Codex Sinaiticus—Ang Katapusan ng Ebanghelyo ni Marcos
Ang Codex Sinaiticus ay isang manuskrito sa makapal na papel na isinulat sa Griego noong ikaapat na siglo C.E. Mababasa roon ang buong Kristiyanong Griegong Kasulatan at bahagi ng Hebreong Kasulatan na isinalin sa Griego na tinatawag na Septuagint. Itinuturing ng mga iskolar ang Codex Sinaiticus na isa sa mga maaasahang batayan ng tekstong Griego sa Bibliya. Ang manuskrito ay iningatan sa St. Catherine’s Monastery sa paanan ng Bundok Sinai hanggang sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Sa ngayon, ang malaking bahagi ng manuskritong ito, kasama na ang nasa larawan, ay iniingatan sa British Library sa London, England. Makikita sa larawang ito ang katapusan ng Ebanghelyo ni Marcos (1) at ang simula ng ulat ni Lucas (2). Sa manuskritong ito at sa kasinghalaga nitong ikaapat-na-siglong manuskrito na tinatawag na Codex Vaticanus, ang ulat ni Marcos ay nagtatapos sa mga pananalitang makikita sa mga Bibliya ngayon sa Marcos 16:8.—Tingnan ang study note sa Mar 16:8.
Credit Line:
© The British Library Board, Add. 43725, f.228
Kaugnay na (mga) Teksto: