Bumalik si Onesimo sa Panginoon Niyang si Filemon
Pagdating ni Onesimo sa bahay ng panginoon niyang si Filemon sa Colosas, may dala siyang liham mula kay apostol Pablo, na nakabilanggo noon sa sarili nitong bahay sa Roma. Bago nito, tumakas si Onesimo papuntang Roma, kung saan siya nakilala ni Pablo at naging Kristiyano. Nang malaman ni Pablo ang ginawa ni Onesimo, pinayuhan niya itong bumalik kay Filemon. Posibleng nag-alala si Onesimo kung ano ang gagawin sa kaniya ni Filemon dahil may legal na karapatan itong parusahan siya nang matindi. Sa liham ni Pablo, pinakiusapan niya si Filemon na tanggapin si Onesimo, hindi lang bilang alipin, kundi bilang kapatid niya sa pananampalataya. (Flm 15-17) Sinabi rin ni Pablo na nagtitiwala siyang gagawin ito ni Filemon. (Flm 21) Ang liham na ito ay kaayon ng lahat ng iba pang bahagi ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, kung saan maraming beses na binanggit na dapat pakitunguhan ng lahat ng Kristiyano ang isa’t isa bilang magkakapatid—anuman ang estado nila sa buhay.—Ro 12:10; 1Co 16:20; Col 4:15; 1Te 4:9, 10.
Kaugnay na (mga) Teksto: