Israel!+
15 Ang mga napopoot kay Jehova ay manginginig sa harap niya,
At ang kahihinatnan* nila ay walang hanggan.
16 Pero pakakainin ka niya* ng pinakamagandang klase* ng trigo+
At bubusugin ka ng pulot-pukyutan mula sa bato.”+
Awit ni Asap.+
3 Ipagtanggol* ninyo ang mahihina at ang mga walang ama.+
Bigyan ninyo ng katarungan ang mga walang kalaban-laban at dukha.+
4 Iligtas ninyo ang mahihina at ang mahihirap;
Sagipin ninyo sila mula sa kamay ng masasama.”
5 Wala silang alam, at hindi sila nakauunawa;+
Lumalakad sila sa dilim;
Nayayanig ang lahat ng pundasyon ng lupa.+
7 Pero mamamatay kayo gaya ng karaniwang mga tao;+
At babagsak kayo gaya ng iba pang matataas na opisyal!’”+
Awit ni Asap.+
3 May katusuhan silang nagpapakana laban sa bayan mo;
Nagsasabuwatan sila laban sa mga iniingatan* mo.
4 Sinasabi nila: “Halikayo, lipulin natin ang bansa nila,+
Para hindi na maalaala pa ang pangalan ng Israel.”
5 Bumubuo sila ng isang pakana;*
Nagsabuwatan sila* laban sa iyo+—
6 Ang mga Edomita at ang mga Ismaelita,* ang Moab+ at ang mga Hagrita,+
9 Gawin mo sa kanila ang ginawa mo sa Midian,+
Gaya ng ginawa mo kay Sisera at kay Jabin sa ilog* ng Kison.+
11 Ang mga prominente sa kanila ay gawin mong gaya nina Oreb at Zeeb,+
At ang matataas na opisyal* nila ay gawin mong gaya nina Zeba at Zalmuna,+
12 Dahil sinabi nila: “Kunin natin ang lupain na tinitirhan ng Diyos.”
13 O Diyos ko, gawin mo silang gaya ng dawag na gumugulong,+
Gaya ng pinaggapasan na tinatangay ng hangin.
17 Mapahiya nawa sila at matakot magpakailanman;
Mawalan nawa sila ng dangal at malipol;
18 Malaman nawa ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova,+
Ikaw lang ang Kataas-taasan sa buong lupa.+
Para sa direktor; sa Gitit.* Awit ng mga anak ni Kora.+
Buong puso at buong lakas akong humihiyaw nang may kagalakan sa Diyos na buháy.
3 Maging ang ibon ay nakakakita roon ng matitirhan,
At ang ibong langay-langayan, ng mapamumugaran,
Kung saan niya inaalagaan ang mga inakáy niya
Malapit sa iyong maringal na altar, O Jehova ng mga hukbo,
Aking Hari at aking Diyos!
4 Maligaya ang mga nakatira sa bahay mo!+
Patuloy ka nilang pinupuri.+ (Selah)
6 Kapag dumadaan sila sa Lambak ng Baca,*
Ginagawa nila itong lugar ng mga bukal;
At dinaramtan ito ng mga pagpapala ng maagang ulan.*
8 O Jehova na Diyos ng mga hukbo, dinggin mo ang panalangin ko;
Pakinggan mo ako, O Diyos ni Jacob. (Selah)
10 Dahil ang isang araw sa mga looban mo ay mas mabuti kaysa sa isang libong araw sa ibang lugar!+
Pinili kong tumayo sa pintuan ng bahay ng aking Diyos
Kaysa tumira sa mga tolda ng masasama.
11 Dahil ang Diyos na Jehova ay araw+ at kalasag;+
Nagpapakita siya ng kabaitan at nagbibigay ng kaluwalhatian.
Si Jehova ay hindi magkakait ng anumang mabuti
Sa mga lumalakad nang tapat.+
Para sa direktor. Awit ng mga anak ni Kora.+
2 Pinagpaumanhinan mo ang pagkakamali ng bayan mo;
5 Magagalit ka ba sa amin magpakailanman?+
Patatagalin mo ba ang iyong galit sa paglipas ng mga henerasyon?
8 Makikinig ako sa sinasabi ng tunay na Diyos na si Jehova,
Dahil maghahayag siya ng kapayapaan sa kaniyang bayan,+ sa mga tapat sa kaniya,
Pero huwag mo silang hayaang bumalik sa labis na pagtitiwala sa sarili.+
9 Handa siyang iligtas ang mga may takot sa kaniya,+
Para ang kaluwalhatian niya ay manatili sa ating lupain.
10 Magkikita ang tapat na pag-ibig at ang katapatan;
Hahalik sa isa’t isa ang katuwiran at ang kapayapaan.+
Panalangin ni David.
2 Ingatan mo ang buhay ko, dahil ako ay tapat.+
Iligtas mo ang lingkod mo na nagtitiwala sa iyo,
Dahil ikaw ang aking Diyos.+
4 Pasayahin mo ang puso ng iyong lingkod,
Dahil sa iyo ako umaasa, O Jehova.
5 Ikaw, O Jehova, ay mabuti+ at handang magpatawad;+
Sagana ang iyong tapat na pag-ibig sa lahat ng tumatawag sa iyo.+
9 Ang lahat ng bansa na ginawa mo
Ay darating at yuyukod sa iyo, O Jehova,+
At luluwalhatiin nila ang pangalan mo.+
11 O Jehova, turuan mo ako tungkol sa iyong daan.+
Lalakad ako sa iyong katotohanan.+
Tulungan mo akong matakot sa pangalan mo nang buong puso.*+
12 Pinupuri kita, O Jehova na aking Diyos, nang buong puso ko,+
At luluwalhatiin ko ang pangalan mo magpakailanman,
13 Dahil malaki ang tapat na pag-ibig mo sa akin,
At iniligtas mo ang buhay ko mula sa kailaliman ng Libingan.*+
15 Pero ikaw, O Jehova, ay Diyos na maawain at mapagmalasakit,*
Hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig at katapatan.*+
16 Bigyang-pansin mo ako at kaawaan.+
Bigyan mo ng lakas ang lingkod mo,+
At iligtas mo ang anak ng alipin mong babae.
17 Magpakita ka sa akin ng tanda* ng iyong kabutihan,
Para makita iyon ng mga napopoot sa akin at mapahiya sila.
Dahil ikaw, O Jehova, ang tumutulong at umaaliw sa akin.
Awit ng mga anak ni Kora.+
87 Ang pundasyon ng lunsod niya ay nasa banal na mga bundok.+
3 Magagandang bagay ang sinasabi tungkol sa iyo, O lunsod ng tunay na Diyos.+ (Selah)
4 Ibibilang ko ang Rahab+ at ang Babilonya sa mga nakakakilala* sa akin;
Nariyan din ang Filistia at ang Tiro, pati ang Cus.
Sasabihin ko: “Ang isang ito ay ipinanganak doon.”
5 At tungkol sa Sion ay sasabihin:
“Ang bawat isa ay ipinanganak sa kaniya.”
At patatatagin siya ng Kataas-taasan.
6 Ipahahayag ni Jehova, kapag itinatala ang mga bayan:
“Ang isang ito ay ipinanganak doon.” (Selah)
7 Sasabihin ng mga mang-aawit+ at ng mga sumasayaw nang paikot:+
“Ang lahat ng aking bukal ay nasa iyo.”*+
Awit ng mga anak ni Kora.+ Sa direktor; sa istilong Mahalat,* aawitin nang salitan. Maskil* ni Heman+ na Ezrahita.
88 O Jehova, ang Diyos na tagapagligtas ko,+
Sa araw ay tumatawag ako sa iyo,
At sa gabi ay lumalapit ako sa iyo.+
4 Kabilang na ako sa mga bumababa sa hukay;*+
5 Iniwang kasama ng mga patay,
Gaya ng patay na nakahiga sa libingan,
Na hindi mo na inaalaala pa
At napawalay na sa pangangalaga* mo.
6 Inilagay mo ako sa pinakamalalim na hukay,
Sa madidilim na lugar, sa malaking kalaliman.
Nakulong ako at hindi makatakas.
9 Pagod na ang mga mata ko dahil sa pagdurusa.+
Tumatawag ako sa iyo buong araw, O Jehova;+
Itinataas ko ang mga kamay ko sa iyo.
10 Gagawa ka ba ng kamangha-manghang mga bagay para sa mga patay?
Makababangon ba ang mga patay para purihin ka?+ (Selah)
11 Ipahahayag ba sa libingan ang iyong tapat na pag-ibig,
Sa lugar ng pagkapuksa* ang iyong katapatan?
12 Malalaman ba sa kadiliman ang kamangha-mangha mong mga gawa
O ang iyong katuwiran sa lupain ng paglimot?+
14 O Jehova, bakit mo ako itinatakwil?+
Bakit mo itinatago sa akin ang iyong mukha?+
15 Mula pagkabata,
Nagdurusa ako at handa nang mamatay;+
Manhid na ako sa masasaklap na bagay na hinahayaan mong maranasan ko.
17 Buong araw ako nitong pinapalibutan na parang tubig;
Palapit ito nang palapit sa akin mula sa lahat ng panig.*
Maskil.* Awit ni Etan+ na Ezrahita.
89 Aawitin ko magpakailanman ang tungkol sa tapat na pag-ibig ni Jehova.
Sasabihin ko sa lahat ng henerasyon ang tungkol sa katapatan mo.
2 Dahil sinabi ko: “Ang tapat na pag-ibig ay mananatili magpakailanman,+
At itinatag mo nang matibay sa mga langit ang iyong katapatan.”
4 ‘Pananatilihin ko ang iyong mga supling*+ magpakailanman,
At gagawin kong matatag ang trono mo sa lahat ng henerasyon.’”+ (Selah)
5 Pinupuri ng langit ang kamangha-mangha mong mga gawa, O Jehova;
Pinupuri ang katapatan mo sa kongregasyon ng mga banal.
6 Dahil sino sa kalangitan ang maihahambing kay Jehova?+
Sino sa mga anak ng Diyos+ ang gaya ni Jehova?
7 Ang Diyos ay lubhang iginagalang sa kapulungan ng mga banal;+
Siya ay dakila at kamangha-mangha sa lahat ng nasa palibot niya.+
Napapalibutan ka ng katapatan mo.+
9 Kontrolado mo ang malalaking alon sa dagat;+
Kapag dumadaluyong ang mga alon, pinahuhupa mo ang mga iyon.+
10 Dinurog mo ang Rahab,+ na parang isang napatay.+
Pinangalat mo ang mga kaaway mo sa pamamagitan ng malakas mong bisig.+
11 Ang langit ay sa iyo, at ang lupa ay sa iyo;+
Ang mabungang lupain at ang lahat ng naroon+—ikaw ang gumawa ng mga iyon.
12 Ang hilaga at ang timog—ikaw ang lumalang* ng mga iyon;
Ang Tabor+ at ang Hermon+ ay masayang pumupuri sa pangalan mo.
14 Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng trono mo;+
Ang tapat na pag-ibig at katapatan ay nasa harap mo.+
15 Maligaya ang bayan na humihiyaw sa kagalakan.+
O Jehova, lumalakad sila sa liwanag ng iyong mukha.
16 Buong araw silang nagsasaya sa pangalan mo,
At dahil sa iyong katuwiran ay nagiging dakila sila.
19 Nang panahong iyon, sa isang pangitain ay sinabi mo sa mga tapat sa iyo:
22 Walang kaaway na hihingi sa kaniya ng tributo,*
At walang masamang tao na magpapahirap sa kaniya.+
23 Pagdudurog-durugin ko sa harap niya ang mga kalaban niya,+
At pababagsakin ko ang mga napopoot sa kaniya.+
24 Ipapakita ko sa kaniya ang aking katapatan at tapat na pag-ibig,+
At dahil sa pangalan ko ay lalo siyang lalakas.*
26 Tatawag siya sa akin at sasabihin niya: ‘Ikaw ang aking Ama,
Ang aking Diyos at ang Bato na tagapagligtas ko.’+
28 Ipapakita ko sa kaniya ang aking tapat na pag-ibig magpakailanman,+
At ang tipan ko sa kaniya ay hindi kailanman mabibigo.+
30 Kung iiwan ng mga anak niya ang kautusan ko
At hindi susundin ang mga batas* ko,
31 Kung lalabagin nila ang mga tuntunin ko
At hindi tutuparin ang mga utos ko,
32 Papaluin ko sila dahil sa pagsuway* nila+
At hahampasin dahil sa pagkakamali nila.
35 Bilang Diyos na banal, sumusumpa ako minsan at magpakailanman;
Hindi ako magsisinungaling kay David.+
36 Ang supling* niya ay mananatili magpakailanman;+
Mananatili ang trono niya sa harap ko gaya ng araw.+
37 Gaya ng buwan, mananatili ito magpakailanman
Bilang tapat na saksi sa kalangitan.” (Selah)
39 Itinakwil mo ang tipan mo sa iyong lingkod;
Nilapastangan mo ang korona* niya sa pamamagitan ng paghahagis nito sa lupa.
43 Pinaurong mo rin ang espada niya,
At hinayaan mong matalo siya sa digmaan.
44 Winakasan mo ang kaluwalhatian niya
At ibinagsak sa lupa ang trono niya.
45 Pinaikli mo ang panahon ng kaniyang kabataan;
Binalot mo siya ng kahihiyan. (Selah)
46 O Jehova, hanggang kailan ka magtatago? Magpakailanman ba?+
Patuloy bang mag-aalab ang galit mo na gaya ng apoy?
47 Alalahanin mo kung gaano kaikli ang buhay ko!+
Nilalang mo ba ang lahat ng tao nang walang dahilan?
48 Sinong taong nabubuhay ang hindi mamamatay?+
Maililigtas ba niya ang sarili* niya sa kapangyarihan ng Libingan?* (Selah)
49 Nasaan na ang tapat na pag-ibig na ipinapakita mo noon, O Jehova,
Na bilang tapat na Diyos ay isinumpa mo kay David?+
50 O Jehova, alalahanin mo ang pang-aalipusta sa mga lingkod mo;
Ang pagtitiis ko sa* pang-aalipusta ng lahat ng bayan;
51 Ang pang-iinsulto ng mga kaaway mo, O Jehova;
Ang pang-iinsulto nila sa bawat hakbang ng pinili* mo.
52 Purihin nawa si Jehova magpakailanman. Amen at Amen.+
IKAAPAT NA AKLAT
(Awit 90-106)
Panalangin ni Moises, na lingkod ng tunay na Diyos.+
90 O Jehova, ikaw ang naging tahanan* namin+ sa lahat ng henerasyon.
2 Bago naisilang ang mga bundok
O bago mo ginawa* ang lupa at ang mabungang lupain,+
Mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas, ikaw ang Diyos.+
3 Ang taong mortal ay ibinabalik mo sa alabok;
Sinasabi mo: “Bumalik kayo sa alabok, kayong mga anak ng tao.”+
4 Dahil sa paningin mo, ang isang libong taon ay tulad lang ng isang araw na nagdaan,+
At gaya ng isang yugto ng pagbabantay sa gabi.
5 Pinaglalaho mo sila;+ sila ay naging gaya lang ng isang tulog;
Sa umaga ay gaya sila ng damo na tumutubo.+
8 Inilalagay mo sa harap mo* ang mga pagkakamali namin;+
Ang mga lihim namin ay nabubunyag sa liwanag ng iyong mukha.+
9 Unti-unting nauubos ang mga araw namin dahil sa iyong poot;
At nagwawakas ang mga taon namin na gaya ng isang bulong.*
Pero punô ito ng problema at kalungkutan;
Mabilis itong lumilipas, at naglalaho na kami.+
11 Sino ang makauunawa sa kapangyarihan ng iyong galit?
Ang poot mo ay kasintindi ng pagkatakot na nararapat sa iyo.+
12 Ituro mo sa amin kung paano bibilangin ang mga araw namin+
Para magkaroon kami ng marunong na puso.
13 Bumalik ka, O Jehova!+ Hanggang kailan ito magtatagal?+
Maawa ka sa mga lingkod mo.+
14 Busugin mo kami ng iyong tapat na pag-ibig+ sa umaga,
Para makahiyaw kami sa kagalakan at makapagsaya+ sa lahat ng araw namin.
15 Pasayahin mo kami katumbas ng mga araw na pinaghirap mo kami,+
Singhaba ng mga taon na dumanas kami ng kapahamakan.+
16 Makita nawa ng mga lingkod mo ang ginagawa mo,
At makita nawa ng mga anak nila ang kaluwalhatian mo.+
17 Kalugdan nawa kami ni Jehova na aming Diyos;
Pagtagumpayin mo nawa* ang ginagawa ng aming mga kamay.
Oo, pagtagumpayin mo* ang ginagawa ng aming mga kamay.+
91 Ang sinumang naninirahan sa lihim na lugar ng Kataas-taasan+
Ay nanganganlong sa lilim ng Makapangyarihan-sa-Lahat.+
2 Sasabihin ko kay Jehova: “Ikaw ang aking kanlungan at moog,*+
Ang aking Diyos na pinagtitiwalaan ko.”+
3 Ililigtas ka niya mula sa bitag ng manghuhuli ng ibon,
Mula sa kapaha-pahamak na salot.
Ang katapatan niya+ ay magiging isang malaking kalasag+ at pananggalang na pader.*
5 Hindi ka matatakot sa mga bagay na nakapangingilabot sa gabi,+
O sa palaso na lumilipad sa araw,+
6 O sa salot na gumagala sa dilim,
O sa pagkapuksa na nananalanta sa katanghaliang-tapat.
14 Sinabi ng Diyos: “Dahil mahal niya ako, ililigtas ko siya.+
Poprotektahan ko siya dahil alam* niya ang pangalan ko.+
15 Tatawag siya sa akin, at sasagutin ko siya.+
Tutulungan ko siya sa panahon ng paghihirap.+
Ililigtas ko siya at luluwalhatiin.
Isang awit para sa araw ng Sabbath.
92 Mabuti ang magpasalamat kay Jehova+
At ang umawit ng mga papuri* sa pangalan mo, O Kataas-taasan,
2 Ang ihayag ang iyong tapat na pag-ibig+ sa umaga
At ang iyong katapatan gabi-gabi,
3 Gamit ang instrumentong may 10 kuwerdas at ang laud,
Sa saliw ng magandang himig ng alpa.+
4 Pinasaya mo ako, O Jehova, dahil sa mga ginagawa mo;
Dahil sa mga gawa ng iyong mga kamay ay humihiyaw ako sa kagalakan.
5 Kay dakila ng iyong mga gawa, O Jehova!+
Napakalalim ng iyong mga kaisipan!+
6 Ang mga iyon ay hindi malalaman ng taong walang unawa;
At hindi maiintindihan ng mangmang ang bagay na ito:+
7 Kahit na ang masasama ay sumisibol na gaya ng panirang-damo
At umuunlad ang lahat ng gumagawa ng mali,
Malilipol sila magpakailanman.+
8 Pero ikaw ay dadakilain magpakailanman, O Jehova.
9 Masdan mo ang pagkatalo ng mga kaaway mo, O Jehova,
Masdan mo ang pagkalipol ng mga kaaway mo;
Ang lahat ng gumagawa ng masama ay mangangalat.+
11 Makikita ko ang pagkatalo ng mga kalaban ko;+
Maririnig ko ang tungkol sa pagbagsak ng masasamang taong sumasalakay sa akin.
14 Kahit sa pagtanda,* magiging mabunga pa rin sila;+
Mananatili silang masigla* at sariwa+
15 Habang inihahayag nila na si Jehova ay matuwid.
Siya ang aking Bato,+ at walang makikitang kasamaan sa kaniya.
Nadaramtan siya ng karilagan;
Si Jehova ay nadaramtan ng lakas;
Suot niya ito na gaya ng sinturon.
3 Rumagasa ang mga ilog, O Jehova,
Rumagasa at umugong ang mga ilog;
Patuloy na rumaragasa at dumadagundong ang mga ilog.
4 Pero ikaw, O Jehova, na kataas-taasan sa langit,+
Ay mas malakas kaysa sa dagundong ng malalim na tubig;
Mas malakas ka kaysa sa malalaking alon sa dagat.+
5 Talagang mapagkakatiwalaan ang mga paalaala mo.+
O Jehova, napapalamutian ng kabanalan ang* bahay mo+ sa lahat ng panahon.
2 Tumayo ka, O Hukom ng lupa.+
Ibigay mo sa mga hambog ang nararapat sa kanila.+
4 Salita sila nang salita at nagyayabang;
Ipinagmamalaki ng masasama ang sarili nila.
6 Pinapatay nila ang biyuda at ang dayuhang nakikipanirahan,
Pati na ang mga batang walang ama.
8 Intindihin ninyo ito, kayong mga walang unawa;
Kayong mga mangmang, kailan kayo magpapakita ng kaunawaan?+
9 Ang gumawa ng tainga, hindi ba siya makaririnig?
Ang gumawa ng mata, hindi ba siya makakakita?+
10 Ang nagtutuwid sa mga bansa, hindi ba siya makasasaway?+
Siya ang nagbibigay ng kaalaman sa tao!+
12 Maligaya ang taong itinutuwid mo, O Jah,+
At tinuturuan mo ng iyong kautusan,+
13 Para bigyan siya ng kapayapaan sa panahon ng kapahamakan,
Hanggang sa magawa ang hukay para sa masasama.+
15 Dahil ang hatol ay muling magiging matuwid,
At susundin ito ng lahat ng may tapat na puso.
16 Sino ang tutulong sa akin sa paglaban sa masasama?
Sino ang papanig sa akin laban sa mga gumagawa ng mali?
18 Nang sabihin ko: “Nadudulas ang paa ko,”
Ang tapat na pag-ibig mo, O Jehova, ay patuloy na umalalay sa akin.+
20 Magiging kaalyado mo ba ang trono* ng katiwalian
Na nagpapakana ng kapahamakan sa ngalan ng batas?+
22 Pero si Jehova ay magiging ligtas na kanlungan* ko;
Ang aking Diyos, siya ang aking batong kanlungan.+
23 Ibabalik niya sa kanila ang masasama nilang ginagawa.+
Lilipulin* niya sila sa pamamagitan ng sarili nilang kasamaan.
Lilipulin* sila ni Jehova na ating Diyos.+
95 Halikayo, humiyaw tayo nang may kagalakan kay Jehova!
Humiyaw tayo sa ating Bato ng kaligtasan+ dahil sa tagumpay.
7 Dahil siya ang ating Diyos,
At tayo ang bayan na pinapastulan niya,
Ngayon, kung nakikinig kayo sa tinig niya,+
8 Huwag ninyong patigasin ang puso ninyo gaya ng nangyari sa Meriba,*+
Gaya ng nangyari sa Masah* sa ilang,+
9 Nang subukin ako ng mga ninuno ninyo;+
Hinamon nila ako, kahit nakita nila ang mga ginawa ko.+
10 Nasuklam ako sa henerasyong iyon nang 40 taon, at sinabi ko:
“Sila ay isang bayang laging lumilihis ang puso;
Hindi nila natutuhan ang mga daan ko.”
11 Kaya sa galit ko ay sumumpa ako:
“Hindi sila papasok sa kapahingahan ko.”+
96 Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit.+
Buong lupa, umawit kayo kay Jehova!+
2 Umawit kayo kay Jehova; purihin ninyo ang pangalan niya.
Ihayag ninyo araw-araw ang mabuting balita ng pagliligtas niya.+
3 Isaysay ninyo sa mga bansa ang kaluwalhatian niya,
Sa lahat ng bayan ang kaniyang kamangha-manghang mga gawa.+
4 Si Jehova ay dakila at karapat-dapat sa lahat ng papuri.
Mas dapat siyang katakutan kaysa sa lahat ng iba pang diyos.
5 Ang lahat ng diyos ng mga bansa ay walang-silbing mga diyos,+
Pero si Jehova ang gumawa ng langit.+
7 Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya, kayong mga pamilya ng mga bayan,
Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya dahil sa kaniyang lakas at kaluwalhatian.+
8 Ibigay ninyo kay Jehova ang kaluwalhatiang nararapat sa pangalan niya;+
Magdala kayo ng kaloob at pumasok sa mga looban niya.
10 Ihayag ninyo sa mga bansa: “Si Jehova ay naging Hari!+
Matibay ang pagkakagawa sa lupa,* hindi ito magagalaw.*
Hahatol siya nang patas sa mga bayan.”*+
Kasabay nito, ang mga puno sa kagubatan ay humiyaw sa kagalakan+
13 Sa harap ni Jehova, dahil dumarating* siya,
Dumarating siya para hatulan ang lupa.
Magalak ang lupa.+
Magsaya ang maraming isla.+
2 Mga ulap at matinding kadiliman ang nakapalibot sa kaniya;+
Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng trono niya.+
5 Ang mga bundok ay natutunaw na gaya ng pagkit* sa harap ni Jehova,+
Sa harap ng Panginoon ng buong lupa.
6 Inihahayag ng langit ang kaniyang katuwiran,
At nakikita ng lahat ng bayan ang kaniyang kaluwalhatian.+
7 Mapahiya nawa ang lahat ng naglilingkod sa anumang inukit na imahen,+
Ang mga nagyayabang tungkol sa kanilang walang-silbing mga diyos.+
Yumukod* kayo sa kaniya, lahat kayong mga diyos.+
8 Naririnig iyon ng Sion at nagsasaya ito;+
Ang mga bayan* ng Juda ay nagagalak
Dahil sa mga hatol mo, O Jehova.+
9 Dahil ikaw, O Jehova, ang Kataas-taasan sa buong lupa;
Higit kang nakatataas sa lahat ng iba pang diyos.+
10 O kayong umiibig kay Jehova, kapootan ninyo ang kasamaan.+
Binabantayan niya ang buhay ng mga tapat sa kaniya;+
12 Magsaya kayo dahil kay Jehova, kayong mga matuwid,
At magpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan.*
Isang awit.
Ang kanang kamay niya, ang banal na bisig niya, ay nagligtas.*+
2 Ipinakita ni Jehova ang kaniyang pagliligtas;+
Isiniwalat niya ang kaniyang katuwiran sa harap ng mga bansa.+
3 Inalaala niya ang kaniyang tapat na pag-ibig at katapatan sa sambahayan ng Israel.+
Nakita ng buong lupa ang pagliligtas* ng ating Diyos.+
4 Buong lupa, humiyaw kayo kay Jehova dahil sa tagumpay.
Magsaya kayo at humiyaw sa kagalakan at umawit ng mga papuri.*+
5 Umawit kayo ng mga papuri* kay Jehova sa saliw ng alpa,
Sa saliw ng alpa at sa himig ng magandang awit.
8 Ipalakpak ng mga ilog ang kanilang mga kamay;
Sama-samang humiyaw sa kagalakan ang mga bundok+
9 Sa harap ni Jehova, dahil dumarating* siya para hatulan ang lupa.
99 Si Jehova ay naging Hari.+ Manginig ang mga bayan.
Nakaupo siya sa trono sa ibabaw* ng mga kerubin.+ Mayanig ang lupa.
4 Siya ay isang makapangyarihang hari na umiibig sa katarungan.+
Itinatag mo nang matibay kung ano ang matuwid.
Naglapat ka ng katarungan at katuwiran+ sa Jacob.
6 Sina Moises at Aaron ay kabilang sa mga saserdote niya,+
At si Samuel ay isa sa mga tumatawag sa pangalan niya.+
Tumatawag sila kay Jehova,
At sinasagot niya sila.+
7 Nagsasalita siya sa kanila mula sa haliging ulap.+
Sinunod nila ang mga paalaala niya at ang mga utos na ibinigay niya sa kanila.+
8 O Jehova na aming Diyos, sinagot mo sila.+
Ikaw ay isang Diyos na nagpaumanhin sa kanila,+
9 Dakilain ninyo si Jehova na ating Diyos+
At yumukod* kayo sa harap ng kaniyang banal na bundok,+
Dahil si Jehova na ating Diyos ay banal.+
Awit ng pasasalamat.
100 Buong lupa, humiyaw kayo kay Jehova dahil sa tagumpay.+
2 Maglingkod kayo nang masaya kay Jehova.+
Lumapit kayo sa harap niya at humiyaw sa kagalakan.
3 Alamin* ninyo na si Jehova ang Diyos.+
Siya ang gumawa sa atin, at tayo ay sa kaniya.*+
Tayo ang bayan niya at ang mga tupa sa pastulan niya.+
Magpasalamat kayo sa kaniya; purihin ninyo ang pangalan niya.+
Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
At ang katapatan niya ay mananatili sa lahat ng henerasyon.+
Awit ni David.
101 Aawit ako tungkol sa tapat na pag-ibig at katarungan.
O Jehova, aawit ako sa iyo ng mga papuri.*
2 Kikilos ako nang may katalinuhan at walang pagkukulang.*
Kailan ka darating?
Lalakad ako nang may tapat na puso+ sa loob ng aking bahay.
3 Hindi ako titingin sa* anumang bagay na walang kabuluhan.*
Kinapopootan ko ang mga ginagawa ng mga taong lumilihis sa tama;+
Hindi ako makikisangkot sa mga iyon.
Ang sinumang may mapagmataas na mata at hambog na puso
Ay hindi ko kukunsintihin.
6 Titingin ako sa mga tapat sa lupa,
Para makapanirahan silang kasama ko.
Ang lumalakad nang walang pagkukulang* ang maglilingkod sa akin.
8 Tuwing umaga ay patatahimikin* ko ang lahat ng masasama sa lupa,
Para malipol ang lahat ng gumagawa ng masama mula sa lunsod ni Jehova.+
Panalangin ng nagdurusa noong pinanghihinaan siya ng loob* at nagsasabi kay Jehova ng ikinababahala niya.+
2 Huwag mong itago sa akin ang iyong mukha sa panahon ng paghihirap ko.+
3 Dahil ang mga araw ko ay unti-unting naglalaho na parang usok,
At ang mga buto ko ay parang nasusunog sa hurno.+
6 Katulad ako ng pelikano sa ilang;
Para akong maliit na kuwago sa mga guho.
8 Buong araw akong hinahamak ng mga kaaway ko.+
Ang pangalan ko ay ginagamit sa pagsumpa ng mga nanunuya sa akin.*
9 Dahil kinakain ko ang abo na parang tinapay,+
At ang iniinom ko ay may kasamang luha,+
10 Dahil sa iyong galit at poot,
Dahil binuhat mo ako para lang itapon.
13 Tiyak na kikilos ka at magpapakita ng awa sa Sion,+
Dahil panahon na para ipakita mo ang iyong kagandahang-loob sa kaniya;+
Dumating na ang takdang panahon.+
14 Dahil ang mga lingkod mo ay nalulugod sa mga bato ng mga pader niya,+
At mahalaga sa kanila kahit ang mga alabok niya.+
15 Matatakot ang mga bansa sa pangalan ni Jehova,
At ang lahat ng hari sa lupa sa iyong kaluwalhatian.+
18 Isinulat ito para sa darating na henerasyon,+
Para ang bayang isisilang* pa lang ay pumuri kay Jah.
19 Dahil dumudungaw siya mula sa kaniyang banal at mataas na kinaroroonan,+
Mula sa langit ay tumitingin si Jehova sa lupa,
20 Para dinggin ang pagbubuntonghininga ng bilanggo,+
Para palayain ang mga hinatulan ng kamatayan,+
21 Para maipahayag sa Sion ang pangalan ni Jehova+
At purihin siya sa Jerusalem,
22 Kapag ang mga bayan at kaharian
Ay nagtitipon para maglingkod kay Jehova.+
23 Maaga niya akong inalisan ng lakas;
Pinaikli niya ang mga araw ko.
24 Sinabi ko: “O Diyos ko,
Huwag mong putulin ang buhay ko sa kalagitnaan nito,
Ikaw na nananatiling buháy sa lahat ng henerasyon.+
25 Noong unang panahon, inilatag mo ang mga pundasyon ng lupa,
At ang langit ay gawa ng mga kamay mo.+
26 Maglalaho ang mga ito, pero ikaw ay mananatili;
Gaya ng isang kasuotan, lahat ng ito ay maluluma.
Gaya ng damit, papalitan mo ang mga ito at mawawala na.
27 Pero ikaw ay hindi nagbabago, at hindi magwawakas ang mga taon mo.+
28 Ang mga anak ng mga lingkod mo ay mabubuhay nang panatag,
At ang mga supling nila ay mananatili magpakailanman sa harap mo.”+
Awit ni David.
103 Pupurihin ko si Jehova;
Pupurihin ng buong pagkatao ko ang kaniyang banal na pangalan.
3 Pinatatawad niya ang lahat ng pagkakamali mo+
At pinagagaling ang lahat ng karamdaman mo;+
4 Inililigtas* niya ang buhay mo mula sa hukay,*+
At kinokoronahan ka niya ng kaniyang tapat na pag-ibig at awa.+
5 Binubusog ka niya ng mabubuting bagay+ sa buong buhay mo,
Kaya nananatili kang bata at malakas na gaya ng isang agila.+
9 Hindi niya patuloy na aalalahanin ang mga pagkakamali natin,+
At hindi siya maghihinanakit magpakailanman.+
10 Hindi niya tayo pinaparusahan ayon sa mga kasalanan natin,+
At hindi niya tayo ginagantihan ayon sa nararapat sa mga pagkakamali natin.+
11 Dahil kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa sa lupa,
Gayon kalaki ang kaniyang tapat na pag-ibig sa mga natatakot sa kaniya.+
12 Kung gaano kalayo ang sikatan ng araw sa lubugan ng araw,
Gayon niya inilalayo sa atin ang mga kasalanan natin.+
13 Kung paanong nagpapakita ng awa ang ama sa mga anak niya,
Si Jehova ay nagpapakita ng awa sa mga natatakot sa kaniya.+
15 Ang mga araw ng taong mortal ay gaya ng sa damo;+
Namumukadkad siyang gaya ng bulaklak sa parang.+
17 Pero ang tapat na pag-ibig ni Jehova ay walang hanggan*
Para sa mga natatakot sa kaniya,+
At ang kaniyang katuwiran para sa mga anak ng mga anak nila,+
18 Para sa mga tumutupad sa kaniyang tipan+
At sa mga maingat na sumusunod sa mga utos niya.
21 Purihin ninyo si Jehova, lahat kayong mga hukbo niya,+
Ang mga lingkod niya na gumagawa ng kalooban niya.+
Pupurihin si Jehova ng buong pagkatao ko.
O Jehova na aking Diyos, napakadakila mo.+
Nadaramtan ka ng dangal at karilagan.+
3 Ang mga biga ng mga silid niya sa itaas ay inilalagay niya sa tubig sa langit,*+
Ginagawa niyang karwahe ang mga ulap,+
At lumalakad siya sa mga pakpak ng hangin.+
4 Ginagawa niyang mga makapangyarihang puwersa* ang mga anghel niya;
Ginagawa niyang lumalamong apoy ang mga lingkod niya.+
6 Dinamtan mo ito ng malalim na tubig.+
Natakpan ng tubig ang mga bundok.
7 Nang sawayin mo sila, tumakas sila;+
Pagkarinig sa tunog ng iyong kulog, nagtakbuhan sila sa takot
8 —Umangat ang mga bundok+ at bumaba ang mga lambak—
Sa lugar na inihanda mo para sa kanila.
9 Nagtakda ka ng hangganan na hindi nila puwedeng lampasan,+
Para hindi na nila muling takpan ang lupa.
11 Naglalaan sila ng tubig para sa lahat ng hayop sa parang;
Napapawi ang uhaw ng maiilap na asno.
12 Sa itaas nila, dumadapo ang mga ibon ng langit;
Umaawit ang mga ito mula sa mayayabong na puno.
13 Dinidilig niya ang mga bundok mula sa mga silid niya sa itaas.+
Nasisiyahan ang lupa sa bunga ng iyong mga gawa.+
14 Pinatutubo niya ang mga damo para sa mga baka
At ang mga pananim para sa mga tao,+
Para magbigay ang lupa ng pagkain
15 At alak na nagpapasaya sa puso ng tao,+
Langis na nagpapaningning ng mukha,
At tinapay na nagpapalakas sa puso ng tao.+
16 Ang mga puno ni Jehova ay nadidiligang mabuti,
Ang mga itinanim niyang sedro ng Lebanon,
17 Na pinamumugaran ng mga ibon.
Ang bahay ng siguana*+ ay nasa mga puno ng enebro.
20 Pinasasapit mo ang kadiliman, at dumarating ang gabi,+
At gumagala ang lahat ng hayop sa kagubatan.
22 Sa pagsikat ng araw,
Nag-aalisan sila at humihiga sa mga lungga nila.
23 Ang tao ay pumupunta sa trabaho niya
At nagpapagal hanggang gabi.
24 Napakarami ng mga gawa mo, O Jehova!+
Lahat ng iyon ay ginawa mo nang may karunungan.+
Ang lupa ay punô ng mga ginawa mo.
25 Naroon ang dagat, na napakalaki at napakalawak,
Punong-puno ng di-mabilang na buháy na nilikha, maliliit at malalaki.+
28 Ang ibinibigay mo sa kanila ay kinukuha nila.+
Binubuksan mo ang kamay mo, at nabubusog sila ng mabubuting bagay.+
29 Kapag itinatago mo ang iyong mukha, nababahala sila.
Kapag inalis mo ang hininga* nila, namamatay sila at bumabalik sa alabok.+
31 Ang kaluwalhatian ni Jehova ay mananatili magpakailanman.
Si Jehova ay magsasaya sa kaniyang mga gawa.+
32 Tinitingnan niya ang lupa, at nayayanig ito;
Hinihipo niya ang mga bundok, at umuusok ang mga ito.+
33 Aawit ako kay Jehova+ sa buong buhay ko;
Aawit ako ng papuri* sa aking Diyos hangga’t nabubuhay ako.+
34 Maging kalugod-lugod nawa sa kaniya ang mga iniisip ko.*
Magsasaya ako kay Jehova.
Pupurihin ko si Jehova. Purihin ninyo si Jah!*
105 Magpasalamat kayo kay Jehova,+ tumawag kayo sa pangalan niya,
Ipaalám ninyo sa mga bansa ang mga ginawa niya!+
2 Umawit kayo sa kaniya, umawit kayo ng mga papuri* sa kaniya,
Pag-isipan* ninyo ang lahat ng kamangha-mangha niyang gawa.+
3 Ipagmalaki ninyo ang kaniyang banal na pangalan.+
Magsaya nawa ang puso ng mga humahanap kay Jehova.+
4 Hanapin ninyo si Jehova+ at umasa kayo sa lakas niya.
Lagi ninyong hanapin ang kaniyang mukha.*
5 Alalahanin ninyo ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa niya,
Ang kaniyang mga himala at ang mga hatol na inihayag niya,+
6 Kayong mga supling* ng lingkod niyang si Abraham,+
Kayong mga anak ni Jacob, na mga pinili niya.+
7 Siya si Jehova na ating Diyos.+
Siya ang humahatol sa buong lupa.+
8 Naaalaala niya ang kaniyang tipan magpakailanman,+
Ang ipinangako* niya, hanggang sa sanlibong henerasyon,+
9 Ang tipan niya kay Abraham,+
At ang panata niya kay Isaac,+
10 Na pinagtibay niya kay Jacob,
At ibinigay niya bilang walang-hanggang tipan kay Israel.
11 Sinabi niya, “Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan+
Bilang inyong mana.”+
14 Hindi niya hinayaang pagmalupitan sila ng sinuman,+
Kundi alang-alang sa kanila ay sumaway siya ng mga hari:+
15 “Huwag ninyong sasaktan ang mga pinili* ko,
At huwag ninyong gagawan ng masama ang mga propeta ko.”+
18 Ikinadena nila* ang mga paa niya,+
Iginapos sa bakal ang leeg* niya;
19 Hanggang sa araw na magkatotoo ang sinabi niya,+
Ang pananalita ni Jehova ang dumalisay sa kaniya.
21 Ginawa niya siyang panginoon sa sambahayan niya,
Tagapamahala sa lahat ng ari-arian niya,+
22 Para lubusang mamuno sa* kaniyang matataas na opisyal
At magturo ng karunungan sa kaniyang matatandang lalaki.+
24 Pinalaki ng Diyos ang bayan niya;+
Ginawa niya silang mas malakas kaysa sa mga kalaban nila.+
25 Hinayaan niyang magbago ang puso ng mga ito, mapoot sa bayan niya,
At magpakana laban sa mga lingkod niya.+
28 Nagsugo siya ng kadiliman at nagdilim sa lupain;+
Hindi sila naghimagsik laban sa mga salita niya.
31 Inutusan niyang sumalakay ang nangangagat na mga langaw
33 Pininsala niya ang kanilang mga puno ng ubas at igos
At sinira ang mga puno sa teritoryo nila.
35 Nilamon ng mga iyon ang lahat ng pananim sa lupain,
Nilamon ng mga iyon ang mga bunga ng lupa.
36 At pinatay niya ang lahat ng panganay sa lupain nila,+
Ang pasimula ng kanilang kakayahang magkaanak.
37 Inilabas niya ang bayan niya na may dalang pilak at ginto;+
At walang sinuman sa mga tribo niya ang nabuwal.
39 Naglagay siya ng ulap para matakpan sila+
At ng apoy para magbigay ng liwanag sa gabi.+
42 Dahil naalaala niya ang banal na pangako niya sa lingkod niyang si Abraham.+
43 Kaya inilabas niya ang kaniyang bayan nang may pagsasaya,+
Ang mga pinili niya nang may hiyaw ng kagalakan.
44 Ibinigay niya sa kanila ang lupain ng mga bansa;+
Minana nila ang pinaghirapan ng ibang bayan,+
45 Para tuparin nila ang mga batas niya+
At sundin ang mga kautusan niya.
Purihin ninyo si Jah!*
Magpasalamat kayo kay Jehova, dahil siya ay mabuti;+
Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+
2 Sino ang lubusang makapaghahayag ng makapangyarihang mga gawa ni Jehova
O makapaghahayag ng lahat ng kaniyang kapuri-puring gawa?+
4 Alalahanin mo ako, O Jehova, kapag nagpakita ka ng kabutihang-loob sa bayan mo.+
Pangalagaan mo ako at iligtas,
5 Para maranasan ko ang kabutihang ipinapakita mo sa iyong mga pinili,+
Para makapagsaya ako kasama ng iyong bansa,
Para maipagmalaki kita at mapuri kasama ng iyong mana.
7 Hindi pinahalagahan* ng mga ninuno namin sa Ehipto ang kamangha-mangha mong mga gawa.
Hindi nila inalaala ang iyong saganang tapat na pag-ibig,
Kundi naghimagsik sila sa dagat, sa tabi ng Dagat na Pula.+
8 Pero iniligtas niya sila alang-alang sa pangalan niya,+
Para maipakita sa lahat ang kalakasan niya.+
9 Sinaway niya ang Dagat na Pula, at natuyo ito;
Inakay niya sila sa kalaliman nito na parang naglalakad sa disyerto;*+
10 Iniligtas niya sila mula sa kamay ng mga kalaban nila+
At binawi sila mula sa kamay ng kaaway.+
14 Nagpadala sila sa kanilang makasariling mga pagnanasa sa ilang;+
Sinubok nila ang Diyos sa disyerto.+
15 Ibinigay niya ang hiniling nila,
Pero pagkatapos ay binigyan niya sila ng nakapanghihinang sakit.+
19 Gumawa sila ng guya* sa Horeb
At yumukod sa metal na estatuwa;+
20 Ipinagpalit nila ang kaluwalhatian ko
Sa imahen ng torong kumakain ng damo.+
21 Kinalimutan nila ang Diyos+ na kanilang Tagapagligtas,
Na gumawa ng dakilang mga bagay sa Ehipto,+
22 Kamangha-manghang mga gawa sa lupain ni Ham,+
Kagila-gilalas na mga gawa sa Dagat na Pula.+
23 Iuutos na sana niyang lipulin sila,
Pero si Moises na pinili niya ay nakiusap sa kaniya*
Para pigilan ang mapamuksa niyang galit.+
26 Kaya itinaas niya ang kamay niya para sumumpa
Na ibubuwal niya sila sa ilang;+
27 Ibubuwal niya ang mga inapo nila sa gitna ng mga bansa,
At pangangalatin niya sila sa mga lupain.+
38 Patuloy silang nagpadanak ng dugo ng mga inosente,+
Ng dugo ng sarili nilang mga anak
Na inihandog nila sa mga idolo ng Canaan;+
At ang lupain ay narumhan ng dugo.
40 Kaya ang galit ni Jehova ay lumagablab sa bayan niya,
At kinasuklaman niya ang kaniyang mana.
41 Paulit-ulit niya silang ibinigay sa kamay ng mga bansa,+
Para mapamunuan sila ng mga napopoot sa kanila.+
43 Maraming ulit niya silang iniligtas,+
Pero nagrerebelde sila at sumusuway,+
At nalalagay sila sa kahihiyan dahil sa kasalanan nila.+
45 Alang-alang sa kanila ay inaalaala niya ang kaniyang tipan,
At naaawa siya sa kanila dahil sa kaniyang masidhi* at tapat na pag-ibig.+
47 Iligtas mo kami, O Jehova na aming Diyos,+
At tipunin mo kami mula sa mga bansa+
Para makapagpasalamat kami sa banal mong pangalan
At magalak sa pagpuri sa iyo.+
At sabihin nawa ng buong bayan, “Amen!”*
Purihin si Jah!*
IKALIMANG AKLAT
(Awit 107-150)
107 Magpasalamat kayo kay Jehova, dahil siya ay mabuti;+
Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+
2 Sabihin nawa ito ng mga binawi* ni Jehova,
Ng mga binawi niya mula sa kamay* ng mga kalaban,+
3 At tinipon niya mula sa mga lupain,+
Mula sa silangan at mula sa kanluran,*
Mula sa hilaga at mula sa timog.+
4 Nagpagala-gala sila sa ilang, sa disyerto;
Wala silang nakitang daan na papunta sa isang lunsod na matitirhan nila.
5 Gutom sila at uhaw;
Nanghihina sila sa pagod.
8 Magpasalamat nawa ang mga tao kay Jehova+ dahil sa kaniyang tapat na pag-ibig
At dahil sa kaniyang kamangha-manghang mga gawa para sa mga anak ng tao.+
10 Ang ilan ay namumuhay sa matinding kadiliman,
Mga bilanggong nagdurusa at nakakadena.
12 Kaya pinaranas niya sila ng hirap para matuto silang magpakumbaba;+
Nadapa sila, at walang sinumang tumulong.
13 Humingi sila ng tulong kay Jehova sa paghihirap nila;
Iniligtas niya sila sa kapighatian nila.
15 Magpasalamat nawa ang mga tao kay Jehova dahil sa kaniyang tapat na pag-ibig+
At dahil sa kaniyang kamangha-manghang mga gawa para sa mga anak ng tao.
18 Nawalan sila ng gana sa anumang pagkain;
Malapit na sila sa pinto ng kamatayan.
19 Humihingi sila ng tulong kay Jehova sa paghihirap nila;
Inililigtas niya sila sa kapighatian nila.
20 Isinusugo niya ang kaniyang salita at pinagagaling sila+
At inililigtas sila mula sa hukay na kinasadlakan nila.
21 Magpasalamat nawa ang mga tao kay Jehova dahil sa kaniyang tapat na pag-ibig
At dahil sa kaniyang kamangha-manghang mga gawa para sa mga anak ng tao.
22 Mag-alay nawa sila ng mga handog ng pasasalamat+
At ipahayag ang kaniyang mga gawa nang may hiyaw ng kagalakan.
23 Ang mga naglalakbay sa dagat sakay ng mga barko,
Na nangangalakal sa malalawak na tubig,+
24 Nakita nila ang mga gawa ni Jehova
At ang kamangha-mangha niyang mga gawa sa karagatan;+
25 Kung paanong kapag iniutos niya ay nagkakaroon ng buhawi,+
Na nagpapaangat sa mga alon ng dagat.
26 Pumapaitaas sila sa langit;
Bumabagsak sila sa kailaliman.
Nanghihina ang loob nila dahil sa paparating na kapahamakan.
28 Humihingi sila ng tulong kay Jehova sa paghihirap nila,+
At inililigtas niya sila sa kapighatian nila.
30 Nagsasaya sila kapag tumahimik na ang mga ito,
At inaakay niya sila sa gusto nilang daungan.
31 Magpasalamat nawa ang mga tao kay Jehova dahil sa kaniyang tapat na pag-ibig
At dahil sa kaniyang kamangha-manghang mga gawa para sa mga anak ng tao.+
32 Purihin nawa nila siya sa kongregasyon ng bayan;+
Purihin nawa nila siya sa kapulungan* ng matatandang lalaki.
33 Ang mga ilog ay ginagawa niyang disyerto
At ang mga bukal ng tubig ay tinutuyo niya,+
34 Ang mabungang lupain ay ginagawa niyang walang-silbing lupain,+
Dahil sa kasamaan ng mga nakatira doon.
35 Ang disyerto ay ginagawa niyang lawa na may mga halaman,
At ang tuyong lupain ay ginagawa niyang bukal ng tubig.+
39 Pero muli silang umunti at napahiya
Dahil sa pang-aapi, kapahamakan, at pamimighati.
40 Hinahamak niya ang mga prominente
At pinagagala-gala sila sa tiwangwang na mga lugar na walang mga daanan.+
41 Pero pinoprotektahan* niya ang mahihirap mula sa pang-aapi+
At pinararami ang mga pamilya nila na parang kawan.
43 Ang marunong ay magmamasid sa mga bagay na ito,+
At pag-iisipan niyang mabuti ang tapat na pag-ibig na ipinapakita ni Jehova.+
Awit ni David.
108 Matatag ang puso ko, O Diyos.
Buong kaluluwa akong* aawit at tutugtog.+
2 Gumising ka, O instrumentong de-kuwerdas; ikaw rin, O alpa.+
Gigisingin ko ang bukang-liwayway.
3 Pupurihin kita sa gitna ng mga bayan, O Jehova,
At aawit ako ng mga papuri* sa iyo sa gitna ng mga bansa.
4 Dahil ang iyong tapat na pag-ibig ay dakila, kasintaas ng langit,+
At ang iyong katapatan ay hanggang sa kalangitan.
6 Para masagip ang mga minamahal mo,
Iligtas mo kami sa pamamagitan ng iyong kanang kamay at dinggin mo ako.+
7 Nagsalita ang banal na Diyos:*
8 Sa akin ang Gilead,+ pati ang Manases,
At ang Efraim ang helmet* para sa ulo ko;+
Ang Juda ang aking baston ng kumandante.+
9 Ang Moab ang aking hugasan.+
Ihahagis ko sa Edom ang sandalyas ko.+
Hihiyaw ako sa kagalakan dahil sa tagumpay ko laban sa Filistia.”+
10 Sino ang magdadala sa akin sa napapaderang* lunsod?
Sino ang aakay sa akin hanggang sa Edom?+
11 Hindi ba ikaw, O Diyos, na nagtakwil sa amin,
Ang Diyos namin na hindi na sumasama sa aming mga hukbo?+
Sa direktor. Awit ni David.
109 O Diyos na aking pinupuri,+ huwag kang manahimik.
2 Dahil ang masama at ang mapanlinlang ay nagsasalita laban sa akin.
Nagsisinungaling sila tungkol sa akin;+
3 Pinapalibutan nila ako at pinagsasalitaan ng masasakit,
At nakikipaglaban sila sa akin nang walang dahilan.+
7 Kapag nilitis siya, hatulan nawa siyang nagkasala;*
Ituring nawang kasalanan kahit ang panalangin niya.+
10 Mula sa kanilang wasak na mga bahay ay magpalaboy-laboy nawa ang mga anak* niya
Para mamalimos at maghagilap ng pagkain.
11 Kunin nawa ng nagpautang sa kaniya ang* lahat ng mayroon siya,
At samsamin nawa ng mga estranghero ang mga pag-aari niya.
12 Wala nawang magpakita sa kaniya ng kabaitan,*
At wala nawang mahabag sa mga anak niyang walang ama.
14 Maalaala nawa ni Jehova ang pagkakamali ng mga ninuno niya,+
At huwag nawang mabura ang kasalanan ng kaniyang ina.
15 Lagi nawang maalaala ni Jehova ang ginawa nila;
At pawiin niya nawa sa lupa ang alaala sa kanila.+
16 Dahil hindi niya inisip na magpakita ng kabaitan,*+
Kundi patuloy niyang tinugis ang naaapi,+ dukha, at nasasaktan ang puso
Para patayin ito.+
17 Gustong-gusto niyang sumumpa, kaya isinumpa siya;
Ayaw niyang magbigay ng pagpapala, kaya hindi siya tumanggap ng pagpapala.
18 Nadamtan siya ng mga sumpa.
At ibinuhos ang mga iyon sa katawan niya na gaya ng tubig,
Sa mga buto niya na gaya ng langis.
19 Ang mga sumpa niya ay maging gaya nawa ng damit na nakabalot sa kaniya+
At gaya ng sinturon na lagi niyang suot.
Iligtas mo ako, dahil ang iyong tapat na pag-ibig ay mabuti.+
23 Pumapanaw ako na gaya ng naglalahong anino;
Itinaboy ako na parang balang.
Kapag nakikita nila ako, umiiling-iling sila.+
26 Tulungan mo ako, O Jehova na aking Diyos;
Iligtas mo ako dahil sa iyong tapat na pag-ibig.
27 Malaman nawa nila na ang kamay mo ang nagligtas sa akin;
Na ikaw, O Jehova, ang gumawa nito.
28 Hayaan mong sumpain nila ako, pero pagpalain mo ako.
Kapag sinalakay nila ako, mapahiya nawa sila,
Pero ang iyong lingkod nawa ay magsaya.
29 Madamtan nawa ng kahihiyan ang mga kalaban ko;
31 Dahil tatayo siya sa kanan ng dukha
Para iligtas siya mula sa mga humahatol sa kaniya.
Awit ni David.
110 Sinabi ni Jehova sa Panginoon ko:
2 Iuunat ni Jehova ang setro ng kapangyarihan mo mula sa Sion, at sasabihin niya:
“Humayo ka sa mga kaaway mo at manakop ka.”+
3 Kusang-loob na ihahandog ng bayan mo ang kanilang sarili sa araw na pangunahan* mo ang iyong hukbo.
Mayroon kang grupo ng mga kabataan na gaya ng mga patak ng hamog,
Marilag at banal mula sa sinapupunan ng bukang-liwayway.
4 Si Jehova ay sumumpa, at hindi magbabago ang isip niya:*
Dudurugin niya ang pinuno* ng malawak na lupain.*
7 Iinom siya* sa batis sa tabing-daan.
Kaya itataas niya ang kaniyang ulo.
א [Alep]
ג [Gimel]
ה [He]
3 Ang mga ginagawa niya ay maluwalhati at kahanga-hanga,
ו [Waw]
At ang katuwiran niya ay mananatili magpakailanman.+
ז [Zayin]
4 Ang kamangha-mangha niyang mga gawa ay hindi malilimutan.+
ח [Het]
Si Jehova ay mapagmalasakit* at maawain.+
ט [Tet]
5 Nagbibigay siya ng pagkain sa mga natatakot sa kaniya.+
י [Yod]
Aalalahanin niya ang kaniyang tipan magpakailanman.+
כ [Kap]
6 Ipinakita niya sa kaniyang bayan ang makapangyarihan niyang mga gawa
ל [Lamed]
Nang ibigay niya sa kanila ang mana ng mga bansa.+
מ [Mem]
7 Ang mga gawa ng mga kamay niya ay tapat at makatarungan;+
נ [Nun]
Mapagkakatiwalaan ang lahat ng utos niya.+
ס [Samek]
8 Laging maaasahan* ang mga ito, ngayon at magpakailanman;
ע [Ayin]
Ginawa ang mga ito sa katotohanan at katuwiran.+
פ [Pe]
9 Tinubos niya ang bayan niya.+
צ [Tsade]
Iniutos niyang manatili magpakailanman ang kaniyang tipan.
ק [Kop]
Banal at lubhang kagalang-galang ang pangalan niya.+
ר [Res]
10 Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng karunungan.+
ש [Sin]
Ang lahat ng sumusunod sa mga utos niya* ay may malalim na unawa.+
ת [Taw]
Pupurihin siya magpakailanman.
א [Alep]
ג [Gimel]
2 Ang mga inapo niya ay magiging makapangyarihan sa lupa,
ד [Dalet]
At ang henerasyon ng mga matuwid ay pagpapalain.+
ה [He]
3 Kayamanan at kasaganaan ang nasa bahay niya,
ו [Waw]
At ang katuwiran niya ay mananatili magpakailanman.
ז [Zayin]
4 Sa mga matuwid ay sumisinag siyang gaya ng liwanag sa kadiliman.+
ח [Het]
Siya ay mapagmalasakit* at maawain+ at matuwid.
ט [Tet]
5 Napapabuti ang taong bukas-palad na nagpapahiram.*+
י [Yod]
Makatarungan siya sa lahat ng ginagawa niya.
כ [Kap]
6 Hindi siya kailanman matitinag.+
ל [Lamed]
Ang matuwid ay aalalahanin magpakailanman.+
מ [Mem]
7 Hindi siya matatakot sa masamang balita.+
נ [Nun]
Ang puso niya ay matatag at nagtitiwala kay Jehova.+
ס [Samek]
8 Hindi natitinag ang puso niya; hindi siya natatakot;+
ע [Ayin]
Sa huli, pagmamasdan niya ang pagkatalo ng mga kalaban niya.+
פ [Pe]
9 Namahagi siya sa marami;* nagbigay siya sa mga dukha.+
צ [Tsade]
Ang katuwiran niya ay mananatili magpakailanman.+
ק [Kop]
Ang lakas niya ay lalo pang luluwalhatiin.*
ר [Res]
10 Makikita ito ng masama at magagalit siya.
ש [Shin]
Magngangalit ang mga ngipin niya at matutunaw siya.
ת [Taw]
Ang pagnanasa ng masasama ay maglalaho.+
Maghandog kayo ng papuri, kayong mga lingkod ni Jehova,
Purihin ang pangalan ni Jehova.
4 Si Jehova ay higit na mataas kaysa sa lahat ng bansa;+
Mas mataas pa sa langit ang kaluwalhatian niya.+
6 Yumuyuko siya para tumingin sa langit at sa lupa,+
7 At ibinabangon niya ang hamak mula sa alabok.
Hinahango niya ang dukha mula sa bunton ng abo*+
8 Para paupuin ito kasama ng mga prominenteng tao,
Kasama ng mga prominenteng tao ng bayan niya.
Purihin si Jah!*
114 Nang lumabas ang Israel mula sa Ehipto,+
Nang umalis ang sambahayan ni Jacob mula sa isang bayang banyaga ang wika,
2 Ang Juda ang naging santuwaryo* niya,
Ang Israel ang naging nasasakupan niya.+
4 Ang mga bundok ay naglulukso na gaya ng mga barakong tupa,+
Ang mga burol, na gaya ng mga kordero.*
O Jordan, bakit ka umurong?+
6 O mga bundok, bakit kayo naglulukso na gaya ng mga barakong tupa,
Na gaya ng mga kordero, O mga burol?
7 Manginig ka, O lupa, dahil sa Panginoon,
Dahil sa Diyos ni Jacob.+
8 Ang malaking bato ay ginagawa niyang lawa na may mga halaman;
Ang matigas na bato ay ginagawa niyang bukal ng tubig.+
115 Hindi sa amin, O Jehova, hindi sa amin,*
Kundi sa iyong pangalan ang kaluwalhatian+
Dahil sa iyong tapat na pag-ibig at katapatan.+
2 Bakit sasabihin ng mga bansa:
“Nasaan ang Diyos nila?”+
3 Ang Diyos namin ay nasa langit;
Ginagawa niya ang anumang maibigan niya.
5 May bibig sila, pero hindi sila makapagsalita;+
May mata, pero hindi sila makakita;
6 May tainga sila, pero hindi sila makarinig;
May ilong, pero hindi sila makaamoy;
7 May kamay sila, pero wala silang pakiramdam;
May paa, pero hindi sila makalakad;+
Hindi makagawa ng tunog ang lalamunan nila.+
11 Kayong mga natatakot kay Jehova, magtiwala kayo kay Jehova+
—Siya ang kanilang katulong at kalasag.+
12 Inaalaala tayo ni Jehova at pagpapalain niya tayo;
Pagpapalain niya ang sambahayan ni Israel;+
Pagpapalain niya ang sambahayan ni Aaron.
13 Pagpapalain niya ang mga natatakot kay Jehova,
Ang nakabababa at ang nakatataas.
18 Pero pupurihin namin si Jah
Ngayon at magpakailanman.
Purihin si Jah!*
Labis akong naghihirap at nagdadalamhati.+
4 Pero tumawag ako sa pangalan ni Jehova:+
“O Jehova, iligtas mo ako!”
6 Binabantayan ni Jehova ang mga walang karanasan.+
Nalugmok ako, pero iniligtas niya ako.
7 Muli akong mapapanatag,
Dahil naging mabait sa akin si Jehova.
9 Lalakad ako sa harap ni Jehova sa lupain ng mga buháy.
11 Natakot ako at sinabi ko:
“Ang lahat ng tao ay sinungaling.”+
12 Ano ang igaganti ko kay Jehova
Sa lahat ng kabutihang ginawa niya sa akin?
16 Nakikiusap ako sa iyo, O Jehova,
Dahil lingkod mo ako.
Lingkod mo ako, ang anak ng iyong aliping babae.
Pinalaya mo ako sa pagkakagapos.+
18 Tutuparin ko ang mga panata ko kay Jehova+
Sa harap ng buong bayan niya,+
19 Sa mga looban* ng bahay ni Jehova,+
Sa gitna mo, O Jerusalem.
118 Magpasalamat kayo kay Jehova, dahil siya ay mabuti;+
Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
2 Sabihin ngayon ng Israel:
“Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.”
3 Sabihin ngayon ng mga nasa sambahayan ni Aaron:
“Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.”
4 Sabihin ngayon ng mga natatakot kay Jehova:
“Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.”
6 Kakampi ko si Jehova; hindi ako matatakot.+
Ano ang magagawa sa akin ng tao?+
11 Pinalibutan nila ako, oo, napalibutan ako nang lubusan,
Pero dahil sa pangalan ni Jehova,
Naitaboy ko sila.
12 Pinalibutan nila ako na parang mga bubuyog,
Pero naglaho sila agad na gaya ng apoy sa matitinik na halaman.
Dahil sa pangalan ni Jehova,
Naitaboy ko sila.+
Ang kanang kamay ni Jehova ay gumagawa ng makapangyarihang mga bagay.+
16 Ang kanang kamay ni Jehova ay nakataas;
Ang kanang kamay ni Jehova ay gumagawa ng makapangyarihang mga bagay.+
19 Buksan ninyo para sa akin ang mga pintuang-daan ng katuwiran;+
Papasok ako sa mga iyon at pupurihin ko si Jah.
20 Ito ang pintuang-daan ni Jehova.
Papasok doon ang mga matuwid.+
24 Ito ang araw na itinakda ni Jehova;
Magagalak tayo at magsasaya rito.
25 O Jehova, iligtas mo kami, pakisuyo, nakikiusap kami!
O Jehova, pagtagumpayin mo kami, pakisuyo!
29 Magpasalamat kayo kay Jehova,+ dahil siya ay mabuti;
Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+
א [Alep]
119 Maligaya ang mga walang pagkukulang* sa kanilang landas
At lumalakad ayon sa kautusan ni Jehova.+
7 Pupurihin kita nang may matuwid na puso
Kapag natutuhan ko ang iyong matuwid na mga hatol.
8 Susundin ko ang mga tuntunin mo.
Huwag mo nawa akong lubusang pabayaan.
ב [Bet]
9 Paano mapananatiling malinis ng isang kabataan ang landas niya?
Dapat na lagi niyang sundin ang iyong salita.+
10 Hinahanap kita nang buong puso.
Huwag mong hayaang lumihis ako mula sa mga utos mo.+
12 Purihin ka nawa, O Jehova;
Ituro mo sa akin ang mga tuntunin mo.
13 Ipinahahayag ng mga labi ko
Ang lahat ng batas na sinabi mo.
16 Kalugod-lugod sa akin ang mga batas mo.
Hindi ko lilimutin ang iyong salita.+
ג [Gimel]
18 Buksan mo ang mga mata ko para makita ko nang malinaw
Ang kamangha-manghang mga bagay sa kautusan mo.
19 Dayuhan lang ako sa lupain.+
Huwag mong itago sa akin ang mga utos mo.
20 Sabik na sabik ako
Sa iyong mga hatol sa lahat ng panahon.
23 Kahit na umuupong magkakasama ang matataas na opisyal at nagsasalita ng masama tungkol sa akin,
Binubulay-bulay* ng iyong lingkod ang mga tuntunin mo.
ד [Dalet]
Iligtas mo ang buhay ko gaya ng pangako* mo.+
26 Sinabi ko sa iyo ang mga ginagawa ko, at sinagot mo ako;
Ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin.+
27 Ipaunawa mo sa akin ang kahulugan* ng mga utos mo,
Para mabulay-bulay* ko ang iyong kamangha-manghang mga gawa.+
28 Hindi ako* nakakatulog dahil sa pagdadalamhati.
Palakasin mo ako gaya ng pangako* mo.
30 Pinili ko ang daan ng katapatan.+
Alam kong tama ang mga hatol mo.
31 Kumakapit ako sa mga paalaala mo.+
O Jehova, huwag mo akong hayaang mabigo.*+
ה [He]
33 Ituro mo sa akin, O Jehova,+ ang daan ng mga tuntunin mo,
At susundin ko iyon hanggang sa kahuli-hulihan.+
37 Ilayo mo ang paningin ko sa mga bagay na walang kabuluhan;+
Palakarin mo ako sa iyong daan para manatili akong buháy.
40 Nananabik ako sa mga utos mo.
Ingatan mo ang buhay ko dahil sa iyong katuwiran.*
ו [Waw]
41 Maranasan ko nawa ang iyong tapat na pag-ibig, O Jehova,+
Ang iyong pagliligtas gaya ng pangako* mo;+
42 At sasagot ako sa humahamak sa akin,
Dahil nagtitiwala ako sa salita mo.
43 Huwag mong lubusang alisin sa bibig ko ang salita ng katotohanan,
Dahil umaasa* ako sa iyong hatol.
ז [Zayin]
50 Ito ang nagbibigay sa akin ng kaaliwan sa paghihirap ko,+
Dahil iningatan ng pananalita mo ang buhay ko.
52 Naaalaala ko ang mga hatol mo mula noong unang panahon,+ O Jehova,
At nagbibigay sa akin ng kaaliwan ang mga iyon.+
56 Ito ang lagi kong ginagawa
Dahil sinusunod ko ang mga utos mo.
ח [Het]
58 Nagsusumamo ako sa iyo* nang buong puso;+
Magpakita ka sa akin ng kagandahang-loob+ gaya ng pangako* mo.
ט [Tet]
67 Bago ko naranasan ang hirap, naliligaw ako ng landas,*
Pero ngayon ay sinusunod ko na ang salita mo.+
68 Ikaw ay mabuti+ at ang mga ginagawa mo ay mabuti.
Ituro mo sa akin ang mga tuntunin mo.+
69 Sinisiraang-puri ako ng mga pangahas,
Pero sinusunod ko ang mga utos mo nang buong puso.
72 Mas mabuti para sa akin ang kautusang inihayag mo+
Kaysa sa libo-libong piraso ng ginto at pilak.+
י [Yod]
73 Ang mga kamay mo ang gumawa at humubog sa akin.
Bigyan mo ako ng kaunawaan,
Para matutuhan ko ang mga utos mo.+
Pero bubulay-bulayin* ko ang mga utos mo.+
79 Bumalik nawa sa akin ang mga natatakot sa iyo,
Ang mga nakaaalam ng iyong mga paalaala.
כ [Kap]
84 Hanggang kailan maghihintay ang iyong lingkod?
Kailan ka maglalapat ng hatol sa mga umuusig sa akin?+
85 Ang mga pangahas, ang mga lumalabag sa kautusan mo,
Ay gumagawa ng mga hukay para sa akin.
86 Mapagkakatiwalaan ang lahat ng utos mo.
Pinag-uusig ako ng mga tao nang walang dahilan; tulungan mo ako!+
87 Muntik na nila akong mapawi sa ibabaw ng lupa,
Pero hindi ko iniwan ang mga utos mo.
88 Ingatan mo ang buhay ko dahil sa iyong tapat na pag-ibig,
Para masunod ko ang mga paalaalang sinabi mo.
ל [Lamed]
90 Ang iyong katapatan ay mananatili sa lahat ng henerasyon.+
Ginawa mong matibay ang lupa, kaya mananatili ito.+
93 Hindi ko lilimutin ang mga utos mo,
Dahil sa pamamagitan ng mga iyon ay naingatan mo ang buhay ko.+
95 Inaabangan ako ng masasama para patayin ako,
Pero nagbibigay-pansin akong mabuti sa mga paalaala mo.
מ [Mem]
97 Mahal na mahal ko ang kautusan mo!+
Binubulay-bulay* ko ito buong araw.+
98 Dahil sa utos mo ay nagiging mas marunong ako kaysa sa mga kaaway ko,+
Dahil nasa akin iyon magpakailanman.
100 Mas may kaunawaan ako kaysa sa matatandang lalaki,
Dahil sinusunod ko ang mga utos mo.
102 Hindi ako lumilihis sa mga batas mo,
Dahil tinuruan mo ako.
104 May kaunawaan ako dahil sa mga utos mo.+
Kaya napopoot ako sa lahat ng maling landas.+
נ [Nun]
106 Sumumpa akong susundin ko ang iyong matuwid na mga batas,
At tutuparin ko iyon.
O Jehova, ingatan mo ang buhay ko gaya ng pangako* mo.+
108 O Jehova, malugod ka nawa sa aking kusang-loob na mga handog ng papuri,*+
At ituro mo sa akin ang iyong mga hatol.+
111 Ang mga paalaala mo ay permanente kong pag-aari,*
Dahil ang mga iyon ang nagpapasaya sa puso ko.+
ס [Samek]
116 Alalayan mo ako gaya ng ipinangako mo,*+
Para patuloy akong mabuhay;
Huwag mong hayaang mabigo ang pag-asa ko.+
118 Itinatakwil mo ang lahat ng lumilihis sa iyong mga tuntunin,+
Dahil sinungaling sila at mapandaya.
119 Itinatapon mong parang walang pakinabang na basura* ang masasama sa lupa,+
Kaya mahal ko ang mga paalaala mo.
ע [Ayin]
121 Ginawa ko ang makatarungan at matuwid.
Huwag mo akong iwan sa kamay ng mga umaapi sa akin!
122 Ipangako mong tutulungan mo ang iyong lingkod;
Huwag nawa akong pahirapan ng mga pangahas.
פ [Pe]
129 Ang mga paalaala mo ay kamangha-mangha.
Kaya sinusunod ko ang mga iyon.
130 Ang pagsisiwalat ng mga salita mo ay nagbibigay ng liwanag+
At nagbibigay ng kaunawaan sa mga walang karanasan.+
132 Bigyang-pansin mo ako at pagpakitaan ng kagandahang-loob,+
Gaya ng lagi mong ginagawa* sa mga nagmamahal sa pangalan mo.+
צ [Tsade]
138 Ang mga paalaalang ibinibigay mo ay matuwid
At talagang maaasahan.
143 Kahit na nagdurusa ako at naghihirap,
Kalugod-lugod pa rin sa akin ang mga utos mo.
144 Ang mga paalaala mo ay matuwid magpakailanman.
Bigyan mo ako ng kaunawaan,+ para patuloy akong mabuhay.
ק [Kop]
145 Tumatawag ako nang buong puso. Sagutin mo ako, O Jehova.
Susundin ko ang mga tuntunin mo.
146 Tumatawag ako sa iyo; iligtas mo ako!
Susundin ko ang mga paalaala mo.
147 Gisíng na ako bago magbukang-liwayway para humingi ng tulong,+
Dahil ang mga salita mo ang pag-asa ko.*
148 Bukás na ang mga mata ko bago pa ang mga yugto ng pagbabantay sa gabi,
149 Dinggin mo ang tinig ko dahil sa iyong tapat na pag-ibig.+
O Jehova, ingatan mo ang buhay ko ayon sa iyong katarungan.
152 Natutuhan ko noon ang tungkol sa mga paalaala mo,
Na ipinasiya mong manatili ang mga ito magpakailanman.+
ר [Res]
156 Napakamaawain mo, O Jehova.+
Ingatan mo ang buhay ko ayon sa iyong katarungan.
159 Tingnan mo kung gaano ko kamahal ang mga utos mo!
O Jehova, ingatan mo ang buhay ko dahil sa iyong tapat na pag-ibig.+
ש [Sin] o [Shin]
161 Inuusig ako ng matataas na opisyal+ nang walang dahilan,
Pero malaki ang paggalang ko sa mga salita mo.+
164 Pitong ulit kitang pinupuri sa isang araw
Dahil sa iyong matuwid na mga hatol.
166 Umaasa ako sa pagliligtas mo, O Jehova,
At sinusunod ko ang mga utos mo.
ת [Taw]
169 Makarating nawa sa iyo ang paghingi ko ng tulong, O Jehova.+
Sa pamamagitan ng salita mo, bigyan mo ako ng kaunawaan.+
170 Makarating nawa sa iyo ang pagsusumamo ko.
Iligtas mo ako, gaya ng pangako mo.*
176 Naligaw akong gaya ng nawawalang tupa.+ Hanapin mo nawa ang lingkod mo,
Dahil hindi ko nililimot ang mga utos mo.+
Awit ng Pag-akyat.*
4 Sa pamamagitan ng matutulis na palaso+ ng mandirigma
At ng nagniningas na mga baga+ ng punong retama.
5 Kaawa-awa ako, dahil tumira ako bilang dayuhan sa Mesec!+
Naninirahan ako sa gitna ng mga tolda ng Kedar.+
7 Ako ay para sa kapayapaan, pero kapag nagsasalita ako,
Sila ay para sa digmaan.
Awit ng Pag-akyat.
121 Tumingin ako sa mga bundok.+
Sino ang tutulong sa akin?
3 Hindi niya hahayaang madulas* ang paa mo.+
Ang nagbabantay sa iyo ay hindi aantukin.
5 Binabantayan ka ni Jehova.
Si Jehova ang lilim,+ at siya ay nasa kanan mo.+
7 Babantayan ka ni Jehova laban sa lahat ng kapahamakan.+
Babantayan niya ang buhay mo.+
Awit ng Pag-akyat. Awit ni David.
122 Nagsaya ako nang sabihin nila sa akin:
“Pumunta tayo sa bahay ni Jehova.”+
4 Umakyat doon ang mga tribo,
Ang mga tribo ni Jah,*
Gaya ng paalaala sa Israel,
Para magpasalamat sa pangalan ni Jehova.+
6 Humiling kayo ng kapayapaan para sa Jerusalem.+
Ang mga umiibig sa iyo, O lunsod, ay magiging panatag.
7 Manatili nawa ang kapayapaan sa loob ng mga tanggulan* mo,
Ang kapanatagan sa loob ng iyong matitibay na tore.
8 Alang-alang sa mga kapatid at kasamahan ko ay sasabihin ko:
“Sumaiyo nawa ang kapayapaan.”
Awit ng Pag-akyat.
2 Kung paanong nakatingin ang mga lingkod sa kamay ng panginoon nila,
At ang lingkod na babae sa kamay ng amo niyang babae,
Gayon kami nakatingin kay Jehova na aming Diyos+
Hanggang sa pagpakitaan niya kami ng awa.+
4 Labis-labis na kaming inaalipusta ng mga hambog
At hinahamak ng mga mapagmataas.
Awit ng Pag-akyat. Awit ni David.
124 “Kung hindi pumanig sa atin si Jehova”+
—Sabihin ngayon ng Israel—
2 “Kung hindi pumanig sa atin si Jehova+
Nang salakayin tayo ng mga kaaway,+
3 Baka nilamon na nila tayo nang buháy+
Noong nag-aapoy ang galit nila sa atin.+
5 Baka natabunan na tayo ng rumaragasang tubig.
6 Purihin nawa si Jehova,
Dahil hindi niya tayo hinayaang lurayin ng mga ngipin nila.
Awit ng Pag-akyat.
125 Ang mga nagtitiwala kay Jehova+
Ay gaya ng Bundok Sion, na hindi matitinag,
Kundi mananatili magpakailanman.+
2 Kung paanong napapalibutan ng mga bundok ang Jerusalem,+
Gayon pinapalibutan ni Jehova ang bayan niya+
Ngayon at magpakailanman.
Magkaroon nawa ng kapayapaan sa Israel.
Awit ng Pag-akyat.
Nang panahong iyon, sinabi nila sa mga bansa:
“Si Jehova ay gumawa ng dakilang mga bagay para sa kanila.”+
5 Ang mga naghahasik ng binhi nang may luha
Ay gagapas nang may hiyaw ng kagalakan.
6 Ang lumalabas, kahit na umiiyak,
Dala ang kaniyang supot ng binhi,
Ay tiyak na babalik na humihiyaw sa kagalakan,+
Dala ang kaniyang mga bungkos.+
Awit ng Pag-akyat. Awit ni Solomon.
127 Kung hindi si Jehova ang nagtatayo ng bahay,
Walang saysay ang pagpapagal ng mga nagtatayo nito.+
Kung hindi binabantayan ni Jehova ang lunsod,+
Walang saysay ang pananatiling gisíng ng mga bantay.
2 Walang saysay na gumigising kayo nang maaga,
Na nagpupuyat kayo,
Na nagpapakahirap kayo para makakain,
Dahil naglalaan siya sa mga minamahal niya at binibigyan sila ng mahimbing na tulog.+
5 Maligaya ang lalaki na pumupuno sa kaniyang lalagyan ng mga palaso.+
Hindi sila mapapahiya,
Dahil makikipag-usap ang mga ito sa mga kaaway sa pintuang-daan.
Awit ng Pag-akyat.
2 Kakainin mo ang pinagpaguran ng kamay mo.
Magiging maligaya ka at masagana.+
3 Ang asawa mo ay magiging gaya ng mabungang punong ubas sa iyong bahay;+
Ang mga anak mo ay magiging gaya ng mga supang ng mga punong olibo sa palibot ng iyong mesa.
5 Pagpapalain ka ni Jehova mula sa Sion.
Makita mo nawa ang kasaganaan ng Jerusalem sa buong buhay mo,+
6 At makita mo nawa ang mga anak ng iyong mga anak.
Magkaroon nawa ng kapayapaan sa Israel.
Awit ng Pag-akyat.
129 “Mula pa sa pagkabata, lagi na nila akong pinahihirapan”+
—Sabihin ngayon ng Israel—
2 “Mula pa sa pagkabata, lagi na nila akong pinahihirapan;+
Pero hindi nila ako natatalo.+
6 Magiging gaya sila ng damo sa mga bubungan
Na natutuyot na bago pa bunutin,
7 Na hindi makapupuno sa kamay ng manggagapas
O sa mga braso ng nagtitipon ng mga bungkos.
8 Hindi sasabihin ng mga dumadaan:
“Pagpalain nawa kayo ni Jehova;
Pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Jehova.”
Awit ng Pag-akyat.
130 Mula sa kalaliman ay tumatawag ako sa iyo, O Jehova.+
2 O Jehova, dinggin mo ang tinig ko.
Pakinggan mo nawa ang paghingi ko ng tulong.
6 Hinihintay ko si Jehova nang may pananabik,+
Higit pa sa pananabik ng mga bantay sa pagdating ng umaga,+
Oo, higit pa sa pananabik ng mga bantay sa pagdating ng umaga.
7 Patuloy nawang hintayin ng Israel si Jehova,
Dahil tapat ang pag-ibig ni Jehova,+
At mayroon siyang saganang kapangyarihan para tumubos.
8 Tutubusin niya ang Israel sa lahat ng pagkakamali nila.
Awit ng Pag-akyat. Awit ni David.
131 O Jehova, ang puso ko ay hindi mapagmataas;+
Ang mga mata ko ay hindi mayabang;
Hindi ako naghahangad ng mga bagay na napakadakila,+
O ng mga bagay na hindi ko maaabot.
2 Sa halip, pinayapa ko ang kalooban* ko+
Gaya ng batang inawat na sa pagsuso at nasa piling ng kaniyang ina;
Kontento akong gaya ng batang inawat na sa pagsuso.
Awit ng Pag-akyat.
132 O Jehova, alalahanin mo si David
At ang lahat ng pagdurusa niya,+
2 Na sumumpa siya kay Jehova,
Nanata siya sa Makapangyarihan ng Jacob:+
3 “Hindi ako papasok sa tolda ko, sa bahay ko.+
Hindi ako hihiga sa higaan ko, sa kama ko;
4 Hindi ko patutulugin ang mga mata ko,
Hindi ko papipikitin ang talukap ng mga mata ko
5 Hanggang sa makakita ako ng lugar para kay Jehova,
Isang magandang tahanan* para sa Makapangyarihan ng Jacob.”+
9 Madamtan nawa ng katuwiran ang iyong mga saserdote,
At humiyaw nawa nang may kagalakan ang mga tapat sa iyo.
11 Sumumpa si Jehova kay David;
Hindi niya babawiin ang sinabi niya:
12 Kung tutuparin ng mga anak mo ang tipan ko
At susundin ang mga paalaala ko sa kanila,+
Ang mga anak din nila
Ay uupo sa iyong trono magpakailanman.”+
17 Doon ay lalo kong palalakasin si* David.
Naghanda ako ng lampara para sa aking pinili.*+
Awit ng Pag-akyat. Awit ni David.
2 Para itong mamahaling langis na ibinuhos sa ulo+
At tumulo sa balbas,
Sa balbas ni Aaron,+
Hanggang sa kuwelyo ng damit niya.
Doon nangako si Jehova ng pagpapala
—Buhay na walang hanggan.
Awit ng Pag-akyat.
134 Purihin ninyo si Jehova,
Kayong lahat na mga lingkod ni Jehova,+
Kayong mga nakatayo sa bahay ni Jehova kung gabi.+
3 Mula sa Sion ay pagpalain ka nawa ni Jehova,
Ang Maylikha ng langit at lupa.
Purihin ang pangalan ni Jehova;
Maghandog kayo ng papuri, kayong mga lingkod ni Jehova,+
2 Kayong mga nakatayo sa bahay ni Jehova,
3 Purihin si Jah, dahil si Jehova ay mabuti.+
Umawit kayo ng mga papuri* sa pangalan niya, dahil ito ay kalugod-lugod.
4 Dahil pinili ni Jah si Jacob para sa kaniyang sarili,
5 Dahil alam na alam kong dakila si Jehova;
Ang Panginoon natin ay nakahihigit sa lahat ng iba pang diyos.+
6 Ginagawa ni Jehova ang lahat ng gusto niyang gawin+
Sa langit at sa lupa, sa mga karagatan at sa lahat ng kalaliman nito.
7 Nagpapailanlang siya ng mga ulap* mula sa mga dulo ng lupa;
Gumagawa siya ng kidlat* para sa ulan;
Inilalabas niya ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan.+
9 Nagpadala siya sa iyo ng mga tanda at mga himala, O Ehipto,+
Laban sa Paraon at sa lahat ng lingkod nito.+
10 Nagpabagsak siya ng maraming bansa+
At pumatay ng makapangyarihang mga hari+
11 —Si Sihon na hari ng mga Amorita,+
Si Og na hari ng Basan,+
At ang lahat ng kaharian sa Canaan.
13 O Jehova, ang pangalan mo ay mananatili magpakailanman.
O Jehova, ang katanyagan* mo ay mananatili sa lahat ng henerasyon.+
16 May bibig sila, pero hindi sila makapagsalita;+
May mata, pero hindi sila makakita;
17 May tainga sila, pero hindi sila makarinig.
Walang hininga sa bibig nila.+
19 O sambahayan ni Israel, purihin ninyo si Jehova.
O sambahayan ni Aaron, purihin ninyo si Jehova.
20 O sambahayan ni Levi, purihin ninyo si Jehova.+
Kayong mga natatakot kay Jehova, purihin ninyo si Jehova.
Purihin si Jah!+
136 Magpasalamat kayo kay Jehova, dahil siya ay mabuti;+
Ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+
3 Magpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon,
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
4 Siya lang ang gumagawa ng lubhang kamangha-manghang mga bagay,+
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.+
6 Inilatag niya ang lupa sa ibabaw ng tubig,+
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
7 Ginawa niya ang malalaking tanglaw,+
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
8 Ang araw para maghari kapag araw,+
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
9 Ang buwan at mga bituin para maghari kapag gabi,+
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
11 Inilabas niya ang Israel mula sa kanila,+
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
12 Sa pamamagitan ng malakas na kamay+ at makapangyarihang* bisig,
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
15 Ipinalamon niya ang Paraon at ang hukbo nito sa Dagat na Pula,+
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
17 Pumuksa siya ng makapangyarihang mga hari,+
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
18 Pumatay siya ng malalakas na hari,
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
19 Si Sihon+ na hari ng mga Amorita,
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
20 At si Og+ na hari ng Basan,
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
21 Ipinamana niya ang lupain nila,+
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan,
22 Ipinamana sa Israel na lingkod niya,
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
24 Paulit-ulit niya tayong iniligtas sa ating mga kalaban,+
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
25 Binibigyan niya ng pagkain ang lahat ng nabubuhay,*+
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
26 Magpasalamat kayo sa Diyos ng langit,
Dahil ang kaniyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.
137 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonya,+ doon kami umupo.
Napaiyak kami nang maalaala namin ang Sion.+
“Kantahan ninyo kami ng isa sa mga awit ng Sion.”
4 Paano namin makakanta ang awit kay Jehova
Sa banyagang lupain?
6 Dumikit sana sa ngalangala ko ang aking dila
Kung hindi kita aalalahanin,
Kung hindi ko ituturing ang Jerusalem
Na nakahihigit pa sa mga bagay na nagbibigay sa akin ng malaking kagalakan.+
7 Alalahanin mo, O Jehova,
Ang sinabi ng mga Edomita noong araw na bumagsak ang Jerusalem:
“Gibain iyon! Gibain pati ang mga pundasyon!”+
8 O anak na babae ng Babilonya, na malapit nang mawasak,+
Magiging maligaya ang gaganti sa iyo
Ng pakikitungo na ginawa mo sa amin.+
Awit ni David.
138 Pupurihin kita nang buong puso.+
Sa harap ng ibang diyos,
Aawit ako ng mga papuri.*
2 Yuyukod ako nang nakaharap sa iyong banal na templo,*+
At pupurihin ko ang pangalan mo+
Dahil sa iyong tapat na pag-ibig at katapatan.
Dahil dinakila mo ang iyong pananalita at pangalan nang higit sa lahat ng iba pang bagay.*
4 Pupurihin ka ng lahat ng hari sa lupa, O Jehova,+
Dahil maririnig nila ang mga pangakong binitiwan mo.
6 Kahit mataas si Jehova, nagbibigay-pansin siya sa mapagpakumbaba,+
Pero ang mapagmataas ay kilala lang niya sa malayo.+
7 Naglalakad man ako sa gitna ng panganib, iingatan mo ang buhay ko.+
Iniuunat mo ang kamay mo laban sa galit ng mga kaaway ko;
Ililigtas ako ng kanang kamay mo.
8 Tutuparin ni Jehova ang lahat alang-alang sa akin.
O Jehova, ang iyong tapat na pag-ibig ay walang hanggan;+
Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong kamay.+
Para sa direktor. Awit ni David.
139 O Jehova, sinuri mo ako, at kilala mo ako.+
2 Alam mo kapag umuupo ako at kapag tumatayo ako.+
Mula sa malayo ay alam mo ang mga iniisip ko.+
3 Pinagmamasdan* mo ako kapag naglalakbay ako at kapag humihiga ako;
Pamilyar ka sa lahat ng ginagawa ko.+
5 Sa likod at sa harap ko, pinalibutan mo ako;
At ipinatong mo sa akin ang kamay mo.
6 Ang gayong kaalaman ay hindi ko kayang unawain.*
Iyon ay napakataas at hindi ko maabot.*+
9 Kung lilipad ako gamit ang mga pakpak ng bukang-liwayway
Para manirahan sa pinakamalayong dagat,
10 Doon man ay papatnubayan ako ng kamay mo
At hahawakan ako ng iyong kanang kamay.+
11 Kung sasabihin ko: “Tiyak na itatago ako ng kadiliman!”
Ang gabi ay magiging liwanag sa palibot ko.
12 Kahit ang kadiliman ay hindi magiging napakadilim para sa iyo,
Kundi ang gabi ay magiging kasinliwanag ng araw;+
Ang kadiliman ay kapareho ng liwanag para sa iyo.+
14 Pinupuri kita dahil sa kahanga-hangang paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin.+
Kamangha-mangha ang iyong mga gawa,+
Alam na alam ko ito.
15 Ang mga buto ko ay hindi tago sa iyo
Nang gawin ako sa lihim,
Nang habihin ako sa kailaliman ng lupa.+
16 Nakita ako ng mga mata mo kahit noong binhi pa lang ako;
Ang lahat ng bahagi ko ay nakasulat sa iyong aklat
Tungkol sa mga araw nang mabuo ang mga iyon,
Bago pa mabuo ang alinman sa mga iyon.
17 Kaya napakahalaga sa akin ng mga kaisipan mo!+
O Diyos, pagkarami-rami ng mga iyon!+
18 Kung susubukan kong bilangin, mas marami pa ang mga iyon sa mga butil ng buhangin.+
Paggising ko, kasama pa rin kita.*+
19 O Diyos, kung papatayin mo lang sana ang masasama,+
Hihiwalay na sa akin ang mararahas,*
20 Ang mga nagsasalita laban sa iyo nang may masamang intensiyon;*
Sila ang mga kalaban mo na gumagamit ng pangalan mo sa walang-kabuluhang paraan.+
21 Hindi ba napopoot ako sa mga napopoot sa iyo, O Jehova,+
At namumuhi ako sa mga lumalaban sa iyo?+
23 Siyasatin mo ako, O Diyos, at alamin mo ang laman ng puso ko.+
Suriin mo ako, at alamin mo ang mga ikinababahala* ko.+
24 Tingnan mo kung mayroon akong anumang masamang saloobin,*+
At akayin mo ako+ sa landas ng walang hanggan.
Para sa direktor. Awit ni David.
140 Iligtas mo ako, O Jehova, mula sa masasama;
Protektahan mo ako mula sa mararahas,+
2 Sa mga nagpapakana ng masama sa puso nila+
At gumagawa ng gulo buong araw.
3 Pinatatalas nila ang dila nila na gaya ng sa ahas;+
Kamandag ng mga ulupong ang nasa bibig nila.+ (Selah)
4 Protektahan mo ako, O Jehova, mula sa mga kamay ng masasama;+
Bantayan mo ako mula sa mararahas,
Sa mga nagpapakanang tisurin ako.
5 Ang mga mapagmataas ay nagtago ng bitag para sa akin;
Gamit ang mga lubid, naglatag sila ng lambat sa tabi ng daan.+
Naglagay sila ng mga patibong para sa akin.+ (Selah)
6 Sinabi ko kay Jehova: “Ikaw ang aking Diyos.
Dinggin mo, O Jehova, ang paghingi ko ng tulong.”+
7 O Jehova na Kataas-taasang Panginoon, ang makapangyarihan kong Tagapagligtas,
Sa araw ng digmaan ay pinoprotektahan mo ang ulo ko.+
8 O Jehova, huwag mong ibigay ang gusto ng masasama.
Huwag mong hayaang magtagumpay ang mga pakana nila para hindi sila magmalaki.+ (Selah)
10 Maulanan nawa sila ng nagniningas na mga baga.+
11 Mawalan sana ng lugar sa lupa* ang maninirang-puri.+
Habulin nawa ng kasamaan ang mararahas at pabagsakin sila.
13 Tiyak na magpapasalamat sa pangalan mo ang mga matuwid;
Awit ni David.
141 O Jehova, tumatawag ako sa iyo.+
Magmadali ka at tulungan mo ako.+
Dinggin mo ako kapag tumatawag ako sa iyo.+
2 Ang panalangin ko nawa ay maging gaya ng inihandang insenso+ sa harap mo,+
At ang nakataas kong mga kamay ay maging gaya ng handog na mga butil sa gabi.+
4 Huwag mong hayaang maging malapít sa puso ko ang anumang masama,+
Para hindi ako makibahagi sa kasuklam-suklam na mga gawa ng masasama;
Huwag nawa akong kumain ng masasarap na pagkain nila.
5 Kung saktan ako ng matuwid, ituturing kong tapat na pag-ibig iyon;+
Kung sawayin niya ako, magiging gaya iyon ng langis sa ulo ko,+
Na hindi tatanggihan ng aking ulo.+
Patuloy akong mananalangin kahit sa panahon ng kapahamakan nila.
6 Ihagis man sa bangin ang mga hukom nila,
Pakikinggan ng mga tao ang sinasabi ko, dahil kalugod-lugod iyon.
8 Pero ang mga mata ko ay nakatingin sa iyo, O Kataas-taasang Panginoong Jehova.+
Sa iyo ako nanganganlong.
Huwag mong kunin ang buhay* ko.
9 Protektahan mo ako mula sa bitag na iniumang nila sa akin,
Mula sa mga patibong ng masasama.
Maskil.* Awit ni David noong nasa kuweba siya.+ Isang panalangin.
2 Sa harap niya ay ibinubuhos ko ang ikinababahala ko;
Sa harap niya ay sinasabi ko ang tungkol sa pagdurusa ko+
At binantayan mo ang daan ko.+
Sa landas na nilalakaran ko
Ay nag-umang sila ng bitag para sa akin.
Wala akong matakasan;+
Walang nag-aalala sa akin.
5 Humihingi ako sa iyo ng tulong, O Jehova.
6 Pakinggan mo ang paghingi ko ng tulong,
Dahil nasa matinding kagipitan ako.
Iligtas mo ako sa mga mang-uusig,+
Dahil mas malakas sila kaysa sa akin.
7 Ilabas mo ako sa bartolina
Para purihin ang pangalan mo.
Palibutan nawa ako ng mga matuwid,
Dahil mabait ka sa akin.
Awit ni David.
Ayon sa iyong katapatan at katuwiran,* sagutin mo ako.
2 Huwag mong dalhin sa hukuman mo ang iyong lingkod;
Dahil walang sinumang nabubuhay ang maaaring maging matuwid sa harap mo.+
3 Tinutugis ako ng kaaway;
Dinurog niya ako sa lupa.
Pinatira niya ako sa kadiliman gaya ng mga taong matagal nang patay.
5 Inaalaala ko ang mga pangyayari noon;
Pinag-iisipan kong mabuti ang lahat ng ginagawa mo;+
May pananabik kong binubulay-bulay* ang gawa ng mga kamay mo.
Huwag mong itago sa akin ang iyong mukha;+
8 Sa umaga ay iparinig mo sa akin ang tungkol sa iyong tapat na pag-ibig,
Dahil nagtitiwala ako sa iyo.
Ipaalám mo sa akin ang daan na dapat kong lakaran,+
Dahil sa iyo ako umaasa.
9 Iligtas mo ako sa mga kaaway ko, O Jehova.
Sa iyo ako nanganganlong.+
Ang espiritu mo ay mabuti;
Patnubayan nawa ako nito sa patag na lupa.*
11 Alang-alang sa pangalan mo, O Jehova, ingatan mo ang buhay ko.
Ayon sa iyong katuwiran, iligtas mo ako sa pagdurusa.+
12 Dahil sa iyong tapat na pag-ibig, lipulin* mo ang mga kaaway ko;+
Puksain mo ang lahat ng nagpapahirap sa akin,+
Dahil ako ay lingkod mo.+
Awit ni David.
144 Purihin nawa si Jehova na aking Bato,+
Na nagsasanay sa mga kamay ko sa pakikipaglaban,
At sa mga daliri ko sa pakikipagdigma.+
2 Siya ang aking tapat na pag-ibig at tanggulan,
Ang aking ligtas na kanlungan* at tagasagip,
Ang aking kalasag at kublihan;+
Isinusuko niya sa akin ang mga bayan.+
6 Magpakidlat ka at pangalatin mo ang kaaway;+
Pahilagpusin mo ang iyong mga palaso at lituhin mo sila.+
7 Iunat mo ang iyong mga kamay mula sa itaas;
Sagipin mo ako at iligtas mula sa rumaragasang tubig,
Mula sa kamay* ng mga banyaga,+
8 Na nagsisinungaling
At nagtataas ng kanang kamay para sumumpa sa hindi totoo.*
9 O Diyos, aawitan kita ng isang bagong awit.+
Aawit ako ng mga papuri* sa iyo, sa saliw ng instrumentong may 10 kuwerdas,
10 Sa iyo na nagbibigay ng tagumpay* sa mga hari+
At nagliligtas sa lingkod mong si David sa nakamamatay na espada.+
11 Sagipin mo ako at iligtas mula sa kamay ng mga banyaga,
Na nagsisinungaling
At nagtataas ng kanang kamay para sumumpa sa hindi totoo.
12 At ang mga anak naming lalaki ay magiging gaya ng mga batang halaman na mabilis lumaki;
Ang mga anak naming babae ay magiging gaya ng inukit na mga haligi sa mga kanto ng palasyo.
13 Ang mga imbakan namin ay mag-uumapaw sa iba’t ibang uri ng ani;
Ang mga kawan namin sa bukirin ay darami nang libo-libo, nang sampu-sampung libo.
14 Ang mga baka naming buntis ay hindi mapipinsala o makukunan;
Walang maririnig na mga daing sa aming mga liwasan.*
15 Maligaya ang bayan na gayon ang kalagayan!
Maligaya ang bayan na ang Diyos ay si Jehova!+
Papuri ni David.
א [Alep]
ב [Bet]
ג [Gimel]
ד [Dalet]
4 Pupurihin ng lahat ng henerasyon ang mga gawa mo;
Sasabihin nila ang tungkol sa iyong makapangyarihang mga gawa.+
ה [He]
5 Ihahayag nila ang maluwalhating karilagan ng iyong kadakilaan+
At bubulay-bulayin ko ang kamangha-mangha mong mga gawa.
ו [Waw]
ז [Zayin]
7 Mag-uumapaw sila sa pasasalamat habang inaalaala ang saganang kabutihan mo,+
At hihiyaw sila sa kagalakan dahil sa iyong katuwiran.+
ח [Het]
ט [Tet]
י [Yod]
כ [Kap]
11 Ihahayag nila ang kaluwalhatian ng iyong paghahari,+
At magsasalita sila tungkol sa iyong kalakasan,+
ל [Lamed]
12 Para ipaalám sa mga tao ang makapangyarihan mong mga gawa+
At ang maluwalhating karilagan ng iyong paghahari.+
מ [Mem]
ס [Samek]
ע [Ayin]
פ [Pe]
צ [Tsade]
ק [Kop]
ר [Res]
19 Ibinibigay niya ang naisin ng mga natatakot sa kaniya;+
Dinirinig niya ang paghingi nila ng tulong, at inililigtas niya sila.+
ש [Shin]
20 Binabantayan ni Jehova ang lahat ng umiibig sa kaniya,+
Pero ang lahat ng masasama ay lilipulin niya.+
ת [Taw]
21 Pupurihin ng aking bibig si Jehova;+
Purihin nawa ng lahat ng nabubuhay* ang banal na pangalan niya magpakailanman.+
Pupurihin ko si Jehova nang buo kong pagkatao.+
2 Pupurihin ko si Jehova sa buong buhay ko.
Aawit ako ng mga papuri* sa aking Diyos hangga’t nabubuhay ako.
4 Ang hininga* niya ay nawawala, bumabalik siya sa lupa;+
Sa araw ding iyon ay naglalaho ang pag-iisip niya.+
5 Maligaya ang humihingi ng tulong sa Diyos ni Jacob,+
At umaasa kay Jehova na kaniyang Diyos,+
6 Ang Maylikha ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat ng naroon,+
Ang Diyos na laging tapat,+
7 Ang nagbibigay ng katarungan sa mga dinaraya,
Ang nagbibigay ng tinapay sa gutom.+
Pinalalaya ni Jehova ang mga bilanggo.*+
8 Idinidilat ni Jehova ang mga mata ng mga bulag;+
Itinatayo ni Jehova ang mga nakayukod;+
Iniibig ni Jehova ang mga matuwid.
9 Pinoprotektahan ni Jehova ang mga dayuhan sa lupain;
Tinutulungan niya ang batang walang ama at ang biyuda,+
Pero binibigo niya ang plano ng masasama.+
Purihin si Jah!*
3 Pinagagaling niya ang mga may pusong nasasaktan;
Tinatalian niya ang mga sugat nila.
5 Ang Panginoon natin ay dakila at napakamakapangyarihan;+
Hindi masusukat ang lawak ng kaniyang kaunawaan.+
7 Umawit kayo kay Jehova nang may pasasalamat;
Umawit kayo ng mga papuri sa ating Diyos sa saliw ng alpa.
8 Tinatakpan niya ng mga ulap ang langit;
Nagpapaulan siya sa lupa;+
Nagpapasibol siya ng damo+ sa mga bundok.
10 Hindi siya nalulugod sa lakas ng kabayo;+
At hindi siya napahahanga ng malalakas na binti ng tao.+
11 Nalulugod si Jehova sa mga natatakot sa kaniya,+
Sa mga naghihintay sa kaniyang tapat na pag-ibig.+
12 Luwalhatiin mo si Jehova, O Jerusalem.
Purihin mo ang iyong Diyos, O Sion.
13 Pinapatibay niya ang mga halang ng mga pintuang-daan ng lunsod mo;
Pinagpapala niya ang mga anak mo.
15 Ipinadadala niya sa lupa ang kaniyang utos;
Mabilis na tumatakbo ang kaniyang salita.
17 Nagpapabagsak siya ng mga yelo* na gaya ng mga piraso ng tinapay.+
Sino ang makatatagal sa lamig niya?+
18 Isinusugo niya ang kaniyang salita, at natutunaw ang mga ito.
Pinahihihip niya ang kaniyang hangin,+ at umaagos ang tubig.
Purihin si Jehova mula sa langit;+
Purihin siya sa kaitaasan.
2 Purihin ninyo siya, kayong lahat na mga anghel niya.+
Purihin ninyo siya, kayong buong hukbo niya.+
3 Purihin ninyo siya, kayong araw at buwan.
Purihin ninyo siya, kayong lahat na nagniningning na bituin.+
7 Purihin ninyo si Jehova mula sa lupa,
Kayong malalaking hayop sa dagat at lahat ng malalalim na karagatan,
8 Kayong kidlat at yelo,* niyebe at makapal na ulap,
Ikaw na malakas na hangin, na tumutupad sa salita niya,+
9 Kayong mga bundok at kayong lahat na mga burol,+
Kayong namumungang mga puno at kayong lahat na mga sedro,+
10 Kayong maiilap na hayop+ at kayong lahat na maaamong hayop,
Kayong gumagapang na mga nilikha at mga ibong may pakpak,
11 Kayong mga hari sa lupa at kayong lahat na mga bansa,
Kayong matataas na opisyal at kayong lahat na mga hukom sa lupa,+
12 Kayong mga binata at mga dalaga,*
Kayong matatandang lalaki at mga kabataan.*
13 Purihin nawa nila ang pangalan ni Jehova,
Dahil ang pangalan lang niya ang di-maabot sa kataasan.+
Ang dangal niya ay mas mataas sa lupa at langit.+
14 Palalakasin niya ang* kaniyang bayan,
Para sa kapurihan ng lahat ng tapat sa kaniya,
Ng mga anak ni Israel, ang bayang malapít sa kaniya.
Purihin si Jah!*
2 Magsaya nawa ang Israel sa kaniyang Dakilang Maylikha;+
Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
3 Purihin nawa nila ang kaniyang pangalan nang may sayawan+
At umawit sila ng mga papuri* sa kaniya, sa saliw ng tamburin at alpa.+
4 Dahil nalulugod si Jehova sa bayan niya.+
Pinararangalan* niya ang maaamo sa pamamagitan ng pagliligtas sa kanila.+
5 Magsaya nawa ang mga tapat dahil sa kanilang kaluwalhatian;
Humiyaw nawa sila nang may kagalakan sa kanilang mga higaan.+
6 Umawit nawa sila ng papuri sa Diyos,
At humawak nawa sila ng espadang magkabila ang talim,
7 Para maglapat ng paghihiganti sa mga bansa
At ng parusa sa mga bayan,
8 Para ikadena ang kanilang mga hari
At gapusin ng bakal na tanikala ang mga prominente sa kanila,
Ang karangalang ito ay para sa lahat ng tapat sa kaniya.
Purihin si Jah!*
Purihin ang Diyos sa kaniyang banal na lugar.+
Purihin siya sa kalangitan na katibayan ng kaniyang lakas.+
2 Purihin siya dahil sa makapangyarihan niyang mga gawa.+
Purihin siya dahil napakadakila niya.+
3 Purihin siya ng tunog ng tambuli.+
Purihin siya gamit ang instrumentong de-kuwerdas at ang alpa.+
4 Purihin siya ng tamburin+ at ng paikot na sayaw.
Purihin siya gamit ang mga instrumentong de-kuwerdas+ at ang plawta.*+
5 Purihin siya ng taginting ng mga simbalo.*
Purihin siya ng malakas na tunog ng mga simbalo.+
6 Ang lahat ng humihinga—purihin nila si Jah.
O “ay binubulay-bulay niya.”
O “nagbubulay-bulay.”
O “magkakasamang nagplano.”
O “Kristo.” Lit., “pinahiran.” Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”
O “Makinig kayo sa babala.”
Lit., “Halikan.”
Lit., “siya.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “ng maluwang na espasyo para sa akin.”
O “natatangi.”
Tingnan sa Glosari.
O “mga taong nagpapadanak ng dugo.”
O “santuwaryo.”
Tingnan sa Glosari.
O “maaalaala.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “pinalalangoy ko ang higaan ko.”
O “Tumanda.”
O posibleng “Samantalang pinaligtas ko ang lumalaban sa akin.”
Lit., “sa mga bato.”
O “nagpupukol ang Diyos ng mga pagtuligsa.”
O “Aawit ako at tutugtog para.”
Tingnan sa Glosari.
O posibleng “Inihahayag sa kalangitan ang kaluwalhatian mo!”
Lit., “mga daliri.”
O “anghel.”
Tingnan sa Glosari.
O “Aawit ako at tutugtog para.”
O “mabungang lupain.”
O “magiging mataas at ligtas na lugar.”
Lit., “lambat.”
Tingnan sa Glosari.
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O posibleng “Pinupuri ng sakim ang sarili niya.”
O “susuray.”
O “palumpong.”
O “sa malalakas niyang kuko.”
Lit., “iangat mo ang kamay mo.”
O “sa ulila.”
O “pundasyon ng katarungan.”
O “nagniningning.”
O posibleng “nagbabagang mga uling.”
Dito, ang salitang “asupre” ay tumutukoy sa isang uri ng bato na nag-aapoy.
O “Pagpapalain niya ang mga tapat.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “Nagsasalita sila nang may madulas na labi.”
Lit., “nang may isang puso at isang puso.”
O posibleng “tunawang hurno na nasa lupa.”
O “dahil napakabuti niya sa akin.”
O “lumalakad nang may katapatan.”
O “hinihiya.”
Lit., “sumpa niya.”
O “susuray.”
Tingnan sa Glosari.
O “ng kaibuturan ng aking damdamin.” Lit., “ng aking mga bato.”
O “susuray.”
Lit., “ang aking kaluwalhatian.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O posibleng “hahayaang mabulok.”
Lit., “mukha.”
O “Yumuko ka at makinig sa akin.”
O “Nababalot sila ng sariling taba.”
O “sistemang.”
O “na ang mana ay nasa buhay na ito.”
O “makita ang iyong anyo.”
Tingnan sa Glosari.
O “at aking makapangyarihang tagapagligtas.”
O “aking mataas at ligtas na lugar.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “hangin.”
O “graniso.”
O “ang mga lagusan ng tubig.”
O “maluwang.”
O “walang-sala.”
O “batas.”
O “walang-sala.”
O “pagiging walang-sala.”
O “nagdurusa.”
Lit., “ang mapagmataas na mga mata.”
Lit., “mahigpit na nagbibigkis.”
O “Ibibigay mo sa akin ang likod ng mga kaaway ko.”
Lit., “patatahimikin.”
O “Maglalaho.”
O “At aawit ako at tutugtog para sa.”
O “Nagbibigay siya ng malalaking tagumpay.”
Lit., “pinahiran.”
Lit., “sa binhi.”
O posibleng “pising panukat.”
O “mabungang lupain.”
O “dinalisay na.”
O “maraming.”
Lit., “At ituring na taba.”
Lit., “pinahiran.”
O “mga tagumpay.”
O “karo.”
O “dinalisay na.”
Lit., “mukha.”
O “susuray.”
Lit., “ang bunga.”
Lit., “mukha nila.”
Lit., “bagting ng pana.”
Lit., “Aawit kami at tutugtog para.”
Posibleng isang himig o istilo ng musika.
O “napahiya.”
Lit., “Inihagis.”
Sa Ingles, wax.
Lit., “Ang kaisa-isa ko,” na tumutukoy sa buhay niya.
Lit., “kamay.”
Lit., “Kayong binhi.”
Lit., “kayong binhi.”
Lit., “Mabuhay nawa ang puso mo.”
Lit., “matataba.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “ang isang binhi.”
O posibleng “sa tahimik na katubigan.”
Lit., “ng mesa.”
O “Pinaginhawa.”
Lit., “walang-sala ang mga kamay.”
O “Aking buhay.” Tumutukoy sa buhay ni Jehova na ginagamit ng isa sa panunumpa.
O “At ng katarungan mula sa.”
Lit., “Tumaas.”
O “Na mula pa noong unang panahon.”
Lit., “ng binhi.”
Lit., “lambat.”
Lit., “tubusin.”
O “namuhay.”
O “ang kaibuturan ng aking damdamin.” Lit., “ang aking mga bato.”
Lit., “umuupong kasama ng.”
Lit., “umuupong kasama nila.”
O “nagpapadanak ng dugo.”
O “mamumuhay.”
Lit., “Tubusin.”
Lit., “pagtitipon.”
Lit., “Hindi matatakot ang puso ko.”
O “pagbubulay-bulay.”
O “santuwaryo.”
O “Ngayon ay mas mataas ang ulo ko kaysa sa.”
O “Aawit ako at tutugtog para.”
Lit., “ang aking mukha.”
Lit., “hahanapin ko ang iyong mukha.”
O posibleng “Talagang nananampalataya ako na makikita ko ang kabutihan ni Jehova sa lupain ng mga buháy.”
O “libingan.”
Lit., “mga nagsasalita ng kapayapaan.”
Lit., “pinahiran.”
O “Sumamba.”
O posibleng “dahil sa karilagan ng kabanalan niya.”
Malamang na ang bulubundukin ng Lebanon.
O “batang baka.”
O “karagatan sa langit.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “libingan.”
O “Umawit kayo at tumugtog para.”
Lit., “alaala.”
O “kabutihang-loob.”
O “susuray.”
Lit., “dugo.”
O “libingan.”
O “ang kaluwalhatian ko.”
O “Yumuko ka at makinig sa akin.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
O “na tapat na Diyos.”
O “maluwang.”
O “isip.”
Lit., “mga panahon.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “Mula sa pang-aaway ng mga dila.”
Tingnan sa Glosari.
O “pinatawad.”
O “ay hindi ka nalulugod.”
Anak ng kabayo at asno.
O “Umawit kayo at tumugtog para.”
O “hininga.”
Lit., “lahat ng hukbo nila.”
Lit., “mabungang lupain.”
O “panukala.”
O “kaisipan.”
Lit., “kaisipan ng puso.”
O “hindi makapagbibigay ng tagumpay.”
Lit., “Tikman ninyo at tingnan na si Jehova ay mabuti.”
Lit., “ang mukha ni Jehova.”
Lit., “mga wasak ang espiritu.”
O “kapahamakan.”
Maliit na kalasag na karaniwang dala ng mga mamamanà.
O “palakol na kabilaan ang talim.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Pag-aayuno.”
O “nang bumalik sa dibdib ko.”
O posibleng “Nanghahamak ang mga di-makadiyos para sa isang piraso ng tinapay.”
Lit., “Ang kaisa-isa ko,” na tumutukoy sa buhay niya.
O “magbubulay-bulay.”
Lit., “tulad ng mga bundok ng Diyos.”
O “Inililigtas.”
Lit., “sa katabaan ng.”
O “mainis; mag-init.”
O “lupain.”
Lit., “Igulong.”
O “tiyaga.”
O posibleng “Huwag kang mayamot, dahil hahantong lang ito sa kapahamakan.”
O “nilalagyan ng bagting.”
Lit., “mga araw.”
O “nagpapakita ng kabaitan.”
O “Pinatatatag.”
O “gamit ang kamay Niya.”
O “pagkain.”
O “ay pabulong na bumibigkas ng karunungan.”
O “ang nananatiling tapat.”
O “lumalabag sa kautusan.”
Lit., “Walang malusog na bahagi sa laman ko.”
Lit., “Walang kapayapaan sa mga buto ko.”
Lit., “Nag-iinit nang husto ang balakang ko.”
O “Napaungal ako.”
Lit., “nawala na ang liwanag ng mga mata ko.”
Lit., “buháy.”
O posibleng “Pero marami ang umaaway sa akin nang walang dahilan.”
Tingnan sa Glosari.
O “tumindi.”
Lit., “Uminit.”
O “nagbubuntonghininga.”
O “kung gaano kabilis akong mawala.”
O “ang buhay ng bawat tao ay gaya ng anino.”
Lit., “Gumagawa siya ng ingay.”
O “tangà,” isang insekto na kumakain ng tela.
O “Isang nakikipamayan.”
O “Matiyaga akong naghintay.”
O “yumuko siya para makinig sa akin.”
O “kinalugdan.”
Lit., “Dumating.”
Lit., “balumbon ng aklat.”
O “gusto.”
O “mahina.”
Lit., “ang puso nito.”
Lit., “Na dating kumakain ng tinapay ko, ay nagtaas ng sakong niya laban sa akin.”
O “Mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas.”
Tingnan sa Glosari.
O “Dahan-dahan.”
O “sa maliit na bundok.”
O posibleng “na parang dinudurog ang mga buto ko.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “Mag-utos.”
O “ng dakilang pagliligtas.”
O “sa halagang itinakda mo sa kanila.”
Lit., “isang kasabihan.”
Lit., “Tubusin.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “mga gawa.”
O “eskriba.”
Lit., “magtuturo sa iyo.”
O “katarungan.”
Sa Ingles, ivory.
Lit., “Ang mukha mo ay palalambutin.”
Lit., “Sa loob.”
O posibleng “damit na may burda.”
O “bilang mga prinsipe.”
Tingnan sa Glosari.
O “ating mataas at ligtas na lugar.”
O posibleng “ang mga kalasag.”
O “sungay ng lalaking tupa; trumpeta.”
O “Umawit kayo at tumugtog para.”
Lit., “kalasag.”
O “isang mataas at ligtas na lugar.”
O “Nagkita-kita ayon sa pinagkasunduan.”
Lit., “anak na babae.”
O “ang matitibay na pader.”
O posibleng “Papatnubayan niya tayo hanggang kamatayan.”
O “sistemang ito.”
Lit., “Ang mga anak ng sangkatauhan at ang mga anak ng tao.”
Lit., “pagkakamali.”
O “libingan.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “kamay.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “Ang Banal na Diyos.”
O “Mula sa silangan hanggang sa kanluran.”
O “lalaking kambing.”
O “tagubilin.”
Lit., “itinatapon sa likuran mo.”
O posibleng “sumasama.”
O “Sinisiraan mo ang.”
O “isip.”
Lit., “sa iyo lang.”
O “burahin.”
Lit., “espiritu.”
Lit., “Alalayan mo nawa ako ng isang nagkukusang espiritu.”
Lit., “isang wasak na espiritu.”
O “hahamakin.”
Tingnan sa Glosari.
O “hindi ginawang tanggulan ang.”
O “nanganlong.”
Lit., “sa mga kapighatiang dulot niya.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
O posibleng “Takot kahit walang dapat katakutan.”
Lit., “nagkakampo laban.”
Tingnan sa Glosari.
O “ipaglaban mo ang usapin ko.”
Lit., “patahimikin.”
Tingnan sa Glosari.
O “huwag kang magtago kapag nananalangin ako para sa tulong.”
Lit., “hatiin mo ang dila nila.”
O “plaza.”
O “kapantay.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “maingay.”
Lit., “Tutubusin.”
Ang dating kaibigan na binanggit sa tal. 13 at 14.
Lit., “malambot.”
O “sumuray.”
Tingnan sa Glosari.
O “sinasakmal.”
O “sinasakmal.”
Lit., “laman.”
Tingnan sa Glosari.
O “sumasakmal.”
Lit., “kaluwalhatian.”
O “Aawit ako at tutugtog para.”
Tingnan sa Glosari.
O “ay masama na.”
Lit., “mula pa sa sinapupunan.”
O “matinik na halaman.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “ang bahay.”
O “mga uhaw sa dugo.”
O “Tumatahol.”
O “bumubukal.”
O “aking mataas at ligtas na lugar.”
O “Tumahol.”
O “aawit ako at tutugtog.”
Tingnan sa Glosari.
O posibleng “Binigyan.”
O posibleng “Nagsalita ang Diyos sa kaniyang banal na lugar.”
O “Mababang Kapatagan.”
Lit., “tanggulan.”
O posibleng “sa napapaderang lunsod.”
O “nanghihina.”
Lit., “Daragdagan mo ng mga araw ang mga araw.”
O “Maninirahan siya.”
O “aawit ako at tutugtog para.”
Tingnan sa Glosari.
O “aking mataas at ligtas na lugar.”
O posibleng “Lahat kayo, na para bang isa siyang tagilid na pader.”
Lit., “ituon ang puso.”
Lit., “ang laman ko.”
O “Binubulay-bulay.”
O “sa mga yugto ng pagbabantay sa gabi.”
O “asong-gubat,” na sa Ingles ay fox.
O “magmamalaki.”
O “Hinihimok nila ang isa’t isa na gumawa ng masama.”
O “magmamalaki.”
Lit., “lahat ng laman.”
O “santuwaryo.”
Lit., “niya.”
Lit., “siya.”
Lit., “niya.”
Lit., “tanda.”
Lit., “nag-uumapaw.”
Lit., “butil.”
Makitid na hukay sa inararong lupa.
Lit., “tumutulo sa katabaan.”
Lit., “tumutulo.”
O “mababang kapatagan.”
Lit., “butil.”
O “Umawit kayo at tumugtog para.”
O “sumuray.”
Lit., “ang balakang namin.”
Lit., “ang ulo namin.”
Lit., “ng dila.”
O “magpaparangal.”
Sa Ingles, wax.
O “umawit kayo at tumugtog para.”
O posibleng “sa mga ulap.”
Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
Lit., “hukom.”
O “mapagrebelde.”
Lit., “Tumulo ang.”
Lit., “mana.”
O posibleng “mga kulungan ng tupa.”
O “manilaw-nilaw na berdeng.”
O “Parang umulan.”
O “ay maringal na bundok.”
O “gusto.”
O “Soberanong.”
Lit., “mabuhok na tuktok ng ulo.”
O “namumuno.”
O “batang baka.”
O posibleng “na tumatapak sa.”
O posibleng “Darating ang mga embahador.”
O “Umawit kayo at tumugtog para.”
Lit., “mga ulap.”
Lit., “iyong.”
O “Ang mga umaaway sa akin nang walang dahilan.”
O posibleng “umiyak.”
Lit., “Naging kasabihan nila ako.”
O “balon.”
O “at malapit na akong sumuko.”
O “nakalalasong halaman.”
O “napapaderang kampo.”
O “aklat ng buhay.”
Ang lupain.
O “Yumuko ka at pakinggan mo ako.”
O “para mabilang.”
Lit., “bisig.”
O “malalim na katubigan.”
O “Aawit ako at tutugtog para.”
O “tinubos.”
O “bubulay-bulayin.”
Lit., “Hatulan.”
Lit., “sisibol.”
O “Mamamahala siya.”
Eufrates.
Tingnan sa Glosari.
O “Tutubusin.”
O “Makakuha.”
O “nagyayabang.”
O “Malalaki ang tiyan.”
Lit., “katabaan.”
Lit., “henerasyon ng mga anak.”
Lit., “Gayon mo hahamakin ang larawan nila.”
Lit., “mga bato.”
Lit., “Patatahimikin.”
O “gumagawi nang imoral at umiiwan.”
O “Soberanong.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “umuusok.”
Lit., “kapulungan mo.”
O “sa mga tupi ng damit mo.”
Tingnan sa Glosari.
O “tanglaw.”
Lit., “matunaw.”
Lit., “itaas ang sungay.”
Lit., “itaas ang sungay.”
O “Aawit ako at tutugtog para.”
Lit., “Puputulin ko ang sungay.”
Lit., “itataas ang sungay.”
O “Nababalutan ka ng.”
Ibig sabihin, namatay.
Ibig sabihin, namatay.
Lit., “ang espiritu ng mga pinuno.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “nang hindi namamanhid.”
O “musika para sa instrumentong de-kuwerdas.”
Lit., “Nagbago na sa atin ang kanang kamay ng.”
Lit., “bisig.”
Lit., “tinubos.”
O “mabungang lupain.”
Lit., “Sa pamamagitan ng kamay.”
Tingnan sa Glosari.
O “tagubilin.”
Lit., “handa.”
Lit., “Sinubok.”
O “anghel.”
O “Tagapaghiganti.”
Lit., “Tinatakpan.”
O posibleng “Na nawawala ang puwersa ng buhay at hindi na bumabalik.” Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
O “pinalungkot.”
Lit., “kamay.”
Lit., “tubusin.”
Mga Ehipsiyo.
Lit., “lamunin.”
O “graniso.”
O posibleng “binigyan niya ng nag-aapoy na lagnat.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “sinubok.”
O “paninibugho.”
Lit., “hindi pinuri.”
Lit., “Itinayo niya ang santuwaryo niya gaya ng kaitaasan.”
Si David.
Lit., “takpan.”
Lit., “bisig.”
O posibleng “para palayain ang.”
Lit., “ang mga anak ng kamatayan.”
O posibleng “pagitan.”
O “Ipakita mo ang iyong kaningningan.”
Eufrates.
O “pinakakatawan ng punong ubas.”
O “sanga.”
Lit., “ng iyong mukha.”
Tingnan sa Glosari.
O posibleng “isang wika na hindi ko naiintindihan:”
Lit., “sa lihim na lugar ng kulog.”
Ibig sabihin, “Pakikipag-away.”
Lit., “Lumakad sila sa mga panukala nila.”
Lit., “panahon.”
Lit., “pakakainin niya siya.” Ang “siya” ay tumutukoy sa bayan ng Diyos.
Lit., “ng taba.”
O “sa kapulungan ng Diyos.”
O “tulad-diyos.”
O “Hatulan.”
O “tulad-diyos.”
O “nagtataas ng ulo nila.”
Lit., “itinago.”
Lit., “Nagsanggunian sila nang may puso.”
O “Gumawa sila ng tipan.”
Lit., “Ang mga tolda ng Edom at ng mga Ismaelita.”
Lit., “Naging bisig sila ng.”
O “wadi.”
O “ang mga pinuno.”
Lit., “Punuin.”
Tingnan sa Glosari.
O “Mahal na mahal ko ang.”
O “lambak ng mga halamang baca.”
O posibleng “At dinaramtan ng tagapagturo ang sarili niya ng mga pagpapala.”
O posibleng “Tingnan mo ang kalasag namin, O Diyos.”
Lit., “pinahiran.”
Lit., “Tinakpan.”
O “kasaganaan.”
O “Yumuko ka at makinig.”
O “Pagkaisahin mo ang puso ko na matakot sa pangalan mo.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “At hindi ka nila inilalagay sa harap nila.”
O “magandang-loob.”
O “katotohanan.”
O “katibayan.”
O “kumikilala.”
O “Para sa akin, ikaw ang pinagmumulan ng lahat ng bagay.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari.
O “Yumuko ka at makinig sa.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “libingan.”
O “Ako ay naging gaya ng lalaking walang lakas.”
Lit., “kamay.”
O “Sa Abadon.”
O posibleng “nang sabay-sabay.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “iyong binhi.”
O “lumikha.”
Lit., “ay naitataas ang sungay namin.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “ay itataas ang sungay niya.”
O “Bibigyan ko siya ng awtoridad sa.”
Lit., “binhi.”
O “hatol.”
O “pagrerebelde.”
Lit., “binhi.”
Lit., “pinahiran.”
O “diadema.”
O “kaniyang tirahan.”
Lit., “Itinaas mo ang kanang kamay ng.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “sa kamay ng Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “Ang pagdadala ko sa dibdib ng.”
Lit., “pinahiran.”
O posibleng “kanlungan.”
O “isilang nang may kirot ng panganganak.”
O “Alam mo.”
O “buntonghininga.”
O “Itatag mo nawa nang matibay.”
O “Itatag mo nang matibay.”
O “tanggulan.”
O “Ipagsasanggalang.”
O “at tanggulan.”
Lit., “ginagantihan.”
O posibleng “tanggulan; kanlungan.”
O “kinikilala.”
O “umawit at tumugtog para.”
Lit., “itataas mo ang sungay ko gaya ng sa.”
O “Kahit maputi na ang buhok.”
Lit., “mataba.”
O “mabungang lupain.”
O “mayayanig.”
O “Wala kang pasimula.”
O “angkop ang kabanalan sa.”
Lit., “Nanirahan na ako sa katahimikan.”
O “mga tagapamahala; mga hukom.”
Lit., “At ang dugo ng inosente ay ipinahahayag nilang nagkasala (masama).”
O “magiging mataas at ligtas na lugar.”
Lit., “Patatahimikin.”
Lit., “Patatahimikin.”
Lit., “tupa ng kamay niya.”
Ibig sabihin, “Pakikipag-away.”
Ibig sabihin, “Pagsubok.”
O “Sumamba.”
O posibleng “dahil sa karilagan ng kabanalan niya.”
O “mabungang lupain.”
O “mayayanig.”
O “Ipaglalaban niya ang usapin ng bayan ayon sa katuwiran.”
O “dumating na.”
O “mabungang lupain.”
Sa Ingles, wax.
O “Sumamba.”
Lit., “anak na babae.”
O “kapangyarihan.”
Lit., “alaala.”
O “nagbigay sa kaniya ng tagumpay.”
O “tagumpay.”
O “at umawit at tumugtog.”
O “Umawit kayo at tumugtog para.”
O “mabungang lupain.”
O “dumating na.”
O “mabungang lupain.”
O posibleng “pagitan.”
O “sumamba.”
Lit., “naghiganti ka sa kanila.”
O “sumamba.”
O “Kilalanin.”
O posibleng “at hindi tayo.”
O “aawit ako at tutugtog para sa iyo.”
O “at katapatan.”
Lit., “Hindi ako maglalagay sa harap ng mga mata ko ng.”
O “na kasuklam-suklam.”
Lit., “aalamin.”
O “pupuksain.”
O “nang tapat.”
Lit., “sa harap ng mga mata ko.”
O “pupuksain.”
O “noong nanghihina siya.”
O “Yumuko ka at makinig sa akin.”
O “Sa lakas ng pagdaing ko.”
O posibleng “Nangangayayat ako.”
O “mga taong ginagawa akong katatawanan.”
O “humahaba.”
O “pangalan.” Lit., “alaala.”
Lit., “lalalangin.”
O “Binabawi.”
O “libingan.”
O “magandang-loob.”
O “maibiging-kabaitan.”
Lit., “At hindi na ito kilala ng lugar nito.”
O “mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas.”
Lit., “sa tinig (tunog) ng salita niya.”
O “na nasa ilalim ng soberanya niya.”
Lit., “sa tubig.”
Lit., “mga espiritu.”
O “Hindi ito mayayanig.”
O “wadi.”
Sa Ingles, stork.
Kuneho sa batuhan.
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
O “nalilikha.”
O “Aawit ako at tutugtog para.”
O posibleng “Maging kalugod-lugod nawa ang pagbubulay-bulay ko tungkol sa kaniya.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “umawit kayo at tumugtog para.”
O posibleng “Isalaysay.”
O “presensiya.”
O “inapo.” Lit., “Kayong binhi.”
Lit., “salitang iniutos.”
Lit., “pinahiran.”
Lit., “Binali niya ang bawat tungkod ng tinapay.” Posibleng tumutukoy sa mga tungkod na pinagsasabitan ng tinapay.
Lit., “Sinaktan nila ng kadena.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “Para igapos ang.”
Mga Ehipsiyo.
Isang maliit na insekto na karaniwan sa Ehipto at nangangagat na gaya ng lamok.
O “graniso.”
O “nagliliyab na apoy.”
Lit., “kanila.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “naintindihan.”
O “ilang.”
O “natira.”
O “batang baka.”
Lit., “ay tumayo sa puwang sa harap niya.”
Patay na mga tao o walang-buhay na mga diyos.
Ibig sabihin, “Pakikipag-away.”
Lit., “Pinapait nila ang espiritu niya.”
O “natuto ng.”
O “Nagkasala sila ng espirituwal na prostitusyon.”
Lit., “kamay.”
O “sagana.”
O “Mula sa panahong walang pasimula hanggang sa panahong walang wakas.”
O “Mangyari nawa!”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “tinubos.”
O “kapangyarihan.”
O “mula sa sikatan at mula sa lubugan ng araw.”
Lit., “upuan.”
O “itinataas,” ibig sabihin, hindi maaabot.
Lit., “Maging ang kaluwalhatian ko ay.”
O “aawit ako at tutugtog para.”
O posibleng “Nagsalita ang Diyos sa kaniyang banal na lugar.”
O “Mababang Kapatagan.”
Lit., “tanggulan.”
O “nakukutaang.”
O “nag-aakusa.”
O “masama.”
Lit., “anak na lalaki.”
Lit., “anak na lalaki.”
O “Mag-umang nawa ng bitag ang usurero para sa.”
O “tapat na pag-ibig.”
O “tapat na pag-ibig.”
Lit., “Pumayat ang laman ko, walang taba (langis).”
O “damit na walang manggas.”
O “pakilusin.”
O “hindi niya ito ikalulungkot.”
O “hatol sa gitna ng.”
Lit., “ulo.”
O “ng buong lupa.”
Tumutukoy sa “Panginoon ko” sa tal. 1.
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “magandang-loob.”
O “May matibay na saligan.”
Lit., “sa mga iyon.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “magandang-loob.”
O “taong nagpapahiram nang may kagandahang-loob.”
O “nang sagana.”
Lit., “Ang sungay niya ay itataas sa kaluwalhatian.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “nakaupo sa trono.”
O posibleng “mula sa tambakan ng basura.”
Lit., “anak na lalaki.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “banal na lugar.”
O “batang tupa.”
O “Walang anumang nararapat sa amin, O Jehova, walang anumang nararapat sa amin.”
Lit., “anak na lalaki.”
Lit., “sinumang bumababa sa katahimikan.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O posibleng “Nagmamahal ako dahil dinirinig ni Jehova.”
O “yumuyuko siya para makinig.”
Lit., “sa mga araw ko.”
Lit., “Natagpuan ako ng mga kabagabagan ng Sheol.”
O “magandang-loob.”
O “dakilang pagliligtas.”
Lit., “Napakalaki ng halaga.”
O “bakuran.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “angkan.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “maluwang.”
O posibleng “at kasama ng mga tumutulong sa akin.”
O posibleng “Itinulak mo ako.”
O “kaligtasan.
Lit., “naging ulo ng kanto.” Tingnan sa Glosari.
O “ang mga nananatiling tapat.”
Lit., “O kung matibay sanang nakatatag ang mga daan ko.”
O “Pag-aaralan.”
Lit., “Igulong mo palayo.”
O “Pinag-aaralan.”
O “salita.”
Lit., “daan.”
O “mapag-aralan.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “salita.”
O “mapahiya.”
Lit., “Tatakbo ako sa daan ng.”
O posibleng “binibigyan mo ng lakas ng loob ang puso ko.”
O “Palakarin.”
O “salita.”
O posibleng “Na ipinangako mo sa mga natatakot sa iyo.”
Tingnan sa Glosari.
O “salita.”
O “naghihintay.”
O “maluwang.”
O “pag-aaralan.”
O “pangako.”
O “Na ipinahintay mo sa akin.”
O “Sa bahay na tinitirhan ko bilang dayuhan.”
Lit., “Pinalalambot ko ang mukha mo.”
O “salita.”
O “salita.”
O “nagkakasala ako nang hindi sinasadya.”
Lit., “Walang pakiramdam, gaya ng taba.”
O “Dahil hinihintay ko ang salita mo.”
O “salita.”
O posibleng “Dahil nililinlang nila ako.”
O “pag-aaralan.”
O “Dahil hinihintay ko ang salita mo.”
O “salita.”
Ang lahat ng nilalang niya.
Lit., “ay napakalawak.”
O “Pinag-aaralan.”
O “pinag-aaralan.”
O “salita.”
Lit., “sa kusang-loob na mga handog ng bibig ko.”
O “ay mana ko magpakailanman.”
Lit., “Ikiniling ko ang puso ko sa.”
O “Dahil hinihintay ko ang salita mo.”
O “ayon sa salita mo.”
Ang salitang Hebreo ay tumutukoy sa duming humihiwalay sa metal kapag tinunaw.
Lit., “laman.”
O “salita.”
O “dinalisay na.”
O “utos.”
Lit., “Ibinuka kong mabuti ang bibig ko at humingal ako.”
Lit., “Ayon sa hatol mo.”
O “Patatagin.”
Lit., “Tubusin.”
O “Ngumiti ka.”
Tingnan sa Glosari.
O “Dahil hinihintay ko ang mga salita mo.”
O “mapag-aralan.”
O “kasuklam-suklam.”
O “ang kaso ko.”
O “ayon sa salita mo.”
O “ayon sa salita mo.”
Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “at ano ang idaragdag Niya sa iyo?”
O “sumuray.”
Lit., “Babantayan ni Jehova ang paglabas at pagpasok mo.”
Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “matitibay na pader.”
Lit., “Ang tulong para sa atin.”
O “Para hindi gamitin ng mga matuwid ang kamay nila sa masama.”
O “ibalik mo.”
O “ng mga wadi sa timog.”
Makitid na hukay sa inararong lupa.
O “tinatandaan.”
Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
Lit., “ay katakutan.”
O “salita.”
O “sarili.”
O “Isang maringal na tabernakulo.”
O “maringal na tabernakulo.”
Lit., “italikod ang mukha ng.”
Lit., “pinahiran.”
Lit., “bunga ng sinapupunan.”
Lit., “Doon ay patutubuin ko ang sungay ni.”
Lit., “pinahiran.”
O “diadema.”
O posibleng “sa santuwaryo.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “bakuran.”
O “Umawit kayo at tumugtog para.”
O “minamahal.”
O “singaw.”
O posibleng “agusan.”
O “pangalan.” Lit., “alaala.”
O “usapin ng bayan.”
O “nang may unawa.”
Lit., “unat na.”
Lit., “laman.”
Tumutukoy sa Babilonya.
O posibleng “Matuyot.”
O posibleng “Laban sa ibang diyos, aawit ako at tutugtog para sa iyo.”
O “santuwaryo.”
O posibleng “dinakila mo ang pananalita mo nang higit sa mismong pangalan mo.”
Lit., “Sinusukat.”
O “ay lubhang kamangha-mangha para sa akin.”
O “ay napakalalim para maintindihan ko.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O posibleng “Hinabi.”
O posibleng “binibilang ko pa rin ang mga iyon.”
O “may pagkakasala sa dugo.”
O “ayon sa kaisipan nila.”
O “gumugulo sa isip.”
O “tendensiya.”
O “Sa matubig na mga hukay.”
O “lupain.”
Lit., “ng iyong mukha.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “espiritu.”
Lit., “kumikilala.”
Lit., “Ang bahagi ko.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “ang espiritu ko.”
O “pinag-aaralan.”
Lit., “espiritu.”
O “libingan.”
O “sa lupain ng mga matuwid.”
Lit., “patahimikin.”
O “aking mataas at ligtas na lugar.”
O “iyuko.”
O “mahigpit na hawak.”
Lit., “At ang kanang kamay nila ay kanang kamay ng kasinungalingan.”
O “Aawit ako at tutugtog para.”
O “kaligtasan.”
O “plaza.”
O “kagila-gilalas mong kapangyarihan.”
O “magandang-loob.”
O “sa katotohanan.”
Lit., “laman.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “Aawit ako at tutugtog para.”
O “sa makapangyarihang mga tao.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
Lit., “nakagapos.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “umawit at tumugtog para.”
Lit., “ng taba.”
O “graniso.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
Lit., “mga langit ng mga langit.”
O “nalikha.”
O “graniso.”
Lit., “birhen.”
O “matatanda at mga bata.”
Lit., “Itataas niya ang sungay ng.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “umawit sila at tumugtog para.”
Lit., “Pinagaganda.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “tipano.”
O “pompiyang.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.